SA V13 1.1
Kasalukuyang nasa loob ng malaking manor si Wong Ming habang nakatanaw ito sa kinaroroonan ni Prince Xing.
Matapos ng maalab na labanan niya at ng dambuhalang ibong tinatawag na Fire Andean Bird ay mas lalo siyang nagpursiging magcultivate at magpalakas pa lalo.
Alam niyang hindi sapat ang mga nagawa niya noon lalo na sa pagpaslang niya sa Fire Andean Bird dahil ang pambihirang skill na iyon ang pinakamalakas na skill niya.
Halos naubos ang lakas at enerhiya niya sa isinagawang skill niya. Hindi lang nahahalata nang panahong iyon ngunit ilang araw din siyang nanghina niyon dahil pinilit niya talaga na gawin ang nasabing skill.
Dalawang linggo na rin ang nakalilipas at parehong routine na lamang ang ginagawa niya. Ang pagpasok sa mga lectures ng mga maestro sa bawat mga subjects nila sa mga cultivation buildings habang ginagampanan din niya ang pagiging disipulo nito sa paggawa sa mga produktong pang-agrikultura.
Madami naman silang mga South Courtyard Disciples kung kaya't natitiyak niyang hindi niya napapabayaan ito.
Mabuti na lamang at malawak ang space sa loob ng manor niya na tinutuluyan habang wala siyang mga kasalo sa manor niya dahil kung hindi ay baka hindi niya alam kung saan ipatutuloy si Prince Xing na galing pa sa Demon World.
Marami pa itong mga tanong noong dinala niya ito sa labas ng Smew Valley. Delikado din kasi na doon pa siya manatili sa maliit na lugar na iyon na protektado ng Flaming Sun Guild.
Marami kasing mga bantay ang nagsusuri at nagpupunta doon upang i-check ang loob nito. Ang mga pambihirang mga nilalang na may kinalaman sa Flaming Sun Guild ay nandoon din minsan pumupunta upang magpalipas ng oras.
Isang mapanganib na bagay kung manatili pa roon si Prince Xing. Mabuti na lamang at siya ang unang nakatuklas sa kaniya roon dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa nag-iisang Ice Demon na si Prince Xing.
Mukha ngang pambihira ang lugar ng Demon World. Kung paano man ito napunta sa loob ng Smew Valley ay isang misteryo pa rin.
Ang bronze coffin, ang slave seals na tila buhay maging ang lokasyon nito ay mahirap ikonekta sa kung anumang nilalang na may gawa nito.
Maraming teorya na naiisip si Wong Ming ngunit imposibleng ma-penetrate ng mga demonyo ang Martial World dahil sa lawak at kakaibang uri ng pwersa ng bawat lungsod ay sigurado siyang hindi mangingimi ang anumang nilalang rito upang paslangin ang sinumang nilalang na magbabanta sa kanilang sakupin sila.
Malabo pa ring makakuha ng klarong kasagutan si Wong Ming patungkol rito. Wala siyang alam sa maaaaring panganib na dala ng kakaibang kaganapang ito. Para bang naiisip niya na kapalaran niya na bang magkaroon ng ugnayan sa Demon World? Kung hindi ay para saan ang mga paulit-ulit niyang pagkatagpo sa mga ito?
Napakahiwaga talaga ng mundo nila na ginagalawan. Kaya hangga't maaari ay susubukan ni Wong Ming na limitahan ang mga kilos niya ngayon lalo pa't nalalapit na ang Inner Disciple Trial Rankings at baka mabulilyaso pa o di kaya'y mawala ang lahat ng pinaghirapan niya.
Sisiguraduhin niyang hindi mauuwi sa wala ang lahat kung kaya't susundin niya ang mga bagay na gusto niyang matuklasan sa loob ng Flaming Sun Guild lalo na sa mga lugar na maaari nilang puntahan.
Agad na itinuon ang sarili niya upang magcultivate muli. Hindi makabubuti sa kaniya ang mag-isip ng mga bagay na maaaring hindi naman makakatulong sa kaniya.
Tiningnan niyang muli si Prince Xing na nakapikit at napailing. Kung tutuusin ay mas dumagdag pa ito sa problema niya.
Kung hindi niya pinagkakautangan ng loob si Lord Damon dahil sa pagiging mabait nito sa kaniya at ginantimpalaan pa siya ng mga demon essences ay gusto niyang ibalik niya ito sa Demon World sa kahit saang parte man ito pwedeng mapadpad ito ngunit hindi iyon makakatulong sa kaniya sa kahit anumang klaseng anggulo.
Alam ni Wong Ming na ang Poseidon Phlox Demon Clan na pinamumunuan nito ay nagre-resist sa kakayahan at pwersa ng Fire Demons.
Regardless sa kung anumang klaseng tulong ang maaari nitong ibigay ay alam niyang pabor ito kay Lord Damon kung doon niya ihahatid si Prince Xing.
Isa itong Ice Demon kaya't hihdi ito nararapat na manatili sa mundo nila. Hindi niya alam kung anong klaseng panganib ang lalapit sa kaniya pag nadiskubre ito ng malalakas na pwersa.
Hindi siya tanga upang ihatid ang sarili sa hukay. Hangga't maaari ay gagawin niya ang mga bagay na may angkop na plano dahil hindi niya gugustuhing ilagay ang sarili sa gitna ng mapanganib na sitwasyon.
Demon World at Martial World? Dalawang mundo ito na naglalaman ng misteryo. Ano nga ba ang dahilan kung bakit konektado ang mundong ito.
Naiisip pa lamang ni Wong Ming na sa sobrang lawak ng mundong ito ay nagawa pa ng dalawang mundong ito na magkaroon ng ugnayan.
Sa pagkakaalam niya'y hindi maganda ang kalagayan ng Five Element Region na naging Four Element Region na lamang. Isa pa ito sa dahilan kung bakit gustong-gusto na niyang maging inner disciple.
Kung mananatili lamang siyang outsr disciple ay baka tumakas na lamang siya rito at di na bumalik pero di pwede iyon.
Mas priority pa rin niya ang paghahanap ng kasagutan patungkol sa makapangyarihang armas na tinatawag na Devil's Clock.
Sa loob ng maraming buwan niya rito sa Flaming Sun Guild ay wala man lang siyang nasagap na impormasyon patungkol rito. Magmumukha siyang ignorante at mangmang dahil hindi man lang siya makalapit sa Guild Master at sa kahit na sinumang matataas na mga eksperto ng Flaming Sun Guild.
Ano ang magagawa niya. Ang katulad niya ay hindi rin nararapat na i-recognize. Masyadong maraming malalakas na eksperto sa loob ng Flaming Sun Guild.
Ang tanging naiisip na daan niya ngayon ay magkaroon ng napakagandang resulta sa gaganaping Inner Disciple Trial Rankings. Sisiguraduhin niyang hindi na siya babaliwalain ng kahit na sinumang nilalang na naririto.
Pag nagkaroon na siya ng ranking at maging inner disciple ay siguradong may boses na siya at hindi na niya kailangan pang itago ang lakas niya. Lakas na maikukumpara na sa mga Core Disciples o di kaya'y mga maestro ng Flaming Sun Guild.
Naiisip niya pa lamang ito ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kasiyahan. Malapit ng mangyari ang inaasam niyang mangyari.
Umayos ng upo si Wong Ming at nagsimula ng magcultivate muli. Hindi niya magagawa ang mga plano niya sa isang araw lamang. Mas mabuting tingnan niya ang maraming mga posibilidad at maaaring bunga nito.