Chereads / Supreme Asura / Chapter 543 - Chapter 544

Chapter 543 - Chapter 544

Lubos siyang nagagalak na mapansing napaslang ang mga ito. Parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan dahil sa mga walang kwentang nilalang na ito na matagal na niyang gustong mawala sa landas nila. Napopoot siyang nakikita ang mga itong pinagkakatiwala ang mga bagay na maaari lang naman na sila ang gagawa hindi yung sa kanila na lamang pinapagawa eh kaya naman na nilang gawin iyon ng tama.

Paano ba naman kasi, ramdam niya ang death essence ng dalawang nagmamagaling na mga nilalang katulad nila na miyembro ng Fire Demon Tribe na mas nagpasaya sa kaniyang kalooban na makitang tigok na ang mga ito dahil na rin siguro sa nakalaban ng mga ito. Wala siyang naramdamang galit sa pumaslang sa mga ito bagkus ay gusto pa niyang magpasalamat dahil ito mismo ang naghatid sa malubhang kamatayan ng mga ito.

Sa tagal nilang namumuhay at naging miyembro ng Fire Demon Tribe ay hindi man lang sila nabigyan mg pagkakataon na mabigyan ng atensyon ng Tribal Chief nilang si Goren.

"Tama ka diyan Fù Xia. Hindi ko aakalaing ang ama nating si Goren ay hindi tayo pagkakatiwalaan ng husto para sa lakas ng Cultivation practices na meron tayo at hayaan ang dalawang pesteng mga nilalang katulad ni Venissa at Fernodo na gawin ang mga bagay na pinamana sa atin ng ating mga ninuno hmmp!"

"Wag kang mag-alala Fù Xueqin dahil wala na ang pesteng nilalang na inampon ng magaling nating ama. Ginamit lamang sila nito para sa kaniyang sariling eksperimento. Hindi kagaya nating nananalaytay sa dugo natin ang pagkakaroon ng kakayahang maging demonyo na hindi nawawalan ng sariling isipan natin." Masayang sambit ni Fù Xia habang makikitang tila hindi niya alintana ang magiging kahihinatnan ng walang kwentang nilalang katulad ni Venissa at Fernodo.

Inampon lang naman kasi ang mga ito ng magaling nilang ama upang eksperimentuhan para ihanda sa malaking plano nito. Kinupkop lamang ang mga ito upang patunayan ang mga teorya nitong wala ring silbi.

Tanging ang mga dugong bughaw ng ancient demon tribes lamang ang maaaring magtaglay at magkaroon ng kakayahang magpalit-anyo bilang isang uri ng demonyo na hindi nawawalan ng sariling kontrol sa mismong pagbabago ng katawan ng mga ito.

"Ngunit Fù Xia, sinabi ng ama natin na hindi niya tayo hahayaang mag-ensayo ng demonic arts lalo pa't masyado pa tayong bata para sa ganoong mga bagay. Hindi naman siguro masama kung hindi natin ipilit ang kagustuhan nating ito hindi ba?!" Nag-aalalang wika ni Fù Xueqin sa kaniyang sariling kapatid.

"Hindi maaari iyon Fù Xueqin. Hindi ko hahayaang limitahan pa ng ama natin ang maaaring nagawa natin. Puro na lamang tayo training ng training ngunit hindi man lang tayo binigyan ng mabibigat na misyon kagaya ng mga ampon niya. Porket ba isang ordinaryong tao lamang ang ina nating namatay rin sa panganganak sa atin ay gaganituhin niya lang tayo. Kambal tayo Fù Xueqin at alam mo ang bigat ng nararamdaman ko upang ipagwalang-bahala lamang tayo ng magaling nating ama!" Puno ng hinanakit na turan ni Fù Xia habang sinasalita ang mga bagay na ito. Ang turing lang kasi ng ama niya sa kanila ay pawang mga bata pa rin. Hindi ba nito napapansin na dalaga't binata na ang anak nito? O talagang wala lang silang halaga para rito?!

Masakit lang isiping porket galing lamang sila sa sinapupunan ng normal na ina nila ay ganon na lamang kababa ang tingin ng Tribal Chief Goren na siyang tunay nilang ama. Lumaki silang parang walang ama at parang hangin lamang sila sa mga nito na hindi nakikita o sadyang wala lang silang halaga para rito?!

Gusto niyang kasuklaman ang ama niyang hindi sila mapapansin kailanman. Ni hindi man lang nito nakikita ang potensyal nilang maging malakas na haligi ng kanilang Fire Demon Tribe.

Porket ba talentado ang dalawang ampon nitong dinukot noon mula sa ibang mga lugar sa Golden Crane City at dinala rito sa Ashfall Forest ay hindi ibig sabihin niyon ay mahihina silang mismong galing sa dugo't laman nito at iyon ang isa sa pinakamasakit na pakiramdam na pilit kinikimkim ni Fù Xia mula ng nagkaisip siya.

"Iba ang naiisip kong kahihinatnan nito Fù Xia. Maaaring kagalitan tayo ng ama natin sa gagawin nating ito. Alam mo ba ang maaaring epekto nito kung sakaling malaman ng ama natin ang naiisip nating ito?!" Nag-aalalang wika ni Fù Xueqin na maaaring ikapahamak nila pareho. Alam nila kung gaano kabagsik ang ama nilang si Tribal Chief Goren.

"Hindi iyon mangyayari kung tatahimik ka Fù Xueqin aking kapatid. Alalahanin mong ako lamang ang maaari mong pagkatiwalaan. Ano pa ba ang magagawa ng nagmamagaling nating amang sariling interes lamang mito ang gusto nitong protektahan!" Pagalit na sambit ni Fù Xia habang makikitang naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kakambal niya. They are not going to back down right now. Kailangan na nilang kumilos kung ayaw nilang sila ang balikan ng gagawin nila.

"Hindi mo ko pwedeng papiliin Fù Xia. Kahit na gaano pa kasama ang turing ng sariling ama natin ay hindi naman ibig sabihin nito ay pwede na kitang isuplong sa kaniya. Kailangan lang nating patunayan ang sarili natin sa kaniya." Puno ng kaseryusohang turan ni Fù Xueqin habang makikita sa mukha nito ang labis na lungkot.

Tila natuod naman si Fù Xia sa mga sinabi ng kapatid niya. Batid niyang may laman ang mga katagang binitawan nito na animo'y parang may gustong ipahiwatig. Alam niya ito lalo pa't ramdam niyang may kung ano sa mga tinging ipinupukol ng kakambal niya sa kaniya.

"So alam mo Fù Xueqin? Matagal mo na ba kong minamatyagan ha?!" Puno ng emosyong wika ni Fù Xia habang makikitang tila parang nag-uunahanng kabayo ang dagundong ng tibok ng puso niya.

"Matagal ko ng alam Fù Xia aking kakambal, alam kong nakikipagkita ka sa pesteng binatang iyon na nabibilang sa Black Clover Tribe. Bakit siya pa Fù Xia? Alam mong magkaiba ang nilalakaran nating cultivation kumpara sa nilalang na iyon. Sa huli ay alam kong masasaktan ka lamang!" Emosyunal na wika ni Fù Xueqin habang makikita ang ibayong lungkot para sa kakambal nitong tila pinagtatakpan pa ang ginagawa nito.

"Hindi... Hindi niya ako sasaktan Fù Xueqin. Alam kong mahal niya ko, ramdam ko iyon kaya tumigil ka sa walang kwenta mong pinagsasabi!" Seryosong sambit ni Fù Xia habang makikitang naguguluhan ito st halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.