Chereads / The Twin Princess / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

NANG marinig ni Belle na sumarado ang pinto dahil sa paglabas ni Tasha ay inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa katawan at bumangon. Tinignan ng masama ang pintong nilibasan ng kambal. Nanggigigil siya kay Tasha dahil ang gusto nito lagi ang masusunod. Sa lahat naman ng pagkakataon na binabawalan siya nito ay may punto ito dahil may pagka-clumsy siya. Pero kasi, iba ang sitwasyon nila. Tama naman ang katwiran niya na kailangan niya magtrabaho para makatulong dito.

Biglang lumitaw ang ulo ni Jedi. "Anong nangyari ate? Nag-away kayo?" tuluyan itong pumasok at saka tinabihan siya sa kama.

Nag-iwas siya ng tingin. "H'wag kang chismosa, matulog kana doon at may klase ka pa bukas." nasa ninth grade na ito.

"Sino ba ang matanda sa inyong dalawa, Ate?"

Napaisip siya. Ang alam lang nila ay kambal silang dalawa ni Tasha. Hindi nila kawangis ang isa't isa pero mula pagkabata ay pareho lagi ang suot nila. Nang nagdalaga lang itinigil ang gawain 'yon dahil umiba ang taste nila sa damit.

"Ewan." sagot niya. "Pero kahit Sino man ang matanda sa amin dalawa ay gagawin ko pa rin ang gusto ko." Buo ang desisyon niya. Hahanap siya ng trabaho.

-----*****-----

WALANG patid ang pagtunog ng alarm clock na nasa ibabaw ng bed side table ang gumising kay Tasha. Kinapa iyon ng kamay niya. Sa nanlalabong mga mata, Tinignan niya ang oras. Four-thirty am na pala. Ti-nurn off niya 'yon. Ganoon oras lagi sila gumigising kapag namemelengke sila. Humihikab siyang bumangon saka ini-stretch pataas ang mga braso. Nilingon niya ang katabing si Belle na masarap pa rin ang tulog.

Niyugyog niya ang balikat nito para gisingin. "Belle, Gising na."

Ipiniksi nito ang kamay niya.

"Ikaw na lang mamalengke, inaantok pa ako. Tinanong kita kagabi kung anong oras tayo mag-grocery pero wala ka naman sinabi." Anito.

Paano kaya, pagkatapos niyang maghilamos ay balak niya ito kausapin pero tulog na ito nang datnan niya.

"Wala akong kasama mamalengke."

"Edi 'wag ka na lang mamalengke."

Ipinikit niya ang mata saka nag-inhale at exhale. Nagbilang ng isa hangang lima. Paraan niya 'yon para kumalma. Nag-uumpisa na siyang mapikon kay Belle. Pero ayaw niyang umpisahan ang araw na mainit ang ulo at baka malasin pa ang paninda nila.

Hindi na niya ito kinulit pa kahit na gusto niyang mamalengke. Ang ginawa niya ay iniwan na lang ito sa kwarto at pumunta ng kusina. Nadatnan niyang gising na si 'Nay Sally na nagtitimpla ng kape.

Umupo siya sa silya. Sinuklay ang maikling buhok gamit ang daliri at humikab. Naramdaman niya ulit ang antok.

Lumapit si 'Nay Sally dala ang isang tasa ng mainit na kape. "Si Belle? Hindi pa gising?"

Tinangap niya ang inaabot nitong tasa. Dahan-dahan siyang humigop para hindi mapaso. "Salamat po sa kape." Humigop ulit siya. "Tulog pa po si Belle."

"Anong pinagtatalunan 'nyo naman ng kapatid mo kagabi?" Tanong nito. Mukhang narinig nito ang pag-uusap nila ni Belle kagabi. Hindi malayong mangyari 'yon dahil manipis lang ang dingding na pumapagitan sa kwarto nila.

"Gusto raw po niya maghanap ng trabaho Tiya. Hindi ako pumayag."

"Tasha, Hindi kaya masyado kang mahigpit sa kakambal mo? Sa inyong dalawa ikaw lagi nagde-desisyon."

Napaisip siya sa sa sinabi ni 'Nay Sally saka natahimik. Wala siyang maisagot dahil may punto ito. Si Belle lang naman naiisip niya eh. Sa kanilang dalawa, ito ang mas feminine ang kilos. Mahina ang katawan nito sa mga mabibigat na gawain. Hindi ito pwedeng madaliin na tapusin gawin ang isang bagay. Natataranta ito at mas lalo lamang nakakasira ng gamit. Kaya kahit noong nakaraan na nagbabalak ito maghanap ng trabaho ay panay ang tutol niya.

"Pag-usapan niyo 'yan para may mapagkasunduan kayo." tumayo ito "O siya, luto muna ako ng sinangag at Tuyo."

Iniwan na siya ni 'Nay Sally para magluto ng almusal. Tahimik niyang sinimsim ang kape habang iniisip si Belle. Sinasabi ng isang panig ng utak niya dapat payagan niya si Belle. Pero ang isa naman ay kumokontra dahil may pagka-lampa ang kambal.

-----*****-----

GAMIT ang dalawang kamay, maingat na nilapit ni Tasha sa harap ni Mr. Flores ang sobre na naglalaman ng pera. Nang oras na 'yon ay nakaupo sila sa sala nila. Dumating ito para maningil. Minsan sa isang buwan ito pumupunta sa kanila.

Humithit muna ito sa tabacco at binuga ang usok. Kinuha nito ang sobre at binuksan. sinipat ang nasa loob. Tumaas ang kilay nito. "Bakit fifteen thousand lang ito?" Tanong nito. alam na niyang magtatanong ito dahil kulang naman talaga ang babayaran niya. Pero hinanda na niya ang sarili at isasagot dito.

"Walang gaanong kita ang tindahan ngayon buwan, Mr. Flores. marami rin kami naging bayarin kaya sa ganyan halaga ko po muna kayo mababayaran... sa ngayon."

Ngumisi ito pero halata na hindi ito natutuwa. "Pero ang utang ay utang."

Napakamot siya ng ulo. "Alam ko po 'yon Mr. Flores, gumagawa ako ng paraan para mahanap ang kalahati. Ngayon lang po ako makikiusap sa inyo."

Hindi siya nito sinagot. Mataman lang itong nakatitig sa kanya.

"Sige." Mayamaya'y anito.

Nakahinga siya ng maluwag.

"Bibigyan kita ng isang linggo para makumpleto ito." Tinaas nito ang sobre ng pera saka pinasok sa Jacket.

Tumayo na si Mr. Flores Ang akala niya ay aalis na ito pero may pahabol itong bilin.

"Kapag hindi mo nagawa ay kakasuhan ko kayo ng estafa."

-----*****-----

SA ISANG Sulok ng bahay ay nagtatago si Belle. lihim niyang pinakikingan ang pag-uusap nina Tasha at Mr. Flores na nasa sala hangang sa matapos ang mga ito. Napairap siya sa kawalan dahil sa kapatid niyang si Tasha. Nabu-bwusit siya rito kagabi pa. At mas lalong lumala ngayon.

Lumabas siya mula sa pinagtataguan at linapitan ang kambal na tulalang nakaupo. Marahil iniisip nito kung saan kukunin ang fifteen thousand sa loob ng isang linggo.

"Saan mo kukunin ang pera?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam." napahilamos ito ng mukha at ginulo ang buhok. "Ang hirap kumita ng pera ngayon."

"Buti alam mong mahirap kumita ng pera."

Napaangat ng tingin si Tasha sa kanya.

"Bakit ganyan ang tono mo?" kumunot ang noo nito.

Peke niya itong nginitian at nagkibit-balikat. "Problemahin mo na lang yung kay Mr. Flores. h'wag mo na ako pansinin." Saka niya ito tinalikuran at naglakad patungo sa hagdan.

"Belle!"

Umakyat na siya at hindi ito pinansin.

"Belle!"

Hindi niya pa rin ito pinansin hangang sa makarating siya sa taas.

"Anabelle!!"

Rinig niya ang lakas ng boses nito mula sa baba. Alam niyang nairita na ito sa akto niya ngayon tinawag na siya ng buo sa pangalan. Siya rin naman ay nagagalit na.

Pumasok siya sa kwarto at humiga sa kama. nag-browse ng kpop songs sa YouTube. Ikakabit niya Sana sa tenga ang headset pero naantala iyon nang biglang bumukas ang pintuan saka pumasok si Tasha na umuusok ang ilong.

"Ano ang nangyayari sayo Belle? hindi ko gusto kinikilos mo"

Inirapan niya lang ito at hindi kumibo saka tuluyan sinoot ang headset.

Nagulat siya nang lumapit ito at hinila ang headset mula sa tenga niya. Salubong ang kilay na hinarap ito.

Namaywang ito. "Ano ba problema mo ha?"

"Wala akong problema, pero tayo, meron.. malaki!" tumayo siya at humalukipkip. "At naiinis ako sayo kasi masyado mong sinosolo ang problema."

"Tungkol ba ito sa napag-usapan natin kagabi?" Tanong nito.

"Oo. Pwede naman kasi ako magtrabaho para makatulong sa gastusin dito sa bahay at makapagbayad ng utang kay Mr. Flores pero lagi mo ako kinokontra. Tapos ngayon, mamomroblema ka kung saan kukunin ang fifteen thousand na kulang? at kung hindi mo naman mababayaran. mas malaki problema natin."

Natahimik ito dahil sa mga nasabi niya. May punto naman kasi siya.

"Maghahanap naman ako ng paraan ah." mayamaya'y ani Tasha.

"Ikaw lang maghahanap? ano pa ang silbi ko at naging kapatid mo pa ako kung hindi ka tutulungan."

"Tinutulungan mo naman ako sa tindahan diba."

"Pero hindi nga sumasapat ang kita doon. Naintindihan mo ba ako Tasha?" matalino naman ang kapatid niya pero parang hindi nito makuha ang punto niya. O Nakuha nito ang punto niya pero sadyang matigas ito para pagbigyan siya. Hindi, wala lang talaga ito tiwala sa kanya na kaya niya magtrabaho dahil tingin nito ay lampa siya.

"Sa totoo lang Belle, alam ko naman ang gusto mong mangyari. Pero natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nagtrabaho ka. kapag kasi dito sa tindahan, mas nakikita ko ginagawa mo." Confirm. Wala ito tiwala sa kakayahan niya.

Nasaktan siya dahil pakiramdam niya ay parang minaliit nito ang pwede niyang gawin. Hindi porket lampa siya ay hindi na siya matututo.

Naramdaman niya ang pananakit ng lalamunan at pangingilid ng luha. Iniwas niya ang tingin dito. "Ganito din nangyari nung senior high. Ayaw mo ako pasalihin sa work immersion. pero dahil kailangan 'yon sa school, wala kang nagawa." tuluyan umalpas ang luha niya saka pinunasan iyon. Binalik niya ang tingin kay Tasha na mukhang nagsisisi na dahil sa mga nasabi. "Maghahanap ako ng trabaho at hindi ko kailangan ng opinyon mo. sinasabi ko lang sayo dahil kapatid kita."