Chereads / Supreme Asura / Chapter 441 - Chapter 441

Chapter 441 - Chapter 441

Talaga ba Ginoong Li Mo? Kung gayon ay masisiguro na natin ang kaligtasan ng Green Valley. Hindi ko aakalaing marami ang nagbago sa dating lupain ng Li Clan ngunit naging Green Martial Valley Union na ito. Sana lang ay umayon sa atin ang tadhana." Nangangambang sambit pa rin ni Li Jianxin. Halatang may pagmamahal pa rin siya sa kinagisnan niyang angkan ng Li at sa mga nasasakupan ng angkan ngayon.

"Wag ka ng mag-alala Li Jianxin dahil nandirito naman ako. Hindi ko hahayaang muli na namang maghari ang kasamaan sa loob ng Green Martial Valley Union. Noin ay maaaring wala akong nagawa nvgunit ngayong napaslang na si Li San ay masisiguro kong gagawin ko ang lahat upang mapanatili ang kaayusan sa malawak nating lupaing kinagisnan noon." Paninigurong sambit naman ni Li Mo na puno ng kaseryosohan. Medyo nanghihinayang rin ito dahil muntik na itong mapaslang kanina ng masamang lider na si Li San. Wala kasi siyang maaaring gawin lalo na at nasa Hollow Earth Kingdom siya nabibilang at mataas ang katungkulang ginagampanan niya roon. Kung siya ang pumaslang sa lider ng Green Martial Valley Union ay maaaring malaking gulo ang pagdaraanan ng Hollow Earth Kingdom maging kung si Li Jianxin ang makialam.

Isang malaking kalabagan kasi iyon. Hindi biro ang pagpipigil niyang paslangin si Li San noon pa man ngunit isinasaalang-alang niya ang anak niyang si Li Gumu maging ang iba pang mahahalagang taong nasa Hollow Earth Kingdom. Ayaw niya kasing maging dahilan ng lahat ng kaguluhang maaaring mangyari sa Hollow Earth Kingdom. Hindi niya kasi maatim na may mamatay na inosenteng nilalang sa Hollow Earth Kingdom dahil sa padalos-dalos niyang desisyon. Internal conflicts inside the other kingdoms, he is forbidden to participate kahit pa angkan niya pa itong pinagmulan ay bawal na bawal alinsunod sa napagkasunduan at batas ng Hollow Earth Kingdom.

Napatango na lamang si Li Jianxin dahil hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay magiging mabuti ang kinalabasan ng naganap. Wala na rin si Ginoong Li San kaya malaya na siyang tumulong sa Green Martial Valley Union.

Ngayon kasi ang nakatakdang pagpunta nila rito. Sa layo ba naman ng Hollow Earth Kingdom at ng Sky Flame Kingdom ay siguradong mahabang lakbayin ang maaaring lakbayin nila. Normal na paglalakbay at hindi sila lumilipad lalo na at maaming malalakas na mga nilalang sa kapaligiran niya lalo na ang mga malalakas na ekspertong ayaw nilang magmukhang bastos sa mga ito.

Marami kasing pagala-galang mga hidden experts at kapag na-offend mo ang isa sa kanila ay baka anong klaseng karumal-dumal na bagay ang gawin nila sa buhay mo o sa pinagmulan mong lugar kaya they keep their profile low para maiwasan ang di pagkakaintindihan.

Sa kabilang banda naman, sobrang laki at sobrang dami na ng miyembro ng angkan nila noon. Halo-halong mga martial arts experts ang pumoprotekta rito habang halos karamihan sa mga ito ay gusto lamang na maging matiwasay ang buhay nila at mamuhay ng simple.

Sa konting panahon lamang ay nakita niya ang mga minsa'y naging bata rin ang mga bagong henerasyon ng Li Clan at ng iba pang karatig-angkan sa loob ng Green Valley. Nakita niya ang tunay na simbolo ng buhay at kung ano ang mga bagay na gustong isakripisyo ng mga ito alang-alang sa mga mahal nila sa buhay.

Ang labis na nagpahanga sa kaniya ay ang simbolo ng pagmamahalan ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide. Isang patunay na desidido ang mga itong protektahan ang batang si Li Xiaolong na naging parang kapatid niya ay nagawa ng mga itong magtagumpay na paslangin ang masamang lider ng Green Martial Valley Union.

Ang iilan ay napilitan lamang na sumang-ayon sa biglaang desisyon ni Li San dahil unang-una ay inabuso nito ang pagiging lider nito na kumakatawan sa pagkakatatag ng Green Martial Valley Union ngunit ang iba ay mabilis na sumuko ng malaman nila ang katotohanang hindi nga talaga ito ang dapat na bigyan ng simpatiya o tulong kundi ang mismong ang totoong may malasakit sa kanila, ang batang si Li Xiaolong o tinatawag na Little Devil.

Lubos na napahanga si Li Mo sa malaking tagumpay ng batang si Li Xiaolong na kilala sa tawag na Little Devil ng Sky Flame Kingdom. Subalit alam nilang walang naging ambag rito ang kaharian ng Sky Flame Kingdom upang manguna ito sa examination ranking dulot ng Trial na personal na inihanda at isinagawa sa loob ng Dou City. Hindi maipagkakailang malaki ang naging bahagi at gampanin nito upang makita ang silbi ng munting lupaing ito.

As usual, pinaasa naman ni Li San ang mga miyembro ng Li Clan noon patungkol sa pagrerecruit ng Cosmic Dragon Institute dahil alam naman nilang pinagkaperahan niya ang mga slots na sana ay sa mga batang miyembro ng Li Clan noon ibibigay ngunit lahat ng ito lalo na ng benepisyo ay nasa kaniya na. Tumahimik lamang sila dahil ayaw nilang makisawsaw sa internal conflicts ng Li Clan dahil wala silang karapatang makisali.

Ang patungkol sa rasyon ng Li Clan dahil sa buwanang suplay ng mga cultivation resources ay ibinulsa rin ito ng Clan Chief nila noong si Li San maging ang mga kasabwat nito, ganoon kaganid si Li San maging ang iba pa para sa personal nilang benepisyo at hangarin.

Patungkol naman sa pagkalugmok ng Li Clan noon ay ito rin ang may gawa. Kinamkam nito ang yamang mayroon ang Li Clan kaya unti-unti itong nalugmok sa kahirapan to the point na halos maging normal na tao na lamang ang lahat ng mga miyembro nito. Ang mga magulang nila ang nagdusa sa sarili nitong kagagawan at kapabayaan. Hindi man gusto ni Li Mo na magtanim ng galit kay Li San ngunit ito talaga ang may pasimuno sa lahat ng kamalasang nangyari sa Li Clan na kahit ang pagbayad ng buwis ay hindi na nito nabayaran dahilan upang mapunta ang angkan ng mga Li sa lupaing sakop ng Green Valley.

Saksi siya kung paanong naging walang alam ang lahat, ang tanging alam ng lahat ay ang pagkaroon ng problema sa pinansyal na aspeto ng Li Clan kaya naging ganito ang sinapit nila.

Walang sinuman ang kumontra o nag-usisa kung bakit naging ganito ang sinapit ng Li Clan. Ni wala man lang naglakas ng loob na kumalaban kay Li San dahil sa takot ng mga itong mapahiya o di kaya ay paalisin sa Li Clan bilang mamamayan nito.

Ganito ang sinapit ng Li Clan for the past decades. Bata pa siya noong mga panahong iyon at maraming sumusuporta kay Li San dahil nalason na ang mga isip ng mga ito sa mga pangako at hangarin nitong ito mismo ang dahilan kung bakit napapako ang lahat ng mga gawaing ikauunlad sana ng Li Clan.