NATAHIMIK si Tasha dahil sa mga nasabi ni Belle. hindi niya alam na nasasaktan na niya ang damdamin nito dahil sa pandidikta niya sa pwede nitong gawin. Naglakad ito paalis sa harap niya at lumabas ng kwarto.
napaupo na lang siya sa kama. nakaramdam ng guilt.
maya-maya ay narinig niyang may paakyat.
"Tasha! Tasha!" Ang kaibigan nilang si Queency.
"Nandito ako sa kwarto!" pasigaw niyang sagot.
Pumasok ito sa kwarto nila ni Belle.
"Anyare sayo, Tasha?" takang tanong nito.
"nagkasagutan kami ni Belle." sagot niya. wala rin saysay kung ikakaila niya o itatago dito. kaibigan nila ito eh.
"Bakit naman?"
"Gusto niyang maghanap ng trabaho para makatulong dito sa bahay. Ayaw ko siya payagan."
Umupo si Queency sa harap niya at pinakatitigan siya. "Hindi ko masisi si Belle kung gusto niya magtrabaho. Aware siya sa sitwasyon niyo eh. bakit hindi mo na lang siya hayaan?"
umiling siya. hindi sang ayon sa suggestion ni Queency. "Alam mo naman kung gaano ka-lampa ang kapatid ko."
"Pero paano siya matuto?" Tanong nito na kinatigil niya. "Tasha, hindi pwedeng ikaw lang nag iisip ng paraan at sumalo sa lahat ng mga utang at gastusin niyo. Kung inaalala mo kapatid mo, nag aalala din iyon sayo."
**********
INALIS ni Tasha ang tansan na nakatakip sa bote ng soft drinks at nilagay sa plastik na may kasama ng straw. Kumuha siya ng fudgee bar sa mga naka-display nilang tinda. Iniabot iyon kay Queency na nakaupo sa plastic bench na bumili ng meryenda nang hapon iyon. Sa tindahan sila dumiretso pagkatapos nila mag-usap sa kwarto.
"Salamat!" Binuksan nito ang pakete ng fudgee bar at kumagat sabay sipsip ng soft drinks. "Ano ang plano mo niyan?"
Umupo din siya sa Bench. Kanina, bago dumating si Mr. Flores ay nagpadala siya ng text message dito dahil gusto niya ito kausapin kung saan ito kumukuha ng pangastos kapag kinakapos na ang perang pinadala ng mga magulang nito na OFW sa ibang bansa. May Lola ito na kasakasama dati pero yumao iyon dahil na rin sa katandaan. Si Queency na lang ang mag-isa sa bahay.
"Gusto ko sana itanong sayo kung saan ka kumukuha ng pera kapag nagkukulangan ka, Queency." Lagi kasi ito nakikiusap na umutang ng de lata sa tindahan nila at kinabukasan ay agad ito nagbabayad kahit na wala pang pinapadalang pera ang magulang nito. Ang sinasabi lang nito ay may inutangan itong pera.
Napatango ito na mukhang na naintindihan ang tanong niya
. "Sa 5'6. Sa mga bumbay."
"Yung mga nagbibigay ng appliances items?"
Tumango ito.
"Paano ka nakakautang sa kanila? may pinapakita ka bang mga papel para ipahiram ka?"
"Wala naman. Pero kaya nila ako pinapautang dahil alam nila may dumarating sakin. Malakas nga sila tumubo, pero mabait mga iyon. Wag mo lang sila tatakasan." mahabang pahayag nito. "Balak mo ba umutang sa kanila?" tanong naman nito.
"Sana, uutang ako pambayad kay Mr. Flores."
"Uutang ka ng perang Ibabayad Kay Mr. Flores?" Hindi makapaniwang tanong ulit nito. "Aba, Tasha! baka lalo ka lang mahirapan niyan."
"Kaysa naman wala ako ipambayad kay Mr. Flores sa loob ng linggong ito. Kakasuhan kami ng estafa." Aniya. Ang pang-uutang lang sa Iba Ang nakikita niyang paraan para makabayad kay Mr. Flores. Wala naman siyang ibang pwedeng pagkunan ng pera.
"Gusto mo talaga nahihirapan noh? nag-offer na magtrabaho kambal mo pero ikaw itong pasaway." Tukoy nito kay Belle.
Binalewala niya ang pagbanggit nito sa kambal niya. Gagawin niya ang solusyon alam niya. Pakakalmahin muna niya si Belle bago ito kausapin tungkol sa balak nitong magtrabaho. Iniingatan lang niya ang kapatid at ayaw niya lang masaktan ito. Likas itong mahina kaya kawawa lang ito kapag nagbanat ng buto.
"May kakilala ka ba na pwede ko hiraman?"
"Oo. Kay Mr. Abdul, pwede kita samahan sa kanya manghiram." tinapon nito sa malapit na basurahan ang balat ng fudgee bar at plastic.
-----*****-----
TAHIMIK na nakikinig si Jedi habang nakalapit ang tenga niya sa may pintuan ng tindahan nang pilyo siyang nilapitan ni Kiel at malakas na sinundot ang pwet niya.
"Ay butiking palaka!" gulat at malakas siyang napahiyaw nang maramdaman ang biglang pagtusok ng isang bagay sa pwet niya. Agad niyang tinakpan ang bibig dahil napalakas Ang boses niya. At nag-aalala na maagaw atensiyon nina Queency at Tasha. Tinignan niya ng masama ang salarin na hindi yata kumpleto ang araw na hindi siya naasar, na humahagikgik na at at natatawa sa itsura niya. Kasiyahan nito ang bwisitin siya lagi. "Ano na naman trip mong bruho ka!" Gusto niya ito ibitin patiwarik.
Tawa lang ito ng tawa. Umakyat lahat ang dugo sa ulo niya kaya hinablot niya tenga nito at piningot. lintek lang ang walang ganti. Kung kanina, tawang tawa ito. Ngayon naman, ay pumapalahaw na ito ng iyak.
Tinignan siya nito ng masama habang humikbi. "Isusumbong kita kay Ate Tasha!"
Binelatan niya lang ito na kinaasar nito lalo, dahilan para lalo lumakas ang pag-iyak nito.
Maya maya ay lumabas mula sa tindahan sina Queency at Tasha. Malamang ay nakuha nila ni Kiel ang atensiyon ng mga ito.
"Ano na naman pinagtatalunan niyo?"
Mabilis na lumapit kay Tasha si Kiel. "Piningot niya po ako Ate!" sumbong nito.
"Hoy Kiel! Wag mo ako baliktarin. ikaw itong nagsimula." Bwelta niya.
"Paano kaya nakikinig ka sa ---" bago pa nito matapos ang sasabihin ay mabilis siyang nakalapit dito at tinakpan ang bibig. Ayaw niyang mabuko na nakikinig siya ng patago.
naglikot ito na parang kitikiti pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa bibig nito. Naramdaman na lang niya ang pananakit ng kamay dahil kinagat siya nito. Napabitaw siya dito at napa-aray. Kinuha nito ang pagkakataon at mabilis na tumakbo papuntang hagdanan. Bago ito sumampa sa hagdan ay binelatan siya nito saka na pumanhik.
"Dapat kasi hindi mo na pinapatulan iyon, sa inyong dalawa ikaw ang nakakatanda." Sabi ng ate niyang si Tasha.
Napayuko siya. "Opo, Ate."
Lumapit si Queency kay Jedi at hinawakan ang kamay niyang may kagat. "Masakit pa ba?" tukoy nito sa kamay niyang kinagatan ni Kiel.
"Opo." talagang masakit iyon. May Araw din sa kanya ang kapatid niyang pilyo.
"Lagyan mo ng cold compress." Suhestiyon ni Tasha. "Si Belle na lang ang sabihan mong mag-saing ng kanin." sabi pa nito at hinarap si Belle. "Saan siya nakatira?" Ang tinutukoy siguro nito ay ang bumbay na topic ng mga ito kanina.
May dumating na bumibili pumasok ulit ang mga ito sa tindahan.