Chereads / Different sides of Euphoria / Chapter 3 - ACCIDENT

Chapter 3 - ACCIDENT

MAEVE's POV

"Oh what happened to you? Basang basa ka oh!" nataranta si kuya at agad na hinubad ang suot niyang jacket at sinuot sakin iyon.

"Naabutan kase ako ng ulan" sagot ko.

Hindi ko na sasabihin sa kaniya yung nangyari kanina dahil baka magkagulo pa. Knowing kuya, he always wanted to protect me pero ako itong basagulera kahit saan magpunta may magaganap na away.

"Tsk!" kumuha siya ng towel sa bag niya at pinunas iyon sa buhok ko.

"Kuya, tama na pinagtitinginan na tayo oh.." bulong ko sa kaniya. Nandito kase kami ngayon sa Cafeteria, sabi niya kanina susunduin niya ako pero nakalimutan niya naman.

"Tsk! Don't mind them, baby.." bulong niya den habang pinupunasan yung buhok ko.

Nakarinig ako ng iipang komento mula sa mga insekto este estudyante.

"Yuck! Feeling niya naman maganda siya. Porket pinunasan ni Papa Dave"

'Kailan pa nagkaroon ng anak si Kuya?'

"True ka diyan Melody! Kanina nga sinaktan niya pa si King Rufus! Walang hiya talaga"

'Ako ba talaga ang walang hiya?'

"Tingin mo? Magkaanu-anu sila?"

"Di ko alam Jeraline. Pero baka napulot niya lang yan sa lansangan at inaruga. You know Papa Dave naman di ba, napakabait niya kyahhh"

'Tss..'

"Hahaha so nag-uumpisa na sila?" tanong ni kuya matapos punasan ang buhok ko. Umupo na siya sa harapan ko.

Tumango ako at uminom sa tubig niya. Mahirap magkasakit.

"Kailan mo ba kase balak baguhin yang itsura mo? Alam kong alam mo na hindi yan ang tunay na ikaw" malungkot na saad niya.

Di ko na lang pinansin at itinuon na lamang ang paningin sa pagkain.

'Hindi na nga ba talaga ako ito? Pero kung di ko gagawin to, siguradong may mapapahamak na naman na malapit sa akin'

"Hindi naman sa pinipilit kita Sis, ang sakin lang ay sana ayusin mo yang buhay mo. Past is past nga diba. Huwag mo nang itanim sa nakaraan ang tunay na ikaw. Marami kaming umaasa na babalik si Maeve Leigh Laurier na kilala namin" ani niya.

Sigh. 'Hindi ko naman ginusto kung anong meron ako ngayon'

"Let's just eat" anyaya ko para di na siya magsalita pa.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay umingay ang cafeteria--- I mean ang mga tao sa cafeteria.

"Tsss.." rinig kong singhal ni kuya.

Tiningnan ko siya "What's wrong?"

Ngumiti siya "Nothing" at bumalik sa pagkain.

Nakatingin ako ngayon sa entrance ng cafeteria. May pumasok na tatlong lalaki.

Si Felix, Asher at yung isip-bata na si Rufus.

Ganun parin ang mukha niya---nakabusangot. Parang pasan niya ang buong universe.

"Don't look at them." mariing utos ni kuya na ipinagtaka ko.

"Di ko naman sila tinitingnan. Napalingon lang ako."

"Tss it's the same"

Napangisi ako "No, it's not. At wag mo na itanung kung bakit dahil mental block ako ngayon" tumawa kaming dalawa.

Napahinto kami ni kuya sa pagtawa nang may bumagsak na tray sa lamesa namin. Muntik na kaming mapatalon ni kuya but we manage to look calm.

"Tss" si kuya

Tiningnan ko kung sino yun at di ako nagkakamali na si Rufus iyon. Isip-bata mode na naman siya.

Nasa likod niya si Felix at Asher na nag-aalala

"Oh ikaw pala yan Dave! Akala ko kung sino na eh. Ano naman ang pinakain sayo nitong basurang ito kaya ka sumamang maglunch kasama siya?" ngisi niya.

'kilala niya si kuya'

'Sabagay ilang taon din nag aral si kuya dito'

Napairap na lang ako sa isip ko dahil sa pagihing isip-bata niya. Nagahahanap na naman ng gulo punyeta.

"Can you just leave us alone?" pakiusap ni kuya pero iba ang tono--parang galit.

Napangiti ng malapad si Rufus "Oh sorry naman. Itatanong ko lang sana kung kumusta ang maglunch kaharap ang isang BASURA?" tumingin siya sakin nung binaggit niya ang basura na word.

'Pipiktusan ko na to'

"Tss" si kuya.

Pumagitna na si Asher at Felix samin "Ahh sorry Maeve. Gutom lang talaga tong kaibigan namin" tumingin siya kay Rufus na masama ang tingin sakin "Rex tara na" anyaya nito.

Tinabig niya ang kamay ni Asher at dinuro ako. "Tandaan mo. Walang basura ang nagtatagal" malakas niyang sabi.

Napatawa ako. Pinanlakihan naman ako ng mata ni kuya na parang sinasabing Wag-kang-papatol-look.

"Bakit ka tumatawa?" inis na usal niya sakin

"Sabi mo kase walang basura ang nagtatagal, Eh bakit yang ugali mo nagtagal?"

Galit niya akong tiningnan at tiningnan ko din siya ng WTF-look.

"Pre tara na. Tama na" si Felix at pilit pinapatalikod si Rufus samin.

Pagkaalis nila ay agad akong bumaling kay kuya. Nakangisi siya na para bang proud sa sinabi ko. Oh yeah nakalimutan kong kuya ko pala to.

"Sa susunod wag ka nang pumatol sa kanila

Malakas ang kapit sa school niyan" sabi niya bago uminom ng can juice.

"Anak ba siya ng may-ari?" tanong ko.

Umiling siya "Dean ang lola niyan. Tapos sila ang may pinakamalaking shares sa MIS"

"Potassium" sagot ko

"Tsk. Na-K- zoned na naman ako? Hahaha" tumawa si kuya kaya napatawa din ako.

Pagkatapos ng lunch ay dumeretso na ako sa classroom. Ito na naman ang pakiramdam mong pinapatay ka nila sa isip at paningin nila.

Di ko na lang sila nilingon. It's just a waste of effort and time.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

*Dismissal*

Hindi pa ako nakakalabas ay may nakaabang na agad sakin na grupo ng mga kababaihan pinapangunahan siyempre nung nagsabi saking BASURA sa field kanina.

'Taray nag effort pa silang puntahan ako. *clap* *clap*'

"Hey look! Its her!" panimula niya.

"I didn't know that you're here. Akala ko doon ka sa room ng mga janitors hahaha" nagtawanan sila kahit di naman nakakatawa.

Bagot ko silang tiningnan isa-isa at naglakad papalayo.

Napahinto ako nang biglang may humablot ng bag ko. Si Ateng-- binuksan niya iyon at hinulog isa isa ang gamit ko. Puro notebooks lang naman at pens ang laman niyan.

Napa-cross-arm ako at tumingin sa kanila. Kailan ba sila titigil?

"Okay na? Masaya ka na?" sarcastic kong saad dun kay ateng.

"Nope. Kulang pa nga yan eh. Sa susunod ikaw naman ang ihuhulog namin" nakakakilabot ang boses niya pero mas nakilabot ako sa balak niya.

Tsk wala pa namang sinabi sakin si kuya na pwede akong makipagsuntukan unless sila ang nauna at hindi ako. Pero kating kati na tong mga kamao ko nyemas!

"K." sagot ko at pinulot isa isa ang mga gamit ko. Bigla na lamang niyang inapakan ang kamay ko kaya napasinghap ako.

"Nabalitaan ko den yung ginawa mo kay Rufus kanina. How dare you to kick him on face?!" galit na sigaw niya at inapakan pa ang kamay ko.

Feeling ko mabubutas na to kasi naman naka heels siya. Lechugas!!!

"Aray--- Bitawan mo yung kamay ko!" sigaw ko sa kaniya.

"Haha nakikiusap ka? What if butasin na lang natin yang kamay mo nang di ka na makapagsulat hahaha"

'Konting tiis pa Maeve'

"Bitaw." may diin kong saad. Sa nakakatakot na boses.

"W-what? S-sino ka sa i-inaakala mo?" mas diniinan niya pa ang pagkatapak kaya napahiyaw ako sa sakit.

Wala na akong pakialam kung mabutas pa to kaya naman hinuli ko ang paa niya gamit ang kaliwang kamay ko at binalibag siya sa semento.

"Aray!!" sigaw niya. Agad naman siyang tinulungan ng mga alipores niya at masama pa ang tingin sakin.

Di ko inalintana ang dugong tumutulo mula sa kamay ko bagkus nilapitan ko yung babae. "Sa susunod na gawin mo to sakin hindi lang yan ang mangyayari sayo." bulong ko sa kaniya.

"I am not scared of you bitch!" sigaw niya at agad ko siyang inambahan ng suntok sa mukha. Napapikit siya kaya naman napangisi ako.

"You're not scared ha? Don't worry di ko babangasan yang mukha mo" sabi ko saka isinukbit ang bag at lumakad papalayo.

Pagdating ko sa parking lot ay naroon na si kuya sa Mustang niya. Agad siyang napatingin sa kamay ko.

"What happened?" may halong pagkabahala ang tono niya.

Inagaw ko ang kamay ko "I'm fine. Malayo sa bituka to" sinubukan kong ngumiti.

Di pa rin umaalis yung pag-aalala niya. "Huwag ka na muna mag motor. Ipapakuha ko na lang diyan mamaya." utos niya pero dahil likas na matigas ang ulo ko ay di ako pumayag.

"Dito na lang ako. Ayaw kong iwan si Butter" tinutukoy ko yung motor ko.

"Tsk! Ang tigas talaga ng ulo!" iling siyang sumakay sa mustang niya at ako din ay sumakay na sa motor ko. Napakasakit ng kamay ko pero kakayanin

Habang nagmamaneho lalong kumikirot kaya napapapikit ako. "Fudge!" sigaw ko nang nabitawan ko ang manebela at natumba ako sa daan.

"Maeve!" sigaw ni kuya. "Maeve, don't move dadalhin na kita sa ospital" tarantang saad niya.

Maya maya ay naamoy ko na ang loob ng ospital na pinakaayaw ko sa lahat ng amoy. Amoy dugo, gamot at ano pa.

"Nurse!" sigaw ni kuya kaya agad akong sinakay sa stretcher at dinala sa ER.

Tengene!

Tinurukan nila ako ng kung ano at unti-unting dumilim ang lahat.

DAVE LYON's POV

THIS IS SO F*CKING FRUSTRATING!!

Ang tigas kase ng kukoti nitong kapatid ko kaya ayan sa ER tuloy ang binagsakan.

Ang totoo kanina ko pa napapansin na pasuray-suray ang takbo ng motor niya kaya binagalan ko ang takbo sa kotse ko kaya nung nakita ko siyang nabitawan ang manebela ay agad kong iniwan ang mustang ko at tumakbo sa kaniya. Good thing walang ibang sasakyan doon bukod samin.

Bumukas ang pintuan ng ER at lumabas doon ang doktor na nag-asikaso kay Maeve.

"Doc, how is she?"

Ngumuti si Doc "The patient is fine. We already quilted the cut on her right hand. She just needs more rest to gain her strenght. We also noticed that she having an anxiety that's why you need to be more focus on her."

"Thanks doc"

Ngumiti lang siya ulit at umalis na.

Bumuntong hininga ako at pumasok na sa kuwarto ni Maeve. Nilagay ko siya sa V.I.P room dahil ayaw na ayaw niyang may nag-iingay.

Umupo ako sa gilid niya. Naka hospital gown siya. Wala din yung glasses niya na nagbigay ng kakaibang itsura sa kaniya. PANGIT in short ---shh lang.

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. "Sis, sorry kung minsan wala ako sa tabi mo. Pero tandaan mong mahal na mahal kita.." nahulog ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

Kahit ganito lang yung kapatid ko mahal na mahal ko ito. Basagulera kase kaya pinalayas sa bahay---at ako naman sumunod sa kaniya dahil bilang kuya responsibilidad ko ang kapatid ko.

Our parents are busy in their businesses. Kaya nagkaganito to dahil walang sapat na atensyon galing sa magulang. However, I can't blame our parents for treating her like nobody.

Napaangat ako ng ulo nang gumalaw si Maeve. Agad ako tumayo at akmang pipindutin sana ang intercom nang magsalita siya.

"W-wag.."

Bumalik na lang ako sa tabi niya. "May masakit pa ba sayo? Sabihin mo kay kuya"

Umiling siya at ngumiti "W-wag ka ngang O.A kuya, natumba lang ako sa motor, malayo sa bituka to.." mahina niyang sabi.

"Alam ko na yang linyahan mong iyan eh. By the way bakit nagkaganyan ang kamay mo? Who did that?" galit kong tanong.

"Who agad? Di ba pwedeng What?" natatawang saad niya pero di ako tumawa kaya huminto siya at sinubukang umupo pero napadaing siya.

"Aray!" tinulungan ko siyang umupo at inayos ang kumot hangaang bewang niya.

"Malayo pala sa bituka ha?"

Ngumiti siya "Likod ko yung masakit kuya hindi yung bituka"

Napatawa ako "Talagang pinandigan mo yung promise mo sakin ah?"

"Oo naman. Ayaw ko nang lumaki pa muli ang gulo pero kuya kating kati na talaga tong nga kamao ko eh kung di ako napatigil kanina. Masyado na naman akong nadala sa inis ko" singhal niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya "Mas mabuti na yan kaysa mapahamak ka muli. Bagong school ang tatapakan mo at di mo pa kilala kung sino sino sila. Di katulad ko na gamay ko na kahit kilos nila"

Bumuntonghininga siya "Yeah... pero pwedeng lumabag ako kahit once lang?" nakangiti niyang tanong.

Napatawa ako at pintik ang noo niya "Aray!"

"Sige, pagbibigyan kita. Pero pag alam mong di mo kakayanin tumakbo ka na lang, maliwanag?" paalala ko

Tumango naman siya at ngumiti.

I don't want to lose you... again... I won't let others to hurt you... I will protect you no matter what... I love you sis.

RUFUS REX's POV

Nakakainis! Nakita ko na naman yung pangit kanina di ko tuloy na enjoy yung lunch ko.

Bakit ba kase kung saan ako nandun din yun?!

'Basura kase!'

"Hoy! Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka! Okay ka lang?" tanong sakin ni Asher.

Nandito kami ngayon sa gymnasium. Walang pasok ngayong hapon kaya naisipan naming tumambay muna kesa umuwi.

"Tsk! Wag ka nang magulo, Ginto!" singhal ko sa kaniya.

"Ginto your ass!!" singhal niya din sakin..

"Hey guys.." napalingon ako sa nagsalita.

Kilalang kilala ko talaga kahit boses pa lang niya. Si Ashleigh Meighen--- ang nililigawan ko.

Three years ko na siyang nililigawan, mula pa noong first year kami pero di pa niya ako sinasagot. Pero Okay lang kase nararamdaman kong may gusto din siya sakin.

"Hi Leigh.." bati ko sa kaniya. Leigh ang tawag ko sa kaniya kase kapag Ash-- parang tinatawag ko na din si Ginto. Kinuha ko ang bag niya. Syempre gentleman ata to.

"Thanks" nakangiting sabi niya. Ang ganda niya talaga. Yung tipong kahit nakatalikod alam mo nang maganda.

Bukod sa maganda, mabait din siya kaya nga gustong gusto ko siya eh.

"Wala kayong class? Bakit di pa kayo umuwi?" tanong niya samin. Bukod sakin ay close din sila nung dalawa kaya nga nasali na si Leigh sa barkada namin eh.

"Yeah. Wala si Lec kanina kaya pinauwi kami ng maaga pero naisipan naming tumambay muna at saka para maihatid kita." ngiti ko sa kaniya.

Nagblush naman siya kaya napangiti ako "Okay... so aalis na tayo? Uuwi na kase ako" anyaya niya.

Tumango naman kaming tatlo.

PARKING LOT.

"Una na kami sa inyong dalawa. Leigh, Rus, una na kami" sabi nina Felix at Ash.

Kumaway lang kami sa kanila hanggang sa wala na sila sa paningin namin.

Sumakay na kami ni Leigh sa kotse ko at pinaharurot paalis. Kuwento nang kuwento si Leigh tungkol sa first day niya at ako naman ay nakikinig lang at minsan tumatawa kase may sinasabi siyang nakakatawa.

Sa loob ng tatlong taon, ganito lang ang routine namin. Papasok ako sa umaga, minsan bibisita pa ako sa classroom niya. Minsan sabay siya samin mag-lunch, tapos ihahatid ko siya pauwi sa kanila.

Kahit OO niya na lang ang kulang, para sakin sapat na ito kase pinaparamdam niya din sakin na worth it ang paghihintay ko.

Narating na namin ang bahay nina Leigh.

"Thanks for the ride, Rus." nakangiting saad niya.

Ngumiti ako. "Kahit di ka na magpasalamat Leigh, kahit OO mo na lang okay na.." biro ko sa kaniya pero meron sakin na umaasa na sasagot siya sakin.

Tumawa siya kaya naman nagpeke din ako ng tawa "Rus, wag ka ngang magbiro. Malapit na talaga. Konting hintay na lang please?" pakiusap niya kaya naman ngumiti ako pero yung ngiting masaya. Atleast sasagutin niya ako---pero di pa ngayon.

"Joke lang naman Hahaha" tawa ko "O sige pasok ka na. Hintayin kitang pumasok tapos aalis na ako"

Ngumiti lang siya at kumaway at saka pumasok na. Nawala bigla ang ngiti ko. Malungkot na naman ako dahil wala na naman si Leigh sa tabi ko.

Sigh.

Pagkarating sa bahay ay sinalubong ako ni Millie---yung aso ko.

"Hey baby.." kinuha ko siya at kinandong. Umakyat na ako sa kuwarto at nagbihis. Pagbaba ko nadatnan ko si Nanay Norma sa kusina nagluluto ng meryenda.

"Ano yan Nay?" tanong ko sa kaniya.

"Cassava cake hijo. Hintayin mo na lang at luto na ito maya maya" saad niya kaya tumango ako.

Sa wakas luto na yung cassava cake na ginawa ni nanay kaya naman nagmeryenda na ako at dumeretso sa kuwarto para magpahinga.

NO ASSIGNMENTS

NO REPORTINGS

NO PROJECTS

NO RECITATION

Yan ang gusto ko sa first day of school eh. WALANG PROBLEMA

Pero yung pahinga ko mukhang naging bangungot nang maalala ko yung babaeng basura na pangit.

"Haystt bakit mo ba kase inaalala yung babaeng yun, Rufus? Tsk!" Inis akong nagpagulong gulong sa kama.

Naalala ko yung mata niya na maganda---

"Fudge! Ano bang iniisip mo Rufus?! Tumigil ka nga!!"

Sa sobrang inis ko ay ginulo ko ang buhok ko.

Humanda talaga sakin ang basurang iyon!

*Evil laugh*