Chereads / Supreme Asura / Chapter 442 - Chapter 442

Chapter 442 - Chapter 442

Nakarating sa kaniya ang balitang nilabanan nito ang kaharian ng Sky Flame na siyang may sakop rito dahilan upang mas nalugmok pa sa putikan ang buhay ng mga Li maging ang buong Green Valley ay naapektuhan rin dahil sa di pagsang-ayon nito sa kagustuhan ng Sky Flame Kingdom. Ganoon kalala ito pero ni minsan ay di niya magawang kumontra sa kagustuhan ni Li San dahil siya pa rin ang matatalo dahil ito ang may hawak sa Li Clan at sa mismong bagong tatag na Green Martial Valley Union.

Ganoon kasakit ang mga bagay na idinulot sa kaniya o sa kanila ng existence ni Li San sa matagal na nitong pamumuno. Hindi naging madali ang lahat para sa kaniya at kung gaano naging walang direksyon at walang pag-unlad ang Li Clan for the past decades.

Pinamukha nito sa lahat na ang Sky Flame Kingdom ang may kasalanan ng lahat. Na ang Sky Flame Kingdom ang nagpahirap sa kanila. Marami pa itong ipinagkalat na ang Sky Flame Kingdom ang nagpalugmok sa Li Clan at Green Valley ngunit ang totoo ay ayaw nitong makipag-ugnayan sa Sky Flame Kingdom dahil sa pagiging makasarili nito.

Pero natabunan ang katotohanang ito dahil na rin sa walang katapusang problemang kinakaharap ng Sky Flame Kingdom noon pa man at ano naman ang pakialam ng Sky Flame Kingdom sa kapiraso lamang na lupain ng Green Valley. Kung ginusto na nitong burahin sa mapa ang Green Valley ay ginawa na nito ngunit hindi dahil sa dami ng malalaking problemang kinakaharap ng mga ito ay wala silang pakialam sa Green Valley dahil hindi naman nila nakikitang banta ito sa kanilang kaharian o posisyon.

Nakakatawa ngang isipin na ang kahariang tumulong sa Green Valley na umunlad muli lalo na sa Li Clan ay ito pa ang nagmukhang masama sa lahat lalo na sa bupng Green Valley. Maski ang totoong salarin ay nasa loob lamang ng Green Valley na pumipigil sa Li Clan upang umunlad.

Madagdagan pa ang problemang kinakaharap ng Sky Flame Kingdom dahil sa pagkakasakit ng hari ng malubha dahil sa kakaibang sakit na dumapo rito. Hindi na masyadong aktibo ang Sky Flame Kingdom dahil sa pangyayaring ito. Mahabang panahon rin ang ininda ng Sky Flame Kingdom dahil sa mga nakaligtaang mga aktibidad. Ngayong malalaki na ang anak nito ay panahon na upang palitan ito dahil hindi maaaring malugmok ang Sky Flame Kingdom dahil lamang sa kawalan ng haring manunungkulan sa kahariang nasasakupan nito. Importanteng simbolo ang hari sa existence ng kaharian. Kung walang hari na uupo o papalit ay mawawalan ng bisa ang titulo ng Sky Flame Kingdom bilang isang kaharian. Idagdag pa ang pagkakasangkot ng mismong Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom ay mas naging malaki ang tsansang matutuloy ng Dou City na sapilitang tanggalan ng karapatan ang Sky Flame Kingdom na maging kaharian. Without a suitable king na papalit, they will be dissolve from the existing kingdoms.

Ganoon kalaki ang impormasyong nakalap ni Li Mo. Sa taas ng katungkulan niya sa Hollow Earth Kingdom ay mayroon na siyang access sa mga mahahalagang impormasyong nakalap ng mismong kahariang kinabibilangan niya.

Nakakapanghinayang lamang dahil malaki ang malasakit niya sa Li Clan habang makikitang tila umuunlad ito at naging Green Martial Valley Union ngunit kahit gaano pa sinusubukang umunlad ito kung pareho pa rin ang lider nito ay ganoon pa rin ang mangyayari. Sa una lamamg ang kasaganaan at habang tumatagal ay unti-unting nalulugmok muli ang mga ito. Kaya wala rin itong saysay.

Para kay Li Mo, Buti na lamang at napaslang na si Ginoong Li San, ang malaking tinik sa pagbangon ng Li Clan noon. Dahil sa bago pa lamang tatag ito ay hindi pa niya nalason ng tuluyan ang mga utak ng mga nasasakupan nito.

...

"Binibining Shuchun, bakit mo tutulungan ang batang iyan? Mayroon ba tayong mapapala sa isang yan?!" Supladong sambit ng binatang si Cháng Shan habang makikitang hindi nito nagustuhan ang naging kilos ng magandang dalagang si Mèng Shuchun.

"Naaawa lamang ako sa kalagayan niya. Kailanman ay hindi tayo tinuruan ng guro natin na manlamang sa kapwa natin. Isa pa ay sobrang bata pa nito para sapitin ang kamatayang hindi naman niya dapat maranasan sa murang edad nito." Seryosong sagot naman ni Mèng Shuchun. Halatang hindi nito gusto ang mga nangyayari. Kahit na labag man sa liob nitong tulungan ang batang nagngangalang Li Xiaolong ay tinulungan niya pa rin. Isa pa ay ayaw niyang makulong ng habang buhay sa lugar na iyon.

Kahit na sobrang sagana ng enerhiyang umalpas sa lugar na iyon ay wala rin namang kwenta iyon kung mamamatay ang mortal na katawan niya rito. Hindi niya gugustuhing makasama ang nilalang na tumulong sa kaniya upang makalabas rito ng habang buhay. Hindi habang buhay na buhay kundi isa na lamang siyang kaluluwa pag nangyari iyon.

"Paumanhin Binibining Shuchun sa aking naging mga katanungan. Tama ka sa iyong sinabi. Hindi nito dapat maranasan ang pait ng kamatayan dahil napakabata pa nito. Kahit sinong estudyante ng ating paaralan ay siguradong hindi gugustuhin na mapahamak itong batang to!"

"Kaya nga ang gawin mo na lamang ay magmatiyag ng mabuti at maging alerto ka sa posibleng maging banta sa buhay ng batang si Li Xiaolong." Seryosong saad ni Mèng Shuchun habang nakatingin sa paligid nito.

Nangunot naman ang noo ng matipunong binata na si Cháng Shan dahil sa huling sinabi ni Mèng Shuchun.

"Matanong ko nga Binibini, paano mong nalaman ang pangalan ng batang ito? Eh hindi ka naman lumalabas sa lungga mo nitong nakaraang mga araw?!" Nagtatakang sambit naman ni Cháng Shan na halatang hindi nito alam kung paano nalaman ito ng magandang binibining kasa-kasama niyang maglakbay patungo sa maliit na lupaing ito ng Green Valley.

Lumakas bigla ang pagtibok ng puso ni Mèng Shuchun sa naging pahayag ng kasama niyang si Cháng Shan lalo na at dinambahan siya ng kaba sa kaniyang dibdib.

"Ah eh, naikwento ng ginang na ina nito ang anak niya. Nagpakilala pa nga ito at napakagiliw kaya nalaman kong anak nito si Li Xiaolong." Sambit naman ni Mèng Shuchun habang kinakabahan pa rin ngunit pinanatili pa rin niyang normal ang ekspresyon ng mukha nito.

"Oo nga noh. Sabagay, ang ama nito ang naghatid sa akin sa kabilang bahay na tinutuluyan ko. Naikwento niya rin sa akin ang pamilya nito hehe." Sambit ni Cháng Shan habang napakamot pa ito sa kaniyang ulo nang maalala nito ang araw ng pagpunta at pagpapatuloy sa kanila. Talaga nga namang malaking bagay ito para sa kaniya lalo na at pinatuloy pa sila.

"Engot ka pala Shan eh, kahit kailan talaga ay grabe ka mang-usisa. O siya, tama na ang kwentuhan baka magulat na lamang tayo sa panganib na darating. Sinasabi ko sa'yo Shan, uusigin ka ng konsensya mo." Saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang iniba nito ang usapan at para putulin na baka ano-ano pa ang maitikab ng bibig niya. Mahirap na at baka madulas siya sa mga salitang masasabi niya.

"Masusunod Binibini." Simpleng tugon na lamang ni Cháng Shan at mabilis na dumistansya sa dalaga. Halatang gusto na nitong magpokus sa binabantayan nilang batang si Li Xiaolong.