Chereads / Supreme Asura / Chapter 452 - Chapter 452

Chapter 452 - Chapter 452

Seryosong nanonood ang dalawang nilalang na sina Mèng Shuchun at ang matipunong binatang si Cháng Shan sa nangyayaring kaganapan mula sa hindi kalayuan. Nakita nila kung paanong nagbitiwan ng mga salita ang dalawang panig ngunit hindi nila marinig mula sa kinaroroonan nila ang nasabing mga usapang ito.

Alam nilang dahil iyon sa pagaspas ng nasabing pakpak ng dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat na kapansin-pansin ang paglikha ng mga airwaves dahilan upang ang tunog ay hindi maglakbay patungo sa kanila.

Talagang nahasa ng owner nito ang dambuhalang magical beast na Ocean Black Bat sa paraan ng noise cancellation na isa ring natural na abilidad ng nasabing dambuhalang halimaw.

It could be said na ang mga bagay na ito ay pangkaraniwan lamang lalo na at hindi nila alintana ang maaaring gawin ng Ocean Black Bat kung sakaling sila ang pupuntiryahin nito.

Nangyari nga ang kinatatakutan nila lalo na noong naganap ang paghaharap ng dalawang nilalang na alam nilang ang batang si Li Xiaolong ang isa sa mga ito kaharap ang isang Beast Tamer na nakakubli sa itim nitong maskara.

Tunay ngang alam nilang matatalo ang batang si Li Xiaolong sa pakikipaglaban sa nasabing nakamaskarang itim na nilalang habang walang habas itong pinag-aatake ng batang si Li Xiaolong.

"Binibining Shuchun, ano'ng gagawin natin? Mukhang dehadong-dehado ang batang nagngangalang Li Xiaolong sa labang ito. Isang Purple Heart Realm Expert ang kaharap niya!" Nag-aalalang sambit ng matipunong binatang si Cháng Shan habang nakatingin sa umaatake pa ring si Li Xiaolong. Base pa lamang sa pag-atakeng ginagawa ng batang ito ay tila ba wala man lang itong epekto sa isang ganap na Purple Heart Realm Expert na katulad ng Beast Tamer na kaharap nito.

"Hindi ko alam Shan ang gagawin ko. Alam nating sugatan ka pa at tanging ako lamang ang makakapagpagamot sa iyo. Paunang lunas lamang ang maaari kong ibigay sa iyo pansamantala bago ako makisali sa labanang nagaganap." Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun na halatang nag-aalala rin sa kalagayan ng batang si Li Xiaolong.

Hinding-hindi niya hahayaang may mangyaring masama rito dahil kasama siya nitong mapapaslang kung sakaling mapaslang ito. Ito lamang ang magiging susi upang makalaya siya sa pagkakakulong sa loob ng kakaibang lugar na iyon.

"Matagal pa ba Binibini ang panggagamot mo sa akin? Pwede bang pakibilisan mo. Nakakahiya naman siguro kung magiging pabigat tayo rito at hahayaan lamang na isang Purple Blood Realm Expert ang makikipaglaban sa isang Purple Heart Realm. Di pa nga ako nakakaganti sa pesteng nilalang na iyan dulot ng pagkakapinsala sa akin. Humanda siya!" Seryosong saad ng matipunong binatang si Cháng Shan habang makikitang nakatingin ito ng may galit sa misteryosong Beast Tamer ng nasabing Ocean Black Bat.

"Masyadong mali ang iyong ginawa Cháng Shan. Alam mong hindi maganda kung magpapadala ka na lamang sa iyong sariling galit habang nakikipaglaban kanina. Di mo isinasaalang-alang ang maaaring kahihinatnan ng mga kilos mo. Purple Heart Realm Expert din ako Cháng Shan ngunit hindi ko naman gustong hayaan kang naghihingalo dahil sa pagiging padalos-dalos mo." Seryosong turan ng magandang dalagang si Mèng Shuchun. Gusto niyang ipa-realize kay Cháng Shan ang mga kamalian nito.

Naiintindihan naman kasi niya na may galit si Cháng Shan sa Ocean Black Bat ngunit mali ang pamamaraan nito lalo na at nakaharap nito ang nasabing malakas na Beast Tamer ngunit sa halip na ito ang manalo ay natalo pa siya rito.

Ang internal injuries nito ay medyo malala dulot ng lakas na taglay ng Beast Tamer. Alam niyang mayaman sa karanasan ang Beast Tamer na ito at higit na nakakatanda sa kanila.

Alam ng magandang dalagang si Mèng Shuchun na kung hindi nito isinakripisyo ang pagiging Beast Tamer ng nasabing nilalang ay maaaring sobrang taas ng Cultivation Level nito. It is one of the reason kung bakit bumagal ang paglevel up ng nasabing nilalang na nakakubli ang totoong katauhan nito sa itim na maskarang suot-suot nito.

"Paumanhin Binibining Shuchun sa aking kapalaluan. Naging malaking pabigat pa ako sa iyo na kung tutuusin ay nakakatulong pa sana ako ay naging malaking dalahin mo pa. Napakawalang-kwenta ko." Puno ng pagsisising sambit ni Cháng Shan na halatang sinisisi nito ang sarili niya dahil sa baliktad na resulta ng pangyayaring kaniyang inaasahan. Napagtanto niyang maling-mali siya.

Kung hindi dahil sa magandang babaeng si Mèng Shuchun ay baka mas malala pa rito ang natamo niya. Hindi man niya batid kung ano ang consequences ng naging kilos niya ay alam niyang malala ang epekto nito sa kaniya at mas maging aware sa mga kilos niyang hindi naman dapat.

"Wala kang kasalanan Cháng Shan. Alam naman nating lahat na ang Ocean Black Bat ang itinuturing mong sanhi ng pagkamatay ng mga magulang at mga mahal mo sa buhay. Ang akin lamang ay sana matuto kang kontrolin ng unti-unti ang damdamin mo dahil isa iyon sa naging dahilan upang gamitin iyon ng kalaban natin para mapinsala ka ng do mo namamalayan." Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin kay Cháng Shan. Ayaw niyang mapariwa ito dahil lang sa nakaraan.

"Labis akong nakakaramdam ng pagsisisi sa nagawa ko. Mukhang hindi ko lang ipinahamak ang sarili kundi ay maging ikaw Binibini at ang buong Green Martial Valley Union." Puno ng lungkot na saad ni Cháng Shan. Masyado siyang nadala sa mga pangyayari dahilan upang makaligtaan nito ang mga dapat niyang isaalang-alang at iyon ay ang kaligtasan nilang lahat.

Napahinga ng malalim ang magandang dalagang si Mèng Shuchun at muling nagsalita.

"Wag mong sisisihin Cháng Shan ang iyong sarili lalo pa at hindi pa huli ang lahat. Andito pa ko at andito pa kaming lahat. Wag mong hayaan lamunin ng galit ang iyong puso at gawin ang nararapat mong gawin upang hindi mangyaring muli ang iyong kinatatakutan noon para tukuyan ka ng makawala mula sa bangungot ng nakaraan." Pagpapalakas naman ng loob na sambit ni Mèng Shuchun kay Cháng Shan.

Napaisip naman ng malalim si Cháng Shan sa sinabing ito ni Binibining Shuchun. Masasabi niyang tama ito ng naiisip.

"Tama ka Binibini, ang emosyon kong ito ang naging balakid upang magkaroon ng maraming pagkakataon ang kalaban ko upang madaig ako. Salamat sa iyong mga payo Binibining Shuchun." Nakangiting sambit ni Cháng Shan habang makikitang naliwanagan ito.

Mabilis na umalis sa tabi niya si Mèng Shuchun habang tinanaw pa siya nito sa huling pagkakataon.

"Umalis ka na dito Shan. Kung sakali mang mapaslang ako sa pagkakataong ito, sisiguraduhin mo Shan na makakabalik ka ng ligtas sa Vermilion City. Ipagbigay alam mo sa kanila ang panggugulo ng Blood Skull Alliance upang puksain ang masamang alyansang ito. Isama mo si Li Zhilan at ang pamilya ni Li Xiaolong. Nangangamba akong mabubura ang Green Martial Valley Union sa paglitaw ng nilalang na ito habang nakikita ko sa malayo ang laksa-laksang mga eksperto sa himpapawid patungo rito." Seryosong saad ni Mèng Shuchun habang nagbago ang kulay ng mga mata nito.

Nagulantang naman si Cháng Shan sa sinabi ng dalagang si Mèng Shuchun. Sa tono ng pananalita nito ay halatang hindi ito nagbibiro. Nakakasagap at nakakakita ng panganib ang pambihirang mata nito mula sa malayo. There's no way na nagbibiro ito lalo na sa sitwasyong kinakaharap nito.

Batid niyang kanina pa nito nakita ang panganib. Kaya pala gunamot siya nito ng mabilis ay alam niyang may kinalaman ito sa sinasabi nito ngayon. Hindi niya mahanap ang tamang pangungusap na dapat sabihin.

Nakita niya pa kung paanong umagos ang luha nito. Sa paraan ng huling pagkakatitug nito ay batid niyang namamaalam na ito. Kilala niya si Mèng Shuchun, hindi ito lumuluha ng basta-basta lamang at ngayon niya lamang iting nakitang lumuha.

"Wag mong gawin ito Binibini, ipinangako ko sa master natin na babalik tayong buhay pareho. Hindi ako papayag!" Sambit ni Cháng Shan habang lumuluha na rin. Pumatak na rin ang butil ng luhang ayaw nitong ilabas. Napahawak na lamang siya sa tiyan niya dahil sa pinsalang natamo niya.

"Sundin mo ang huling ipinag-uutos ko Cháng Shan kung ayaw mong lahat tayo ay mapaslang rito. Gagabayan ka ng aking mata sa ligtss na rutang tatahakin mo. Paalam!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun sa maawtoridad nitong boses. Mabilis itong nawala sa pwesto nito.

Napatuod na lamang si Cháng Shan sa kinatatayuan nito at agad na pinahid ang mga luhang kumawala sa mata nito. Masakit mang tanggapin sa sarili niya na sa pangalawang pagkakataon ay wala siyang nagawa man lang.