Chereads / Alexandre Pascuelo III : Lust NIGHT / Chapter 11 - ALEXANDRE PASCUELO III [10]

Chapter 11 - ALEXANDRE PASCUELO III [10]

Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko..

Obviously, It's Sharmaine. Wala naman akong ibang kasama dito.

Kahit na tinatamad pa akong tumayo at parang gusto ko na lang matulog ay pinilit ko pa rin ang sarili ko.

Aga-aga naman mambulabog ng babaeng ito.

" Oh, c'mon, My preggy Cousin. Wake up.! "sigaw niya.

Napailing ako at dumiretso nalang sa pinto para pagbuksan siya.

" What? " I asked.

Inirapan niya muna ako bago siya sumagot.

" What, ka dyan? It's Saturday, remember? " ngumuso siya sa kung nasaan ang sala. " Third Pascuelo is here kanina pa. " irap na sabi niya.

Napatingin ako sa sala ng condo ko at nagkasalubong ang mata naming dalawa...

Do we really have to go this far? Pwede naman niyang makilala ang anak namin. Do I really have to get married with this guy?

" I told him na gigisingin na kita kanina. But, he refused. Pregnant woman needs a lot of rest, daw. Tsk. " iling niya.

Nabalik ang tingin ko kay Sharmaine.

" Anong oras pa siya diyan? " tanong ko.

Nagkibit-balikat muna siya. " 7:00am. " sagot niya.

Tumingin ako sa wall clock ko.

It's 9:30 am passed. Kanina pa siya.. Lumingon muli ako sa sala. Nasa akin pa rin pala ang mga mata niya.

2 and a half hour siyang nag-antay... Dapat ba akong matuwa dahil sa pag-aalala at effort na binibigay niya?

" Mag-ayos ka na. Nang makaalis na tayo. Naaalibadbaran ako sa tatay ng anak mo. " aniya saka ako marahang pinapasok sa kwarto ko.

Sumunod nalang ako.

Ngayon lang talaga naging ganyan si Sharmaine. She likes models. Pero iba ang trato niya pag dating sa tatlo.

Nag-ayos na ako. Dahil bawal sa akin ang masisikip at makakaipit sa tiyan ko ay nag suot nalang ako ng simpleng dress na meron ako.

Ayoko namang may mang-yari sa baby ko.

Lumabas na agad ako... Naabutan ko sila sa sala.

Nakaayos na upo si Pascuelo pero si Sharmaine ay naka-dekwatro pa habang nakatingin sa taong kaharap niya.

Napailing ako. Laki talaga ng problema nitong si Sharmaine.

Napansin ako ni Third kaya tumingin siya sa akin.

Nilingon muna ako ni Sharmaine bago siya tumayo. Isinakbit niya ang sling bag niya sa balikat saka binalingan ng tingin si Third.

" Isabay mo na ang cousin ko papunta dun. I have my car naman. And for sure, hindi mo din alam ang way. " ani Sharmaine , tumango naman ang lalaki.

Nilingon muli ako ni Sharmaine.

" Mauna na ako. Sumabay ka na sa kanya. " aniya at inirapan ako.

Napailing nalang ako.

Agad siyang dumiretso palabas. Naiwan kami ni Third.

Tumayo siya mula sa sofa at hinarap ako. Akala ko kung anong gagawin niya at lumapit siya sa akin. Kinuha yung bag ko.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Binawi ko yung bag ko.

" Kaya kong bitbitin ito. " ani ko.

Tumango siya. Siguro naman, ramdam niyang ayaw ko ng plano niyang ito?

" Okay... Let's go.. " aniya at iginiya ako palabas.

Sumakay na kami sa kotse niya ngunit hindi ako nagsasalita.

Lolo doesn't know the reason why Third wants to meet him.

Ayokong mag-alala ang Lolo. He's old. What if, may mangyari mamaya dahil sa malalaman niyang sadya ng lalaking ito?

I don't want to lose my Lolo.

At kung hindi man pumayag si Lolo. Susundin ko iyon. Anuman ang maging desisyon niya.

I don't want Lolo to think na mali ang pagpapalaki niya sa akin.

Naging sakit na nga sa ulo si Dad, pati ba naman ako?

Tahimik lang siyang nagmamaneho.

Bakit ba kasi gusto niya pang ikasal kami?

Pwede naman niyang makilala ang anak niya. Maging tatay siya dito, hindi ko naman pipigilan iyon.

Pero bakit nagmamadali siya?

Pasimple ko siyang nilingon. Nakita ko din ang saglit niyang paglingon ng maramdaman niya ang tingin ko ngunit binalik niya agad ang tingin niya sa daan.

" Do... Do we really have to get married? " ani ko at nabaling sa akin ang mata niya.

Agad niyang niliko ang kotse niya saka pumarada sa gilid ng kalsada.

" What do you mean? " kunot-noo niyang tanong.

Inayos ko ang upo ko para mas lalo ko siyang matingnan.

" I mean... This marriage.. Do we really have to do this? Ni hindi mo nga ako kilala eh. " ani ko.

Ni hindi mo nga ako maalala eh.

Tinanggal niya ang seatbelt niya at hinarap ako ng maayos.

" You're carrying my child... What's wrong? " nalilito niyang tanong.

What's wrong? Natawa ako sa sarili ko.

Ano nga bang mali?

If we got married, then, tinupad niya yung pangako niya.

Pangako niyang hindi ko alam kung tanda niya pa.

I'm carrying his child. So, what's wrong on marrying him?

He doesn't even recognized who the hell I am in his life.

Maybe for him, I'm just his one-night-stand and he got me pregnant. That's why we have to get married.

Not to ruin his reputation.

" I'm just carrying your child, Third Pascuelo.. Wala ka ng ibang pananagutan sa akin kung hindi yung baby ko. Wala tayong relasyon, so bakit tayo magpapakasal? " tanong ko pa.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ko para mas lalo niyang makuha ang pinupunto ko.

"I'm just your one-night-stand, or whatsoever. Kung hindi mo ba ako nabuntis, nandito ka kaya ngayon sa harap ko? " tanong ko.

Alam kong nakuha na niya ang ibig kong sabihin.

Buti sana kung tanda niya ako. Masisiyahan pa ako.

" We need to go. " aniya at agad na pinaandar ang kotse.

Magsasalita pa sana ako ngunit kita ko kung paano nabalot ng iritasyon ang buo niyang mukha.

Napabuntung-hininga nalang ako.

Dalawang oras ang kaya matatagalan pa kami.

Sinilip ko siyang muli. Seryoso ang mata niyang sa kalsada lang nakatingin.

" I hope someday, you won't regret this all. This is what you want, anyway. " ani ko at binaling nalang ang tingin sa labas ng bintana.

Dinig ko ang sunud-sunod niyang paghinga. I'm sorry, Third.

Only if you remember me, Third... Only if you do ..

I am more that willing to throw myself on marrying you... But now, I can't.

It makes me think that you just want this marriage because of the baby.

Katahimikan ang bumalot sa amin habang nasa byahe.

Nakarating kami sa bahay ni Lolo at nakita ko na ang kotse ni Sharmaine.

Pinagbuksan kami ng guard at tumuloy na siya saka ipinarada ang kotse niya.

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at nauna nalang akong lumabas.

Saglit niya akong tiningnan ng seryoso ng makalabas din siya.

" Let's go... " aya ko saka ko siya hinintay na makalapit sa akin.

Hindi ko naman siya hahayaang pumasok na mag-isa.

Tahimik siya nun hanggang sa makapasok kami.

Sinalubong kami Sharmaine at nagulat ako kasi kasama niya si Charles Ethan. Uh-oh.

Kilala nito si Pascuelo. Dahil parehas silang modelo.

Saglit na pinagtaasan niya ng kilay ang kasama ko saka ako mariing tiningnan.

" What's happening, Charisse? " kunot-noo niyang tanong.

Siniko naman siya ni Sharmaine kaya nilingon niya ito.

" What? " inis na tanong niya dahil hindi kami sumagot.

" You'll know, later. Pwede bang papasukin na muna natin sila, Charles Ethan? " Sharmaine said saka niya ito tinaasan ng kilay.

Seryoso silang nagtitigan. Haynako.

Nang mapansin ni Charles Ethan na hindi papatalo si Sharmaine, sumuko na siya.

Tumingin siya kay Sharmaine, then sa akin bago sa katabi ko.

" Nasa dining na sila. Tito Alfred is here, too. Even, Mom. " aniya.

Nandito din si Mom and Dad?

Well, My Mom is Charles Ethan's step mom. And the guy he's referring to as 'Tito Alfred' is my Dad.

Anong ginagawa nila dito?

Tumingin ako kay Sharmaine.

" Don't ask me. I don't know. " paliwanag agad niya.

Nilingon ko ang katabi ko at parang wala lang sa kanya na nandito ang magulang ko.