Chereads / Alexandre Pascuelo III : Lust NIGHT / Chapter 9 - ALEXANDRE PASCUELO III [8]

Chapter 9 - ALEXANDRE PASCUELO III [8]

Hindi ko siya matingnan dahil tama ang mga sinabi niya...

Malay ko ba na kailangan pala pag-gising niya ay naroon pa rin ako.

Napanguso ako sa naisip.

Tinitigan ko lang ang kamay niyang hinahaplos ang tiyan ko at ang isang kamay na nakahawak sa isang kamay ko..

Gusto kong bawiin yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya... Ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.

Hindi na lang ako nagpumilit...

Hinayaan ko siya.

Pinagmasdan ko kung paano niya hinahaplos ang tiyan ko at kung paano niya ito pagmasdan...

Nakagat ko ang ibabang labi ko... Why is he being like this?

Mas matatanggap ko pa ata kung ang maririnig ko sa kanya ay ang pagtangging hindi kanya itong buhay na nasa sinapupunan ko..

But, here he is.. Acting like we knew each other for a long time. Like he knew me from the very beginning.

I don't like him.. He's a playboy!

Narinig ko ang pagpihit ng door knob at agad kong inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

Pumasok dun si Sharmaine... Where's Alelie?

Nakita ni Sharmaine ang lalaking nakaupo sa gilid ko kaya napairap siya.

I know her.

Lumapit siya sa akin.  " Kaya mo bang tumayo? Nabayaran ko na ang bill mo.. "aniya.

Napairap ako. " Of course kaya kong tumayo, Sharmaine. Hindi pa ko paralisado, okay. " ani ko.

Napairap din siya.

Tiningnan naman niya si Pascuelo na nasa kabilang gilid ko.

" I saw your friends outside. Why are you still here? " ani Sharmaine at pinagtaasan niya ito ng kilay.

Binalingan ako ng tingin ni Pascuelo as if he's asking me for a help.

Tumingin ako kay Sharmaine.

" Siya... Siya yung daddy ng baby ko.. " pag-amin ko kay Sharmaine kahit alam kong may hinala na siya.

Tiningnan ko si Pascuelo.. Sa akin lang siya nakatingin at halos di ako makagalaw dahil sa ngiti niya.

Binalik ko ang tingin ko kay Sharmaine dahil sa pagkailang sa tingin ng lalaking ito.

" I know. " Sharmaine said then she rolled her eyes on Pascuelo..  " As if may ibang sikat na modelo na may pangalan ding gaya ng sayo? Tsk. " baling niyang sabi habang nakatingin sa lalaking nasa gilid ko.

Maldita ka talaga, Sharmaine!

Saglit na napayuko si Pascuelo dahil dun.

" Alam mo naman pala na ikaw ang Daddy bakit hindi ka nagsalita ng naghahanap si Doctora ng boyfriend? Tsk. Pasarap ka lang eh. " inis na paratang ni Sharmaine.

Halos mabilaukan ako sa sariling laway ko dahil sa mga salitang ginagamit ni Sharmaine.

What the hell? Pasarap lang? Haha.

Kinunutan ko ng noo si Sharmaine. Alam kong alam niya na gusto ko nalang ay manahimik siya. Umirap siya.

" What? Tama naman ako ah? " irap niyang muli.

Siraulo talaga.

" Hindi ko alam na kaya naghahanap ng boyfriend yung doctor ay dahil may kailangan siyang sabihin about your friend's pregnancy. " biglang singit nito.

Seryoso ito at parang ingat na ingat sa bawat salitang binibitawan niya.

Napalingon kami sa kanya at tinitigan niya ako saka nagpatuloy sa pagsasalita.

" I was planning to butt in earlier when Doctora asked about her boyfriend... But, I know she wouldn't want that. At isa pa.. Malay ko kung may boyfriend nga ba siya. " anitong muli saka nag-iwas ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Sharmaine at agad siyang ngumisi. Baliw.

" But, When Doctora said that She's 2 weeks and 5 days pregnant.. That's when I realized that her baby is mine. " dugtong nito at hindi na makatingin sa amin.

Ang mga salitang sinasabi niya ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na hindi ko ma explain.

Parang hinahaplos ang puso ko dahil dun.

Is that his way of telling me that he cares for me and the baby?

I mean,  he cares for the baby..

" Wag na tayong magsisihan. For sure naman akong nag-enjoy din itong pinsan ko dahil kita naman ang ibedensya. Tada~~ang galing niyong magtanim ng bata! Perfect! " pang-asar na litanya ng gaga.

Ewan ko kung nangiinis ba siya o ano. Sarap tahian yung bibig!  Saan ba niya nakukuha yang mga salitang ganyan??!

" The question is.. What's your plan, Third Pascuelo? Okay.. Let me rephrase my question.. Anong plano niyong dalawa? What 'bout, Lolo? " tanong ni Sharmaine na akala mo'y may maitutulong siya kung sakaling hindi namin alam ang gagawin.

That's when it hits me.

I'm pregnant.. Paano ko ito sasabihin kay Lolo?

Paano kung palayasin niya ako at hindi na ituring na apo?

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa naiisip na maaring mang-yari.

Ayokong isipin ni Lolo na hindi maganda ang pagpapalaki niya sa akin dahil basta basta ko nalang ibinigay ang sarili ko sa isang lalaki.. Sa isang lalaki at ang malala pa ay hindi ko naman kasintahan.

Napailing ako.

" Pupuntahan namin ang Lolo niyo.. I'll asked him for your friend's hand in marriage. " ani Third.

Nabalik ako sa realidad dahil sa narinig.

Agad ko siyang tiningnan. Nababaliw na ba siya?

He's not even my boyfriend tapos hihingin niya pa ang kamay ko sa Lolo ko para lang ikasal kami?

Nakahithit ba ito ng droga?

" Nababaliw ka na? " hindi ko na napigilan ang di magsalita.

He looked at me confused. " What? "

" You're going to ask my Lolo for a marriage?  Have you gone crazy?  You're not even my boyfriend! Alam ni Lolo na never akong nagka-boyfriend tapos susulpot ka bigla sa harap niya at sasabihin papakasal ka sa akin? Matino pa ba pag-iisip mo? " medyo iritado kong sabi.

Napakurap-kurap siya dahil sa haba ng sinabi ko. Narinig ko naman ang munting hagikhik ni Sharmaine sa tabi ko at binalingan siya ni Third ng tingin na parang malaking pala-isipan sa kanya ang mga sinabi ko.

†††††††

Hindi na ako nakapigil at tumayo na lamang nun sa kama at nag-ayos.

Agad akong umalis nun dun.

Nasisiraan na ata ng ulo ang Third Pascuelo na yun. Huh! Marriage? Dahil lang sa isang gabing iyon?

So,  ano? Lahat ng nakaka one night stand niya hahanapin niya at aalukin ng kasal? What the hell?

Nagmartsa nalang ako palabas nun.

Alam kong nakasunod na sa akin si Sharmaine nun.

Nakita ko sa labas ng Hospital si Alelie kaya agad ko siyang pinuntahan.

Ngunit bago ko pa siya mapuntahan ay may nakita akong kausap niya..

Si Cutie.. Hmmm..

Tumigil ako saglit at tinitigan lang sila.

Nakayuko lang si Alelie samantalang ang lalaki naman ay pinipilit iangat ang mukha ni Alelie para magkaharap sila.

Feeling ko tuloy nanonood ako ng teleserye. Yiieee...

Ngumiti sa kanya si Cutie na parang may sinasabi siya kay Alelie..

Sarap talaga pisilin ng pisngi niya.  Napanguso ako.

He promised me na hahayaan niya akong hawakan ang mukha niya basta kausapin ko ang pinsan niya!

Ng makita kong pabalik na sila sa loob ay sinalubong ko na sila.

Tiningnan ko muna si Alelie at nginitian siya. Ngumiti siya pabalik. Alam niyang gusto ko lang makita ang mukha ng cute niyang fiancé.

Binalingan ko ang fiancé niya at nginitian din ito.

Tumitig lang siya sa akin.

" You promised me you'll let me touch your cheeks, remember!? " paalala ko sa kanya saka siya nginitian.

" Only if you did talked to my cousin. " panigurado niya.

" I did! " agap kong sabi.

Nagkatinginan sila ni Alelie saka sila nagngitian. I felt jealous at parang gusto ko nalang awayin itong lalaking ito. Why would he smiled on my Alelie? Tsk.

Palapit na sana siya sa akin ng itulak ko siya at hinila si Alelie palapit sa akin at niyakap ko siya.

Hinarap ko yung lalaki at sinimangutan.

" Alelie is mine! " iritado kong sabi.

Napakurap siya dahil dun at napatingin kay Alelie na hawak ko.

" Don't look at her! " saway ko pa.

Napanganga nalang siya at narinig ko ang tawa ni Alelie dahil dun.

See? I can make my Alelie laugh!

" Kanina lang ang sweet mo pa ah..tsk. tsk. " aniya at umiling habang nakatingin sa akin.

" She's mine... " ani ko pang muli na akala mo ay pag-aari ko si Alelie.

Natawa silang sabay. Napanguso ako.

Ang cute nila pareho.. Hmpt!