Chereads / Supreme Asura / Chapter 635 - Chapter 635

Chapter 635 - Chapter 635

Seryosong binabaybay ni Wong Ming ang lugar na kinaroroonan niya nang mapansing tila may tatlong nilalang na nakasunod sa kaniya.

Kung hindi siya nagkakamali ay mga kapwa niya kalahok ito dahil hindi siya maaaring magkamali na mga eksperto ang mga ito.

Ngunit tila anino lamang ang nakikita niyang tila palipat-lipat ng pwesto sa mga punong nasa likuran niya lamang.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na maalam ang mga nilalang na ito at kahit na ginamit niya ang shadow steps niya ay tila nakabuntot pa rin ang mga ito.

Kumuha si Wong Ming ng kapirasong papel sa loob ng interspatial ring niya na kusang lumabas ito. Habang tinatakasan niya ang mga nilalang na itong kanina pang sumusunod ay gumuguhit siya ng mga kakaibang simbolo rito.

Hindi naman natagalan si Wong Ming at mabilis niyang ibinato ito sa harapan niya.

Nasunog ang nasabing talisman at nagkaroon ng kakaibang tila salamin sa harapan niya at lumusot siya rito at nagliwanag ang nasabing harang.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nabulag niya ang tatlong mga mala-aninong nilalang na nakasunod sa kaniya.

Ngunit tila hindi pa rin tumitigil ang mga itong sundan siya.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi lumihis ng direksyon upang hindi niya makasagupa ang tatlong kakaibang nilalang na ito.

Ramdam niya kasing may lakas at may maibubuga ang mga ito.

Pambihira ang shadow steps niya na siyang footwork niya at hindi basta-bastang mapapantayan iyon ng iba ngunit ngayon ay tila nasa panganib siya.

Bago pa man makalayo si Wong Ming sa nasabing lugar na iyon ay hindi nakatakas sa tenga niya ang mga katagang binitawan ng tatlong nilalang.

Hanapin niyo ang nilalang na iyon. Kakaiba ang isang yun, kagaya natin ay malakas din iyon kaya kailangan natin siyang patalsikin sa kompetisyong ito bago pa maging hadlang sa mga plano natin!" Puno ng panggagalaiting saad ng isang nilalang habang makikitang ito ang nangunguna sa paghabol sa kaniya kanina.

Bilib din siya sa isang iyon at nagawa siyang pagbantaan.

Isinawalang-bahala na lamang iyon ni Wong Ming. Saka na lamang niya problemahin ang mga ito kung makakaharap niya ulit ang mga pesting nilalang na iyon na gusto siyang patalsikin.

Sigurado siyang nalaman ng mga ito na nauna na siya at dahil sa ginawa niyang paglaban sa dambuhalang magical beast na iyon ay nasundan siya ng mga ito.

Bago pa man mawala ang epekto ng talisman ay narating ni Wong Ming ang kabilang direksyon na nais niyang puntahan. Sigurado siyang marami pa siyang oras upang makahanap ng Embroid Fruit.

Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang paglalakbay at paghahanap niya ng Embroid Fruit hanggang sa hindi nga sa nakakita siya ng isang Embroid Tree sa hindi kalayuan at mayroong malaking bagay na nakasabit sa isang sanga nito. Nakakamangha ang nasabing bunga nito na kulay purple.

Ibang-iba ito sa bungang meron ang Purple Cane Tree na maliit at tila normal lamang na bunga kagaya ng ibang punongkahoy.

Sigurado si Wong Ming na sa lawak ng lupaing kasalukuyang ginaganap ang pangalawang trial ay maraming Embroid Tree ang namumunga ngayon.

Marami mang nakita si Wong Ming na mga Embroid Tree ngunit karamihan sa mga ito ay namumulaklak pa lamang.

Marami ang bunga ng Embroid Tree na natatanaw niya kung kaya't hindi niya palalampasin na makakakuha kahit isa man lang nito upang tuluyan siyang makapagpatuloy siya sa susunod na trial.

Mabilis na kumuha si Wong Ming ng isang Embroid Fruit nang masiguro niyang walang panganib sa paligid.

Napuno ng kasiyahan ang puso ni Wong Ming at sigurado siyang magiging maganda ang simula ng pangalawang trial niya.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang naglalaho bago siya tuluyang nawala sa lugar na ito.

Isa lang ang naiisip ni Wong Ming. Teleportation!

...

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa loob ng isang malawak na tower. Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isa itong safe zone. Kaibahan lamang ay halos triple ang laki ng safe zone na ito kumpara sa nakita niya kaninang safe zone na siyang pinagpahingahan niya.

Agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata at napansing marami nga sila ang naririto. Halos karamihan sa mga ito ay grupo-grupo at kunti lamang ang nag-iisa o may tigdalawa o tagtatlong miyembro sa isang grupo.

Wala namang kaso kay Wong Ming iyon ngunit halatang pinagtitinginan silang mga nag-iisa ng mga grupo-grupong mga kalahok.

Isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming. Nasa safe zone pa rin sila at mahigpit na ipinagbabawal ang anumang karahasan dito sa loob ng lugar na ito. Naalala niya pang awtomatikong madi-diskwalipikado ang mga magtatangkang manakit o kumitil ng buhay rito.

Hinayaan na lamang ni Wong Ming ang mga nanlilisik na mga mata at nang-aasar na ekspresyon sa mukha ng mga nilalang na ito dahil marami pa siyang dapat malaman. Lumapit siya sa isang bahagi ng tower kung saan naroron nakalatag ang mga impormasyong kinakailangan niya.

Congratulations!

You pass the Second Trial. Third trial will be tough but we're hoping you'll overcome it. Here's the map and objectives. Goodluck!

Iyon ang mga nasaba ni Wong Ming at saka niya pinagtuunan ng pansin ang mga mapa at objectives.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ang nasabing lugar na kinaroroonan nila ay ang Cloud Roaring Forest. Isa ito sa pinakadelikadong lugar sa Red City.

Masasabing ang lugar na ito ay pinamamahayan ng mga mababagsik na mga magical beasts na nasa Peak Stages. Hindi alam ni Wong Ming kung totoo ito ngunit alam niyang kailangan niya o nilang diskubrehin ito kung may katotohanan.

Alam niyang hindi siya maaaring magtiwala sa mga sabi-sabi at kailangan niyang matutunang alamin ang katotohanan.

Sa katulad niyang nasa Golden Core Stages ay siguradong madali lamang ito ngunit kailangan niyang hindi ipakita ito dahil magtataka ang lahat kung paano niya nakamit ang lebel ng Cultivation niyang ganito. Sa mata kasi ng lahat ay isa lamang siyang Middle Purple Blood Realm Expert kaya paninindigan niya ito.

Saka na lamang niya problemahin ang ibang bagay kapag nagkaproblema na. Sa ngayon ay kailangan niyang ayusin ang sarili niya at ibalik ang nawalang mga enerhiya niya sa katawan at pag-igihan pa lalo upang makapasa siya sa ikatlong trial na ito.

Napansin na naman muli ni Wong Ming ang mga tinging ipinupukol sa kaniya ng mga kapwa niya kalahok. Alam niyang hindi magpapatalo ang mga ito ngunit isinawalang-bahala niya na lamang.

Kita niya na mayroon pang kalahating araw upang magsimula ang ikatlong trial kaya mas mabuting ihanda niya ang sarili niya sa maaaring mangyari o masagupa niya sa nasabing lugar na ito.