Naka upo ako sa unahan ng Bakulaw na to... Nakakainis tong si Professor Kent, sabihin ba namang si Jungkook tong kumag na to.. Kainis... Oo na mga teh inaamin ko na mag ka mukha talaga sila, ung height, ung katawan, ung ka payatan na talaga namang kuhang kuha niya, at higit sa lahat pareho silang mag Ayos ng buhok ni Jungkook ko, at mag ka kulay na rin ng buhok... may hikaw din sa tenga ang kumag...pero para sa akin mas gwapo ang totoong Jeon Jungkook ko kaysa sa unggoy na'to...At ito namang si Kent, na magiging asawa ko raw na hindi ko naman gusto e, ka mukha ni Taeyung.. wala ding labis at kulang sa height niya mag katulad talaga sila, sa pag aayos ng buhok.. basta kung anong nakita nyo kay Kim Taeyung e ganun si Kent..napa isip ako..di naman siguro nila idolo ang mga member ng BTS group diba, gayang gaya e.. At my Jimin na din si Ranz Mikel Fernandez... at ganun din kung paano niyo i described si Park Jimin ganun din si Ranz..kulang na nga lang ng apat e.. para complete na sila..halata namang di nila ginagaya diba...Hahaha..version ng Pilipinas tong mga to...pero ayoko sa lahat my magiging kamukha ang Jungkook ko lalo na at ito pang unggoy na to ang...ay naku.....
Di ko namalayan na tinawag na pala ang pangalan ko ni Taeyung este ni Kent..
Kita niyo na, kakawento ko sa inyo tungkol sa kanila na yari tuloy ako...
Miss..Dela Fuentes.. are you listening with me??..tanong ni sir Taeyung.. Oo Taeyung dahil yan ang bansag sa kanya ng lahat kahit nga mga kapwa niya professor yan ang tawag sa kanya..
Yes...I'm listening Sir Tae... So please proceed.. sabi ko kay sir Kent....
Are you sure, miss Dela Fuentes??? tanong niya sa akin??
Yes..I- I'm sure.. sagot ko naman kay Sir..
Okay... dahil naman sabi mo ay nakikinig ka, now I have a question?.. sabi niya sa akin..
Okay...proceed... sabi ko sa kanya..
Did you love me???.. tanong niya sa akin..tinginan mga kaklase ko pati narin tong kumag na to nakatingin sa akin na nakakunot kilay...Abay galit yata...
Huh!!??? Gulat kong reaction kay sir Tae..Your not listening, Ms..Dela Fuentes.. ngiting nakakaloko niya sa akin..
Sir... taas kamay naman nitong unggoy na to.... Yes..Mr..Jeon Jungkook... sabi ni Taeyung..
Hindi naman siguro si Miss Dela Fuentes ang ni Lesson mo nyan sa amin diba...?? Taas kilay sagot nitong gorilla to...
Cge kung ganun, ikaw nalang ang tatanungin ko Mr Jeon Jungkook... inis na turan nitong Kent na to...
No need...I already answer your question Taeyung... ako nalang Sasagot sa tanong mo kay Ms..Dela Fuentes..
hindi naman mahirap sagutin e.. sagot niya kay Sir Kent...
Okay Sure...sagot naman ni Kent Taeyung... Hahaha..o diba hindi na Kim Taeyung kundi Kent Taeyung na...
Hindi ka niya mahal Kent Taeyung... madaling sagot diba...hindi ka niya Mahal kaya hindi ka niya masagot.. mahirap bang mabasa yon sa kanya...ang galing naman palang sumagot nitong kumag na'to....
Oppps!!!! paktay na...Taeyung o Jungkook??? sabi ng mga kaklase ko..ayyyy mali may Jimin pa pala na nanahimik... ayun ahh sa gilid singit naman ng isa ko pang kaklase....
Hey..pwede ba kayong dalawa tama na yan, singit ko sa dalawang to...
Tama kayo dahil ang nakuha lang nila kay Taeyung at Jungkook ay ang pangangatawan at mga mukha hindi ang ugali...pero may isa naman na nakuha ang lahat si Ranz nakuha naman niya ang pag ka kalog at pagiging tahimik ni Jimin pero itong dalawang to wala man lang nakuha sa ugali nina Jungkook at Taeyung... Kainis....
Nasa loob tayo ng klase, wala sa palengke okay...at ikaw Mr. Balthazar o ang batang professor sa school, yan ba ang gusto mong matutunan namin ang makipag away...sabi ko kay Kent..at ikaw naman bakulaw ka, ang bastos mo naman para sumagot ng ganyan sa professor mo...sabi ko sa kanya...
Why?? Magkaibigan kami..diba nga siya si Taeyung, at ako naman ang Jungkook ng buhay mo...sagot nitong kumag na to..
Hoy...kahit kailan wala ka sa kalingkingan ni Jungkook.. sabi ko sa kanya sabay upo sa bangko ko...😤😤
Wala na ba talagang ibang gawin tong dalawang to kundi ang mag away...
Natapos na din ang klase ni Kent Taeyung at lumabas na pero bago lumabas tumingin muna siya sa likuran ko, tumingin siya na parang akala moy sing tulis ng kotsilyo dyan sa bahay nyo siguro kong nakakamatay lang ang tingin niyang yan baka kanina pa bulagta tong unggoy na to...ng maka Alis na si Kent..lapitan ang mga kaklase kong bully... at alam nyo kung Anong sabi sa akin..ang sakit mag salita ahh..
Hey..Miss President... are you happy na halos mag patayan na ang mga lalaki sa harap mo??..sabi sa akin ni Ariana..
Tumayo ako sa upuan ko at hinarap ko siya, alam niya kasing hindi ko siya pinapatulan e..pero iba na ngaun dahil lalaban na ako...
Anong sabi mo sa akin Ariana??.. ako masaya??? baka naman inggit ka dahil walang nag kakagusto sayo kahit isa, Meron man pero nilalaro ka at ginagamit lang..inis kong sabi sa kanya...
What did you say??? galit niyang tanong sa akin.... narinig mo naman sinabi ko diba...o gusto mo pang ulitin ko..o baka naman kailangan mo to.. alam nyo kung anong ginawa ko...siguro sasabihin nyong ang sama ko..bahala na basta maka ganti man lang...sinampal ko lang naman siya at tinanong... o, ano, natauhan ka na ba sa sinabi ko o hindi pa o baka gusto mo pa ng isa para pumasok dyan sa kokote mo na walang laman kung anong klase ka talagang babae...wag kang mag malinis sa harap ng iba Ariana dahil sa akin hindi ko makikita ang kalinisan mo sa panlabas kundi ang nakikita ko kong gaano ka karumi sa kabila ng malinis mong pananamit na kahit gaano mo pa itago sa mamahaling Damit hindi maikakaila ang karumihan mong babae...now Ariana, get lost..ang get away of my sight...
Hiyawan mga kaklase ko sa akin dahil lahat sila na bully ni Ariana kaya naka ngiti lahat ng kaklase ko sa akin na waring nag papasalamat sa ginawa ko kay Ariana.. Napahiya ko si Ariana Kaya ayon lumabas ng walang lingon lingon kasunod ang kanyang apat na alipores..
Diba taray lang mga teh...ganyan ako...sana wag kayong magalit sa ginawa ko, kung hindi ko kasi gagawin un panigurado dahil sa pambubully nila may isa na namang estudyante ang mawalan ng buhay dahil sa kanila...kaya dapat lang sa kanya un no....
May namatay kasi akong kaibigan dahil sa kanila...Ang ginawa nila hinubaran ng Damit sa harap ng mga kaklase namin, at dahil sa kahihiyan ayun nagpakamatay ang kaibigan ko... ngaun alam nyo na...