SUN'S POINT OF VIEW
HI, ako si Sunnie subalit namumuhay ako bilang Queenie Whenata. Bakit? Dahil si Mama at ang kambal kong si Moonie lamang ang nakakaalam sa existence ni Sunnie Whenata, 'yan ay ako.
Sabi ni Mama, nasa sinapupunan pa lamang kami ni Moonie no'ng bigyan kami ng isang sumpa, galing sa isang demonyo. Hindi ko maintindihan kung bakit kami nabigyan ng sumpa, hindi na kami pumakawala ng maraming tanong kay Mama. Basta ang alam namin ni Moonie, kami ay may sumpa.
Oras ko ang umaga, at oras naman ni Moonie ang gabi. Ibig sabihin, tuwing umaga ay lumalabas ako ng bahay bilang Queenie Whenata, ako ay isang mag-aaral. At tuwing gabi naman, si Moonie 'yong lumalabas ng bahay bilang Queenie Whenata, isa siyang nightshifter na housekeeper sa isang kilalang hotel ng lungsod na ito.
Ginawa naming iisa ang aming pagkatao sa labas ng bahay dahil upang hindi magtaka ang mga kapitbahay namin at ang mga taong nakapaligid sa amin. Iniiwasan namin ang mga katanungang katulad ng, "Nasaan ang kambal mo?" Dahil paniguradong ito ang magdadala sa amin ng kapahamakan. Mas mabuti nang malaman nila na isa lamang ang anak ni Mama.
Bago mag-alas dose ay umuuwi na si Moonie sa bahay at agad na dumidiretso sa attic. Mas nuuna siyang umuwi sa mga kasamahan niyang nightshifter din, kaya mababa lamang ang sweldo niya. Pero mas mabuti na rin iyon kasya naman malaman nila ang tungkol sa sumpa namin.
At ako naman, bago mag-alasais ng gabi ay dapat nasa bahay na ako at nakapwesto na sa loob ng attic. Dahil kung hindi, maaabutan ako ng oras ni Moonie.
Sa attic ng aming bahay, diyan namin kinukulong ang sarili namin tuwing hindi namin oras. For safety purposes na rin, baka kasi may biglaang bisitang dadating sa bahay at madatnan ang isa sa amin na naka-istatwa lang. Mahirap na. Marami pa namang bumibisita rito sa amin upang magpakunsulta kay Mama, lalo na 'yong mga kapitbahay namin. Doctor kasi si Mama e.
Anyway, ako at ang kambal kong si Moonie ay kinakailangan magsakripisyo, mag-aral at magtrabaho upang matulungan si Mama. Wala na kasi si Papa, iniwan na niya kami no'ng mga paslit pa lamang kami. Hindi namin alam ang dahilan, mahirap din tanungin si Mama dahil umiiyak siya kaagad.
Doctor si Mama, subalit hindi naman masyadong malaki ang kinikita ng mga doctor gaya ng akala ng lahat. Sapat lamang iyon upang mabayaran ang mga utang at renta namin. Kaya napilitan kami ni Moonie na kumayod kahit ayaw naman ni Mama. Labing-walong taong gulang na kami, at nasa tamang pag-iisip na. Kaya na naming magtrabaho at kumayod kaso nga lang, ang role ko ay mag-aral nang mabuti dahil isa akong estudyante.
Naaawa na nga ako kay Moonie e. Sa aming dalawa siya 'yong parating pagod. Kung pwede lang sana makipag-switch place sa kaniya baka ginawa ko na. Kaso hindi pwede e.
Masaya naman daw si Moonie sa role niya, pero kahit sabihin niya iyon, alam kong pagod na siya. Kitang-kita sa kaniyang mga mata. Hay, sana mahanap na namin ang solusyon sa sumpa na ito.
"Malayo na naman ang iniisip mo, Queenie." Pagbasag ni Glex, kaibigan ko, sa katahimikang namumuo sa isip ko.
Inikutan ko siya ng mata at sinamaan ng tingin, "Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Alam mo, nakakagulat ka." Sabi ko.
Natawa lamang siya at umupo sa aking harapan, "Malapit na ang birthday ko, h'wag mong kalilimutan," nakangiti niyang paalala sa akin.
Maglalabing-walong taong gulang na si Glex. Mayaman ang kaniyang mga magulang kaya isang bonggang party celebration ang magaganap. Ang pinoproblema ko, five pm magsisimula 'yong party. Isang oras na lang ala-sais na, hindi ko na oras iyon.
Namomroblema ako. Ayaw kong pumunta pero baka magtampo siya. Espesyal ang araw na 'yon para sa kaniya at ako lamang ang natatanging kaibigan niya sa balat ng lupa. Ako lamang ang nakatiis ang luka-loka niyang pag-uugali. Ibig sabihin, special guest niya ako. Pero... ugh! E, kung si Moonie na lang kaya papuntahin ko?
"Hindi ako tulad mo na makakalimutin noh. Basta, 50-50 tayo sa gifts na matatanggap mo." Biro ko. Dahil sobrang close na kami sa isa't-isa, kinalimutan na namin ang salitang hiya.
"Sure! Wala naman akong pakealam sa mga regalo. Ang mahalaga, nando'n kayong mga mahahalagang tao sa buhay ko. Lalo ka na, dahil ikaw ang naging rason kung bakit buhay pa ako."
Mas lalo akong nabalot ng kaba dahil sa sinabi niya. Anyway, nagkakilala kami ni Glex sa mataas na tulay na malapit sa amin. Muntik na siyang mahulog, sinadya niya iyon dahil sawa na raw siya sa buhay niya. Baliw. Mabuti na lang nadatnan ko siya. Kumaripas ako ng takbo at itinulak siya, yes, I'm her savior.
No'ng una ay nagalit pa siya sa akin at basang-basa ng luha ang kaniyang pisngi. Muntik na niyang ibato sa akin 'yong malaking bato na napulot niya no'ng oras na iyon, jusmio, mabuti na lang nagawa kong ipakalma kaagad ang magulo niyang pag-iisip. Do'n nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Bumuntong hininga ako at sinabing, "I will be there, Glex. I promise."
"Hey, alam mo ba? Pupunta rin ang crush mong si Jaze. Fortunately, kaibigan ni Mommy 'yong Mommy ng crush mo. Kaya magpaganda ka sa araw na 'yan ha? Landiin mo siya nang bongga!" Nakangiti niyang wika sabay tusok sa tagiliran ko.
Napaikot na lamang ako ng mata at muling bumuntong hininga, "Ang landi mo talaga, Glex! H'wag mo nga akong hawaan." Sa halip na mainis ay natawa ako dahil sa sunod-sunod na tusok niya sa tagiliran ko, nakakakiliti.
"Kunwari ka pa, e gusto mo naman. Ayiiee!" Patuloy pa rin siya.
"T-Tigilan mo nga ako! HAHAHA!"
Matagal ko nang crush si Jaze Enriquez at alam ni Glex iyon, siya lamang ang nakakaalam. Isang sikat na chess player si Jaze sa university na ito, matangkad, maputi at syempre gwapo. Kinababaliwan siya ng bawat isa, kabilang na ako do'n. Sino ba naman ang hindi mababaliw sa kaniya? Lakas niya makakuha ng atensyon e.
Crush lang naman e, alam ko namang walang mangyayari kapag hanggang crush lang. Tsaka isa pa, ayaw ni Moonie na magkajowa ako
Isa 'yan sa rules namin, bawal magkajowa. Ang aming pagkabirhen ay mahalaga, hindi ko alam kung bakit.
---