Chereads / Different sides of Euphoria / Chapter 4 - Advantages of having a brother

Chapter 4 - Advantages of having a brother

MAEVE's POV

Sa wakas ay nakalabas na ako mula sa ospital. Hindi ako nakakatagal doon kahit isang araw lang kaya pinilit ko si kuya na sa bahay na lang ako magpapagaling. Kukuhanan pa sana niya ako nang nurse kaso sabi okay lang kase gasgas lang ang natamo ko.

"Are really okay to be left here?" kuya asked for nth time. Napa roll-eyes na lang ako sa kaniya.

"It's obvious that I can handle my self. No need to be worry.." bagot kong sagot.

Bumuntong hininga siya "Alright. Just text or call me if something happened" sabi pa niya.

Minsan iisipin kong bobo to si kuya. Paano naman ako makakatawag or makakatext pag maynangyari sakin? Utak mo po natraffic.

"Okay..okay! Sige na pumasok ka na. And please paki excuse na lang ako sa class ko"

Hinalikan niya ako sa noo "I will. Take care" paalala niya ulit saka lumabas na.

Now I left alone.

Pumunta na lang ako sa living area at humiga sa sofa. Hindi naman masyadong masikip itong apartment namin. Tamang tama lang sa amin ni kuya.

After I left home-- my real home, my parents cut all my bank accountssss--yes apat na s kase madami akong bank acountssss dati but unfortunately lahat nang yun wala na sa akin.

*Sigh*. However I didn't regret from my dicision.

Si kuya lang talaga ang nag-aalaga sakin simula pa yata nung elementary ako. Kahit isang taon lang ang agwat namin, he became my protector.

Kinuha ko ang remote at nanood nang TV. Everything's boring kaya naman sa cooking show na lang ako nanood, nakakalibang pa.

Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala. Maya maya ay dadating na yung si kuya kaya I better get up and take a bath.

Hindi pa pala ako naliligo nyemas!

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa kitchen at saka gumawa ng salad. Dahil sa pesteng cooking show na yun hindi ako nakakain. Medyo nahirapan pa ako kase kumikirot yung kamao ko.

*TOK* *TOK* *TOK*

Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto kaya naman binuksan ko yun. Tumambad sakin ai kuya na pawis na pawis. Saan naman nagsusuoot to?

"Oh anong nangyari?" bungad ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya "Wala to. Naglaro lang kami ng basketball" paliwanang niya.

Tumango lang ako saka bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain. Patay guts kase.

"Ngayon ka palang kumain?"

Tumango ako kay kuya. Narinig ko siyang nag-tsk.

"I forgot kase" sabi ko.

Napailing lang siya saka kumuha ng tinidor at tumikim sa salad ko. "Why are you so good in making salads? " sabi niya sa pagitan ng pag nguya.

"In born talent" pagmamayabang ko.

Natatawa siyang umiling "Dala ko pala yung mga notes mo galing sa Lecturers mo."

"Okay.. Ahmm pwede na siguro akong pumasok bukas, kuya. Maayos na ang pakiramdam ko" sabi ko sa kaniya.

Yung sa tinapakan na lang nung bitch ang di pa gumagaling. Pero yung galos ko halos pagaling na dahil merong cream na nilalagay si kuya.

"Are you sure? Baka di pa mahaling yang mga galos at sugat sa kamay mo. Patingin nga" kinuha niya ang kamay ko "Look! Namamaga pa rin. Kahapon ka palang na discharge kaya its a no" matigas na usal niya.

Napalabi ako "I know you would say that but kuya kaya nga ako umalis sa puder nang parents natin para maging independent ako. Kaya kuya sige na payagan mo na ako. Kaya ko namang sumulat sa left ko" pakiusap ko.

Gustong gusto ko talagang makagraduate kaya sana payagan niya ako.

Sigh "Okay.. but bukas susunduin kita sa lunch at uwian niyo, okay?"

Tumango ako at ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko saka sabay kaming kumain sa salad na ginawa ko.

*K I N A B U K A S A N*

7:20 AM

Handa na ako para pumasok. Si kuya kasalukuyang nagluluto sa kusina. Ayaw niya muna akong palutuin para di daw masyadong mamaga yung kamay ko. May konting kirot lang akong nararamdaman pero kapag gumagawa ako ng heavy actions like magbuhat ng mabibigat.

"Kain na" anyaya ni kuya at umupo na kaming pareho sa upuan. Kaharap ko siya. Nagdasal na din kami saka magkasalong kumain.

7:40 AM

"Dito ka sasakay sa kotse ko. Di kita papayangang mag motor baka madala ka muli sa ospital" sabi ni kuya.

Napilitan na lang ako kase ayaw ko nang bumalik sa ospital. I hate the smell!

Nasa byahe kami ni kuya nang tumunog ang phone niya.

"Hello?" sagot niya.

Wala naman akong interes sa kausap niya kaya tumingin na lang ako sa labas. Habang nakatulala sa labas biglang nagsalita si kuya.

"Mom called" panimula niya. Hindi ko siya pinansin at nahalata niya yun kaya nagpatuloy siya "She said we're having a dinner tonight with one of their investors. We must come, she said" paliwanag niya.

Sigh. "I don't want to"

Nakita ko sa pheriperal view ko na tumingin siya sakin "I know you're still mad at them pero minsan lang daw nila tayong makita kaya they're expected us to come"

Napailing na lang ako at tumahimik na. I'm still thankful because they still want to see us--me.

I know na si kuya lang naman ang gusto nilang makita at hindi ako. Sino ba naman ang gustong makaharap ang anak mong basagulera, at walang galang. Unlike kuya, masipag sa pag-aaral, mabait at magalang.

Pero I feel them din naman kase di ko din sila gustong makita. Pero wala akong magawa kase sila pa rin ang nagbigay buhay sakin. Wala akong karapatang hilingin paghihirap nila. Oo masama na ako pero masisisi niyo ba ako? I lived for 16 years na puro pangungutya ang maririnig araw-araw?

"Nandito na tayo" anunsyo ni kuya at ni-park ang sasakyan sa parking lot.

Bumaba na ako at ganun din siya. "Sabay na lang tayo mamaya. I'll fetch you kaya hinayin moko. No more complaints, let's go."

Sigh.

Naglakad na kami at ramdam ko yung bulok na awra sa loob ng campus. Tsk bahala sila sa buhay nila.

"Pupunta na ako sa building ko kaya ikaw din" paalala niya bago ako iniwan.

Naglalakad na ako nang biglang may bumato sakin ng matigas na bagay. Lechugas di pa nga ako nakailang minuto sa loob baldado na ako neto.

"Hahahahaha"

"Masakit ba?"

"Of course gurl masakit yun. Ikaw ba naman batuhin ng baseball bat"

'Gagueeee!!! Kaya pala masakit kase baseball bat! Nyemas at talagang sa likod ko pa tumama!'

Hanep!

Hinarap ko sila ng naka poker face.

"Ano na naman ba ang kailangan niyo?" tanong ko.

Para silang mga baliw na tumatawa.

Lumapit sakin yung isa sa mga babae. Naalala ko to, siya yung alipores nung halos bumutas sa kamay ko.

Tinaasan niya ako ng kilay---pero sure akong pekeng kilay.

"Simple lang naman ang kailangan namin. We want you to leave our school. Hindi ka nababagay sa MSI! Basura ka! Basura!" sigaw niya mismo sa mukha ko.

Bumuntong hininga ako "Hanggang ngayon ba naman yan paren ang pinuputok ng butse niyo? Na paalisin ako sa MSI kase basura ako? Eh anong tawag sa inyo? Biodegradable?" inis na saad ko.

Nakakasawa na kase!

"Ha! Anong biodegradable? Ikaw ang bulok hindi kami! Look at you! Wala ka sa ayos, malaking salamin, loose pants at plain shirt! Ha! Kulang na lang mag brace ka para magmukha kang loser eh! Hahaha" panlalait niya.

Naparoll-eyes na lang ako "Ano bang pake mo kung ganito ako mag-ayos? May magagawa ka ba? At isa pa bakit ba ang init ng dugo niyo sakin? As far as I know wala akong ginawa sa inyo, kayo lang ang may ginawa sakin!" matalim ko silang tiningnan.

Tumawa siya. Baliw na yata "Wala ka bang ginawa? Then I'll make you remember. First, sinipa mo man lang ang nag-iisang king sa school na to--si Rufus Rex Devonshire at ang aming queen na si Candice Kenedy na pinagbantaan mo!"

'Seriously?'

"Oh? Eh ikaw? Anong ginawa ko sayo? Sila naman yun at hindi ikaw!"

'Baliw!'

"Oo sila ang ginawan mo nang masama! Kaya kami naapektuhan kase mahal namin si Rufus at alam mo bang si Candice ang pangalawa sa may pinakamataas na shares sa MIS? Haha I knew it! Di mo alam no?!" pinagtawanan niya ako pero sarcastic ang tono.

'So puppet pala kayo nung dalawa?'

Napangisi ako "Ang tanga mo"

Napatigil siya at tumingin sakin ng galit "What?!"

"Ang tanga mo" pag uulit.

"Narinig ko hindi ako bingi! Ha! How could you to say that to me! Di ko ba ako kilala?!" nanggagalati niyang saad.

Napangisi ako "Then, please introduce your self"

Ngumiti siya nang may pagmamalaki "My pleasure... Bitch, I am Aurora Eisenhower the heiress of Eisenhower Industries na pangatlo sa pinakamataas na industry sa bansa."

'So?'

Ngumiti din ako "K." sabi ko saka tumalikod na. Kahit di pa siya tapos tinalikuran ko na, ganyan ako kabastos.

"Hey! Bumalik ka dito di pa ako tapos! You bitch!" sigaw niya pero winagayway ko lang ang kamay ko patalikod.

Naririnig ko pang nagsisigaw siya pero wala akong pake.

Nakapasok na ako sa class at ayun na naman ang mga dagger looks nila. Kung nakakapatay lang ang tingin baka nagkakape na sa bahay ang mga kamag-anak ko--chos lang.

Dumating na ang Lec namin kaya sa kaniya na nakatuon ang atesnyon namin.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

*LUNCH

Nagliligpit ako ngayon ng gamit ko at natanaw ko na si kuya sa labas na naghihintay.

Nagtilian agad ang mga kababaihan sa loob. Napailing ako at napangisi. Akalain mong malakas din pala tong kapatid ko sa mga basura! Hahaha.

"Give me your things" kahit di ko ibigay sa kaniya kusa niya itong kinuha.

Nakarinig ako nag iilang 'ahhh' sa klasmeyts ko. Sorry guys but kuya's attention is mine hahaha.

Nakarating na kami sa cafeteria. Puno agad iyon pero may iilang vacant na kase umaalis ang iba.

Ayun na naman ang mga tingin nila nang panghuhusga. Pero agad na natuon ang paningin nila sa kasama ko. Tsk!

"KYAHHH~"

"Why they always together?!"

"Oo nga!"

"Baka magjowa sila"

"Ahhh no way!"

"Aagawin ko si papa Dave sa basurang yan!"

Napatingin ako dun sa babaeng nagsabi.

'Ayun ay kung maagaw mo haha'

"Tss they are so noisy!" inis na singhal ni kuya kaya natawa ako.

Umupo na kami sa vacant seat. Si kuya na ang pumila kaya ayun na naman ang mga higad sumunod sa kaniya. Napailing na lang ako.

Nagulat ako nang may biglang malamig na binuhos sakin.

"Hahahaha"

Tawa sila ng tawa. Lalong lalo na itong mag gawa sakin. Sino pa ba bukod kay ateng bitch edi yung isip-bata na si Rufus!

Sininghalan ko lang siya saka naghanap ng pamunas sa bag. Pero bago pa yun ay binuhusan na ulit ako ng malagkit na bagay. Spaghetti!

"YA!!" sigaw ko sa kanya kaya napatinag siya.

Galit na talaga ako.

Ngising aso siyang humarap sakin "Oh? You seem do not like it. I thought you would like it, spaghetti and lemonade! Diba masarap yan? Hahaha"

'Mabilaukan ka sana'

*UBO* *UBO*

Napatawa ako kase nagkatotoo yung sinabi ko sa isip ko. Akalain mo namang nakiayon skain ang may kapal.

"Anong tinatawa mo diyan?! Gusto mo bang ilublob kita sa nagyeyelong tubig?!" galit na sa ni niya sakin.

Natanaw ko sina Felix at Asher sa likod niya. Papalapit na siguro para awatin tong isip-bata na barkada nila.

"Sige nga kung kaya mo" hamon ko sa kaniya.

Bigla niya na lang akong hinawakan sa kwelyo pero napabitaw agad siya nang maya tumabig sa kamay niya. Si kuya pala.

"What do you think you're doing, Devonshire?!" galit na sigaw ni kuya kay Rufus.

Now this is war.

Poker face ko silang pinanood na dalawa. I love watching two people fighting. Ang brutal ko talaga!

"Kuya pabayaan mo na." bagot kong sabi sa kaniya.

Kumalma naman si kuya pero masama paren ang tingin niya kay Rufus.

"Hmm? Are you two in a relationship? Hahaha isang basura na pumatol sa isang Laurier? Hahaha" tawa niya ganun din ang ilan sa loob ng cafeteria.

"Told you bes di sila bagay!"

"Hahahah ilusyunada talaga yang basurang yan"

"Magjowa pala sila?"

"Hindi teh mag nanay sila"

'Gago!'

"Tsk! Ano bang alam mo?! Umalis ka na dito kung hindi, di ako magdadalawang isip na isumbong ka sa lola mo. Hindi bat pinakausapan ka niya na wag ka nang gagawa ng gulo sa MIS? But look what you're doing, pati babae di mo pinalampas" nakangisi ngunit seryosong saad ni kuya.

Halatang naiinis si Rufus kaya tiningnan niya lang ako ng masama bago bumalik sa table nila.

Pagkaupo niya tiningnan niya ulit ako and he mouthed Patay-ka-sakin-look.

'Psh isip-bata'