Naningkit naman ang mga mata ni Wong Ming sa sinabi ng mayabang na si Qiáo Jian. Halatang ugali nitong itaas ang sarili maging ang pride nito ngunit marami siyang napansing mga kahinaan nito at iyon ang gusto niyang gamitin, ang emosyon nito.
"Mahina? Sampid? Ano pa ang gusto mong sabihin Qiáo Jian? Baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo nagkakasubukan ng lakas baka kainin mo yang pinagsasabi mo?!" Nakangiting sambit ni Wong Ming habang nakalabas pa ang mga mapuputing mga ngipin nito. Gusto niyang inisin pa lalo ang pesteng binatang ito na nag-iwan ng malaking sugat sa katawan niya upang iligtas sa kamay niya ang kambal nitong kapatid.
Kung parehong ganitong sitwasyon ang nangyari noon ay siguradong matatakot o magiging aware siya sa lakas ng kalaban niya ngunit iba na ang maaaring maganap. Masyado na siyang malakas ngayon kumpara nitong nakaraang mga buwan, hindi man gaanong pag-unlad ang meron siya upang labanan ang buong tribong ito ay tiwala siyang mapipigilan niyang manganib ang buhay niya sa kamay ng lapastangang mayabang na katulad ni Qiáo Jian.
Napalunok na lamang ng kaniyang sariling laway si Qiáo Jian lalo pa't alam niyang hindi magandang galitin si Wong Ming na ngayon ay kilala na niya ang katauhan nito. No wonder na malakas ito dahil nabibilang pala ito sa Wong Family na siyang pinamumunuan ng sarili nilang ama.
Hindi niya alam kung ano'ng maiisip niya ngunit batid niyang hindi maganda ang kalabanin ito. Ganitong-ganito kasi ang mukha ng binatang ito habang nakalaban niya ito noon, he don't want to say this ngunit ang takot nitong mukha ng makaharap nito ang kapatid nito noong nakaraang buwan ay nawala na. Pansin niyang medyo kakaiba ang presensya ng binatang kaedaran niya lamang kumpara noong nakaraang buwan. Napansin niya ito dahil maging siya ay naninibago rin sa ikinikilos nito maging sa naiisip nito, sigurado siyang sa loob ng ilang mga linggo at buwang pagkawala niyo ay nandoon ito sa loob ng masukal na kagubatan ng lugar na ito, walang nakakaalam kung ano'ng klaseng swerte o mga bagay ang nasaksihan nakuha o nangyari rito na lubos na palaisipan pa rin sa kaniya/kanila.
"Magkakasubukan ng lakas? Bagpapatawa ka ba? Nitong nakaraang buwan lamang ay kitang-kita ko kung paano manginig ang diwa mo sa presensya ko. Sa isang kumpas pa lamang ng kamay ko ay maaari kang mamatay taga-labas. Hindi mo mapapantayan ang lakas ko at abilidad sa loob lamang ng maikling panahon!" Malakas na turan ni Qiáo Jian na ngayon ay matiim na nakatingin sa gawi ni Wong Ming. Sino ang mag-aakalang ang isang katulad ni Wong Ming ay mangangahas na hamunin o hikayatin na maglaban sila. Masasabi niyang ang agwat nilang dalawa ay parang langit at lupa, malamang ay mas nakalalakas siya rito at iyon ang gusto niyang ipahiwatig sa binatang ampon lamang ng sarili niyang amang si Head Chief Bengwin.
Isang kakaibang ngisi ang bigla na lamang lumitaw sa mga labi ni Wong Ming na siyang ikinataas ng kilay ni Qiáo Jian.
"Natatakot ka ba Qiáo Jian na matalo? Tandaan mo, isa ka lamang mayabang na nilalang, puro ka lamang salita. Marami ka pang sinasabi hahaha..." Seryosong tanong ni Wong Ming habang napatawa na lamang ito sa huli.
Ngunit ang ganitong klase ng pagkakasambit ni Wong Ming ay tila iba ang pagkakaintindi ni Qiáo Jian dahil bigla na lamang pumangit ang ekspresyon ng mukha nito. Masasabing may iba itong naiisip na siyang agad rin itong nagsalita.
"Masyado pang maaga upang ikaw ay magdiwang Wong Ming. Ang akin lamang ay hindi karuwagan ngunit wala man lang akong makitang kapalit sa aking gagawing pakikipagtunggali laban sa iyo, walang saysay kung hindi man lang ako makikinabang sa paglampaso ng isang katulad mong payaso hahahaha!" Mahabang wika naman ni Qiáo Jian habang makikitang tila may kung ano sa mga mata nito. Gusto niyang gamitin ang sitwasyong ito upang malaman kung hanggang saan ang kayang itaya ni Wong Ming sa labanang ito. Marami siyang bagay na gustong isakripisyo ang binatang ito para sa sarili niyang kagustuhan at benepisyo.
Tila gustong magpagitna ni Qiáo Guiren sa usapang ito nina Qiáo Jian na siyang kambal niya at ni Wong Ming. Hindi aakalain ni Qiáo Guiren na gagamitin ng kakambal niya ang palaging taktika nito sa mga taong gusto nitong paglaruan o lamangan sa desperadong sitwasyon. Gusto niyang pigilan ito bago pa lumala ang sitwasyon.
"Qiáo Jian, masyado mo atang inaabuso ang sitwasyong ito. Parang unfair naman ito sa lagay ni Wong Ming. Isa pa ay kadadating niya pa lamnag at maaaring napagodcito sa paglalakbay nito na siyang gusto mong gamitin ang sitwasyong ito para sa pansarili mong interes." Malakas na saad ni Qiáo Guiren habang ipinapahayag nito ang maaaring gagawin pa lamang ng kapatid niyang napakatuso kung mag-isip. Kakambal niya ito at buong buhay silang magkadikit o konektado sa isa't-isa kaya alam na niya ang galaw ng bituka nito.
"Kumalma ka aking kakambal. Nais ko lamang na maging kapaki-pakinabang ang gagawin kong ito. Hindi ako mag-aaksaya ng laban kung wala man lang papremyo. Inaasahan ko lamang na matatalo siya laban sa akin hehehe!" Masayang wika ni Qiáo Jian habang makikitang gusto nitong pagaanin ang atmospera lalo na lagay ng kapatid niya.
Hindi maaaring wala siyang mapala rito. Pagkakataon niya na ito upang sunggaban ang laban na gustong mangyari ni Wong Ming.
Nakatingin naman si Wong Ming sa magkapatid na Qiáo Jian at Qiáo Guiren sa salitang sagot ng mga ito. Hindi naman tanga si Wong Ming upang hindi malaman ang katusuhang gagawin ni Qiáo Jian. Sa dalawang magkapatid na ito ay masasabi niyang si Qiáo Jian ang matigas ang ulo at napakatuso nito. Halatang ugali nitong magtanim ng galit sa nilalang na nakakasagupa nito.
Bago pa man magsalitang muli si Qiáo Guiren upang kontrahin ang gustong mangyari ng kapatid nito ay mabilis na nagsalita ang kanina pang tahimik na si Wong Ming.
Alam niyang hindi makikisawsaw ang kanina pa ring tahimik na ama-amahan niyang si Head Chief Bengwin dahil pareho niyang mahal sila. Isa pa ay ayaw rin nito sigurong kontrahin ang anak nitong si Qiáo Jian dahil halatang hindi pa nito nakukuha ang loob ng anak nitong nitong nakaraang buwan lamang nitong nakilala.
Naiintindihan naman ito ni Wong Ming at sinusuportahan nito ang kagustuhan ng ama-amahan niya. Isa din ito sa paraan niya upang subukang manalo sa pakikipaglaban niya sa mayabang na si Qiáo Jian.
"Maaari mong sabihin ang gusto mong kapalit liban na lamang sa mga bagay na hindi ko maaaring ibigay sa iyo o sitwasyong maaari kong tanggihan kung sakali man." Makahulugang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang kaseryusohan habang sinasabi ang mga katagang ito.