SA V12 2.14
Tinungo ni Wong Ming ang isang lugar dito sa bandang hilaga ng Smew Valley. Ito rin kasi ang lugar na may napakalaking x na sign na nasa mapa. Marami solang nadaraanang mga cultivation herbs ngunit lahat ng iyon ay ibinigay niya na at pinakuha kay Prince Xing. Halos hindi rin naman niya mapakinabangan iyon.
Naisip niyang kakailanganin iyon ng lubusan ni Prince Xing lalo na't di pa alam ni Wong Ming kung gaano na ito namalagi sa loob ng bronze coffin na iyon.
Ikaw ba naman na ilagay ng ilang dekada sa loob ng bronze coffin na iyon kung mabubuhay ka pa kung ordinaryong nilalang ka lamang.
Mayroon pang mga slave seals ito na kayang paslangin at kontrolin ang mga nilalang na humawak sa bronze coffin.
Doon napatunayan ni Wong Ming na may espesyal na bagay sa paggawa ng bronze coffin na iyon. Kung ano man ang bagay na iyon ay hindi niya pa alam.
Sa kasalukuyan, Hindi niya alam kung anong klaseng bagay na naman o nilalang ang maaari nilang makaharap sa lugar na ito na sakop pa rin ng Smew Valley.
Halos kalahating minuto rin ang ginugol nila upang makarating lamang sa lugar na ito ngunit tila kakaiba ito sa kapaligirang inaasahan nila.
Nang marating ni Wong Ming ang lugar na ito ay dito niya napansin na halos tuyot na tuyot na buong kapaligiran. Ang mga puno ay tila nangamatay habang ang mayroong mga cracks sa bawat lupang naririto.
Hindi naman matukoy ni Wong Ming kung disyerto ba ito o hindi. Parang nawala ang buhay ng kapaligirang ito sa hindi malamang dahilan.
Nagpatuloy si Wong Ming sa maingat na pag-obserba sa paligid habang paabante naman ang paggalaw nito.
Hindi niya aakalaing ganito ang masasaksihan niya. Hindi kasi pangkaraniwan na magiging ganito ang lugar na ito na walang nangyayaring kahit na anong sanhi.
"Ba't ganito ang lugar na ito? May disyerto ba dito?!" Takang tanong ni Prince Xing habang nakasunod kay Wong Ming.
"Aba'y malay ko, pero sa tingin ko ay hindi ito disyerto. Ni hindi naman ito buhangin ang parte ng lugar na ito eh." Sambit naman ni Wong Ming habang kitang-kita na wala rin itong siguradong sagot.
"Mukhang tama ka. Sino kaya ang may gawa nito? Kung sinuman ito ay siguradong malakas." Ani ni Prince Xing habang tiningnan pa nito ng maigi ang mga tuyong mga puno at lupang maraming mga cracks.
Sa hindi kalayuan ay nakita ni Wong Ming ang napakalaking lawa na puno ng mga maiinit na mga molten rocks. Animo'y lawa ito na gawa ng isang bulkan. Halos hindi naman makapaniwala si Wong Ming sa kaniyang sariling nakikita.
Mayroon siyang nakitang isang malaking pugad ng isang pambihirang ibon.
Fire Andean Bird!
Iyon ang nakikita ni Wong Ming sa mga oras na ito. Isang uri ng pambihirang fire bird ito na masasabi ni Wong Ming na mapaminsalang ibon.
Paano ba naman ay naninirahan ang ibon na ito sa maiinit na parte ng lugar ngunit kapag wala itong nakitang maiinit na lugar kagaya ng bulkan ay sa mismong lupa ito maninirahan habang lumilikha ito ng malalim na butas upang maabot nito ang magma surface.
Siyempre ay matalino ang ibon na ito. Hahanap ito ng lugar kung saan nararamdaman nito ang pinakamainam at pinakamainit na parte ng lupain.
Kayang mangitlog ng nilalang na ito na kahit wala man lang itong kapares.
Napaka-weird ngunit walang imposible sa mundong ito kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na isang pambihira ngunit mapanira sa kalikasan ang ibong ito.
Wala itong pinipiling lugar lalo pa't katulad ng ibang mga magical beasts ay gusto rin nitong mamuhay ngunit kaakibat nito ang pagkasira ng lugar.
Sa una ay maliit lamang ang nagagawa nitong butas sa mga kalupaan ngunit ang mga magma sa kailaliman ng lupa ay magiging agresibo hanggang sa umakyat na ito sa itaas ng lupa hanggang sa gumawa na ito ng maliit na mga lava flow hanggang sa lumaki ng lumaki ito .
Ganoon kasi ang sistemang nangyayari sa lugar na ito. Nasa nature na talaga ng Fire Andean Bird ang ganitong klaseng pamumuhay.
Karaniwan kasi ay nasa loob ng mismong bulkan ang mga ito naninirahan.
Hindi ito ang nakakuha ng atensyon ni Wong Ming kundi ang mismong itlog ng Fire Andean Bird.
Katulad ng nature ng Fire Andean Bird ay kakaiba din ang nasabing itlog nito. Walang attribute ang nasabing magiging anak ng ibong ito na siyang gusto niyang kunin.
Ipinanganak na walang attribute ang nasabing Fire Andean Egg kung kaya't maraming klase ng breed ang ganitong klaseng magical beast.
Isa sa mga malalakas na klase ng ibon na ito ay ang Ice Andean Bird, ang Dark Andean at Light Andean Bird.
Ang ibon na ito ay isa sa mga adaptable magical beasts. Kapag napalaki mo ito sa kakaibang pamamaraan lalo na sa tamang elemento ay siguradong malaki ang pakinabang ng ibong ito.
Kapag nangyari iyon ay masasabi ni Wong Ming na may posibilidad na mas lumakas pa ang ibong ito. Nabubuhay lamang kasi ang flying type magical beast na ito sa mga lugar na may extreme weather hanggang sa maadapt nito ang klimang kinaroroonan nito hindi kagaya ng ibang ibong mayroong klimang dapat nitong paglagyan.
Sa kabuuan ay isa ang mga Andean Bird sa mga legendary beasts na maaaring maging katuwang ng isang martial arts expert.
"Isang Andean Bird ba talaga iyang nakikita ko? Diba instinct na ang isang iyan?" Seryosong tanong ni Prince Xing habang nakatingin sa kinaroroonan ng isang dambuhalang ibon na tila mala-apoy ang buong mga katawan nito.
"Tama ka ngunit mukhang meron pa naman ito. Gusto mo bang magkaroon nito?!" Wika naman ni Wong Ming habang napatanong pa ito sa huling pangungusap na sinabi nito.
"Salamat nalang ngunit maraming mga legendary beasts sa Demon World hindi lamang ang Fire Andean Bird na ito na isang parasitikong ibon." Seryosong turan naman ni Prince Xing habang mabilis nitong tinanggihan ang pagkakaroon ng interes sa Fire Andean Bird na ito.
Sa temperatura at tila pagkasira ng lugar na ito ay halata namang walang magkakagustong nilalang na angkinin ang ibong ito.
"Gusto kong makuha ang itlog ng nasabing halimaw na ito. Matutulungan mo ba ako sa bagay na ito?!" Seryosong saad ni Wong Ming habang kitang-kita na gusto nitong tulungan siya nito.
"Yun lang ba Little? Hmmm... Walang problema!" Nakangiting sagot naman ni Prince Xing habang makikitang tila nagtataka ito sa mga pinagsasabi ni Little Devil.
Hindi naman niya kinwestiyon pa ang kagustuhan nitong makuha ang pambihirang itlog ng Andean Bird na ito.