Chereads / Supreme Asura / Chapter 469 - Chapter 469[Volume 7: Division]

Chapter 469 - Chapter 469[Volume 7: Division]

Nakatanaw sa malayo ang batang si Li Xiaolong. Ilang buwan na rin ang nakakalipas at ito siya, sa loob pa rin ng Green Martial Valley Union sa kasalukuyan.

Makikita sa mga mata nito ang labis na lungkot, pangungulila at matinding gulat sa mga malalaking pagbabagong naganap sa Sky Flame Kingdom o mas mabuting wag na lamang sabihin ang dating kahariang mnsan ng nag-exist.

Isang malaking pagbabago ang naganap sa lupaing minsan ng sakop ng isang kaharian ng Sky Flame Kingdom na ngayon ay bahagi na ng Hollow Earth Kingdom.

Sa isang iglap lamang ay nawala at nalusaw na lamang ang kahariang minsan ng naging tahanan ng maraming mga mamamayan.

Ang kaharian ng dating Sky Flame Kingdom ay nahati na sa tatlong bahagi. Ang dalawamput-limang porsyento ng lupain nito ay tuluyan ng naangkin at napasailalim ng Wind Fury Kingdom habang ang dalawamput-limang porsyento ng lupain ay pagmamay-ari na rin ng Hollow Earth Kingdom. Ang natitirang limampong porsyento ng luapin ng dating Sky Flame Kingdom ay pagmamay-ari pa rin ng mahaharlikang miyembro ng Royal Families ng dating Sky Flame Kingdom na ngayon ay tinatawag na lamang na Sky Sword Pavilion.

Tunay ngang malaking pagbabago ito dahil lubos na humina ang lakas ng isang dating kaharian na ngayon ay naging maliit na pwersa na lamang dahil sa panggigipit ng dalawang kaharian.

Patungkol naman sa Sky Ice Kingdom, bigo ang mga itong makakuha ng kakarampot na lupain lalo na at sa panahong iyon ay sumapit na rin ang sobrang taglamig na kumalat na rin sa Sky Flame Kingdom.

Mabuti na rin lamang at nakabalik ng maaga ang tumatayong lider ng hukbo ng Sky Flame Kingdom na si Prince Nianzu habang tumulong rin ang mga kapatid nitong mga prinsipe.

Napaalis man ang miyembro ng Blood Skull Alliance ay bumagsak naman ng tuluyan ang kaharian mula sa pagkakaroon ng pagkabaha-bahagi ay tuluyann g nawala ang limampong porsyento ng lupaing pinaghahatian ng dalawang kaharian ng Hollow Earth Kingdom at ng Wind Fury Kingdom.

Naging matiwasay na muli ang mga lupaing ito kasabay ng pagbagsak ng Sky Flame Kingdom dahil sa kakulangan ng depensa.

Ang lupain ng Green Valley at mga katabing upain noto ay napasailalim sa kaharian ng Hollow Earth Kingdom. Napakalawak ng mga lupain rito na inunang pagtaniman ng mga kampo ng mga mandirigma mula sa Hollow Earth Kingdom samantalang ang Wind Fury Kingdom naman ay masyadong mapusok at agresibo dahil nakuha nilang lumaban ng harap-harapan sa mismong hukbong sandatahan ng Sky Flame Kingdom noon. Hindi maipagkakailang naging mahirap sa Sky Flame Kingdom ang pagdepensa ng lupain nila.

Sa lakas ng kaharian ng Wind Fury Kingdom ay tiyak na hindi kakayanin ng Sky Flame Kingdom ang biglaang paglakas ng pwersa ng mga ito. Kung kilala ang Hollow Earth Kingdom sa mandirigmang sinanay gamit ang mga pisikal na lakas at katangian ngunit ang Wind Fury Kingdom ay sinanay ang ipinadalang hukbo ng mga ito na maging isang killing machine, yun bang maging cultivator na pinapataas ang cultivation habang sinanay upang pumaslang na mahahalintulad sa mga assassins. Yun lamang ay mukhang hindi rin sila ganoon nakapasok sa Sky Flame Kingdom dahil na rin sa mga paghahandang ginawa ng dating hari kasama ang mahusay na pamumuno ni Prince Nianzu maging ng mga kapatid nito lalong-lalo na si Prince Feng. Unti-unti nilang nasugpo ang agresibong pwersa ng Wind Fury Kingdom sa pamamagitan ng tulong ng Hollow Earth Kingdom.

Si Li Mo ang naaatasang mamuno sa pakikipag-agawan ng mga lupain sa Sky Flame Kingdom ngunit may mabuting intensyon si Ginoong Li Mo sa lupaing masasakop nito kasama ang mga hukbong sandatahan ng Hollow Earth Kingdom.

Ginamit niya ang posisyon at awtoridad nito sa mabuting pamamaraan. Naprotektahan nito ang Green Martial Valley Union bago pa mangyari ang kinatatakutan ng lahat. Mas malapit ang Hollow Earth Kingdom sa Sky Flame Kingdom kaysa sa Wind Fury Kingdom. Ilang oras lamang ay makakarating kaagad ang hukbong sandatahan ng Hollow Earth Kingdom sa nasabing kaharian.

Dahil sa mga preventive measures ng matinding pag-iisip at strategies ni Li Mo ay nagawa nitong maprotektahan ang pinakamamahal nitong lupain lalo na ang angkang minsan niya na ring naging tahanan. Hindi niya magagawa itong lahat kung hindi dahil sa tulong ni Li Jianxin maging ng isang estrangherong binatang isang malakas na cultivator.

Kagaya niya ay isa rin itong Early Purple Heart Realm Expert habang ang lakas nila ay masasabi niyang magkapantay lamang ngunit higit pa ring mayaman sa karanasan sa pakikipaglaban si Li Mo.

Dahil dito ay naging makabuluhan ang kooperasyon ng dalawang panig.

Konti lamang ang hukbong pinadala ng Hollow Earth Kingdom kumpara sa hukbong sandatahan ng Wind Fury Kingdom na nagdusa sa malaking casualties ng nasabing kaharian laban sa madugong labanan sa pagitan nito at ng Sky Flame Kingdom.

Hindi nakisali ang Hollow Earth Kingdom sa away ng dalawang kahariang nagtuos noong nakaraang mga buwan na siyang nagwakas sa titulo ng Sky Flame Kingdom na maging isang kaharian bagkus ay bumaba ang lebel ng kapangyarihan nito ngunit sa kabutihang palad ay hindi ito nalusaw bagkus ay naging sibilisadong lugar para lamang sa mga maharlika at mayayamang pamilya o mga angkan ng dating Sky Flame Kingdom.

Sa pangkalahatan ay masasabing naging madugo ang labanan sa pagitan ng Sky Flame Kingdom at ng Wind Fury Kingdom ngunit dahil sa sobrang layo ng Wind Fury Kingdom sa nasabing kaharian ay nabigo ito idagdag pang hindi nakisali ang Sky Ice Kingdom at ang Hollow Earth Kingdom maging ang Dou City sa digmaan ng dalawang kaharian.

Patungkol naman sa Dou City ay tanging layunin ng mga ito ay sugpuin ang gumagalang miyembro ng Blood Skull Alliance na matagumpay na nagawa ng awtoridad ng nasabing malaking lungsod.

Binitay at pinugutan ng mga ulo ang nasabing nahuling Beast Tamer at ang mga kasamahan nito. Maraming nagbuwis ng buhay upang masugpo at mahuli ang mga ito lalong-lalo na at napakadelikado ng Ocean Black Bat nitong isa palang nilalang na may dugo ng isang ancient beast.

Itinago ng pamahalaan ng Dou City ang mga sensitibong impormasyon patungkol sa mga bagay na ito upang hindi na maghatid pa ng ibayong takot sa mga sibilyan.

Naubos ang mga ito dahil sa bagsik ng mga malalakas na martial artists na inihanda upang sumabak sa mga delikadong misyon.

Si Li Xiaolong ay tahimik lamang sa kaniyang lugar sa loob ng kwebang ito. Kwebang nagsalba sa kaniya noon lalo na sa nangyari noong nakaraang buwan.

Lumayo sa kaniya ang lahat ng miyembro ng Green Martial Valley Union dahil sa muntik na niyang mapaslang ang lahat ng mga naririto. Nawala ang lahat sa kaniya, ang masayang pamilyang meron siyang nasa malayo sa tinatawag nilang Vermilion City kasama ang kinakapatid nitong si Li Zhilan ay nandun na rin.

Itinuturing siyang salot ng lahat, demonyo at iba pa. Kitang-kita ng lahat kung paanong naging isang kakaibang nilalang siya na humalo sa hangin at lumalabas ang napakaitim na enerhiya at mga hugis paro-parong binawian ng buhay ang mga laksa-laksang mga kalabang mula sa Wind Fury Kingdom.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit ikinukubli siya rito sa kwebang miniminahan niya noon. Kung Hindi dahil daw sa binatang si Cháng Shan ay baka naging abo na lamang silang lahat kasama nito.

Hindi lubos aakalain ng batang si Li Xiaolong na ganon ang nagawa niya sa mga oras na nawalan siya ng malay noon.

Alam niyang mayroong sikreto ang loob ng katawan niya at dahil sa panganib ng kapaligiran ay kusang kinontrol nito ang katawan niya mismo. Sigurado siyang hindi niya magagawang manakit ng kapwa niya o pumaslang ng sobrang daming nilalang sa hindi niya kagustuhan.

Napaluha na lamang ang batang si Li Xiaolong sa isang tabi habang makikitang lugmok na lugmok ito. Hindi niya aakalaing sa isang iglap magbabago ang lahat, walang natirang kahit na ano sa kaniya na mahalaga.

Kinatatakutan ngunit ang totoo'y durog na durog ang puso niya sa kawalang-pag-asa. Hindi siya sinubukang muling galawin ng sinuman upang pagtangkaang paslangin siya dahil na rin sa mga nasaksihan ng mga itong nakakapanghilakbot na pagbabago raw sa katauhan niya.

Tandang-tanda ng lahat kung paano niyang pinaslang ang lahst ng mananakop na laksa-laksang hukbo ng Wind Fury Kingdom at kung paanong buto na lamang ang mga itong nangalaglag sa kalupaan.

Tanging sina Li Mo at Li Jianxin lamang ang pumupunta rito upang bisitahin si Li Xiaolong nitong magising siya nitong nagdaang mga araw. Lagpas isang buwan na ring ikinulong ni Li Xiaolong ang sarili niya rito.

Pinagtakpan ni Li Mo ang lahat ng nangyari. Alam nila ni Li Jianxin na hindi iyon si Li Xiaolong. Sobrang lakas ng nilalang na iyon ngunit siguro ay nagawa lamang magising ng nilalang na iyon o kung anuman iyon dahil sa panganib o matinding takot ng batang si Li Xiaolong.