IN the bright moon and in the melancholy breeze, there was Meliza. Ang mga paa niya'y kusa siyang dinadala sa dakong hindi niya kilala. Napahawak siya sa kaniyang pigi nang makaramdam siya ng kirot, at napasandal sa isang malaking puno. She threw a heavy breath as she stared at her perfectly-circled tummy.
"Lalabas ka na yata," hinihingal niyang kinausap ang namimilog niyang tiyan.
Kani-kanina lang ay kasama niya ang asawa niya. They were supposed to have a trip on a forest intended for fun. Subalit no'ng kumagat na ang paglubog ng araw, si Melisa ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagnanais. Para bang tinatawag at inaakit siya ng kung ano. Hindi niya alam kung ano ito ngunit alam ng mga paa niya kung nasaan ito.
With confused mind and determined heart, she followed what called her without the consent of her husband. Kanina pa siya naglalakbay, ang paligid ay tuluyan nang nilamon ng kadiliman subalit hindi niya pa rin nararating ang bagay na umaakit sa kaniya.
"Nasaan na kaya ako?" she wondered.
Matapos na pakawalan niya ang isang pagtataka ay may matandang babaeng ang kaagad na sumulpot sa kaniyang likuran na halos ikabalikwas niya pa. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat na natamo.
"Manang, buntis po ako. Baka makunan ako dahil sa ginawa niyo. Jusko." diin niyang pinakawalan ang bawat salita habang hawak pa rin ang dibdib, pilit na kinakalma ang sarili.
"Paumanhin," pagpaumanhin ng matanda saka yumuko, "Anong ginagawa mo sa gitna ng nakangiting buwan at nakakatakot na dilim?" tanong ng matanda.
Naisip ni Meliza na maaari siyang bumitaw ng katanungan sa matanda, tutal ayaw niya rin namang mawala sa gitna ng nakakatakot na kagubatan. Napayakap siya sa sarili niya nang dumampi sa kaniya ang malamig na hangin, animo'y niyayakap siya nito.
"Manang," pagtawag niya sa matanda kasabay ng paghakbang niya palapit dito, "Alam niyo po ba ang daan patungong highway? Nawawala po yata ako." wika niya sabay libot ng tingin sa nakakakilabot na paligid.
"Bakit ka nga ba narito sa gitna ng kagubatan, ija?" sa halip na sumagot ay isang tanong pa ang binuo ng matanda.
Napakibit-balikat si Meliza, "Hindi ko rin po alam eh. Para bang may kung anong tumatawag sa akin. Hindi ko alam. Nahiwalay na nga po ako sa asawa ko dahil sa hindi maipaliwanag na bagay." sagot niya.
"Bakit? Buntis k-" nahinto ang matanda sa pagsasalita nang madapo ang kaniyang tingin sa namimilog na tiyan ni Meliza, "Buntis ka pala? Ija, nasa bingit ka ng kapahamakan." bigkas nito sa pamamaraan na para bang pati siya mismo ay natatakot.
Kung nagpakita ng takot ang matandang babae, mas lalong natakot si Meliza sa kaniyang narinig. Bahagya siyang napaatras ng isang hakbang kasabay ng paglunok niya sa sariling laway dala ng takot.
"A-Ano po ang ibig niyo s-sabihin?" nauutal niyang tanong sa matanda.
"Huli na ang lahat." bigkas ng matanda na para bang nawalan ng pag-asa, "Umuwi na ka. Hindi na kita matutulungan pa. Sana no'ng una pa lang ay hindi mo pinakinggan ang tawag ng demonyo." bahagyang tumalikod ang matanda, "Alam mo bang dahil diyan ay namatay ang anak ko?" dagdag niya.
Nakunot ang noo ni Meliza at mas lalong binalot ng takot ang kaniyang buong katawan. Ano ang pinagsasabi ng matandang ito?
"M-Manang, tinatakot mo naman ako." sabi ni Meliza.
"Alam mong isa lang ang magiging anak mo, hindi ba?" tanong ng matanda saka muling humarap sa kaniya.
Takot na tumango si Meliza, "O-Opo, paano niyo nalaman? Teka, ano po bang pinagsasabi niyo, manang? Tinatakot niyo ako." aniya.
Humakbang ang matanda palapit sa kaniya kaya hindi na niyang nagawang umatras ni dahil maski siya ay nabigla sa ginawa ng matanda. Kaagad nitong hinawakan ang magkabilang kamay ni Meliza at tinitigan siya nang taimtiman sa mga mata.
"Manganganak ka ng kambal, at ang isa sa kanila ay hindi mo tunay na anak."
***
"Mama!" sigaw ng paslit na si Sunnie sabay takbo upang bigyan ng mahigpit na yakap ang mahal niyang ina na si Meliza.
"Mama!" hindi rin nagpahuli ang paslit na si Moonie. Kumaripas din siya ng takbo patungo sa ina.
"Oh, dahan-dahan lang. Pareho kayong may pasalubong sa akin." nakangiting bigkas ni Meliza matapos niyang bigyan ng halik ang kambal niyang anak.
Kumapit sa kaniyang binti si Moon habang siya ay patungong kusina samantalang si Sun ay naiwan sa salas. Hindi iyon napansin ni Meliza dahil pagod din siya at maraming problemang iniisip.
"Mama, si Sun oh naging manika na naman." nakangusong sumbong ni Moon.
Kumunot ang noo ni Meliza at kaagad na nilingon si Sun sa sala. Siya ay nanatiling nakatayo, walang emosyon, hindi gumagalaw, at ang mga mata nito'y dilat na dilat. Kara-karakang binuhat ni Meliza si Moon patungo sa salas kung nasaan si Sun.
Sun quickly blinked when Meliza and Moon was just inches away from her, "Iniwan ako ni Moon!" naluluha niyang sumbong sa ina.
Napahawak si Meliza sa dibdib niyang may malakas na kabog. Halos hindi siya makahinga nang maayos. Hinawakan niya si Moon sa balikat at itinabi kay Sun.
"Makinig kayo mga anak." wika ni Meliza sabay hawak sa mga pisngi ng kambal niyang anak gamit ang magkabilang palad, "Hinding-hindi kayo dapat na maghiwalay. Naiintindihan niyo?"
"Opo, mama." sabay silang sumagot.
"Ikaw, Sunnie." pagtawag ni Meliza sa anak na si Sun, "Hindi mo dapat iwanan si Moon tuwing umaga, ha? Kailangan malapit na malapit ka sa kaniya." paalala niya.
"Opo, mama." sagot ni Sun.
"At ikaw, Moonie." pagtawag niya kay Moon, "Hindi mo rin dapat iwanan si Sun, lalo na kapag gabi."
"Opo, mama." sagot ng paslit.
"H'wag kayo mag-alala. Hahanap si mama ng paraan upang maputol ang sumpa. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakahanap ng paraan." sabi ni Meliza.
Determinado siyang mawala ang sumpa. Naaalala ni Meliza ang sinabi ng matanda no'ng panahong nasa tiyan niya pa lang ang mga anak niya. Alam niya rin namang isa lang ang talagang anak niya base sa ultrasound subalit nagkatotoo ang sinabi ng matanda, na siya ay manganganak ng kambal. Naniniwala rin siyang isa sa mga anak niya ay hindi kaniya. Subalit, napamahal na siya sa dalawa.
Ang balak niya ay hahanap ng paraan upang maputol ang sumpa nang wala maski isa sa mga anak niya ang mawawala.
Ang sumpa na dumapo sa mga anak niya ay kakaiba. Si Sun ay may kakayahang gumawa ng mga bagay na nais niya: kumanta, sumayaw, magwalwal, tumakbo at iba pa ngunit may limitasyon. Tuwing oras lang ng araw ang kaniyang kalayaan dahil sa pagkagat ng gabi, ito ay oras na ni Moon upang gumalaw nang malaya.
Ano ang nangyayari sa kanila tuwing hindi nila oras? Sila ay nahihinto, hindi gumagalaw, nawawalan ng pulso, at nakadilat ang mga mata. Para silang manikang tao.
Subalit, may cheat ang sumpa. Maaaring gumalaw si Sun tuwing gabi at maaari ring gumalaw si Moon tuwing umaga, basta't magkalapit silang dalawa. Pero kapag sila ay nalayo sa isa't-isa ng limang kilometro o higit pa, kaagad na nahihinto ang isa sa kanila. Bagay na iniingatan nilang h'wag makita ng publiko.
---