Naabutan ako nun ni Sharmaine na yakap yakap si Alelie..
" Kung hindi ka lang nagdadalang tao sa pamangkin ko.. Kinaladkad na kita. " ngiwi at naiinis na sabi ni Sharmaine.
Pinilit ko kasi silang kumain.. Yes, SILA. Kasama yung tatlong lalaki.
Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi niya.
" I just wanna eat, Sharmaine. Bakit ba ang sungit mo? " irap ko.
Umirap din siya at nagkunwaring ihahampas sa akin yung hawak niyang kutsara.
Nilingon niya si Pascuelo na nasa tabi ko.
" You think papasakal.... I mean, papakasal sa'yo ang pinsan ko kung sakaling mapapayag mo nga si Lolo? Taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Tsk. " walang prenong salita ni Sharmaine.
Ano bang meron sa kanya at napakasungit niya ata ngayon?
I thought She likes models? What happen?
" Sharmaine, stop it.. Let's just eat.. " Saway sa kanya ni Alelie.
Binalingan agad ni Sharmaine si Alelie.
" Girl... Walang mali sa sinabi ko.. Pawang katotohanan lang. " irap na sabi ni Sharmaine.
Napailing nalang si Alelie sa kamalditahan ni Sharmaine.
Pansin ko na halos di na makakain ng maayos ang mga kasama namin dahil sa mga pinagsasabi ni Sharmaine..
Hayyysss... Kakahiya.
" I just want this guy to realize something. Hindi lahat pwede niyang makuha just because sinabi niya. " dagdag pa ni Sharmaine saka tuminging muli kay Third..
My gosh, Sharmaine.. Pwede bang kumain ka nalang muna?
" I got your point, Sharmaine... " Alelie said.
Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor saka buong atensyon niyang ibinigay kay Sharmaine ang kanyang tingin saka muling nagtanong.
" Pero, alam mo ba kung bakit at ano ang ginagawa natin dito sa lugar na ito ng ganitong oras ng gabi? " tanong ni Alelie kay Sharmaine at inikot niya ang tingin niya na parang may gustong ipahiwatig kay Sharmaine.
Iginala ko din ang tingin ko.
Yes, naabutan na kami ng gabi.
Iginala ni Sharmaine ang tingin niya gaya ng ginawa ni Alelie saka muling ibinalik nito kay Alelie ang tingin. Tinaasan niya ito ng kilay.
" We're here to eat, Sharmaine... Hindi tayo pumunta dito para i-interrogate mo si Pascuelo.. We're here to eat, remember? " kalmadong paalala ni Alelie kay Sharmaine.
Napatango-tango ako. Isa-isa kaming tiningnan ni Sharmaine ng mapagtantong tama si Alelie. She pouted. Natawa ako.
Gusto ko talaga pag nagtatalo itong dalawa.. Or pag di na nakayanan ni Alelie yung tabas ng dila ni Sharmaine..
Haha. Napapatahimik kasi agad si Sharmaine pag si Alelie na iyong nagsalita. Lagi kasing tama. Hahaha.
" Don't get me wrong, Sharmaine... Pansin mo bang kanina ka pa nagsusungit? Lalo na sa tatlong kasama natin dito.. " ani Alelie saka tumingin sa tatlo. Go, Alelie! Haha.
" Maiintindihan ko pa kung isa sa kanila ay EX mo--" naputol ang sinasabi ni Alelie dahil sa pagsingit ni Sharmaine.
" What the hell? EX!? " Irap na pagtanggi niya. Tsk. Defensive.
" Hayy.. O kaya naman ay dahil ngayon ko lang nasabi na isang Pascuelo ang mapapakasalan ko... But, No. " ani Alelie.
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita saka ipinatong ang siko niya sa lamesa saka seryosong tumingin kay Sharmaine.
" But, No, right? You're not. Nagsusungit ka because of what happened to Charisse.. And, I understand you for that. She's your cousin and I'm her friend.. " dagdag na paliwanag ni Alelie at nang mapansing nakayuko si Sharmaine ay tumingin siya sa akin saka ngumiti at kumindat.
Napalingon ako sa kasama namin. Naguguluhan sila. Hahaha.
" But, Sharmaine... As far as I remembered... You like models, right? You're a big fan. So, bakit ka nagsusungit? Unless, may ex ka nga sa kanilang tatlo... " ngising paratang ni Alelie sa kanya. Natawa ako.
Inangat ni Sharmaine at ulo niya at nanlalaking matang binalingan si Alelie.
" What the hell, Alelie? " Simangot niya.
Natawa ako. Nginitian siya ni Alelie.
" And, if happened that one of them is your ex.. I hope it's not my fiancé? " ngumisi pa siyang lalo kay Sharmaine na ngayon ay namumula na. Hahaha.
" Shut up. And, just eat! " irap niya saka kumaing muli.
Natawa ako.
" Atleast, Now you know that we're here to eat. " nangingiting pang-asar ni Alelie.
Mas lalong napasimangot si Sharmaine at di nalang nagsalita.
Tumingin muli ako kay Alelie at nahagip ng mata ko ang kanyang katabi.
He's smiling while looking at Alelie na ngayon ay busy'ng kumakain.
Tinaasan ko siya ng kilay ng dumapo ang mata niya sa akin. Napailing nalang siya.
Napalingon naman ako sa katabi ko ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Kinunutan ko siya ng noo ko.
Lumapit ang mukha niya sa akin. Kinabahan ako dahil akala ko ay hahalikan niya ako sa harap ng mga kasama namin...
Pinagnanasaan mo na siya ngayon, Charisse?
What, No!
Nilapit niya ang mukha niya sa bandang tainga ko at bumulong.. Nakahinga ako ng maluwag.
" Thanks to your friend. " bulong niya saka muling lumayo at ngumiti sa akin.
Kahit na inis ako dahil nandito siya, ewan ko pero masaya ako dahil feeling ko tanggap niya nga ang anak ko.
Napahawak ako sa tiyan ko. Nakita kong dumapo ang mata niya dun dahil sa ginawa ko. Inangat niyang muli ang mata niya sa akin. I just mouthed to him, ' You're welcome.. '
He smiled. Alam kong nakuha niya ang gusto kong sabihin.
Natapos ang gabing iyon at hinatid nalang kami ng mga lalaki.
Ewan ko kung anong trip ni Sharmaine...
Pero nagpumilit siyang dito sa condo ko muna titira at ng mabantayan daw niya ako.
Si Alelie naman ay hinatid ata nung fiancé niya. Good!
Pabagsak na umupo si Sharmaine sa sofa ko.
Gagayahin ko sana siya ngunit napahinto ako ng sumigaw siya.
" Wag! Don't you dare, Charisse! " sigaw niya. What?
Kunot-noo ko siyang tiningnan.
" Ano? Pabagsak ka ding uupo? Bakit? Ikaw nalang ba ngayon ang importante? Baka nakakalimutan mong may baby ka na? " inis na tanong niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko.. Oo nga pala.
Tumango ako sa kanya saka dahan-dahang umupo. Sungit naman niya.
Nang makita niyang nakaupo na ako ay lumihig siyang muli sa sandalan ng sofa.
" I'm sorry kanina... Kasi naman.. Balak pa ata nung Third na iyon na i-shotgun wedding ka. Tsk. " may bahid na inis sa boses niya.
" Um-oo ba ako sa kanya ng sinabi niya yun sa loob ng room ng hospital? Diba iniwan ko nga kayo? Because I don't feel it was right. " ani ko.
Totoo naman. Alam kong siya ang daddy ng baby ko, but, it doesn't mean na kailangan pakasalan ko siya.
I don't even like him.
Yung nangyari ng gabing iyon.. Init lang yun. Wala ng iba.
Hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ako... I love him or her. Kahit na di ko pa siya nakakasama. Anak ko siya. Walang mababago dun.
" Hindi ko alam kung paano kaming nakarating sa motel na iyon, Sharmaine... Basta paggising ko ng umaga, katabi ko siya. " pag-amin ko.
Kumunot ang noo niya. Yes, kasi iba yung kwento ko kanina.
" Sabi mo kasi madilim? Na Alexandre lang ang narinig mo? " tanong niya.
Tumango ako.
" Paggising ko kinaumagahan katabi ko siya.. Iniwan ko siya dun, Sharmaine.. Hindi ko alam na hahanapin niya ako. " ani ko.
Tumaas ang isa niyang kilay saka ngumisi sa akin.
" Baka nasarapan sayo? Or, magaling yung performance mo? Haha. Pang-ilan na ba siya? Or, first time mo? " sunod-sunod niyang tanong habang nakangisi. Siraulo ka!
Namula ako! Alam ko yun! Ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa mga sinabi niya!
" Shut up, Sharmaine! Bakit ba ganyan mga salitang lumalabas sa bibig mo? Saan mo nakukuha yan? " kunot-noo kong tanong.
Tumawa lang siya. " So, first mo nga? " tanong niya pa.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Wala naman na akong takas.
" Sharp shooter pala ang mga Pascuelo. Hahaha. Isang pasabog lang niya sayo, nataniman ka na agad. Hahaha. " natatawa niyang sabi.
Mas lalo akong namula sa mga sinabi niya. Nakakadiri ang mga salitang lumalabas sa bibig niya!
Wait, don't tell me....
Agad ko siyang hinampas sa balikat niya kaya napatigil siya sa pagtawa niya.
" Aray ah?! Ano ba? Hahaha. " tawa niya.
" You've done it? " curious kong tanong.
Napatigil siya sa pagtawa saka ako binalingan at ngumisi.
" It makes me feel great. Hahaaha. " pag-amin niya na di ko alam kung totoo ba o hindi.
Laglag panga akong nakatingin lang sa kanya.
She already done it? Nagawa na niya? With who? Wala din naman siyang boyfriend!
" Sharmaine... Wala...wala ka namang boyfriend...diba? " utal kong tanong.
Hindi siya sumagot. Hinubad lang niya ang sapatos na suot.
" With who, Sharmaine?.. " ulit kong tanong.
Tumayo siya at humarap sa akin.
" Matulog ka na.. Anong oras na. Doon na ko sa guest room. Goodnight! " pag-iiba niya saka ako iniwan sa upuan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pintuan ng kwarto.
Nilingon niya ako.
" Don't mind me. Just focus on yourself. Baka nakakalimutan mong this Saturday pupunta si Third kay Lolo? Matulog ka na. Baka paglabas ng pamangkin ko mas malaki pa eyebags sa'yo. " aniya at ngumiti. Pumasok na sa kwarto.
Kahit na hindi ako mapakali ay tumayo nalang din ako at nagpasyang pumasok na sa kwarto ko para maglinis ng katawan at matulog.