Chereads / Supreme Asura / Chapter 678 - Chapter 678: END OF VOLUME 12

Chapter 678 - Chapter 678: END OF VOLUME 12

SA V12 2.15

Wala siyang planong malaman pa dahil isang malakas na flying type magical beasts naman ang Fire Andean Bird ngunit kung ano man ang balak ni Little Devil rito ay labas na siya roon.

Isa pa ay hindi naman mapaminsala ang Andean Bird kung hindi lamang ito isang Fire type magical beasts. Sadyang nakadepende kung anong klaseng attribute ang magiging resulta ng kinaroroonan ng itlog nito.

Walang Attribute ang Andean bird kung kaya't natitiyak niyang mababago pa ang attribute nito dahil mukhang bago pa lamang panganak ang nasabing halimaw na ibong ito.

"Aasahan ko yan Xing." Nakangiting sagot naman ni Wong Ming matapos sang-ayunan ni Prince Xing ang bagay na ito.

Agad na sumugod si Wong Ming sa kinaroroonan ng Fire Andean Bird. Talaga nga namang pambihira ang ibong ito.

Mabilis na inilabas ni Wong Ming ang sampong Sword Needles at agad na nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Giant Ice Swords!

Kitang-kita na lumulutang si Wong Ming sa ere habang makikita ang biglang pagbabago sa sampong Sword Needles na nasa ere din na sa isang iglap ay naging mga Giant Ice Swords.

Nakatawag naman iyon ng pansin ng Fire Andean Bird na sobrang laki.

SHRRIIIIEEEKKKKK!

Biglang lumipad ang Fire Andean Bird sa himpapawid at kitang-kita ni Wong Ming ang kabuuang kaanyuan ng nasabing halimaw na ibon.

Sa palagay ni Wong Ming ay nasa Fifth Grade Magical Beast na ito ngunit hindi siya aatras sa labanang ito.

Desidido siyang magkaroon ng isang Andean Bird at kailangan niyang puksain ang pambihirang ibong ito na makakalaban niya. Magiging problema ng Smew Valley ang pagkakaroon ng lawang ito na puro mga nagbabagang mga molten rocks.

Mamamatay ang ibang mga magical beasts kapag nangyari iyon na nasa paligid lamang ng mala-lawang apoy na ito.

Sino ba naman ang mag-aakalang napakabagsik ng Fire Andean Bird na itinuturing na salot na ibon dahil hindi man lang ito natinag at nagpaulan ito ng maraming mga molten rocks patungo kay Wong Ming.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na hindi mahintatakutan. Ngunit iniwasan niya ang bawat mga nagbabagang mga batong patungo sa kanya.

Ang mga Giant Ice Swords ay pinabulusok niya pa rin patungo sa direksyon ng nasabing Fire Andean Bird.

Alam niyang hindi magiging madali ang takbo ng labang ito ngunit hindi siya papatalo.

Agad na nagbago ang anyo ni Prince Xing at naging isa itong Ice Demon. Sa pamamagitan nito ay mailalabas nito ang buong potensyal ng pagiging Ice Demon niya.

Agad na nagsagawa ng pambihirang core skill si Prince Xing alinsunod sa pagkakaintindi niya.

Core Skill: Ice Pillar Chains!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong magliwanag ang mga mata ni Prince Xing maging ang kamay nito na nakalahad sa lupa.

Mula sa ilalim ng lupa ay mayroong apat na mga naglalakihang mga kadenang gawa sa nagkakapalang yelo ang lumitaw at patungo ito sa lokasyon ng Fire Andean Bird.

Pumulupot ang mga kadenang ito sa pakpak, leeg at mismong katawan ng halimaw na Fire Andean Bird na siyang ikinasiya naman ni Prince Xing.

Ngunit nawala bigla ang mga ngiti niya nang bigla na lamang sumabog ang kadenang ginawa nito dahilan upang tumilapon si Prince Xing.

Bakas naman ang pag-aalala ni Wong Ming kay Prince Xing ngunit hindi niya maipagkakailang masyado pa itong mahina upang maisagawa ng perpekto ang Core Skill na iyon. Naninibago pa ang katawan nito sa pagrelease ng mga enerhiya palabas ng dantian niya.

Ngunit iyong ginawa ni Prince Xing ang naging dahilan upang maging daan ito para sa kaniyang mga atake.

SLASH! SLASH! SLASH!

Mabilis na pinagtataga ni Wong Ming ang iba't-ibang parte ng katawan ng Fire Andean Bird gamit ang mga Giant Ice Swords.

SHRRIIIIEEEKKKKK!!!!

Umatungal muli ng malakas ang Fire Andean Bird na tila nasasaktan habang makikitang bumulusok ito pailalim.

BANG!

Kitang-kita nila ang malakas na pagbagsak ng katawan ng Fire Andean Bird sa loob ng mala-lawang gawa sa mga nagbabagang mga molten rocks.

Nasiyahan naman si Prince Xing sa nangyari ngunit seryoso pa rin si Wong Ming na nakatingin sa binagsakan ng nasabing halimaw.

Rumble! Rumble! Rumble!

Biglang nakaramdam ng pagyanig ng lupa si Prince Xing at nabatid nitong hindi pa tapos ang labanang ito.

Kitang-kita nitong tila may aalpas sa lupa ngunit si Little Devil ay nakalutang lamang sa ere na tila hindi nito alintana ang presensya ng Fire Andean Bird.

Biglang nagbago ang anyo ni Wong Ming at nagliwanag ang mga mata nito. Naging isang Ice Demon ito ngunit hindi inaasahan ni Prince Xing ang pambihirang kaganapang masasaksihan niya.

Kitang-kita niyang paalpas na sa loob ng nagbabagang lawa ang nasabing Fire Andean Bird.

Biglang inilahad ni Wong Ming ang mga kamay nito sa kinaroroonan ng Fire Andean Bird.

Sa isang iglap ay nabalot ng yelo ang nagbabagang lawa maging ang papaalpas pa sanang Fire Andean Bird.

Bigla ring nadama ni Prince Xing na tila lumamig at bumaba ng lubusan ang temperatura.

BANG! BANG! BANG!

Sumabog ang nagbabagang lawa maging ang katawan ng Fire Andean Bird ay nagkapira-piraso.

Namilog ang mga mata ni Prince Xing habang nasaksihan iyon.

Sigurado siyang isang pambihirang martial arts skill iyon ngunit natitiyak siyang napakalakas niyon.

Ni hindi man lang niya napansin iyon ngunit ngayon lamang siya nakakita ng ganoong klaseng skill. Kahit sa demon world ay wala siyang nakitang ganoong klaseng skill.

Hindi lamang iyon dahil mukhang ang mga nagbabagang lawa ay naging napakalamig na yelo.

Tiningnan niya lamang ang pababa sa lupang si Little Devil. Kitang-kita niya na may inilagay itong bagay sa mga tipak ng yelo.

Kinuha rin nito ang dalawang malalaking itlog ng Fire Andean Bird.

Sa isang iglap ay kumalat ang yelo sa lugar na ito at ang nagbabagang lawa ay tuluyan ng natakpan ng napakakapal na yelo.

Agad na nakarating si Little Devil sa kaniyang sariling pwesto nang hindi niya namamalayan at ibinigay nito ang isang Andean Egg.

Parang tanga siyang sumusunod sa kinaroroonan ni Little Devil na nililisan na ang lugar na ito.

Palaisipan pa rin kung sino ang Little Devil na ito? Bakit sobrang lakas nito na kahit ang isang Fifth Grade Magical Beast na Fire Andean Bird na malapit ng maging Sixth Grade Beast ay natalo nito kaagad.

Hindi ito pangkaraniwang swerte lamang kundi isa itong pagpapakita ng tunay na tapang at lakas.

Tila nagbago ang pananaw ni Prince Xing. Kahit Golden Warrior Realm Expert siya ay sigurado siyang mahihirapan siyang labanan ang isang Fire Andean Bird na isa sa mapaminsalang ibon.

Di niya tuloy maiwasang ikumpara ang sarili at manliit sa sinusundan niyang pigura na nagngangalang Little Devil.

END OF VOLUME 12