Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Legends of God's Children

🇵🇭Deredskert
--
chs / week
--
NOT RATINGS
23.4k
Views
Synopsis
In the year 2100 set foot in the world of mortals, only biblical creatures can be seen, and it is none other than devils or better known as “demons”. Over the years they came and began to take over the world, but one day an angel came down from heaven, and told about the new generation, the exterminators of the devils. And they are called The God’s Children.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter I

Chapter I. The God's Children's

SA isang malaking siyudad na kilala sa isang bansa na bahagi ng Asia ay makikita ang isang grupo ng mga Diyablo na binabagtas ang isang lugar sa maynila.

Nagpapakawala ang mga diyablo ng itim na enerhiya at walang alinlangang inasinta ang isang mataas na gusali.

Nang masaksihan ito ng mga tao sa paligid ay mabilis na nagtakbuhan ang mga ito papalayo.

"Nasaan na ang mga mandirigma ng diyos bakit wala pa sila!" Sigaw ng isang lalake na tumatakbo kasama ang kaniyang ina.

"Malapit na daw silang dumating!" Sigaw naman ng isang babae habang nakatingin sa isang kaniyang telepono.

"Arrrrrgggghhhhh! Gwaaaarrrr!" Atungal ng isang demonyo at walang awang Sinunggaban ang isang lalake.

Ang lalake naman ay tila nawalan ng pag-asa ng mapansin na siya ang puntirya ng diyablo. Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa.

"Whaaaa Tulong!!" Sigaw ng lalake at napatingin sa Diyablo na pasugod sa kaniya. Umiiyak na siya dahil tiyak ang kaniyang kamatayan.

"Swiiissshhhh! Bang!!!!" Isang malakas na pag tama ng nagliliyab na kamao ang tumama sa mukha ng diyablo. Nagulat ang lalake sa biglang pag dating ng isang dalaga.

Ang dalagang itong ay mayroong pulang buhok at pulang mga mata at kapansin pansin ang mga nagliliyab nitong mga kamao.

"Isang God's Children!!!" Sigaw ng diyablong nakita ang pag dating ng dalaga.

"Sugurin siya!" Sigaw ng mga diyablo. Nang mapansin ng dalaga ang hudyat ng pag sugod ng mga diyablo ng siya'y mag salita.

"Lumabas na kayo!" sigaw naman ng dalaga at may mga binatilyo ang agad na bumaba mula sa mga gusali.

"Leader kahit kailan hindi ka makapag hintay lumaban!" sabi nang dalawang binata.

"Hindi niyo ako masisisi gusto kong tapusin ang trabaho ko ngayon kaya tapusin natin sila" Sabi ng dalaga at pinagliyab ang kaniyang mga kamao.

"Flame of Divine Dragon Souring Fist of fury!" Sigaw ng dalaga at walang takot na sumugod sa mga diyablo.

Nakaramdam ng pananabik ang dalaga nang mapansin niya ang kabobohan ng mga halimaw.

Mabilis siyang umatake at pinag susuntok ang mga demonyo. Nang makita naman ito ng dalawang binata ay napaisip nalang sila.

"Kakaiba talaga si leader!" Sabi nila at ibinaling ang atensyon sa dalawang diyablo na pasugod din sa kanila.

"Mga walang kwentang nilalang!" Sabi ng binatilyo at may Asul na enerhiya ang lumabas sa kaniyang katawan. Lumipas ang ilang sigundo ay bumagsak ang katawan ng diyablong umatake sa kaniya.

Butas na ang katawan nito dahil sa sibat na tumama sa tiyan ng diyablo. Ang Sibat na ito ay gawa sa Tubig. Mababakas ang ngiti sa mukha ng binata.

"Isa kang hangal na sugurin ang isang gaya ko!" Sabi ng binata habang pinag masdan ang paglalaho ng katawan ng diyablo.

Ganito ang nangyayari sa katawan ng diyablo kapag sila ay namamatay ay magiging abo ito at hindi na mabubuo pang muli. Ang isa pang binatilyo ay walang pakundangang pinapatay ang nakakalapit sa kaniya na diyablo.

Ang kakayahan niyang makontrol ang hangin ay isang kahanga hangang kakayahan. Ang dalawang binata at ang dalagang dumating ay tinatawag na GOD'S CHILDREN Dahil sa kakayahan nila na bigay ng langit at may basbas ito ng diyos.

Ang mga God's Children's ay nagagawang gumamit ng kapangyarihan ng Elemento na mag sisimulang sumibol sa kanilang ika sampung kaarawan. Ang mga kagaya nila ay ipinapasok sa isang eskwelahan para maging isang ganap na tagapag ligtas.

Ang mga God's Children's ay may kaakibat na Tamang elemento para sa kanilang Aura.

Ang Aura ay ang mismong enerhiya para magamit ang kapangyarihan ng kanilang elemento. At sa uri ng mga elemento ay may ibat ibang mythical beast at god's ang nakapaloob rito. Kagaya ng Divine Dragon na may elemento ng apoy na taglay ng dalaga na kanilang kasama.

Ang kakayahang ito ay natural sa isang God's Children. Ang isang God's Children ay mayroong sinusunod na mga level. Ang mga level na ito ang mag babase kung ano ang kanilang ranggo. Ang pinaka mataas na ranggo ay Z rank at ang pinaka mababang ranggo ay F rank.

At ang tatlong nakikipaglaban sa na God's Children ay may ranggong B at A. Ang may ranggong A ay walang iba kundi ang Dalaga na hanggang ngayon ay nakikipag laban sa mga diyablo. At ang dalawang may ranggong B ay ang dalawang binatilyo.

Balewala lang sa kanila ang pumatay ng diyablo. Inuunan nila na sumaklolo sa mga tao sa bawat gusali. Hindi sila nag aalala para sa kanilang Leader alam nila ang kakayahan ng dalaga kaya wala silang dapat ipag alala.

Ang binatang nag tataklay ng elemento ng tubig ay nakaramdam ng buhay sa ilalim ng mga gumuhong gusali. Agad siyang nag madali at sinaklolohan ang nasa ilalim ng gumuhong gusali. Nang mag punta siya sa ibabang bahagi ng gusali ay narinig niya ang pag mamakaawa ng isang batang lalake.

Ang batang lalake ay naipit mula sa gumuhong gusali. Nang makita ito ng binatilyo ay agad siyang lumapit sa bata.

"Bata kaya mo pa ba ililigtas kita!" Sabi niya sa bata at sinumulan ang pag gamit niya sa kaniyang kapangyarihan.

Bumuo siya ng porma ng tubig at naging isa itong matigas na tila Yelo. Iaangat ko bata kumapit ka! Sabi ng binata at pinakinggan ito ng batang lalake.

"Grrrrhhh!" Mapapansin ang hirap sa batang lalake habang unti unting iniaangat ng binatilyo ang nakadagan sa kaniya. Nang lumuwag na ang espasyo ay agad may Pumulupot na tubig sa katawan ng batang lalake. Lumapit ito sa binata at maingat na hinawakan ang ulo ng bata.

"Mabuti at ligtas ka!" Sabi ng binatilyo sa munting bata.

"Salamat po kuya!" Sabi ng batang paslit.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ng binatilyo sa bata.

"Ako po si Shawn! Shawn Monteverde!" Sabi ng bata sa binatilyo at niyakap niya ito.

"Ikinagagalak kitang makilala, Ang pangalan ko naman ay Edrian tawagin mo nalang akong kuya Ed mo ah" Sabi ng binatilyo at tiningnan muli ang batang si Shawn.

May nararamdaman siyang Aura sa katawan ni Shawn. Isang God's Children ang batang ito at hindi pa iyun nadidiskubre ng bata.

"Shawn ilang taon kana?" Tanong ng binata at tiningnan ang batang lalake.

"Siyam na po kuya Ed" Sabi ng bata at lumapit sa binatilyo.

.....

Habang abala ang mga diyablo sa paglaban sa isang God's Children ay mayroong isang lalake ang makahulugang nakatingin sa kanila.

Lalo na ang batang iniligtas ng binatang may elemento ng tubig.

"Ang batang iyun? Hindi normal ang elementong tinataglay niya, Malaking perwisyo siya sa hinaharap!" Sabi ng lalake at tumayo siya at sa isang iglap ay naglaho ito na parang bula.

Lumipas ang isang oras ng pakikipag laban at pag ligtas sa mga tao ay sa wakas ay natapos ang laban. Nakapatay ng limangpung diyablo ang grupo na kinabibilangan ni Edrian. At kapansin pansin ang batang paslit na hawak hawak niya.

Si Shawn Monteverde...

Vote and comment