Chereads / The Twin Princess / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

"PABILI po ng kendi! Max po. Limang piso"

Kinuha ni Tasha ang lagayan ng candy sa estante ng munti nilang sari-sari store at kumuha mula doon ng limang pirasong kendi tyaka binigay sa batang bumibili. Pagkakuha niya sa bayad nito ay siya naman pag-alis nito. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa wall at nakita niya na malapit na mag-hapunan.

Dumungaw siya sa pintuan. "Belle!" Pasigaw niyang tinawag ang pangalan ng kambal niya. Kambal niya na hindi kamukhang kamukha. "Belle!"

Pagkaraan ng ilang sandali ay naririnig na niya ang yabag ng paa nito sa hagdan na nagmamadaling bumaba mula sa second floor ng bahay nila.

"Bakit?" Tanong nito.

"Nagsaing ka na ba?"

"Oo."

"Ano uulamin natin?"

"Mag century tuna na lang tayo tyaka saging! Masarap yun."

"May saging pa ba tayo?"

"Tignan ko sa kusina kung meron." Pumunta si Belle sa kusina pero bumalik ulit. "Wala ng saging."

Bumalik sa loob ng tindahan si Tasha at kumuha ng 100 pesos sa kaha ng mga pera tapos ay lumabas ulit. "Bili ka sa labas." Inabot niya ang pera dito. "ibili mo lahat sa pera na yan."

-----------

MAHABA ang nguso at deretcho ang mata ni Belle sa 100 peso bill habang naglalakad patungo sa bilihan ng saging.

"Kahit kelan talaga!" Bulalas niya. "Ang kuripot ng babaitang yon." Tukoy niya sa kambal na si Tasha. "Ang Mahal na kaya ng saging ngayon. Siniguro talaga na wala ako makukuhang sukli."

Malapit na siya sa bilihan ng saging may tumawag sakanya. "Chakabelle!," Huminto siya sa paglalakad at naningkit ang mata na nilingon ang tumawag sakanya. Malamang na si Quincy na best friend at kapit bahay nila ni Tasha. Ito lang naman tumatawag sakanya 'non eh. At tama nga siya. Nakita niya ito na kumakaway sakanya habang papalapit.

"Tamang tama at nakita kita dito Belle! Saan punta mo?"

Tiinuro niya ang manong na nagtitinda ng saging sa gariton. "Bibili ng saging. Alam mo naman mga kapatid ko, hindi kumakain ng century tuna kung walang kapares na saging."

Sabay sila lumapit kay manong tindero. "Pabili po ng saging, Mang Ping!" Alam niya ang pangalan nito dahil madalas sila bumili dito ng prutas ni Tasha. Kinalkula niya sa utak niya kung ilan saging ang bibilhin. Pinagkakasya ang pera na ipambibili. "Sampung piraso po."

Pumili si Mang Ping ng saging tyaka binigay ang Isang bungkos ng saging na hindi pa napipitasan ng Isang piraso. "Eto hija, kunin mo na to." nilagay nito sa plastic bag.

Nakangiti niyang tinangap ang biniling saging. "Salamat po dito, Mang Ping!" Inabot niya ang pera dito. Tuwang tuwa siya dahil sobra ang binigay nito. Kaya gustong gusto nila dito eh. Mabait itong tindero. Nagpaalam na silang dalawa ni Quincy at naglalakad na pauwi.

"Hulaan ko kung ano ang ulam niyo ngayon." Ani Quincy na kunwari ay nag isip pa. "De lata ulet noh?"

Tumango siya bilang sagot.

"Marami ulit bayarin sa bahay eh kaya nagtitipid Yung financer namin." Ang tinutukoy niyang financer ay si Tasha. Kahit sari-sari store lang ang hawak nito ay alam nito kung paano paikutin ang puhunan. Napansin niya na may dala itong paper bag. "Ano Yung dala mo?" Sabay nguso sa paper bag.

Tinaas ito ni Quincy. "Eto? Adobong manok. Niluto ko. Makikisabay ako kakain sa inyo . Pupunta na Sana ako sa bahay niyo kanina eh. Nakita kita kaya sinundan kita."

Ikinawit ni Belle ang braso niya sa braso ni Quincy. "Tara na. Bilisan na natin. Matutuwa Yung madadatnan natin sa dala mo. Lalo tuloy ako nagutom."

-----***-----

"Ang sarap talaga ng luto mo Ate Queency!" Masayang Ani ni Kiel sabay subo sa kanin. Lumobo ang pisngi nito sa dami ng pagkain na nasa bibig nito. Si Kiel ay ang bunso nilang kapatid.

"Halata ngang nasasarapan ka, oh!" Asar ni Jedi. Ang sumunod sakanila ni Belle sakanila g magkakapatid. "dahan dahan sa pagkain. Para naman nauubusan eh."

"Bakit ba! E nasasarapan ako eh." Sagot ni Kiel. Napipikon.

"Tama na yan!" Awat ni Nay Sally sa dalawa. "Nasa hapag kainan kayo tapos nagbabangayan kayo. Rumespeto kayo sa grasya."

Nanahimik ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Hinarap ni Tasha si Queency. "Salamat sa ulam, Queency!" Sabay ngiti dito.

"Naku! Masaya ka lang dahil na save Yung century tuna. Pwede pa mabenta yun bukas." Asar sa kanya ni Belle. Tinignan niya ito deretcho sa mata at inirapan.

Sumubo muna siya sa kutsara saka muling binalik ang atensiyon kay Queency. "Musta ang pag-aaral sa Tesda?" Nag-aaral kasi ito sa Isang vocational school.

"Okay naman! Masaya na magastos. Haha! Kayo?" Tumingin si Queency kay Belle. "Kelan niyo balak mag-aral sa college?"

"Kapag lumago na laman ng tindahan at napag-usapan namin ni Tasha na patapusin hangang highschool muna si Jedi tyaka na kami." Sagot ni Belle. Iyon ang plano nila ng kambal dahil iyon ang alam nilang dapat gawin sa mga oras na iyon.

Sa edad nilang 19 years old, Grade 12 lang ang natapos nila. Kumuha siya ng ABM Strand under Academic Track dati. At si Belle naman ay kumuha ng Theater and Arts Strand under Arts and Design Track. Iyon ang kinuha nito para mahasa ang hilig nito sa pag-awit at musika. Pagka-graduate nila ng senior high ay pareho sila nag desisyon ng kambal na huwag muna mag college dahil sa utang na naiwan ng namayapa nilang Ina. Ang plano nila ay palaguin ang tindahan na tanging nagbibigay ng kabuhayan sakanila at paunti-unti na bayaran ang mga utang. Malaking tulong ang napag aralan niya sa senior high para maitawid sa pang araw-araw ang tindahan nila.

"Tama si Belle. Tyaka na muna pag-aaral namin." Sang-ayon niya sa kambal. "May mga bagay na dapat muna namin unahin."

-----***-----

KASALUKUYAN nasa kwarto si Tasha nang gabing iyon. Nakaupo sa kama at at nagbibilang ng pera. Pagkaraan ng ilan sandali ay tumayo siya at pumunta ng aparador. Kinuha ang pera na iniipon niya sa buong buwan na nakatago sa ilalim ng mga nakatuping damit. At saka ulit siya bumalik sa kama at nagbilang ulit.

Walang ganang pahigang binagsak ang katawan sa malambot na kama. Napapikit. Naii-stress. 20 thousand lang kasi ang hawak niyang pera sa oras na iyon. Naroon na ang tubo at puhunan. Ang target niya pa naman na maipon ay 30 thousand para ipambayad utang sa loan shark na si Mr. Flores na pinagkakautangan ng namayapa nilang magulang.

Noong kasing nabubuhay ang kanilang Ina na si Vicky ay panay ang utang nito sa loan shark para ipangsugal at bumili ng alak para matustusan lang ang bisyo nito. Mula nang bata pa sila ni Belle ay hindi naman sila pinapansin ng kanilang Ina. Parang wala lang sila sa buhay nito. Kung ituring sila ay parang hindi anak. Si Nay Sally na nakatatandang kapatid nito ang siyang nagpakita ng pag-aaruga at pagmamahal sakanila. Sa sobrang bait nito ay nakuha nitong ampunin ang magkapatid na sina Jedi at Kiel. Nakita na lang nila na inuuwi n Nay Sally ang magkapatid. Sa katanuyan ay Kay Nay Sally ang sari-sari store at malaki ang kinikita.

Pero noong 15 year old sila ay nagkasakit ang kanilang Ina na si Vicky dahil sa alak. Napunta lahat sa gamutan nito ang perang iniipon ni Nay Sally para sa pang college nila. Paglipas ng anim na buwan ay tuluyan na itong ginupo ng karamdaman. Nagulat na lang sila dahil may Isang Mr. Flores ang nagpunta sa bahay nila at sinisingil sa perang inutang dito ng kanyang ina. Dahil walang-wala sila nung mga panahong iyon ay nakiusap si Nay Sally na babayaran nito ang utang ng hulugan.

Naramdaman na lamang niya na may tumapat sakanya. Minulat niya ang mata at nabungaran si Belle na nakatayo sa gilid ng kama. Pinapatuyo ang basang buhok gamit ang twalya habang nakatingin din sakanya.

"Anong oras tayo mag grocery bukas?" Tanong nito. Kailangan nila mamalengke para palitan ang produktong nabili na sa tindahan nila.

Bumangon siya sa pagkakahiga. "Dadating si Mr. Flores bukas." Sinundan niya ng tingin si Belle nang lumakad ito papunta sa Isang upuan na nasa kwarto nila at sinampay sa sandalan no'n ang twalya para patuyuin. "Kulang Yung pera na ihuhulog natin sakanya. Kailangan ko makiusap para hindi niya dagdagan ang interest niya." dahil loan shark si Mr. Flores, dinaig ang banko sa pagbibigay ng interes.

Tinabihan siya ni Belle habang nagsusuklay. "Kung maghanap kaya ako ng trabaho? Para matulungan kita sa mga bayarin dito sa bahay."

Umiling siya. "Alam mo ang sagot ko diyan Belle. Alam mong hindi ako papayag." ewan ba niya. dahil yata kambal sila ay hindi niya kaya na mawalay siya dito ng matagal na panahon. gusto niya na lagi ito nasa malapit niya.

"Yan kana naman eh." Nakasimangot itong tumayo. "Lagi ka na lang tumatanggi." pumunta ito sa cabinet at tinago doon ang suklay. "Ikaw lagi nag-iisip ng paraan para makaraos tayo. Pwede naman ako magtrabaho at makatulong sayo."

"Basta ayoko Belle!" pagmamatigas niya.

Nagsalubong ang kilay nito at namula na ang pisngi tanda na naiinis ito. "Anastasia naman!" Tinawag siya nito sa buong pangalan niya. "Hindi na tayo bata na laging magkadikit. Matanda na tayo."

"Magtulungan na lang tayo sa tindahan. 'wag kana maghanap ng trabaho. Nakaya natin noon. kakayanin natin ngayon."

Padabog itong umupo sa kama at mataman siyang tinignan. "Hindi. Sa ayaw at sa gusto mo ay maghahanap ako ng trabaho." Umirap ito sakanya saka tinalikuran. Humiga sa kama at binalot ng kumot ang buong katawan.

Siya naman ang naiinis. "Anabelle!" yinugyog niya ito. "'wag mo ako tulugan. Hindi pa tayo tapos mag-usap."

Lumipas ang ilan minuto na panay ang yugyog dito pero hindi ito kumikilos. Ang tigas ng ulo talaga ng kambal niya. Ayaw makinig sa kanya.

Napagod siya sa ginawa. Binalikan ang pera na nasa kama at itinabi sa aparador at kumuha ng damit pantulog.

Bago siya lumabas ay sinulyapan niya ang kambal.