Chereads / Different sides of Euphoria / Chapter 2 - THE BASURA AND THE ISIP-BATA

Chapter 2 - THE BASURA AND THE ISIP-BATA

RUFUS REX's POV

"Kyahhh ang gwapo!!"

"Wahhh Yayine look at him, he's so gwapo talaga!!!"

"Ano ka ba Jeraline! Matagal nang gwapo si Rufus noh! Kyahhhh anakan mo ko!!"

"KYAHHHH SI FELIX LANG SAKIN!!"

"ASHER IKAW LANG ANG NAG-IISANG GINTO SA PUSO KO!!!"

"Tumigil ka nga Melody! Akin lang si Asher!"

"RUFUS PAKASAL NA TAYO!"

Napailing na lang ako habang naglalakad. Katabi ko ang dalawang best friend ko --- si Felix Greenville na siyang pinakatahimik at minsan ay bossy samin at si Asher Gold Perceral na playboy at makulit. Hindi naman sa pagmamayabang pero pinanganak talaga kami na GWAPO. Hindi naman siguro kami magiging heartthrobs sa school kung hindi di ba?

"Grabe mukhang palala ng palala ang mga babae ngayon sa school! Dati rati Hi-- hello lang ang sinasabi pero ngayon... tsk tsk tsk may mga anakan na at papakasalan hahahaha" wika ni Asher habang kumakaway sa mga babae sa gilid.

"Pabayaan niyo na sila." si Felix.

Minsan di ko nga alam kung kasama pa ba namin to o anino niya na lang yung nakasunod samin. Sobrang tahimik talaga.

"Tsk ang sabihin niyo gwapo lang talaga tayo kaya halos maihi na sila sa kilig" tumatawa kong saad. "Pero sorry sila kase di ako lumalandi"

"Hahaha pre hindi ka naman talaga pwedeng lumandi dahil pag ginawa mo yun lagot ka kay Ashleigh hahaha" si Asher.

Dahil binanggit ni Ash yung pangalan niya, bigla na lang akong ngumiti. Hayy... ganito talaga siguro pag IN LOVE, mapapangiti ka na lang ng wala sa oras.

"Uy hala siya oh! Ngumingiti ka mag-isa pre? Tsk tsk malala ka na" iling na saad ni Ash.

Binatukan ko siya "Huwag ka nga makialam! Doon ka na lang kay Alethea" biro ko

Kunwari pa siyang nandidiri "Pre wala namang ganyanan! Never ako ma-i-in love sa baliw noh! Shkkkk"

Tawa ako ng tawa sa reaksyon niya. Si Alethea ay pinsan ko sa Father side. Matagal na yung may gusto sa kaniya at aware naman si Ash doon kaya lang dahil sa sobrang PAGMAMAHAL daw kuno ni Thea kay Ash umaabot sa punto na nababaliw na ito. Tsk di ko namam mapigilan yun dahil nangangagat.

"Uy Felix! Parang kang statwa diyan. Magsalita ka naman baka mapanis yang laway mo" si Ash

"Tss.." si Felix.

Nagtinginan nalang kami ni Ash at nag kibitbalikat. Wala siguro sa hulog ang tulog ni Felix kaya ganyan.

Habang naglalakad papuntang classroom bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Nyemas! ang init init pa kanina tas uulan?!

"May sira ata yung panahon! Iinit tapos uulan" sabi nung mga babae sa unahan namin na nakisilong sa building ng first year.

"Ano ka ba naman Jeraline, di mo ba napanood sa balita kagabi na uulan ngayon?" sabat naman nung isa

"Eh sa di ako nanonood ng balita eh! Nanood kase ako ng barbie kagabi!"

"Ako din!" sabi din nung isa

Hindi nalang namin pinansin yung mga babae sa unahan at hindi rin siguro nila napansin na nasa likod lang kami.

Napalingon ako sa right side ko nang may babae paparating, matangkad, maputi at makinis pero---- PANGIT AT BADUY!

Paanong nakapasok ang pangit dito sa MIS?! Wala ba silang ginawa sa babaeng to?

Nagulat ako ng magtama ang paningin namin. Yung tingin niya ay para bang nakakita siya ng isang boring na bagay. Mas nainis ako nang di niya man lang ako pinansin!

'Bakit ka naman niya papansinin, Rus?'

'Sino ba siya sa akala niya?! Ha!'

"HOY!" sigaw ko sa kaniya. Buti na lang napalingon siya sakin pero yung expression niya di nagbago.

"OH MY GOD!!"

"WAHH NASA LIKOD NATIN SINA RUFUS!"

"Gaga bat di mo sinabing nasa likod sila?!"

"Ay malay ko ba!"

Di ko pinansin ang mga bulungan nila. Lumapit ako dun sa PANGIT at wirdong babae. Basa ang kalahati ng pants niya. Maluwag na Damit at may makapal na salamin. Wala sa ayos ang itsura--- In short MUKHA SIYANG BASURA!

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kaniya.

Di siya sumagot bagkus tinuon niya muli ang paningin sa ulan. Medyo nainis ako dahil ito ang kauna unahan na na-dedma ako.

"Wala bang nakapagsabi sayo na bawal ang mga SQUATTER dito? Baka nakakalimutan mo miss na ang school na tinatapakan mo ay isa sa mga kilala at pinakamahal na paaralan sa bansa" sabi ko.

"..." siya

Wala akong nakuhang kahit na anong sagot galing sa kaniya. Sa sobrang inis ko ay tinulak ko siya sa ulan kaya nabasa siya. Napuno ng tawanan ang building.

Tumayo siya at pinagpagan ang damit pero useless na kase basang basa na siya. "Oh ano? Pinatunayan mo lang na isa kang basura! Tsk diyan ka nababagay!" sigaw ko sa kaniya.

Tawa pa din ako ng tawa pero nahinto lang nung may biglang sumipa sa mukha ko. Sobrang sakit---yan lang ang masabi ko.

Tumayo ako at hinanap kung sino ang Gagong gumawa nun! Potek bakit sa mukha pa?!

"SINONG SUMIPA SAKIN?!" galit na sigaw ko.

"Hala! Is she dumb?"

"Bahala siya sa buhay niya. Mali siya ng kinalaban"

"Kawawa naman si Rufus my loves.. huhuhu"

"Magdasal ka na girl!"

"UULITIN KO! SINONG GAGONG SUMIPA SAKIN?!"

"Ako.."

Nilingon ko ang nagsalita. Lalo akong nagalit nung makita ang kabuuan niya. SI PANGIT!!

"BAKIT MO GINAWA YUN?!" nangangalating tanong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya.

Ha! Gago ba to?!

Hindi ako nakatiis ay hinawakan ko siya sa kwelyo at hinampas sa pader. Nakita kong nasaktan siya pero wala akong pakialam. Ako si Rufus Rex Devonshire--- Lola ko ang dean sa school na to at may pinakamalaking shares sa MIS.

"Bitawan moko.." walang kabuhay buhay ngunit matigas na wika niya. Naamoy ko ang hininga niya... mintol? Yuck cheap!

"Hindi kita bibitawan hangga't di mo sasagutin yung tanong ko! Bakit mo ako sinipa?! Tapos sa mukha pa!" tinuro ko ang mukha ko.

Tiningala niya ako. Halos huminto ang hininga ko nung magtama ang mata namin. Ang ganda ng mga mata niya parang hinihigop ang kaluluwa mo...

'Ano bang pinagsasabi mo Rus?!'

"Ano bang ginawa mo para sipain kita?" siya

Nagkasalubong ang kilay ko at hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya. Umuubo na siya pero wala akong paki!

Nabitawan ko siya ng may kamay na humawak sakin. Nilingon ko ito ng galit---- si Felix.

"Bakit ba?!" galit na sigaw ko sa kaniya.

"Rus, babae yan. Kahit anong gawin mo babae parin yan, hindi yan sinasaktan pre. Kung si Ashleigh kaya ang saktan ng kahit sinong lalaki, hindi bat magagalit ka?" tanong niya.

Nakasalubong parin ang kilay ko "Alam kong di mo yun magagawa Felix, kaya wag ka nang makialam dito." matigas na wika ko.

"What if lang naman, Rus. Hindi magandang makita kang nakikipag away sa babae. Nagmumukha kang bakla at isip-bata"

Naiinis ako "Hindi ako bakla at mas lalong di ako isip-bata! So kinakampihan mo ang basura na to kaysa sakin na kaibigan mo?!" di makapaniwalang tanong ko.

Umiling si Felix "Wala akong kinakampihan, Rus, Oo kaibigan kita pero di ibig sabihin nun na susuportahan ko ang mga kalokohan mo. Alam naming lahat kung sino ang nauna at ikaw yun Rus."

"Tama si Felix pre, mali ang ginawa mo" si Ash.

"So kinakampihan niyo nga? Sige ganyan naman kayo eh! Ako na nga ang nasipa ako pa ang agrabyado!" galit na sabi ko

"Tss.."

"At ikaw! Humanda ka sa gagawin ko." may halong pagbabanta na sabi ko bago umalis.

'Peste kung di lang ako pinigilan nung dalawa baka nangingitim na sa sakal ko ang babaeng yun'

MAEVE's POV

Kinuha ko na ang bag ko at susi ng motor saka helmet ko.

"Oh aalis ka na?" tanong sakin ni kuya

'Di ba obvious?'

"Hindi pa kuya.." bago na saad ko.

"Wag ka ngang mamilosopo Eve"

"Then don't ask what is obvious kuya"

"O sige umalis ka na kase aalis na din ako" sabi niya saka kinuha ang bag niya.

Sabay kaming lumabas ng apartment at sumakay sa kaniya kaniyang sasakyan. Sa kaniya ay Mustang samantala sakin ay Rouser na motor.

"Mag-iingat ka ha?" paalala niya

"Mmm. Ikaw din"

Nauna siyang humarurot sumunod naman ako. Nasa Third year highschool na ako meanwhile si kuya ay Fourth year. Isang taon lang ang agwat namin.

Nang marating ang paaralan ay kaniya kaniya kaming park. Magkatabi lang ang sinakyan namin.

Pagkatapos kong hubadin ang helmet ko ay bumaba si kuya.

"Sabay tayo mag lunch mamaya ha? At isa pa ayusin mo yang mukha mo, para kang sinapak ng limang katao"

Sinipat ko sa salamin ng motor ang mukha ko. Totoo nga na para akong binugbog sa itsura ko. Di naman talaga ganito ka grabe yung mukha ko kung di lang nangyari yun.

"Oh siya mauna na ako. Wag mong kalimutan yung lunch ha? Sa cafeteria lang tayo magkita"

Tumango lang ako bago pumasok sa loob. Binati pa ako ng sekyu.

Pagpasok ko ay halos lumuwa ang mata ko sa lawak ng field. Mas malaki pa to kumpara sa CIS.

Makikita mo talaga na puro mayayaman ang nag aaral sa paaralan na ito dahil na kilos at itsura nila.

"Look at her yuck! How come that she entered our school?"

'Dumaan ako sa gate biatch'

"Mukha siyang basurahan Hahaha"

' Oo at ikaw ang basura'

"Grabe di ako makapaniwala na tumatanggap na ang MIS ng isang squatter! Yuck just yuck!"

' Oo squatter ako at baka sa sobrang galit ko ilublub kita sa manila bay'

Biglang may nangharang sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Hey..." sabi nung babae.

Lalagpasan ko na sana nang hinawakan niya ako sa braso.

"Yuck! Do you have an alcohol? Baka nahawa na ako sa babaeng to" maarte niyang saad.

'sino ba naman kase ang nagsabi na hawakam mo ko?'

"Ano bang kailangan niyo? Sabihin niyo na para makaalis na ako" bagot kong tanong.

"Hmm? Talaga ba? Pag sinabi namin kung bakit kami nakaharang, aalis ka?"

Tumango ako. Nagtawanan sila na pinagtaka ko. May saltik yata ang mga tao dito.

"Okay! Pero aalis ka sa school!"

Napa- woahhh ang lahat sa sinabi niya.

"Sabihin mo.na lang ang dami pang satsat" ako

"Yeah yeah. Wala bang nakapagsabi sayo na bawal ang mga katulad mo dito?"

"Anong katulad ko?"

"Mga basura! Bawal ang mga basura dito!"

Napakaarte naman nito.

"Ahhh" yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Anong ahhhh? Hahahahaha!" nagtawanan sila.

"Wala nakakapagtaka lang kase kung ang basurang tulad ko ay bawal dito bakit merong mga bulok ma ugali at plastik na mga tao ang nagkalat dito?"

Natigilan siya. "Ha! I can't believe you. Me? A plastic?"turo niya pa ang sarili niya

"I didn't mention any names unless you're stricken" nakangising saad ko.

"Ha! Let's go na nga! Di ako nakikipag-usap sa mga squatter!" saad nito bago umalis kasama ang mga alipores niya.

'So di niya ako kinausap?'

Napailing ako. Mga baliw!

Habang naglalakad ako ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman dali dali akong sumilong sa building. Building yata ng first year.

Maaliwalas pa ang panahon kanina tapos uulan?

Nakarecieve ako ng text galing kay kuya

FROM KUYA:

'Asan ka? Umuulan ngayon may dala kang payong?'

TO KUYA:

'Wala akong payong. Sunduin mo na lang kaya ako'

*sent*

FROM KUYA:

'Wala din akong payong. Pero try kong sunduin ka mamaya'

TO KUYA:

'K.'

Tinago ko na ang phone ko kase nababasa na ng ulan. Peste bakit ngayon pa?

Yung pants ko na kasya na yata kay kuya ay basang basa na. Tapos yung shirt ko ganun din. Nasa motor ko yung extrang damit ko.

Mas lalong lumakas ang ulan dito sa side ko kaya naman naglakad ako sa kabilang side kung saan maraming nakikisilong.

Sa di mapaliwanag na dahilan napalingon ako sa right side at nakita ko doon ang lalaki na nakatingin sakin. Tiningnan ko den siya pero binaling ko sa ulan ang paningin ko.

Maririning mo ang bulungan ng iilang babae. Parang mga kiti-kiti.

"HOY!" sigaw ng kung sino.

Nilingon ko iyon at nakita ko yung lalaking nakatingin sakin kanina. Lumapit siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

'Ano ba ang ginagawa sa school?'

Di na lang ako sumagot at tinuon muli ang paningin sa ulan. Ang ganda nilang pagmasdan pero wrong timing kung bumagsak.

"Wala bang nakapagsabi sayo na bawal ang mga SQUATTER dito? Baka nakakalimutan mo miss na ang school na tinatapakan mo ay isa sa mga kilala at pinakamahal na paaralan sa bansa." wika niya pero di ko pinansin.

'Ilang ulit ko na yang narinig..'

Nagulat na lang ako ng itulak niya ako sa ulan kaya nabasa ako.

'Aba naman oh!'

Pinagpagan ko ang damit ko kahit basang basa na ako. Naghalo kase ang putik saka tubig sa damit ko.

"Oh ano? Pinatunayan mo lang na isa kang basura! Tsk diyan ka nababagay!" sigaw niya sakin.

Seriously? Ano bang ginawa ko sa taong to?

Tumawa siya kasama nung iba. Baliw na sila!

Hindi na ako nakapagpigil at nasipa ko siya sa mukha. Agad akong pumunta sa kabilang side at humalukipkip.

Nakita kong nagkasalubing ang kilay niya at galit na galit. Now, Maeve you're dead.

"SINONG SUMIPA SAKIN?!" galit nitong sigaw.

Walang sumagot bagkus nagkatinginan sila. Sa bilis naman kase ng galaw ko sinong makakakilala sa sumipa?

"UULITIN KO! SINONG GAGONG SUMIPA SAKIN?!"

Muntik na akong matawa. "Ako.." sabi ko

Pinuntahan niya ang pwesto ko nang galit. Patay.

"Bakit mo ginawa yun?!" galit na usal niya.

'Gago ba siya o gago siya?'

Tinamad akong sumagot kaya nagkibit balikat na lang ako. Mas lalo yata siyang nagalit. Nagulat na lang ako nang kwelyuhan niya ako at hinampas sa pader. Peste ang sakit nun! Nyemas pumapatol pala sa babae to! Delikado.

"Bitawan moko.." inis na sabi ko.

"Hindi kita bibitawan hangga't di mo sasagutin yung tanong ko! Bakit mo ako sinipa?! Tapos sa mukha pa!" Tinuro niya ang mukha niya.

'Gwapo nga , ugaling bulok naman.'

Tiningala ko siya. Nagtama ang mata namin. Titig na titig siya sakin , parang iba yung tingin niya---tingin ng may paghanga pero imposible. Ayaw kong mag assume.

"Ano bang ginawa mo para sipain kita?" pabalik kong tanong sa kaniya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagakakasakal sakin. 'Gagueeee'

Umubo ako dahil di na ako makahinga. Naramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakasakal niya sakin. Nakita ko ang isang lalaki na humawak sa kamay niya.

"Bakit ba?!" sigaw niya doon sa lalaki.

May kamay na humawak sakin na pinapatayo ako. "Tulungan na kita." nakangiting saad nung maputing lalaki.

Nakatayo na ako mula sa pagkakasalampak. Peste kasing bakla to eh. "Salamat" ngiti ko bago siya tumabi doon sa lalaki.

" Rus, babae yan. Kahit anong gawin mo babae parin yan, hindi yan sinasaktan pre. Kung si Ashleigh kaya ang saktan ng kahit sinong lalaki, hindi bat magagalit ka?" ani ng lalaki.

"Alam kong di mo yun magagawa Felix, kaya wag ka nang makialam dito" galit na saad nung isip-bata.

"What if lang naman, Rus. Hindi magandang makita kang makikipag away ka sa babae. Nagmumukha kang bakla at isip-bata!" ani Felix

'Isip-bata talaga'

"Hindi ako bakla at mas lalong di ako isip-bata! So kinakampihan mo ang basura na to kaysa sakin na kaibigan mo?!" galit na sigaw nung Rus

'Pesteng basura na iyan!'

Umiling si Felix

"Wala akong kinakampihan Rus, Oo kaibigan kita pero di ibig sabihin nun na susuportahan ko na ang mga kalokohan mo. Alam naming lahat kung sino ang nauna at ikaw yun Rus"

"Tama si Felix pre, mali ang ginawa mo" sumabat naman yung tumulong sakin kanina.

"So kinakampihan niyo nga? Sige ganyan naman kayo eh! Ako na nga ang nasipa ako pa ang agrabyado!" ani Rus

'So they were friends?'

"Tss.."

Agad niya akong hinarap "At ikaw! Humanda ka sa gagawin ko." pagbabata niyang sabi

'Isip-bata amp'

Naglakad na siya papalayo. Lumapit sakin ang dalawang kaibigan niya

"We're sorry for what he did. Mahilig lang talaga yun mangbuyo" si Felix

"Yeah. Patawarin mo sana" si--ano

"By the way I am Felix" sabi nung si Felix

"Asher Gold at your service" nakangsing aso na sabi nung tumulong sakin. So Asher is his name.

Ngumiti ako sa kanila "Maeve." maikli kong pakilala.

Tiningnan ko sila.

"Don't be sorry. Wala kayong kasalanan sakin para humingi kayo ng tawad." nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na palayo. First day ko palang ganito na ang sumalubong sakin paano pa kaya bukas?

Napailing na lang ako at dumeretso na sa cafeteria.