Chapter III. Chase
ILANG minuto ang lumipas ng magising si Shawn tagatak parin ang kaniyang pawis at hinahabol ang kaniyang paghinga. Naaalala niya ang bawat detalye ng mga nangyari. Biniyayaan siya ng kapangyarihan ngunit hindi niya pa alam kung anong kapangyarihan iyun.
Napatingin nalang siya sa salamin at nakita niya ang kaniyang itsura. Sobrang tagaktak ang kaniyang pawis na tila galing siya sa malayong lugar. "Kailangan ko nang maligo!" Sabi ni Shawn at agad nagtungo sa kaniyang banyo.
Nang pagpasok niya sa banyo ay nakaramdam siya ng kung ano sa kaniyang katawan. "Bakit! Bakit! Ang init ng pakiramdam ko!" Reklamo ni Shawn kaya naman agad siyang nagtungo sa Cubicle at Binuksan ang Shower.
Nang unang mga minuto ay nakakaramdam ng ginhawa si Shawn ngunit ng lumipas pa ang isang minuto ay may kung anong Itim na Usok ang Lumabas mula sa kaniyang katawan. Nakapikit si Shawn kaya hindi niya napansin ang itim na usok.
Samantala ang itim na usok ay patuloy na dumarami hanggang sa mapalibutan nito si Shawn. Ang itim na usok na ito ay tila may buhay. Ilang minuto itong nakapabot sa katawan ng bata ay unti unti itong nag laho.
Pero ng lumitaw ang itsura ng binata ay may kakaibang nangyari sa kaniyang pustura. Ang kaninang purong itim niyang buhok ay nahaluan ng Asul na buhok.
At sa kaniyang katawan ay nagkaroon na ng hubog. Hindi kagaya ng orihinal niyang patpating katawan. Ang itim na usok ay binago ang kaniyang pangangatawan. Naging maskulado ito sa murang idad. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapag pasyahan niyang umahon na.
May kakaiba siyang naramdaman, Napaka init ng kaniyang pakiramdam parang walang talab ang kaniyang pag ligo. Siya'y nagbihis ng Puting Sando at Itim na Short. At agad bumaba sa salas.
Ang mga pinsan naman niya na nasa sala ay napanganga sa biglang pagbaba nang isang batang lalake.
"Sino ka?" Bulaslas ng Dalawang magkapatid na mga pinsan ni Shawn.
"Ano bang sinasabi niyo, Ako si Si Shawn!" Sagot ni Shawn at maglalakad na sana ng Sumigaw si Jonna.
"Mama!!, Tita!! May Ibang bata Dito!" Sigaw nito na agad namang narinig ng ina ni Shawn.
"Ohh! Hija baka naman bisita yan!" Sigaw nito mula sa kusina.
"Pero Tita Sabi niya siya daw si Shawn" Nang sabibin ito ni Jonna ay kaagad napakaripas ng takbo ang ina ni Shawn.
Nagtaka naman si Shawn sa mga nangyayari Epekto kaya ito ng Regalo sa kaniyang kapangyarihan. Dali dali siyang nag tungo sa salamin at maging siya ay nagulat sa kaniyang nakita.
Ang kaniyang buhok ay nahaluan ng kulay Asul at ang mga mata ay naking kulay Asul.
"Anong nangyari saakin!!!!!?" Bulaslas ni Shawn ng makita niya ang kaniyang itsura. Napatingin naman sa kaniyang reaksyon ang kaniyang mga pinsan.
"Oh! Maging siya nagulat Paano ka magiging si Shawn hindi yan ang itsura ng pinsan namin" Sabi ni Jonna at hahawakan sana siya nito ng biglang may lumitaw ng itim na usok sa kaniyang likuran.
Nagulat si Jonna sa biglang paglabas noon.
"Kyaaaa!! Halimaw!!!" Sigaw ni Jonna kaya naman napatakbo si Shawn palabas ng kanilang bahay.
Tumakbo siya sa mga eskinita napansin siya ng mga lalakeng nag nakatambay.
"Aba ang bilis nun ah!" Sabi ng isa sa mga lalake ng biglang may isang lalake ang bumagsak sa harapan nila. Ang lalakeng ito ay si Edrian.
"Nahuli na ako Lumapas siya ng bahay nila! Delikado!" Sabi ni Edrian at agad Tumalon ng mataas na nagpagulat sa mga nakatambay. Sa isang mataas na gusali naman ay makikita ang isang lalake na nakaupo sa Glass window sa 13th floor ng gusali.
Pinag mamasdan niya ang isang batang lalake na mabilis na tumatakbo. "Isang bagong supling Tamang tama!" Sabi ng lalake at sa isang iglap ay kaagad itong naglaho. Samantala si Shawn naman ay patuloy paring tumatakbo.
Pero sa kabila ng kaniyang pag takbo ay hindi niya pansin ang atensyong nakukuha niya Dahil sa bilis ng kaniyang pag takbo ay may mga nadadaanan siya na naiiwang may mga lumipad o kaya'y nasusunog.
Habang siya ay napapalibutan ng itim na usok. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Wala siyang ediya Kung Saan siya pupunta.
"Bata!!! Tigil!!!" Sigaw ng isang babae kaya naman napatingin siya sa tumawag sa kaniya.
Ang babaeng ito ay may mahabang pulang buhok at may pula mga mata at ang suot nitong Pulang dress na animo'y galing sa ito sa isang kasiyahan.
"Ang aga aga nanggugulo ka!" Sabi nito at tumalon papunta kay shawn.
Nang makita naman ni Shawn ang walang pakundangan pag talon ng babae papunta sa kaniya ay pinili niyang umiwas at tumakbo sa kabilang direksyon.
"Puta! Kang bata ka!" Sigaw ng babae at pinalabas ang kaniyang naglalagablab na apoy.
"Flame of Divine Dragon Majestic Flame!!!" Usal ng babae at isinuntok ang kaniyang kamao sa lupa. Sa isang direksyon naman makikita ang isang binata na tumatalon sa mga gusali.
Nang makita niya ang biglang pag lagablab sa west side ay nag alala siya sa kalagayan ng bata.
"Lagot na si shawn dapat makita ko na siya hindi siya pwedeng makuha ng mga diyablo" Sabi ng binata at tumalon ng mabilis sa mga naglalakihang gusali.
Si Shawn ay patuloy na tumatakbo ng makita niya ang isang park! Nagtungo siya doon at nang makita siya ng mga Tao ay kaagad silang nagsi alisan. Tumakbo sila hindi dahil kay Shawn kundi ang nilalang na nasa likod nito.
"Isang diyablo!!!!!" Sigaw ng ilan pang naroroon kaya naman nagkaroon nang matinding ingay sa lugar na iyon. Si Shawn Takot na takot siyang nakatingin sa Halimaw.
"Wag!! Wag kang lalapit?" Sigaw ni Shawn na ikinangisi ng diyablo.
"Kekekeke!, Sige iyak lang bata iyan na ang huling iyak mo sa mundo!" Sabi ng diyablo at aatakihin na sana nito shawn ng biglang isang malaking Sibat na gawa sa tubig ang biglang tumama sa kamao nito.
"Subukan mong kantiin kahit isang hibla ng buhok ng batang iyan Ako ang Papatay sayo!" Sigaw ng isang binata na nakatayo sa isang stop light.
Nang tumingin naman rito si shawn ay nagkaroon siya ng pag asa.
"Kuya Edrian!!..."