Hindi naging epektibo ang ginawa ni Wong Ming kung kaya't ang ginawa niya ay bigla na lamang siyang naglakad at naglibot-libot sa kakaibang lugar na ito.
Mabuti na lamang at hindi na siyang nahirapang malaman kung nasaan ang kaniyang sariling lokasyon nang matanaw nito ang isang kakaibang tower habang may nakapalibot na protective array.
Safe Zone!
Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ni Wong Ming dahil alam niyang sa pagkakataong ito ay ligtas siya at hindi muna siya mamomroblema sa maaaring masagupa niyang mga magical beasts o anumang panganib sa kaniyang kasalukuyang ginagalawang paligid.
Dali-dali namang tumakbo si Wong Ming sa direksyon kung saan ang nasabing safe zone. Hindi maipagkakailang kailangan niya muna ng pahinga at maaari siyang makapag-isip ng matino dito.
Walang anumang mapa silang binigay ang MC kaya ang ganitong klaseng senaryo ay dapat silang maghanap sa hangin at gamitin ang kanilang sariling instinct.
Nakahinga na ng maluwag si Wong Ming nang makapasok na siya sa loob ng safe zone. Tiwala naman siyang hindi ito mapipinsala ng sinuman sa mga nilalang lalo na sa mga gumagalang magical beasts.
Dali-dali namang nagcultivate si Wong Ming dahil sa mahabang paglalakbay niya patungo rito ay tila naging magulo ang enerhiyang nasa loob-loob niya maging ang kaniyang sariling isipan ay tila napagod din sa kakaisip.
Agad siyang naghanap ng mga metal na bagay at hindi siya nabigo at maraming mga piraso ng mga metal ang nakakalat lamang sa mga gilid nito.
Hindi naman ito naging hadlang kay Wong Ming sapagkat sa alaalang meron ang dating siya ay isa siyang craftsman.
Mabilis niyang in-assemble ang mga pira-pirasong metal at pagdikit-dikit upang gumawa ng matibay at napaangas na sandatang kayang puminsala ng mga malalakas at mababangis na mga magical beasts na maaaari niyang masagupa.
Siyempre ay pinili niya ang mga piraso ng mga metal at sinuri ang tibay ng mga ito upang hindi mabulilyaso ang ginagawa niyang pagsuong sa pangalawang trial.
Masasabi ni Wong Ming na matitibay ang mga ito at hindi naman siguro maglalagay ng hindi magandang uri ng piraso ng metal ang mga taga-Flaming Sun Guild upang mapahamak ang mga lumahok rito gayunpaman ay sinuring maigi ito ni Wong Ming dahil mabuti na ang nag-iingat.
Hindi mapigilan ni Wong Ming mamangha sa dating kakayahan niya at mas lalo pa itong umunlad dahil sa itinuro at natutunan niya noong nasa Golden Crane City pa lamang siya.
Alam niyang napakapalad niya pa rin lalo pa't huling natandaan niya ay siguradong napuruhan at nag-aagaw buhay siya noon ngunit nakaligtas siya mula sa bingit ng kamatayan.
Isang pambihirang Golden Crane daw ang nagbiibit sa kaniya roon sa Golden Crane City ngunit iyon lamang ang detalyeng binigay nito.
Ilang mga siyudad at mga baybayin ang tatawirin niya upang makarating roon kaya posible ang sinasabi nito ngunit hindi naman magpapakita ang pambihirang Golden Crane at dadagitin siya dadalhin sa Golden Crane City.
Iwinala na lamang ni Wong Ming ang ganiton g klaseng pag-iisip. Ang importante ngayon ay makabuo siya ng tuluyan ng isang malakas na sandata. Sandatang ipanglalaban niya sa kahit na sinuman lalo na sa mga malalakas na mga kalaban niya mapa-magical beasts man o mga ekspertong kapwa niya kalahok.
Unti-unting nakabuo si Wong Ming ng uluhan ng isang uri ng sandatang nais niya. Sa lugar na ito ay mas epektibo ang halberd weapon dahil hindi lamang nakakabawas ito ng mobility ng kalaban ay malaki ang magiging pinsala nito kung magiging maganda ang timing niya sa pag-atake sa posibleng kalaban niya.
Pambihira ang talim na meron ito at masasabi ni Wong Ming na sa kalidad pa lamang ng mga pira-pirasong metal na pinagdikit-dikit niya ay malaki na ang halaga nito upang puminsala ngunit mas hinasa at pinataliman niya ang mismong talim ng patalim sa dulo ng halberd upang makasanhi ito ng malalakas na mga epekto upang pinsalain ang sinuman makakasagupa niya.
Hindi namalayan ni Wong Ming ang oras at nakatuon lamang ang buong atensyon niya sa paggawa ng sandatang tila may kaugnayan ito sa dating propesyon niya, ang pagiging craftsman.
70%
80%
90%
Hanggang sa tuluyan ng nakabuo ng isang sandata si Wong Ming na halberd. Kitang-kita ang saya nito ng tuluyan niya ng matapos ang sandatang ginagawa niya. Ganito pala ang pakiramdam at makalasap ng tagumpay mula sa paggawa mula sa isipan lamang hanggang sa totoong bagay na ang binuo at nabuo niya.
Tunay ngang nakakamangha ang ganitong klaseng pag-iisip. Natuto na siyang maging pasensyuso at naniniwala na siyang magagawa niya lahat sa pagtitiis at pagtatiyaga sa mga piraso ng metal.
Ding!
Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumunog ang nasabing isang bahagi ng safe zone at dito ay may mga nabuong mensahe sa mahabang bahagi ng tila haligi ng tower.
Congratulations!
You're the first one duscovering the Safe zone where you can do anything in it. Safe zones offer variety of works, items and special gifts or even big clues.
Maps and objectives will automatically appears. Hope it could be an advantage to you to start your journey now!
Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong lumitaw ang mapa kasabay nito ang isang objective.
Purple Cane Mountain Ranges pala ang pangalan ng lugar na ito at ang kaninang pinaglapagan nila ay Stone Wild Forest iyon at talagang malapit lamang ang mga kuta ng mga flying type magical Beasts sa pinaglapagan nila kaya mabilis silang nadiskubre at natunton ng mga mababangis na halimaw na iyon.
Sa kalupaan ay marami ding mga magical beasts kung kaya't marami sa kanila ang posibleng nalagas na at tuluyang hindi na makapagpatuloy sa susunod na mga trials.
Tama nga ang instinct at hula niyang lumihis ng direksyon dahil sa kabilang parte ng mapang nakita niya ay doon siya dumaan at nagsimulang maglakbay palayo kahit na may iilang mga danger zones doon.
Agad namang lumipat sa isang kulay ubeng parte ng mapa si Wong Ming na siyang kasalukuyang lugar na kinaroroonan niya na tinatawag na Purple Cane Mountain Ranges.
Kung gayon ay dito magsisimula ang tunay na laban niya o ng iba pang mga kalahok.
Ang kailangan lamang nilang gawin upang manalo at makapagpatuloy sa susunod na trial ay humanap ng puno na tinatawag na Embroid Fruit na bunga ng isang kulay ubeng puno na tinatawag na Purple Embroid Tree na halos kahawig lamang ng mga Purple Cane Tree na makikita sa paligid.
Pinagmamasdang maigi ni Wong Ming ang kaibahan ng dalawang puno at masasabi niyang identical tree ang dalawa liban na lamang sa kung ano ang itsura ng bunga nito na hindi ipinakita sa objectives. Tanging ang itsura lang ng puno.
Isang malaking problema ito para kay Wong Ming ngunit maghahanap siya ng paraan. Isa pa ay trial ito malamang ay limitado lamang ang objectives.