BANG!
Malakas na tumalsik ang batang si Li Xiaolong sa malayo ngunit agad na naibalanse nito ang katawan nito sa ere.
Maraming pasa ang natamo ng batang si Li Xiaolong sa mga oras na ito. Ramdam ng batang si Li Xiaolong ang pagkabali ng mga buto niya sa katawan.
Halatang pinaglalaruan lamang siya ng nakamaskarang itim na nilalang. Makikitang tila ba wala siyang magagawa upang pinsalain ang katawan ng kalaban niya.
Ang malaking advantage niya ay tatlo ang katawang meron siya kung kaya't hindi siya madaling matalo ng misteryosong nilalang.
Hirap na hirap itong hanapin siya dahil pambihirang martial arts technique itong asura art niya at alam niyang hindi ito mahahanap ng kalaban niya ang mismong kahinaan ng pambihirang martial arts technique na meron siya.
Ngunit sa tagal ng laban niya ay tila nakaramdam ng pangamba ang batang si Li Xiaolong.
Naalarma siya ng may nakita siyang pigura sa likod niya.
"Huli ka!" Sambit ng isang pamilyar na boses sa likod niya dahilan upang lumakas ang tibok ng puso niya hindi sa galak kundi sa labis na takot.
BANG!
Hindi na nakapagsalita pa ang batang si Li Xiaolong nang tumalsik siyang muli sa malayo habang nakita niyang nalusaw ang nasabing dalawang katauhang meron siya sa malayong parte.
Ito ang isa sa kahinaan ng Asura Art ng batang si Li Xiaolong na Triple Body. Kapag natamaan siya mismo ng atake ng kalaban niya kung saan ang totoong consciousness niya ay masisira ang gunawa niyang martial arts technique.
Naibalanse naman ng batang si Li Xiaolong ang sarili niya bago pa siya tuluyang bumagsak sa lupa na ilang metro na lamang ang agwat mula sa kaniya.
Ngunit iyon ang inaakala ng batang si Li Xiaolong dahil naramdaman niya ang mabigat na kamay na humawak sa ulo niya dahilan upang masubsob ito sa lupa ng sobrang bilis.
BANG!
Ubod lakas ang pwersang ibinigay ng nakamaskarang itim na nilalang nang walang awa nitong nilibing ang ulo ng batang si Li Xiaolong sa kalupaan. Hindi pa ito nakuntento at malakas niya itong isinubsob ng paulit-ulit dahilan upang matahimik ang lahat habang natataranta ang mga manonood.
Ngunit walang nais na tumulong. Lahat ng saksi ay walang may gustong kusang tulungan ang sugatang batang si Li Xiaolong.
"Sa wakas ay nahuli rin kita pesteng bata ka, hindi ko aakalaing andali mo lamang hulihin hehehe!" Nanggigigil na sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habang walang habas nitong pinagsusubpsob ng malakas ang upo ng batang si Li Xiaolong na parang pakong nangagbaon sa lupang kinaroroonan nito.
BANG! BANG! BANG!
Hindi pa nakuntento ang nakamaskarang itim na nilalang at pinaghahampas-hampas niya ang katawan ng batang si Li Xiaolong sahilan upang mangawasak ang mga lupang tinatamaan ng mismong katawan ng nasabing bata. Mararahas at malalakas na tunog ang naririnig ng lahat at mararamdaman talaga ang maliliit na pag-uga ng lupa.
Labis na pagkahilo ang naramdaman ng batang si Li Xiaolong habang tila pakiramdam niya ay mawawalan siya ng ulirat. Ramdam niya ang mga dugong umaagos palabas sa katawan niya at lalong-lalo na ang tila likidong nararamdaman niyang umaagos mismo sa ulo niya.
Labis na kawalan ng pag-asa ang nararamdaman ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya maramdaman ang katawan niya dulot ng malalakas na pwersang nagmalupit sa kaniya ng misteryosong nilalang. Nakaramdam siya ng sobrang panghihina sa pisikal na katawan niya kasabay ng panghihina ng puso't-isipan niya. Hindi niya alam kung saan pa siya humuhugot ng lakas upang lumaban gayong wala rin naman siyang magagawa sa isang Purple Heart Realm Expert na kagaya ng kinakalaban niyang isang Beast Tamer.
Sa isa pang pagkakataon ay binitiwan ng nakamaskarang itim na nilalang ang katawan ng batang si Li Xiaolong nang akma nitong tatadyakan ang katawan ng batang si Li Xiaolong nang may malakas na pwersang humagupit sa tagiliran ng misteryosong nilalang dahilan upang tumalsik ito sa malayo.
BANG!
Maririnig ang malakas na pagsabog sa di kalayuan na siyang pinagbagsakan ng misteryosong nilalang na siyang ikinabigla ng lahat.
"Okay ka lang ba Xiaolong? Paumanhin dahil hindi kita natulungan kaagad." Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang mabilis na inalalayan ang batang si Li Xiaolong upang makatayo ito.
Kahit hilong-hilo na ang batang si Li Xiaolong ay makikitang naaninag pa nito ang pamilyar na pigura ng isang dalaga. Noong una ay medyo malabo pa pero ng tuluyan niyang idilat ng buo ang mata niya ay nakita niya si Mèng Shuchun, ang Dalagang kinintrol niya ang isip nito.
Nagimbal siya sa nakita niya lalo na at ramdam niyang buhay na buhay ang nialang na ito at walang bahid na ginamitan niya ito ng pambihirang mind controlling technique.
Agad na lumayo ang batang si Li Xiaolong sa dalaga dahilan upang mapaatras siya at muntik ng matumba. Sa kabutihang palad ay ramdam ng batang si Li Xiaolong na unti-unting bumubuti ang lagay niya.
Wala pang ilang minuto ay ramdam niyang unti-unting gumagaling ang mga pisikal na sugat ng katawan niya. Nagpapasalamat siya at hindi siya pinuruhan ng malala ng kalaban niya at tanging pisikal na lakas lamang ang ginamit nito upang pinsalain siya.
Batid niyang gusto pa rin siyang buhayin ng nasabing nakamaskarang itim na nilalang dahil meron pa itong bagay na gustong makuha nito mula sa katawan niya at iyon ay ang pambihirang apoy na kusang umaalpas sa labas ng murang katawan niya.
Napangiti na lamang siya ng tila meron siyang napansing malaking pagbabago sa loob ng katawan niya sa kasalukuyan. Tila ba lahat ng problema niyang kinasasangkutan ng Blood Skull Alliance ay tila nalusaw na. Handa na siya sa maaaring problema sa naghahabol sa kaniyang masamang organisasyon ng mga martial artists mula sa labas ng maliit na lupaing ito.
"Wag kang mag-alala Li Xiaolong, hindi kita sasaktan. Narito ako upang tumulong." Mahinahong wika ng magandang dalagang si Mèng Shuchun upang pakalmahin ang loob ng batang si Li Xiaolong na lumayo sa kaniya ng agaran. Alam niyang nalaman na nito ang kaniyang sariling existence sa mismong katawan nito.
"Hmmp! Hindi ko alam kung paano ka nakaalis sa malawak na kulungang pinaglagyan ko sa'yo pero hindi kita paniniwalaan!" Matigas na sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng magandang dalagang minsan na ring pinagbantaan ang sarili niyang buhay maging ng kapatid niyang si Li Zhilan.
Bakit nga ba niya pagkakatiwalaan ang mga estrangherong minsan na rin silang hinabol upang hulihin na parang isang hayop lamang. Hindi nga lang huhulihin kundi gustong kitlan mismo ng buhay na masasabi niyang hindi makatarungan.
Isa pa sa inaalala niya ay kilala nito ang nasabing totoong katauhan ng kapatid niyang si Li Zhilan. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang ewan dahil minsan na ring nakita ni Li Xiaolong si Mèng Shuchun na malaking banta sa kaniyang mga plano.
"May tumulong sakin bata ngunit hin-------!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun ngunit mabilis na naputol ang sasabihin niya nang magsalita ang isang nilalang mula sa malayo dahilan upang doon mapatingin ito at ang batang si Li Xiaolong na doon din ang atensyon sa mga oras na ito.
"Hindi ko alam na may gustong makisali sa labanang ito. Kung ako sa'yo magandang binibini ay lisanin mo na ang lugar na ito bago pa kita idamay sa gulong gusto mong pasukin!" Seryosong turan ng nasabing nakamaskarang itim na nilalang sa magandang dalagang si Mèng Shuchun habang may tono ng pagbabanta sa boses nito.