Chereads / Supreme Asura / Chapter 580 - Chapter 580

Chapter 580 - Chapter 580

Naiintindihan niya ang ganitong klaseng pananaw. Naniniwala siyang tunay ang pinag-uusapan ng mga Water Demon na iyon na mas magulo ang mundo nila kaysa sa mundong ito.

Ang tanging mali lamang sa sinasabi nito na mahina ang mga lahi ng tao dahil hindi siya naniniwala roon. Wala mang kapangyarihan o anumang pambihirang abilidad ang lahi ng tao sa pagcucultivate ay hindi naman ibig sabihin nun ay napakahina na ng lahi nila.

May dahilan ang pag-exist ng lahi nila sa mundong ito at maituturing na overlord ng mundong ito ang mga tao.

Matagal ng nag-eexist ang mundong ito at ang Demon World ngunit wala man lang siyang nabalitaan na patungkol sa alitan ng mga lahi sa kabilang mundong iyon at ang mundong ito ngunit hindi naman niya dapat problemahin iyon dahil masyado pa siyang mahina.

There's no way na walang alam ang mga malalakas at makapangyarihang Elemental Demons sa existence ng mundong ito.

Isa sa patunay na pagtawid ng iba't-ibang lahi ng mga Elemental Demons sa mundong ito ang pag-exist ng maraming bilang ng mga ancient tribes sa loob ng Ashfall Forest.

Agad na nalihis ang isipan ni Wong Ming ang patungkol sa paglalakbay niya. Marami siyang nadaanang mga siyudad, mga angkan at iba pang mga komunidad habang sinusuyod niya ang direksyon patungo sa lugar na tinatawag na Dou City, iyon lamang ang clue na binigay sa kaniya ng magandang babaeng nasa loob ng misteryosong lugar na kinaroroonan niya sa kasalukuyan.

Ewan ba niya at nagpapauto siya sa magandang babaeng hindi naman niya mahingan ng payo.

BLAGGG!

Malakas na nalaglag si Wong Ming sa ere habang umupo ito ng naka-lotus posisyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kapalit ng impormasyon sa ginagawa niyang training nitong nakaraang araw pa sa loob ng misteryosong lugar na ito.

Agad na inayos ni Wong Ming ang sarili niya habang hinilot-hilot niya pa ang likurang bahagi niya lalo pa't masakit ang nasabing pagbagsak niya.

Hindi niya maintindihan kung para saan ang training na ito dahil wala naman itong kwenta para sa kaniya.

Mabilis na nanlaki ang mga mata niya ng biglang lumitaw sa harapan niya ang nasabing misteryosong babae na nakasuot ng kulay puting bestida.

"Magaling binata, hindi ko aakalaing makakatagal ka sa ere ng ganon katagal at maayos kang bumagsak sa lupa hahahaha!" Malakas na wika ng misteryosong babae habang humagalpak pa ito ng tawa dahil sa labis na sayang nadarama nito.

Hindi naman mapiligan ni Wong Ming na mayamot at halos hindi maipinta ang mukha niya nang marinig niya ang huling katagang winika ng nasabing misteryosong babae.

"At talagang nasiyahan ka pa sa pinapagawa mo sa akin? Masyado kang mapang-api binibini. Hindi ko aakalaing magagawa mo ito sa akin!" Nayayamot na saad ni Wong Ming habang kitang-kita ang pagkadisgusto sa pagmumukha nito.

"Tigil-tigilan mo ko sa kadramahan mo Wong Ming. Alalahanin mo na ako pa rin ang masusunod dito." Seryosong sambit ng magandang babaeng tila naningkit pa ang mga mata nitong pinagmasdan ang nasabing binatang kaharap niya.

Mabilis namang inayos ni Wong Ming ang sarili niya habang nag-isip ito ng mabuti. Lihim siyang napangiti ng maalala niya ang paunang sinabi sa kaniyang ng misteryosong babaeng kau-kausap niya sa kasalukuyan. Tila ba may ibang nais ipakahulugan iyon para sa kaniya.

"Hindi mo ko maaaring sungitan magandang binibini. Lumabas na sa mismong bibig mo ang katagang nakapasa ako sa pinapagawa mo sa akin. Siguro naman ay tutupad ka sa sinasabi mo." Nakangising wika ni Wong Ming habang makikitang gusto nito ang nangyayaring ito.

"Hmmp! Tuso ka talaga binata ngunit akin itong palalampasin dahil masasabi kong mahusay mong nagawa ang pinapagawa ko sa iyo kahit na bumgsak ka lamang sa malawak na platform na ito dahil sa swerte pero sa susunod ay alam kong mabibigo ka!" Masungit na saad ng misteryosong babae habang pinipigilan nitong mainis pa lalo sa tusong binatang nasa harapan niya lamang.

"Yun o, akala ko ay hindi mo tutuparin ang ipinangako mo sa akin hehe." Sambit ni Wong Ming habang abot-tenga ang ngiting umaalpas sa bibig nito.

Gustong-gusto man ng misteryosong babae na gantihan ang pagiging tuso ng binatang si Wong Ming ay hindi na niya ginawa dahil may pagkakataon pa naman na kakailanganin siya nito at sa oras na iyon ay mas malala ang ipapagawa niya rito. Lintik lang kasi ang walang ganti sa kaniya.

Medyo maganda ang araw niya ngayon ngunit mukhang hindi na dahil sa pamimilosopo ng walang maalalang si Wong Ming at siya ang takbuhan nito sa mga oras na ito.

Kapalit ng hinihingi nitong pabor ay ang mahirap na training na binigay niya rito at iyon ay ang paglutang sa ere habang nagcucultivate.

Isa ito sa pamamaraan niya upang maensayo ng binata ang coordinasyon ng katawan nito at mabilis na pag-adapt sa paglipad o maging sa kapaligiran nitong may kakaibang o pambihirang density.

Alam ng misteryosong babae na ang nasabing platform na ito na pabilog ay may pambihirang bigat ng hangin dahilan upang ang pagbagsak mula sa itaas ay napakahirap pababa. Sa dalawang araw na ito ay ilang beses na nalaglag si Wong Ming pailalim ngunit ni hindi man lang itong nakalapag sa loob ng circular platform na tanaw sa ilalim kapag nakalipad siya.

Kung hindi dahil sa paggabay niya at pagtulong niya everytime na malalaglag ito sa ere ay baka ilang beses ng namatay ito.

Agad na sinamaan ng tingin ng misteryosong babae si Wong Ming dahil sa pinagsasabi nito at mabilis na nagwika.

"Pasalamat ka at maganda ang modo ko sa araw na ito dahil baka pinahirapan pa kita. Wag mo kong itulad sa iyo na isang tuso binata, marunong akong tumupad sa usapan ng may usapan." Seryoso ngunit may inis na wika ng misteryosong babae. Kung hindi lang talaga siya naaawa at gustong tulungan ang binatang ito ay hindi na siya nagpakita rito hanggang sa matuto ito ng leksyon ngunit ayaw naman niyang pabayaan ito dahil ito lang naman ang kaisa-isang nilalang na maaaring tumulong sa kaniya sa hinaharap.