Chapter IX. Lucy Vs Shawn
IDINILAT ni lucy ang kaniyang mga mata at makikita ang kulay pulang kulay nito, ang kaniyang katawan ay nababalutan ng itim at pulang aura at kung tawagin ay Crimson Aura.
Ang pagbalot nito sa kaniyang katawan ang nagpanganga sa mga gurong nanonood. At nang makita naman iyun ni Shawn ay medyo nabigla siya, subalit nang lumipas ang ilang sandali ay nawala na agad iyun.
Sapagkat sinukat niya ang kalidad ng aura nito, at maikukumpara lamang iyun sa D class rank. Maganda ang daloy ng aura nito sa katawan ngunit hindi nito magawang pantayan ang kalidad ng kaniyang aura.
Subalit wala siyang balak na magpabaya sa labang ito, sapagkat ito ang unang beses na ipapakita niya ang kaniyang taglay na kapangyarihan at susubukan niya ito ngayon sa indibidwal na nagtatagalay ng misteryosang aura.
Pinagmasdan niya ang mga mata ng kaniyang kalaban, nakikita niya sa mga mata nito ang pagka sabik sa paglaban. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at pinadaloy ang kaniyang aura sa kaniyang mga kamao at binti.
Ang kaniyang mga nagbabagang kamao ay mas lalong lumakas dahil sa pag kontrol niya sa kaniyang aura.
Ito ang isa sa mga kakayahan ng bawat God's Children ang magawang kontrolin ang pagdaloy ng kanilang aura.
Isa ito sa mga pangunahing pamamaraan ng bawat God's Children, ang kakayahang kontrolin ang sariling kakayahan.
Si Lucy naman ay kaagad rin kinontrol ang kaniyang aura at ang natatanging nababalutan ng kanitang aura ay ang kaniyang mga kamao at binti.
At ang Aura nga ni Lucy ay mas lalong nagngalit dahil sa paglabas ng Pulang Kidlat sa mga kamao ni Lucy.
Ang mga guro nga ay napatayo sa kanilang nasasaksihan. Ang batang babaeng ito, hindi ito normal para sa isang God's Children.
Si Sebastian nga ay nag alinlangan ng makita ang tinataglay na elemento at aura nito.
Kukuhanin na sana niya sa kaniyang bulsa ang isang papel ng pagpapatigil ng labanan ng biglang kumilos ang dalawang bata.
Ang dalawa ay kaagad na umatake sa isat isa. Ang kaniyang mga binti ay halos bumaon sa kanilang kinatatayuan at isang parehong malakas na pagtalon sa ere ang ginawa ng dalawa.
Ang dalawa nga ay nag palabas ng magkaibang nagliliwanag na enerhiya.
Ang Asul na naglalagablab na apoy at ang Pulang higanteng kidlat na magtatama na.
"BANGG!!" Isang malakas na pagsabog ang naganap sa gitna ng Soccer field kung saan naroroon ang maliit na battle arena.
Sila Grey, at Akari ay napanganga nalang dahil sa malakas na pagsabog na nagawa ng atakeng iyun ng dalawa.
Si Sebastian nga ay nagulat dahil sa malakas na pagsabog na iyun, napalibutan nga ng usok ang paligid ng arena.
Kaya naman inilabas n'ya ang kaniyang dilaw na aura, at sa isang iglap nga ay madali na siya nakakakita. Nagagawang makakita ni Sebastian kahit maraming alikabok ang nagliparan sa paligid.
Ito ang isa pa sa mga kakayahan ng aura, ang maging isang proteksyon sa kahit anong bahay sa paligid. Kaya naman kahit sobrang labo ng buong paligid ay nagagawa parin niyang makikita ng malinaw.
Isa ito sa kakayahan ng lahat ng gurong naroroon.
Hinanap nga ni Sebastian ang dalawa at nakita niya ang dalawa sa Himpapawid at pawang nagpapalitan ng mabibigat na atake isat isa.
Napapalitan ng kamao ang mga ito, at kapwa na walang umuurong sa dalawa. Namangha si Sebastian sa labanan na kaniyang nakikita.
Ang labanan ng dalawa ay katulad sa taunan niyang napapanood na labanan ng mga estudyante taon taon sa sport battle arena ng kanilang paaralan.
Muli ay dumagundong ang paligid ng muling magtama ang kamao ng dalawa.
Ang dalawa nga ay nagpapakita ng mapanira nilang kapangyarihan. Si Edrian nga ay hindi makapaniwala sa pakikipaglaban ng kaniyang munting estudyante.
Parang kailan lang, isa palamang itong simpleng bata subalit ngayon nandito ito ngayon at ipinapa malas ang taglay nitong lakas sa lahat.
Samantala sa labanan sa pagitan nila Shawn at Lucy ay mas lalong nag-iinit ang kanilang laban.
Sa ngayon ay kapwa sila nasa gitna ng arena at kapwa magkahawak ang mga kamay habang nagtitimbangan ng kanilang taglay na lakas.
Hindi malapaniwala si Shawn na may ganito kalakas na pisikalidad ang babaeng ito. Ang kaniyang mga simpleng atake ay hindi tatalab para sa isang ito.
Kaya naman ang kaniyang aura ay kaniya nang ikinalat sa buo niyang katawan at kasabay nun ay ang paglagablab ng kaniyang asul na apoy sa kaniyang katawan.
Ang kaniyang apoy ay umabot na sa kaniyang balikat at ang kaniyang buhok ay naging asul nang apoy.
At ang kaniyang asul na mga mata ay lalo pang kumikislap. Ang kaniya namang katawan ay unti unting naglalabas ng itim na usok.
Dahilan upang mamangha ang mga manonood, sa pangalawang pagkakataon ay pinalabas muli ni Shawn ang Itim na usok at mukhang gagamitin na ni Shawn ang Usok na ito ngayon din mismo.
Si Lucy naman ay nakakita ng pagkakataon ng bahagyang lumuwag ang hawak sa kaniya ng kaniyang kalaban.
Kaya naman inasinta niya ang katawan nito at ang kaniyang kaliwang kamao ay nabalutan ng pulang Kidlat.
Nagkaroon ng pagsabog sa gitna ng arena, dahil sa pagsabog na iyun ay nabalutan ng alikabok ang paligid.
Subalit may kakaibang itim na usok ang biglaang kumalat sa paligid, at sa isang hindi inaasahang pangyayari ay ang pagtilapon ng isang batang babae palabas ng arena.
Nag hiyawan ang mga guro sa kanilang nasaksihan, ang labanan ng dalawa ang isa sa mga kapana panabik na laban na napanood nila.
At ang biglaang pagkalat ng itim na usok mula sa katawan ni Shawn ang pinaka nagpa mangha sa kanila.
Nang sandaling madikit rito ang kaniyang kalaban ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa enerhiya nito na naging sanhi ng pagsabog.
Subalit ang pagsabog na iyun ay nagawang pahinain ng Itim na usok na mula kay Shawn sa pamamagitan ng paghigop nito rito.
Hinigop ng itim na usok ni Shawn ang Pwersa ng pagsabog na likha ng atake kaniyang kalaban.
Nang mawala nga ang enerhiyang iyun ay kaagad naman niyang sinunggaban ang wala ng laban na kalaban at sa pamamagitan ng pisikal na lakas at ibinato niya ito palabas ng Arena.
Isang hindi inaasahang pagkapanalo ang nasaksihan ng mga guro sa laban na iyun sa pagitan nila Shawn at Lucy.
Si Lucy ay agad naman na nakatayo mula sa kaniyang pagkakabagsak sa labas ng arena.
Tila nga hinilot nito ang kaniyang likuran dahil sa kaniyang pag tilapon kanina.
Napangisi na nga lamang siya dahil sa tindi ng laban. Ngayon lamang siya nakaranas ng ganun katinding laban.
Gusto pang matuto ni Lucy sa pakikipag laban, tumingin si Lucy sa batang kaniyang nakalaban at tiningnan ito na puno ng kumpyansa.
Gusto niya muli itong makalaban, sa susunod na magharap sila sa loob ng entablado.
Kaagad nga na umalis sa loob ng arena si Shawn dahil sa kaniyang pagka panalo, at nagawa narin niya ang kaniyang gustong gawin.
Naipakita na niya ang kaniyang kasalukuyang lakas, subalit nagkaroon siya kaagad ng posibleng karibal sa larangan ng pakikipaglaban.
Ang laban niya kay Lucy ang ay naging seryoso kanina, hindi niya inakala na sa taglay nitong aura na maihahalintulad sa isang D class rank ngunit may sapat itong lakas upang pabagsakin ang isang gaya niya.
Batid niya na may kakaiba rito, kaya naman nagkaroon siya ng motibasyon para mas lalong lumakas.
Samantala umakyat na sa Arena ang susunod na mag lalaban at ang dalawang ito ay sila, Akari Noshiko Nishimiya, at Grey Ashton Morehood....
:To be Continue: