Chereads / Supreme Asura / Chapter 470 - Chapter 470: Ang Pighati ng Kahapon

Chapter 470 - Chapter 470: Ang Pighati ng Kahapon

Kasalukuyang nakatingin lamang si Li Jianxin sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong na tulala pa rin hanggang ngayon sa isang sulok ng kwebang medyo may kalakihan na rin.

Ito ang nagsisilbing tirahan ng batang si Li Xiaolong dahil sa labis na takot pa rin ng mamamayan ng Green Martial Valley Union rito.

Ngunit kung si Li Jianxin ang tatanungin ay wala siyang mahapuhap na katiting na takot mula sa batang si Li Xiaolong dahil unang-una ay hindi sila nito nagawang saktan man lang. Sa isip-isip niya noon ay maaaring napaslang sila katulad ng laksa-laksang hukbo ng Wind Fury Kingdom kung gugustuhin ng batang si Li Xiaolong na gawin ito ngunit hindi.

Saksi siya sa buong pangyayari. Pagkatapos nitong mapaslang ang mga kalaban ay ngumisi ng malademonyo ang batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa kanilang gawi kasabay ng pagkawala ng malay-tao nito pabagsak sa lupa.

Buti na lamang at alerto si Ginoong Li Mo at mabilis na sinalo ang batang si Li Xiaolong na mukhang mahimbing ang pagkakatulog pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Kung tutuusin nga ay tinulungan ng batang si Li Xiaolong ang Hollow Earth Kingdom para maangkin ang dalawamput-limang porsyento ng lupaing sakop ng dating Sky Flame Kingdom.

Wala siyang nakikitang mali sa batang si Li Xiaolong kundi ang adhikain nitong tulungan ang lupain ng Green Valley, ang bagong tirahan ng Li Clan.

Sa kasalukuyan ay si Ginoong Li Mo ang nagsisilbing pinuno ng Green Martial Valley Union. Naging mabuting lider ito sa nasasakupan nitong lupain. Yun lang ay napalitan ang pangalan ng malawak na lupaing sakop na ng Hollow Earth Kingdom na tinatawag na ngayong Green Lotus Pavilion.

Samantalang ang nasakop na lupain ng Wind Fury Kingdom ay tinatawag na Yang Star Pavilion alinsunod na sa kagustuhan ng nasabing mga awtoridad ng kaharian ng Wind Fury Kingdom.

Hindi maipagkakailang mas malakas ang nasasakupan ng Wind Fury Kingdom at higit na nakararami ang nasakop nitong mga grupp ng mga angkan at pamilya.

Sa makatuwid. Tatlong Kaharian at tatlong naglalakihang Pavilions ang meron ang lupaing ito na siyang sakop ng iba't-ibang pwersa sa likod nito.

Makikita ang labis na awa sa mga mata ng magandang dalagang si Li Jianxin habang tinatanaw pa rin nito ang batang si Li Xiaolong. Walang ano-ano pa ay nilapitan niya ito.

"Li Xiaolong, kailan ka lalabas sa kwebang ito? Isang buwan ka na ring naririto." Nag-aalalang sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Mahihimigan ang lungkot sa boses nito lalo na at nagkakaganon pa rin ang batang si Li Xiaolong na hindi naman dating ganon. Tahimik at wala itong imik man lang sa isang bahagi ng kwebang ito.

"Para saan pa Ate? Kinatatakutan na ko ng mga mamamayan ng Green Lotus Pavilion. Para bang wala na akong lugar rito." Malungkot na wika ng batang si Li Xiaolong habang makikitang parang may lumbay sa tono ng pananalita nito. Wari ba ay pakiramdam niya ay ang sama-sama niya at takot ang lahat sa kaniyang presensya.

"Wag kang mag-isip ng ganyan Xiaolong, meron pang naniniwala sa iyo kasama na ako roon. Wag kang mawalan ng pag-asang sumuong muli sa hamon ng buhay." Pagpapalakas na loob namang turan ng magandang dalagang si Li Jianxin. Ayaw niyang matali sa mapait na karanasang ito ang batang si Li Xiaolong. Gusto niyang mapabuti ito kagaya noon.

"Sana ate ay ganon lamang iyon kadali. Pero hindi ko maipagkakailang apektado ako sa mga sinasabi at iniisip sa akin ng mga mamamayan ng dating Green Martial Valley Union." Wika ni Li Xiaolong habang makikita na nag-aalinlangan pa rin ito. Siguro ay dahil na rin sa mga nagawa niyang mga bagay na tila ikakapahamak niya pa lalo o mas mabuting sabihing ikakapahamak ng mga nilalang ng dating pangalan ng nasabing union.

"Alam ko ang nararamdaman mo Xiaolong sa mga oras na ito. Kagaya mo ay ulila na rin akong lubos at malaki ang naging impact niyon sa akin." Pag-aalong saad ng magandang dalagang si Li Jianxin. Medyo nakaramdam na rin siya ng matinding awa rito kaso wala siyang magawa para sa batang ito.

"Pero mahirap maipaliwanag ate eh. Alam mo yun, nakakabigla at nakakatakot pala ang mag-isa. Yung tipong wala kang malalapitan. Ang hirap palang mag-isa." Malungkot na wika ng batang si Li Xiaolong na ngayon ay tila ba hindi ito makapaniwala sa mga bagay na nangyayari sa buhay niya. Para bang isa lamang itong masamang panaginip ngunit totoo ang lahat ng mga naganap sa buhay niya. Para bang ang reyalidad mismo sa kasalukuyan ang naging literal na bangungot sa kaniya.

"Ganon na ganon rin ako Li Xiaolong. Alam na alam ko ang pakiramdam na nag-iisa yung walang nakakaramay sa tabi mo ngunit naniniwala akong magiging maayos din ang lahat lalo na ang iyong kalooban." Puno ng positibong sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Alam niyang kakayanin ito ni Li Xiaolong. Naniniwala siyang magagawa ito ng batang itinuturing niyang malapit sa puso niya. Naging mabait sa kaniya ang mga magulang nito kaya hindi niya hahayaang maligaw ng landas si Li Xiaolong sa daang tatahakin pa lamang nito at ayaw na ayaw niyang nalulungkot ito at matali sa nakaraang pilit na binabalikan siya nito.

"Oo ate, parang ganon na nga. Nakakapanibago, ang dating pamilyang meron ako ay ngayon ay wala na. Maaari mo ba akong tulungan Ate Jianxin?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong napatingin sa gawi ng magandang dalagang nagsisilbing ate-atehan niya noon pa man. Parang paslit itong umiiyak habang inaagawan ng kendi. Ngunit masyadong malalim ang impact nito sa bahagi ng batang si Li Xiaolong.

"Gagawin ko ang lahat Xiao² upang hanapin sina Tita at Tito maging ang mga kapatid mo. Ngunit hindi ko maipapangakong mangyayari iyon sa madaling panahon lalo na at wala pa rin kaming makitang bakas nila kung nasaan sila matatagpuan." Seryosong sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Aaminin niyang wala man lang siyang nagawa para mahanap na ng tuluyan ang mga magulang ni Xiaolong. Limitado lamang ang mga access niya ngunit ginagawa naman niya lahat sa abot ng makakaya niya.

"Naniniwala ako Ate Jianxin na hindi sila naririto sa loob ng mga kaharian o mga pavilion maging sa Dou City kundi sa labas ng Dou City." Paninigurong saad ng batang si Li Xiaolong. Ayaw niyang i-point out kung saan ito eksakto dahil baka mali siya ng hinala. Ayaw niyang sabihin at iasa na lamang ang lahat sa Ate Jianxin niya. Mayroon pa rin siyang hiya sa katawan niya noh.