Chereads / Supreme Asura / Chapter 542 - Chapter 543

Chapter 542 - Chapter 543

Mula pagkabata ay kinikwento na sa kaniya at sa ibang bata ang ganitong klaseng kwento patungkol sa kakayahan ng isang nilalang na magpalit-anyo bilang isang demonyo pero sa uri ng pagkakasabi ni Tribal Chief Yong ay parang may katotohanan ang nasabing mga kwentong ito.

"Iyon ay hindi pawang alamat lamang Duàn Yuèliàng. Ang Ancient Demon Tribe ay kilala sa katawagang ito dahil sa pambihirang katangian ng mga ito na magpalit ng anyo bilang isang uri ng demonyo. Ngunit hindi lahat ng miyembro o kasapi ng masasamang tribong ito ay may kakayahang magpalit ng anyo. Only those that can able to practice demonic cultivation into the fullest, one can gain demonic power and chnage theirselves into a demon. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi lahat ng nakakapagpalit ng anyo bilang demonyo ay babalik sa dati ang anyo ng mga ito bagkus ay nananatili na lamang silang demonyong walang consciousness ng mismong nilalang noong dati pa silang tao. Ganoon kasama ang balik sa mga demonic cultivators o ekspertong nakikipaglaro sa kakayahang hindi sakop ng usual na Cultivation practices natin." Mahabang salaysay ni Tribal Chief Yong habang nakatingin sa gawi ni Duàn Yuèliàng na masugid namang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Kaya pala. Hindi ko aakalaing ganoon kalala ang pagbabayaran ng mga demonic cultivators. Ang masasamang bagay na gawain ng mga ito upang lakaran ng ganong uri ng cultivation ay masasabi kong nakasentro ang kanilang isipan sa kapangyarihang makukuha nila. Pero ano naman ang koneksyon nito sa binatang taga-labas at sa mismong nilalang na iyon na isa palang tao." Puno ng pagtatakang saad naman ni Duàn Yuèliàng habang makikitang hindi pa rin klaro sa kaniya ang lahat ng mga bagay na nasaksihan niya maging ng mga natutunan niya.

"Palagay ko ay alam na ng binatang iyon ang patungkol sa lagay ng kalaban nitong walang ng sariling kontrol sa mismong katawan nito. Dapat nga siyang pasalamatan lalo na't batid kong may potensyal pa ang nilalang na iyon na mas lumakas ng lumakas pa kung hinayaan nitong mabuhay at pagala-gala sa loob ng Ashfall Forest. Hindi mo batid ang magagawa ng Fire Demon Form ng nilalang na iyon Duàn Yuèliàng." Seryosong sambit naman ni Tribal Chief Yong habang makikitang tila gusto niyang matuto si Duàn Yuèliàng ng mga bagay patungkol sa impormasyon ng Fire Demon at sa kung gaano kadelikado ang nasabing uri ng nilalang na demonyong iyon. Sa anyo at lakas ng demonyong iyon ay batid niyang mahina lamang iyon, ang gusto niyang malaman ay kung gaano kalakas ang isang tunay na Fire Demon na batid niyang ang tanging nagtataglay nito ay ang kasalukuyang pinuno ng Fire Demon Tribe.

Sigurado siyang hindi niya hahayaang mangyari na malaman ng lahat ang kabalbalan ng kasapi ng masasamang tribong pinagmumunuan nito.

"Ano'ng dapat nating gawin Tribal Chief Yong?! Kung gayon ay dapat nating sabihin ito sa lahat at panagutin ang dapat panagutin. Sobrang lakas pala ng demonyong iyon ngunit bakit natin hahayaang mabuhay pa iyon? Kung gayon ay marami pa palang nilalang na kayang magpalit-anyo bilang isang demonyo sa mga Ancient Demon Tribe na nag-eexist sa kasalukuyan panahong ito!" Malakas na sambit ni Duàn Yuèliàng habang makikita ang labis na pangamba sa mukha nito.

Kitang-kita naman ni Duàn Yuèliàng ang mabilis na pag-iwas ng tingin ni Tribal Chief Yong tandang hindi ito sang-ayon sa nais ng magandang babaeng ito.

"Hindi maaari ang iyong nais Duàn Yuèliàng. Nawala na ang ebidensiyang maaari nating patunayan ang panggugulong ito ng isang Fire Demon. Isa pa ay wala man lang bakas ng demon fire ang nasabing nilalang iyon dahilan upang mapagtanto ng lahat na parang niloloko lang natin sila at hindi mo naman siguro hahayaang tayo pa ang balikan at magiging kaaway ng maraming tribo dahil lang sa kawalan ng ebidensiya natin!" Puno ng pagtutol na wika ni Tribal Chief Yong habang kitang-kita ang labis na lungkot sa mga mata nito.

Kahit na gustong-gusto niyang patumbahin ang Fire Demon Tribe na isa sa mga tribong nabibilang sa Ancient Demon Tribe at patuloy na nag-eexist sa kasalukuyan ay hindi niya magawa. Kailangan niya ng solidong patunay na magtuturo sa kawalanghiyaang magagawa ng Fire Demon Tribe na magdidiin sa kasamaan at panganib na dulot ng ancient Cultivation practices nito na magiging banta sa ibang mga righteous path cultivators na mga tribo sa loob ng Ashfall Forest.

"Pero hahayaan lang ba nating maging ganito na lamang ang sitwasyon natin ha?! Hindi ako makakapayag na patuloy tayong manganib dahil sa magagawang delubyo ng mga demonic triba kagaya ng Fire Demon Tribe na mayroon pa palang kopya ng masamang Cultivation practices upang maging isang uri ng demonyo!" Seryosong sambit ni Duàn Yuèliàng habang makikitang gusto nitong matigil ang nasabing nagbabadyang trahedyang maaaring mangyari sa kanila maging sa iba pang tribong maaaring malagas o mapuksa dahil lang sa masasamang tribong iba sng nilalakarang daan ng mga ito pagdating sa pagcucultivate.

"Wala tayong magagawa pa sa ngayon Duàn Yuèliàng. Sinira na ng binatang taga-labas ang ebidensiyang maaari nating makuha. Ang kailangan nating gawin ay magmatyag at humanap ng solidong patunay na magtuturo sa Fire Demon Tribe sa kasamaan nito. Sa ngayon ay kailangan na nating lisanin ang pook na ito dahil ramdam kong may paparating na mga nilalang." Seryosong wika ni Tribal Chief Yong habang mabilis nitong hinawakan ang nasabing babaeng kasama niya na si Duàn Yuèliàng sa palapulsuhan.

Hindi pa nakakasagot si Duàn Yuèliàng nang mabilis na naglaho ang mga pigura ng mga ito sa kawalan.

Kasabay nito ay ang mabilis na paglitaw ng dalawang pigurang kung nakikita ni Fernodo at Venissa ang mga ito ay masasabing malalaman nila kung sino-sino ang mga ito. Walang iba kundi ang dalawa pang kasamahan nila sa Fire Demon Tribe.

"Sa wakas ay tuluyan na ring napaslang ang dalawang nilalang na ito na naging banta sa pagkuha ng titulo natin bilang susunod na pinuno ng Fire Demon Tribe hehehe!" Saad ng magandang babaeng nakasuot ng kulay pulang bestida habang kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito.

Sino naman ang hindi masisiyahan kung makikita mong wala ng buhay ang mga nilalang na nakikita mong banta sa iyong buhay at tronong maaari mong tamasahin. Para kay Fù Xia ay nararapat lamang na mapaslang ang mga ito hindi lamang dahil mahihina lamang ang mga ito kundi pinagkakatiwalaan silang lubos ng sarili nilang ama.