Kasalukuyang nasa loob ng misteryosong lugar si Wong Ming. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang maglakbay siya sa labas ng Golden Crane City.
Nakituloy siya sa isang maliit na inn sa lugar ng Ribbon City na isa sa mga malayang siyudad at madaming dayuhan ang dito'y dumadaan upang magpahinga sa mahabang paglalakbay nila. Isa si Wong Ming sa mga nilalang o maituturing na martial arts experts na piniling umukopa sa mga lugar dito upang palipasan ng oras hindi sa paglalakwatsa kundi sa pagplano sa mga susunod na destinasyon niya.
Naalala na naman ni Wong Ming ang buhay niya sa Golden Crane City. Ni hindi siya nagpakita o pumunta man lang sa teritoryo ng Wong Family. Ito naman ang gusto nila at kagustuhan niya ring umalis sa lugar na maituturing niyang nagdulot sa kaniya ng magaganda at masasamang alaalang babaunin niya sa panibagong yugto ng buhay niya sa labas ng nasabing siyudad.
Masasabi niyang hindi niya pinagsisisihan ang desisyong ito. Nasa tamang edad na rin siya at wala rin namang silbi kung magnanais pa siyang pumunta roon upang ipagsiksikan ang sarili niya.
Wala siyang poproblemahin pa lalo pa't inayos na niya ang gulong iniwan ng Fire Demon Tribe. Alam niya ang patungkol sa maaaring mangyari kung hahayaan niyang mag-exist pa ang pangunahing masamang tribong iyon. Tanging iniwan niya lamang ang mga inosenteng mga nilalang na siyang bihag ng tribong iyon.
Ang tanging nakaligtas lamang sa bagsik niya ay ang dalawang magkapatid at dalawang elder ng tribong iyon. Masasabi niyang hindi naman ganoon kalakas ang mga itp ngunit nagawa pa rin ng mga itong makatakas sa mga atake niya. Pambihira ang mga ito gamit ang pambihirang mga bagay na nasa possession ng mga ito ngunit hindi niya maaalis na hindi na magiging banta pa ang mga ito lalo pa't naniniwala siyang magagawan na ito ng paraan pa ng Black Clover Tribe at ng ibang tribo na mamuhay at mas lumakas pa dahil wala na ang isa sa mga pangunahing banta ng kanilang mga tribo.
Namahagi at nag-iwan na rin siya ng mga tulong sa mga naapektuhan ng nasabing masamang tribo sa munting pamamaraan niya. Gamit ang maskarang suot-suot niya ay masasabi niyang hindi siya makikilala ninuman lalo na ng mga saksi sa labanang iyon na nauwi sa madugong pamamaraan upang makamit ng lahat ang kalayaan ng kanilang mga tribo.
Ngunit sa kasamaang-palad ay maraming napaslang at nasugatan sa nasabing matinding labanan na nangyari sa mismong Fire Demon Tribe.
Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gamitin ang pinakamalakas niyang sandata sa kasalukuyan, ang mga demonic essences sa loob ng katawan niya.
Maraming enerhiya ang nasayang at nawala sa kaniya matapos niyang labanan ang pinakalider ng Fire Demon Tribe, ang kanilang Fire Demon Tribe Chief at ang mga malalakas na alagad nito.
Naalala niya pa kung paano niya pahirapan at pagpapaslangin ang mga masasamang nilalang na ito. Kung ituring man siyang masama dahil sa pagpaslang niya sa mga ito ay wala siyang pakialam. Ginawa niya lamang ang sa tingin niyang nararapat at mabuting gawin para sa mga taong ito na walang mga puso at sariling interes lamang ang gusto ng mga ito.
Alam niya kung sino ang masasamang nilalang at ang mga hindi dahil sa mga awrang nagmumula sa katawan ng mga ito. Isa sa mga abilidad ng sarili niyang mata ang makakita ng awra ng mga buhay at di buhay na mapa-nilalang man o bagay ang mga ito.
Isa pa ay mas lalong tumatagal ay lumalakas pa lalo ang sensitivity ng sarili niyang mata sa mga enerhiya sa kapaligiran niya. He could even sense energy from a long distance o kahit ang mga nilalang o bagay na may mga demonic energies na nakapaloob sa mga ito.
Namamangha si Wong Ming sa kaniyang sariling pag-unlad lalo pa't naniniwala siyang darating ang araw na mas lalakas pa siya lalo.
Alam niya kasing hindi pa natatapos ang cultivation sa Golden Realm Stages dahil may mataas pa na lebel ng cultivation rito.
Kagaya ng mga Elemental Demons ay alam niyang mataas pa sa Golden Realm Stages ang lakas ng mga demonyong iyon at ramdam niya ang lawak ng kapangyarihan ng nasabing lider ng Water Demon na iyon. Hindi niya man alam kung anong lebel na ng cultivation ang nasabing pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan ngunit batid niyang nasa limitasyon na ito ng Golden Realm Stages.
Ang ama niyang si Head Chief Bengwin ay nasa Early Golden Bone Realm na ito habang ang mga nasa konseho ay nasa boundary na ng Golden Warrior Realm.
Kaya nga kahit na nakaupo na sa mismong trono ang ama niyang si Head Chief Bengwin ay kailangan niya pa ring sumunod sa kagustuhan ng konseho. Only those who surpassed those elders na nabibilang sa mga bumubuo ng konseho ng Wong Family ang siyang may malayang pamamaraan ng pamumuno.
Kaya nga hindi na siya umaasa pang darating ang araw na magbreakthrough ang amain niya na si Head Chief Bengwin sa mga araw na ito dahil masyado pang malayo iyon. Bawat lebel ng cultivation ay may cultivation requirements at masasabi ni Wong Ming na napakahirap ang pagbreakthrough.
Apat na taon siyang nagcultivate ngunit hindi niya aakalaing darating sa punto na masasabi niyang ang pagcucultivate niya ay mabagal o mabilis dahil nag-umpisa siya sa unang dalawang taon na puro pag-aaral at simpleng pamamaraan ng pagcucultivate ang alam niya. Idagdag pang mahigpit at tutol ang halos lahat ng miyembro ng Wong Family sa pagcucultivate niya lalong-lalo na kung gagamitin niya ang mga cultivation resources ng kanilang pamilya.
Kung ang cultivation resources ay mahigpit na sa mga taong iyon pero mas mahigpit ang pagkakaroon niya ng cultivation practices lalo na sa paggamit ng mga core skills ng angkan dahil hindi siya nagkaroon ng mga ito.
Mabuti na lamang at mayroon siyang cultivation manual na "Asura Art of Divinity" na naglalaman ng napakaraming mga martial arts skills ngunit nakabase pa rin sa kakayahan niya ang pagkatuto ng mga ito.
Isa din sa dahilan niya ang pag-alis niya ang kaniyang sariling cultivation o pamamaraan ng pagcucultivate. Tama na ang mga taong ito na nasayang sa pagcucultivate niya. Ngunit pasalamat pa rin siya sa ama niyang si Head Chief Bengwin dahil kahit papaano ay hindi niya napapabayaan ang cultivation niya.
Ang paglalakbay niya sa loob ng Ashfall Forest ay naghatid sa kaniya sa pagbubukas ng kaalaman niya patungkol sa mas malaki at malawak pag mundo.
Hindi niya pa gustong pumunta sa mundo ng Demon World dahil higit na malalakas ang mga nilalang na nandoon kumpara sa mundong ito. Kung tingin ng iba sa kaniya ay malakas na ngunit sa mundong iyon ay magmumukha lamang siyang katawa-tawa. Alam niyang isa lamang siyang maliit na insekto sa malawak na mundong ito at sa ibang mundo na mas magulo ang sistema ng pamumuhay at palakasan.