Chereads / Supreme Asura / Chapter 432 - Chapter 432

Chapter 432 - Chapter 432

"Nasisiraan na kayo ng isip Yaozu. Hindi mo ba alam kung ano'ng magagawa nila sa atin? Gumising ka sa kahibangan mo lalo ka na Crowned Prince!" Inis na inis na ring saad ni Prince Nianzu lalo na at ang hirap pakiusapan ng mga ito. Kapatid man sila sa laman ay tila magkakalayo ang loob ng mga ito sa isa't-isa dahil yun sa kompetisyon kung sino ang susunod na mamumuno sa Sky Flame Kingdom.

"Magagawa nila? Hmmp! Ikaw ang gumising Nianzu dahil hindi ito simpleng problema na madadaan mo lamang sa salita. Halatang una pa lamang ay balak na ng tatlong kaharian na iyan na ipitin ang Sky Flame Kingdom!" Gigil na gigil na saad ni Prince Yaozu dahil ang galit na nararamdaman niya ay hindi na masukat.

"Alam nating iyon naman talaga ang layunin nila ngunit bakit kayo gumawa ng bagay na ikakasira ng ating kaharian? Nag-iisip ba kayo ng tama bago niyo gawin ang mga bagay na ito?! Seryosong saad ni Prince Nianzu habang pilit itong nagpipiguil ng kaniyang sariling galit. Masasabi niyang umabot na sa mataas na lebel ang banta ng tatlong kaharian at ng mismong Dou City. Maging siya ay namomroblema na rin.

"Nag-iisip ng tama? Oo naman dahil hindi kami parehas sa iyo na mula pa lamang pagkabata ay paborito ka na ng ama natin lalo na ng tiyuhin nating namayapa na dahil ikaw lang naman ang palaging magaling hindi ba? At kami, palagi na lamang sinasabihang mahihina dahil higit ang iyong talentong namana!" Galit na galit na saad ni Prince Yaozu habang pinamukha niya rito kung gaano ito kagaling sa lahat ng mga bagay. Eh sila? Ano lamang ang silbi nila? Wala, dahil yun lang naman ang palaging pinapamukha sa kanila.

"Tigil-tigilan mo ko Yaozu sa pinagsasabi mo. Ginusto ko bang ako yung paborito ng ama natin lalo na ng tiyuhin natin? Palibhasa ay katulad niyo, madali lang kayong sumuko at iba ang hangarin niyo. Tinanong niyo ba ko kung ano'ng gusto ko ha? Sambit ni Prince Nianzu na tila hindi naman nagpapigil na sumbatan ang kapatid niya lalo na sa mga bagay na ito. He never wish to have a greater talent at pinanganak siyang prinsipe. Kung siya ang tatanungin ay hindi niya ginustong maging pinuno ng hukbong sandatahan ng Sky Flame Kingdom na siyang kaharian nila, he wish to have a normal life but ito talaga yung binigay ng kapalaran eh. Noon pa man ay ito talaga ang sinusumbat ng mga kapatid niya sa kaniya.

Noong bata kasi sila ay halos sakitin ang mga kapatid niyang mga kapwa-prinsipe. Kahit na iba-iba ang mga nanay nila ay hindi naman iyon dahilan upang hindi niya ituring ang mga ito na iba sa kaniya. Ngunit dahil sa inggit ng mga ito at kagustuhang lumamang ay mukhang hindi na ito normal lalo na at nagkasakit ng malubha ang ama nilang nakaratay sa isang bahagi ng palasyo.

"O ayan, lumabas na mismo sa bibig mo. Alam mong paborito ka ng amang hari pero pilit mong ipinagsiksikan ang sarili mo na ikaw ang maging pinuno ng hukbong sandatahan ng palasyo na ang totoo ay dapat sa akin iyon hmmp! Hindi ka lang magnanakaw ng posisyong dapat sa akin kundi isa kang malaking sinungaling!" Sambit ni Prince Yaozu na puno ng galit. Talagang kumukulo ang dugo niya sa kaplastikan ng nagmamagaling niyang kapatid na si Prince Nianzu.

"Ipinagsiksikan? Talaga ba? All this time ay hindi mo lang matanggap na masyado ka pang lampa upang maging pinuno ng hukbong sandatahan. Dahil una pa lamang ay alam nating ako ang nararapat sa posisyon o di kaya ay ang iba nating kapatid dahil sa pag-uugali mong hindi nababagay bilang pinuno ng mga mandirigma." Pagsusupalpal naman ni Prince Nianzu sa kapatid niyang si Prince Yaozu.

"Grrr... Saksak mo sa baga mo ang pagiging lider-lideran mo dahil wala na rin iyang silbi pa. Babagsak at babagsak ang Sky Flame Kingdom. Nabasa mo na siguro ang mensaheng ipinadala nila hindi ba?!" Sarkastikong sambit ni Prince Yaozu habang nakatingin ng direkta sa mismong kapatid niyang si Prince Nianzu.

"Sumusobra ka na Yaozu! Wala ka talagang utang na loob sa kaharian natin lalo na sa ama natin. Hindi ko mapapalampas ang kataksilang ginawa niyo!" Galit na galit na sambit ni Prince Nianzu habang di nito mapigilang sugurin ang kinaroroonan nito.

"Tumigil ka Nianzu. Nakakalimutan mo atang nasa loob ka ng palasyo. Akala ko ba ay pinuno ka ngunit sa inaasta mo ay mukhang ikaw pa ang may makitid na utak sa atin!" Seryosong saad ng Crowned Prince dahil ramdam nito ang namumuong tensyon sa dalawang kapatid niya. Kapatid niya pa rin ang dalawang nagsasagutan at ayaw niyang for the last time around ay makikita niyang parang aso't-pusa ang mga ito.

Mayroon pa siyang mga mahahalagang gagawin at hindi magandang pumalpak na naman ito. Himdi siya yung tipo ng taong poproblemahin ang sarili niyang kapatid over those of his enemies. Nakaramdam man siya ng inis o inggit rito ay yun lang yun. If he wants to gain more things that he wants for himself, he mist be patient or else he would never have it.

Naloko lang siya ng pesteng organisasyon ng Blood Skull Alliance ngunit panahon na upang gumanti sa mga ito dahil sa mga ginawa nila. Hindi sa paraang harapan kundi sa paraang gusto niya. This time, sisiguraduhin niyang sila ang mapapaikot niya.

Alam niyang hindi pa iyon opisyal na mensahe ng Dou City dahil wala pa silang matibay na ebidensiya laban sa kaniya. Kung totoo siguro ang mensahe nilang iyon edi sana hinuli na siya at nililitis ngayon.

Halatang tinatakot lang siya ng kung sinuman mula sa Dou City dahil mukhang kasabwat din ito ng Blood Skull Alliance. Sa oras na malaman niya kung sino ang mga nilalang na ito ay tiyak na siya mismo ang personal na papaslang sa mga ito.

He will never surrender hangga't hindi siya nakakaupo sa trono.

"Hangga't hindi pa nakakapangalap ng ebidensiya ang mga awtoridad ay sisiguraduhin kong mauunahan ko kayo. Lahat kayo ay luluhod sa harap ko mga peste kayo. Humanda kayo sa bagsik ko!" Seryosong saad ng Crowned Prince sa kaniyang sariling isipan lamang habang mabilis na naglakad at nilampasan ang kapatid niyang si Prince Nianzu. Ang tanging nasa isip niya ay maghigante at kunin ang mga bagay na nararapat sa kaniya.