"Huminahon ka muna Wong Ming, magpapaliwanag ako. Sila ay mga anak ko, hindi ko aakalaing magbubunga ng kambal ang pagmamahalan namin ni Milanya. Masyadong mabilis man ang pangyayaring ito na maging ako ay nagulat rin ng matuklasan ito ngunit ito ang totoo. Magpahanggang ngayon man ay hindi ko kasundo ang mga ito kaya kung maaari ay kumalma ka muna."Mahabang sambit ni Head Chief Bengwin na msy himig ng pakikiusap. Makikita sa mga mata nito na hindi nito gustong magkagulo rito. Bilang nakakatanda at pinuno ay gusto nito ng kaayusan.
Nagulat man si Wong Ming ay pinilit niyang maging mahinahon para sa itinuturing nitong amain niya. Hindi niya gustong galitin ito o inisin man lang dahil sa pagmumukha ng dalawang nilalang na gusto siyang paslangin ng mga ito. Ayaw niyang pantayan ang mga masasamang gawain ng mga ito dahil magkakasama pa rin sila sa pananatili niya sa Wong Family.
Bago pa man makapagsalitang muli si Wong Ming ay mabilis na nagsalitang muli ang nasabing isa sa mga kambal na si Qiáo Jian na siyang panganay sa magkambal na anak ng ama-amahan niya.
"Hahaha... Ang liit pala ng mundong ginagalawan natin noh? Hindi ko aakalaing makikita ka naming muli. Anlakas ng loob mong labanan ang kapatid ko!" Sarkastikong saad ni Qiáo Jian habang makikitang nakatingin ito ng masakit kay Wong Ming.
"Tumigil ka Qiáo Jian!' saway naman ni Head Chief Bengwin ngunit parang bingi lamang ang nasabing isa sa mga kambal na nagsalita at hindi man lang ito natinag sa sinabi ng tunay na ama nito.
Pinantayan din ni Wong Ming ang tinging ipinupukol sa kaniya ni Qiáo Jian ngunit makikitang hindi pa rin siya sanay sa pagmumukha ng mga ito.
Sinampal talaga siya ng katotohanang mga tunay na anak ito ng amain niya samantalang siya ay halatang sampid lamang sa pamilya Wong. Alam niyang balang araw ay wala na siyang parte sa nasabing dugong bughaw na pamilya sa loob ng Golden Crane City.
Dito pa lamang sa loob ng Ashfall Forest ay ganito na ang pakiramdam niya, what more kung andun na siya o sila sa kanilang mismong lungsod?
Talagang ipinaparamdam ng mga tingin ni Qiáo Jian na walang kawala si Wong Ming sa maaaring gawin nito.
Hindi natatakot si Wong Ming sa tinging ipinupukol sa kaniya ng pesteng binatang ilang metro lamang ang layo mula sa kaniya. Ngayong may lakas na siyang hindi niya aakalaing magkakaroon siya ay kayang-kaya niya ng durugin ang sinuman lalong-lalo na ang pesteng nilalang katulad ni Qiáo Jian kung sakaling hindi ito gagawa ng mabuti sa kaniya.
Gumuhit ang malademonyong ngisi ni Wong Ming at makikitang agad din itong nagsalita.
"Ang kapal naman ng pagmumukha niyo. Kayo ang nangunang kumilos ng masama laban sa akin. Kasalanan ko bang napakahina ng kakambal mo kagaya mo hahaha!" Nakangising demonyong sambit ni Wong Ming habang makikitang nagpapahabaan ito ng sungay sa mayabang na si Qiáo Jian. He don't want to do it pero sinusubukan nito ang pasensya niyang pilit niyang hinahabaan at iniintindi.
"Ano'ng sabi mo binatang taga-labas? Masyado kang matapang, hindi mo ba inaalam ang lugar mo rito? Nasa teritoryo ka namin, isang kumpas lang ng kamay ko ay baka bawian ka ng buhay!" Mapagbantang wika ni Qiáo Jian habang nawala na ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito kanina. Andaling uminit ng ulo niya dahil sa pesteng binatang mula sa labas na ito. Para sa kaniya ay advantage niya na nasa teritoryo niya ang mga ito, sa kaniya pa rin ang huling baraha.
"Taga-labas? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako si Wong Ming at ama ko ang pinuno ng Wong Family na siyang ama mo rin kaya wag kang mayabang. Kung sino man sa atin ang makapal ang mukha ay ikaw iyon. Ikaw na nga ang nang-agrabyado ay ikaw pa itong nagmamayabang." Ganting saad rin ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi din ito magpapaawat. Ang ganitong klaseng nilalang ang gusto niyang durugin ng pinong-pino at turuan ng leksyon. Pasalamat ito at nagtitimpi pa siya.
"Ama? Ang sabihin mo ay ampon, sampid at wala kang papel sa ama namin hahaha... Alam na namin ang katotohanan patungkol sa iyo. Kanino ka ba galing o saan ka ba nanggaling? Mukhang wala kang mga magulang hahahaha!" Pang-iinsultong sambit naman ni Qiáo Jian habang makikitang mas naging mabangis ang mga pangungusap nito. Hindi siya magpapatalo sa isang sampid na katulad ni Wong Ming.
Nakita naman ni Head Chief Bengwin ang biglang pagtahimik ng anak-anakan nitong si Wong Ming dahilan upang malaman niyang nasaktan ito sa sinabi ng tunay niyang anak.
Agad na tiningnan ng masama ni Head Chief Bengwin ang anak nitong si Qiáo Jian at nagwika.
"Tumigil ka na Qiáo Jian, hindi mo ba alam na napakababaw mo. Kailan ka pa naging ganyan? Iniintindi ko ang ugali mong iyan ngunit wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Wong Ming!" Seryosong sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang tila naging malikot ang mata nito. Nalilito siya dahil hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya sa nagsasagutan niyang mga anak niya.
Pareho niyang mahal ang mga ito at ayaw niyang makita ang ganitong klaseng senaryo. He is really not expecting it pero sinusubukan niyang intindihin ito. Maging siya ay nagulat nang marinig niyang nagkasagupaan ang mga ito noong unang nagkatagpo ang landas ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya, masyadong bago ito at marami siyang naiisip na hindi maganda sa mga pinagsasabi ng mga ito halatang walang gustong magpatalo.
Tiningnan naman ni Head Chief Bengwin ang isa pa nitong anak na si Qiáo Guiren na tahimik lamang. Nagkatinginan ang mga ito at makikitang agad namang nakuha ni Qiáo Guiren ang gustong ipahiwatig ng ama niya, ang tulungan ito sa kasalukuyan nitong suliranin sa nasabing hindi inaasahang kaganapang ito.
"Kuya, masyado ka ng malupit sa pinagsasabi mo. Hindi ba pwedeng kumalma ka muna diyan? Hindi maaaring daanin na lamang sa init ng ulo yang pinagsasabi mo!" Seryosong turan ni Qiáo Guiren na nakisali na rin sa usapang ito upang awatin ang kakambal nitong tila hindi pa titigil sa kakaputak.
Pati ba naman ikaw Qiáo Guiren? Kakambal kita at hindi naman maaaring magpatalo lamang ako sa mahinang nilalang na katulad ni Wong Ming n yan! Isa pa ay tama lahat ng sinasabi ko, sampid lamang siya sa pamilyang ito lalong-lalo na sa ama natin!" Inis na saad ni Qiáo Jian habang kitang-kita na hindi pa ito makontento sa pinagsasabi nito. Naiinis siya sa pesteng sampid na anak ng ama niyang si Head Chief Bengwin. Lahat ng bagay ay tila unti-unting nagbago dahil rito kaya hindi siya makakapayag na basta-basta na lamang makapasok ang sinuman sa buhay nilang magkapatid. Nalason man ng ama nila ang utak ng ina niya pwes hindi siya papayag na hindi ito magdusa kagaya ng naranasan ng ina niya noong wala ito sa buhay nila.
Malalim ang sugat na iniwan nito sa kanila kaya ibabalik niya ito ng higit pa sa inaakala ng ama niya na magagawa niya. He will be happy seeing it right now at sa darating pang mga araw.