Chereads / Supreme Asura / Chapter 634 - Chapter 634

Chapter 634 - Chapter 634

Mabilis ang mga kilos ni Wong Ming lalo pa't nasa mabuti na siyang kalagayan at hindi maaaring abutan pa siya ng sinuman lalo na kung grupo-grupo ang mga nilalang na maaari niyang masagupa lalo na ang kapwa niya mga kalahok.

Nakuha niya na ang gusto niya sa paunang safe zones at kung suswertehin siya ay maaaring mahanap siya ulit ng panibagong safe zones.

Madami nga sila ngunit hindi naman lahat ay may mabubuting layunin. Ang iba ay kakaibiganin ka lamang ngunit sa huli ay tatraydurin ka rin. Ayaw niyang mangyari iyon at isa pa ay iba't-ibang mga individual ang lumahok kaya hindi maaaring magtiwala siya sa kahit na sinuman sa mga ito.

Baka kasi mapasama pa siya at ito pa ang dahilan kung bakit hindi siya makakapasok sa Flaming Sun Guild.

Ramdam ni Wong Ming ang mga yabag sa unahan habang nakalayo na siya ilang daang metro mula sa kinaroroonan niya. Hindi man niya magamit ang pambihirang skill dahil sa kakaibang bagay na humahadlang sa kaniya ay alam niyang madami ang mga nilalang na iyon na kung hindi siya nagkakamali ay mga kapwa niya rin kalahok ang mga ito. Maririnig ang tawanan at kantiyawan habang naglalakad ang mga ito patungo sa safe zone.

Nakaramdam kasi ng kakaiba si Wong Ming sa mga ito kung kaya't mabilis niyang pinagana ang Demon Eyes niya kung saan ay nagpalit anyo ang mga itim na itim na mata niya sa pagiging kulay karagatan habang nahati sa dalawang bahagi ang isang pupils niya.

Dito ay malinaw niyang nakita na halos labinlimang katao ang mga ito at ang lebel ng mga cultivation nila ay nasa Middle Xiantian Realm habang Middle Purple Blood Realm.

Kung lalabanan niya ang mga ito kung sakali ay siguradong hindi sasapat ang naka-restrict niyang cultivation upang patumbahin ang lahat ng mga miyembro ng grupong ito.

Iniisip ni Wong Ming na ang paglisan niya kani-kanina lamang ay isang magandang ideya dahil baka napaaway pa siya. Bakas pa naman sa mga awra ng mga ito ang mga negatibong enerhiya at halatang hindi mga mabubuting tao ang mga ito.

Agad na iwinala ni Wong Ming ang kaniyang pagmamasid at bumalik sa dati ang mga itim na itim na mga mata nito. Ayaw niyang madiskubre pa siya ng mga ito at siya ang pagbuntunan ng galit ng mga ito sa nag-uumpisang trial pa lamang.

Sa paglalakbay ni Wong Ming ay todo sipat siya ng maaaring bunga ng Embroid Tree. Halos magkapareho kasi ang Purple Cane Tree at ang Embroid Tree yun nga lang ay magkaiba pa rin sng tekstura at kaanyuan ng Embroid Tree sapagkat mahahalatang malaking puno ito habang ang mga dahon nito ay hugis pabilog.

Makaramdam ka din ng kakaibang enerhiyang nagmumula sa punong ito na higit pa sa Purple Cane Tree na may konti lamang enerhiya kagaya ng mga normal na puno.

Isang cultivation tree ang Embroid Tree habang ang Purple Cane Tree ay normal lamang na puno ngunit napakadalang ng puno nito habang maingat at masuyong binabaybay ni Wong Ming ang direksyong gusto nitong simulan ang paghahanap ng Embroid Tree.

Kalahating minuto na ang nakalilipas at maraming enerhiya na rin ang nabawas kay Wong Ming. Kung hindi lamang dahil sa footwork niya ay siguradong kanina pa nasaid ang enerhiyang nagmumula sa katawan niya.

Ngunit mukhang nagkamali si Wong Ming ng daang tinatahak nang makikitang may roong malapit na likido ang patungo sa direksyon niya mula mismo sa likurang bahagi ng niya ng hindi nito namamalayan.

Mabuti na lamang at maingat si Wong Ming kung kaya't naiwasan niya ang kung anumang klaseng panganib sa likuran nito.

BANG!

Tumalsik ang katawan ni Wong Ming nang sumabog ang ibinatong atake ng Hindi pa nito alam na nilalang sa likuran niya kahit na hindi siya nito natamaan talaga.

Malakas ang impact ng pagsabog kung kaya't nahagip siya nito.

Dahil dito ay napadpad si Wong Ming sa isang gilid kung saan ay nasa damuhan siya napadpad. Muntik pa siyang tumama sa bato mabuti na lamang ay nabalutan kaagad ng protecitve essence ang katawan niya kaya hindi siya napuruhan o nabagok ang ulo sa nakausling batong iyon.

Maingat si Wong Ming sa mga bagay-bagay ngunit hindi nito aakalaing nasundan siya ng isang magical beast.

Kitang-kita ni Wong Ming sa hindi kalayuan ang dambuhalang One eyed Purple Blade Mantis. Nagbabago-bago pa ang Kulay nito ngunit ang dalawang mala-blade nitong kamay ay hindi nagbabago ng kulay.

Napakalaki ng mantis na ito at masasabi ni Wong Ming na na-adapt na nito ang pasikot-sikot na lugar na ito kung kaya't natitiyak niyang hindi siya makakalayo kahit subukan niyang linlangin ito.

Matalas kasi ang senses nito kung kaya't hindi din masyadong makakatulong ang shadow step niya dahil kahit na ginamit niya nga ito kanina ay na-detect siya nito.

Shrrrrriiiieeeeckkkk!

Sumusugod ng mabilis sa kaniya ang One eyed Purple Blade Mantis habang umaatungal ito.

Kitang-kita kung paano nito pahabain ang kamay nitong gawa sa blade upang tapusin si Wong Ming.

Mabilis namang pinalabas ni Wong Ming ang bagong armas na gawa niya kundi ang Self-created halberd weapon niya.

BANG!

Nagsalpukan ang halberd na hawak nito at malaking blade na siyang kamay mismo ng One eyed Purple Blade Mantis ngunit nagawang isalag ito ni Wong Ming. Yun nga lang ay parehas na tumalbog ang halberd na hawak niya at ang mala-blade na kamay ng One eyed Purple Blade Mantis.

Masasabi ni Wong Ming na matigas ang protective shell ng halimaw at hindi niya ito mapapantayan kung sakali kung bare hands lamang niya itong nilabanan.

Sa tingin niya ay nasa 2nd Grade lamang ang One eyed Purple Blade Mantis ngunit ang attack ability nito at mobility ay nasa 3rd Grade Magical Beast ito.

Magkaiba ang estratura nila at kailanman ay biniyayaan ng malakas na physique ang mga magical beasts kung kaya't hindi nakakapagtakang hindi niya ito matalo-talo kahit na nasa restrictions ng Purple Blood Realm siya.

Sa pagkakataong ito ay si Wong Ming naman ang umatake sa pamamagitan ng pagsagawa ng isang martial arts skill.

Skill: Blade Shot!

Nagliwanag ang buong Halberd weapon na hawak ni Wong Ming at sa isang iglap ay lumaki ito at iwinasiwas niya ito sa One eyed Purple Blade Mantis.

BANG! BANG! BANG!

Walang nagawa ang dambuhalang One eyed Purple Blade Mantis nang paulanan ni Wong Ming ng mga atake ang nasabing mabangis na magical beast.

Hindi na nito nadepensahan ang sarili dahil kahit ang matitigas na parte ng katawan ng One eyed Purple Blade Mantis ay nagkandaputol-putol hanggang sa hindi na madistinguish ang mga parte nito sa katawan.

Pinulot na lamang ni Wong Ming ang demonic core ng One eyed Purple Blade Mantis at ang dalawang blade na siyang nagsisilbing kamay at sandata ng nasabing halimaw at agad na ipinagpatuloy ang paghahanap sa nasabing bunga ng Embroid Tree.