Chereads / Supreme Asura / Chapter 680 - Chapter 680

Chapter 680 - Chapter 680

TING! TING! TING!

Mabilis na napabalikwas si Wong Ming upang bumangon nang makarinig siya ng malakas na ingay na nagmumula sa itaas ng mismong cultivation buildings.

Naalala niya kung anong petsa na pala at kung hindi siya nagkakamali ay mayroong malaking kaganapan ang mangyayari sa kasalukuyan.

ANNUAL HARVEST MONTH!

Iyon ang naiisip ni Wong Ming. Dahil na rin sa paglipat ng nasabing araw ng Inner Disciple Trial Rankings ay mas nag-isip ng plano ang pamunuan ng Flaming Sun Guild kung paano mas magiging kapana-panabik agn araw ng Inner Disciple Trial Rankings.

Ang annual harvest month ay ang ipinalit sa mismong Inner Disciple Trial Rankings.

Isang buwan ginaganap ang Annual Harvest sa buong taon kung kaya't isang malaking bagay na naman ang magbabago patungkol sa magiging Inner Disciple Trial Rankings dahil lahat ay may kakayahang baguhin ang kapalaran nila sa isang buwang pagsali nila sa Annual Harvest Month.

Lahat ng mga outer disciples ay inaanyayahang sumali lalo na ang mga baguhan. Naiisip pa lamang ni Wong Ming na wala silang ligtas rito ay sigurado naman siyang magsasaya siya rito.

Hindi niya sasayanging hindi makapunta sa malawak na Cultivation Farms na pagmamay-ari ng kanilang Flaming Sun Guild.

Ang farm kasi na ito ay hindi isang malaking kalokohan lamang. Isa lamang kada isang taon ito binubuksan para sa lahat ng mga disipulo.

Yun nga lang ay ang cultivation farm rito ay literal na mapanganib. Lahat ng uri ng mga cultivation resources na nasa utak mo ay siguradong naririto ngunit lahat din ng uri ng panganib ay maaari mo ring sapitin.

Maraming mga mababangis na mga halimaw ang naririto. Napakalawak ng lugar na iyon ayon sa mga disipulong nakapunta rito ngunit buhay mo rin ang nakataya rito kung sakaling mapaslang ka sa mismong lugar na kagaya ng mga cultivation farms.

Old Amity Farm

Ito ang pangalan ng nasabing cultivation farm. Isa ito sa lugar na eksklusibong pinapagamit kada taon para sa mga outer disciples habang ang ibang mga disipulo na mas mataas kumpara sa kanilang mga kapwa disipulo ay malayang pumunta rito upang maghanap ng pambihirang mga bagay o di kaya ay magliwaliw at iba pa.

Hindi aakalain ni Wong Ming na mapapaaga ang ganitong klaseng pagpunta nila sa Old Amity Farm.

Hindi alam ni Wong Ming kung paanong nakuha ng Flaming Sun Guild ang ganitong klaseng cultivation farm dahil hindi basta-basta ang ganitong klaseng lugar na pagmamay-ari ng isang Guild.

Tunay ngang hindi lang isang uri ng malaking joke ang posisyon ng pagiging Guild Master kundi naglalarawan din ito kung gaano kalakas at makapangyarihan ang isang Guild Master ng Flaming Sun Guild.

Ni minsan ay hindi pa si Wong Ming nakapunta sa isang Cultivation Farm at alam niyang mas delikado pa ang lugar na ito kaysa sa masusukal na kagubatang napuntahan niya.

Kapag nakapasok ka sa isang uri ng cultivation farm ay siguradong nasa panganib na rin ang buhay mo. Walang pinipiling panganib ang lugar na ito at kung takot ka maging ang pagiging mahina ng loob ay maaaring magdala sayo sa hukay.

Hindi naman sapilitan ang pagpunta rito pero sadyang hinihikayat lamang ang mga baguhang outer disciples na lumahok ngunit tingin ni Wong Ming ay mahihirapang mag-adjust ang mga baguhan sa pagpasok sa cultivation farm.

Hindi lingid sa kaalaman ni Wong Ming na sa mapanganib na lugar na iyon ay bawal ang pagiging tanga. Hindi niya gugustuhing sumama at magtiwala sa kahit na sinuman sa loob ng lugar na iyon.

Naiisip niya palang kung gaano kataas ang risk rate ng Old Amity Farm ay mas uunahin niyang i-prioritize ang kaligtasan niya kaysa sa maaaring makuha niya.

Mala-Smew Valley siguro ito, iyon ang masasabi ni Wong Ming lalo pa't hindi maipagkakailang maraming mga Cultivation resources na nakakalat doon pero maliit na lugar lamang ang Smew Valley ayon sa pagkakasabi ni Punong Maestro Duyi.

Patungkol naman kay Punong Maestro Duyi ay muntik ng makalimutan ni Wong Ming ang nangyari pagkalabas na pagkalabas niya sa nasabing tarangkahan ay iba na ang mga bantay roon.

Wala na din doon si Punong Maestro Duyi ngunit marami naman itong iniwang mensahe sa kaniya ang nasabing tagapagturo.

Nagpaumanhin ito sa nasabing pagkakamali at masamang pag-uugali ng nasabing mga bantay. Nangako itong hindi niya ito-tolerate ang ganoong klaseng pag-uugali.

Isa lamang ang naging pagsisisi ni Wong Ming at iyon ay ang hindi pa dinamihan ang pagkuha niya ng mga cultivation resources.

Pero naisip ni Wong Ming na napakadami pala ng nakuhang mga cultivation resources ni Prince Xing ay napakamot na lamang siya sa kaniyang sariling batok noon. Hindi sayang ang pagpunta niya roon.

Personal siyang inihatid papuntang South Courtyard territory ng tatlong mga bantay na sa tingin ni Wong Ming ay mga mapagkakatiwalaan naman at sanay sa kanilang ginagawa.

Medyo na-intimidate pa siya noong mga oras na iyon dahil naglikha din iyon ng usap-usapan sa kanilang sariling courtyard ngunit mabilis din iyong nawala ilang araw lamang ang nakalilipas.

Mabuti na lamang din at hindi si Punong Maestro Duyi ang naghatid sa kaniya pabalik kundi ay sumabog na sana ang balita at kaliwa't kanan naman sana ang magiging kaaway niya.

Sa kabilang banda naman, hanggang ngayon ay di pa niya ginagalaw ang tatlong bagay na nakuha niya sa loob ng Smew Valley. Maging ang Vermilion Fruit ay hindi niya pa ginagalaw lalo pa't may panggagamitan siya niyon sa hinaharap.

Ang goal niya ngayon ay paigtingin pa na magiging pabor sa kaniya ang mga bagay-bagay lalo na ang pagpunta at pagsali niya sa Annual Harvest Month sa mismong delikadong lugar na tinatawag na Old Amity Farm.

Magkahalong emosyon ang makikita sa mukha ni Wong Ming sa hindi malamang dahilan.

Isa na naman kasing bagong karanasan ang maaari niyang makamit lalo pa't hindi lamang basta-bastang farm iyon dahil napakadelikadong lugar khng maituturing ang Old Amity Farm.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga masasaklap na mga nangyari sa mismong cultivation farm na iyon. Napakalawak at masyadong delikado ang lugar na ito na puntahan.

Bali-balitang mayroong mga mababangis at naglalakasang mga Fifth Grade Magical Beasts ang naroroon. Hindi lamang iyon dahil mukhang may mas matataas pa daw na mga grade ng halimaw ang naroroon at kung suswertehin ka ay baka makaharap mo ang isa sa mga naroroon.

Walang pagpipilian si Wong Ming kundi ang makipagsapalaran muli. Hindi na ito isang simpleng laro lamang na maaari niyang ibalewala at mas lalong hindi siya dapat maging kampante kapag nasa loob na siya ng Old Amity Farm dahil hindi lamang ang mga ito ang maaari niyang makalaban dahil ang mas dapat pangambahan niya ay ang mga nakakasalamuha niya roong mga kapwa niya disipulo dahil sila ang maaaring maghatid sa kanila sa hukay.