Chereads / Supreme Asura / Chapter 433 - Chapter 433

Chapter 433 - Chapter 433

Pumunta pansamantala ang batang si Li Xiaolong sa bayan upang bisitahin ang nasabing lugar lalo na at maging siya ay pinagbawalan ng mga opisyales ng Green Martial Valley Union ngunit alam niyang hindi siya maaaring magpakampante lalo na at mukhang kailangan niyang kumilos lalo na at mukhang hindi pa niya alam ang kasalukuyang lagay ng Sky Flame Kingdom at kung gaano na kalala ang sitwasyong kinakaharap ng nasabing kaharian.

Ikinubli niya nag sarili niya bilang isang matandang hukluban habang balot na balot ang katawan niya ng tela.

Hapon na rin at sa malayo palang ay tanaw niya ang maraming mga krimeng nagaganap sa paligid. Meron ngang bumulagta na lamang sa gilid ng kalsada habang ang iba naman ay sugatan.

Hindi niya mawari kung bakit ganito na lamang kalupit ang mga nilalang sa kanilang kapwa. Napaismid na lamang siya dahil na rin sa kapabayaan ng Sky Flame Kingdom lalo na ang mga awtoridad. They even tolerate outsiders just because they are in crisis? That is not a right to deal with the problem. Kaya ipinangako niyang hindi siya matatahimik hangga't hindi naaayos ang problema. Hindi niya kayang maglakbay sa labas ng maliit na lupaing ito ng hindi nasisigurado ang kaligtasan ng pamilya niya.

Labis ang kalungkutang nadarama niya sa nadaraanang mga sugatan at walang buhay na mga nilalang. Ito ay dulot ng hindi magandang pamamahala ng Sky Flame Kingdom. Kung hindi lamang sila nagpapasindak sa apat na kaharian ay hindi sana mangyayari ito.

Tama nga ang sabi nila, hindi lahat ay kaya mong tulungan kung maski sarili mo nga ay hindi matutulungan. Minsan ay binalak niyang burahin sa mapa ang Sky Flame Kingdom maging ang apat na kaharian ngunit ngayon ay parang hindi na dahil hindi sa bawat kaharian ang may problema kundi ang mismong namamahala rito. Kagaya ng Dou City, napakadisiplinado nila hindi gaya ng Sky Flame Kingdom na sobra ang demokratiko at halos malayang gawin ang lahat idagdag pang ang mga opisyales ay pansariling interes lamang ang kanilang hangarin without thinking the citizens living inside the kingdom.

Hindi niya itatangging napopoot siya ngunit tao lang rin naman siya at isa pa ay sobrang bata pa niya. Hindi niya pa malalim na naiintindihan ang agos ng buhay at kamatayan.

Kung hindi ba naman ipinanganak siyang mahirap o kung ipinanganak man siyang nasa marangyang angkan o pamilya ay hindi niya hawak iyon at wala siyang kontrol sa pagpili ng kapalaran niya. Those who think that he is lucky to have a greater talent must be insane lalo na at aanhin niya ang napakataas na talento niya kung makukulong lamang siya sa maliit na lupaing hindi kayang punan ang pangangailangan niya idagdag pang napakahirap ng pamilya niya.

All he must do is to find a way out habang hindi niya poproblemahin ang kaligtasan ng mga magulang at kapatid niya.

PAH!

Nakita niyang natumba ang isang may edad na lalaki sa harap niya mismo. Agad niyang dinaluhan ito habang ang kamay nito ay may bahid ng dugona sa tingin niya ay galing ito sa dumudugong noo nito.

Kahit nasisiyahan ang batang si Li Xiaolong na makita kung gaano kabrutal ang reyalidad ay higit siyang naaawa sa mga nilalang na gusto lamang mabuhay ng normal at matiwasay.

Inobserbahan ng batang si Li Xiaolong ang enerhiyang nagmumula sa katawan ng matanda ngunit wala man lang siyang mahagip na masamang aura mula rito tandang inosente talaga ito.

Marahas na napahawak ang may edad na lalaking sugatan sa mga binti niya habang bumakas rito ang sariwang dugong galing sa mga kamay nito.

"Tulungan mo ko, pakiusap!" Puno ng pagmamakaawang saad ng may edad na lalaki habang nakatingin sa nasabing matandang hukluban. Alam niyang ang kamatayan ay hindi na maiiwasan pa at ito lamang ang tanging huling magagawa niya bago pa siya tuluyang mawala sa mundong ibabaw.

Natuod na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil sa pagmamakaawa ng nasabing may edad na lalaki. Halatang gusto pa nitong mabuhay.

Mabilis itong napabitaw sa mga binti ng batang si Li Xiaolong nang hablutin ng isang maskuladong lalaki na puno ng tattoo ang katawan nito ang mga buhok nito sanhi upang dumaing ito ng malakas.

"O naghanap ka pa pala ng kakampi hehe... Handa ka na ba tanda upang isama sa hukay nitong pesteng matandang ito?!" Sambit ng maskuladong lalaki na puno ng tattoo ang katawan nito (traditional tattoo).

May hawak itong palakol na sa tingin ng batang si Li Xiaolong ay ito rin ang ginamit nito sa pagsugat sa noo ng may edad na lalaki.

Napangisi na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil sa sinabi ng nilalang na ito. Nakita niya rin ang ibang mga nilalang na sinasaktan ang iba pang mga inosenteng nilalang sa paligid. Nakita niya ang braso ng mga ito na may pare-parehong tattoo. Sa tingin niya ay simbolo ito ng isang gang o di kaya ay organisasyong kinabibilangan ng mga ito.

Hindi pa man tumitikab ang bibig ng nasabing maskuladong lalaki na maraming tattoo sa katawan ay nilagutan na ito ng hininga ng batang si Li Xiaolong.

PSSSHH! PSSHHH! PSSSHH!

Sumirit na parang gripo ang leeg ng nasabing nilalang na nagbanta sa buhay ng batang si Li Xiaolong. Pinuntirya ng batang si Li Xiaolong ang pinakadelikadong parte ng leeg nito sanhi upang bumulagta ito sa lupa habang dilat ang dalawang mga mata nito.

Sanhi upang mapalingon ang iba pa.

"Pinatay niya ang kasamahan natin!"

"Patayin siya!"

"Wag patatakasin ang hayop na yan!"

"Talagang hindi siya makakatakas ngayon!

"Sa dami ba naman natin ay siguradong di na mabubuhay ang matandang hukluban na yan!"

Ito lamang ang narinig ng batang si Li Xiaolong sa papasugod na mga nilalang sa kaniyang pwesto. Napangising demonyo na lamang siya dahil sa pangyayaring ito. Hinding-hindi mangyayari ang gustong mangyari ng mga ito.

Mga hamak na Pulse Condensation Realm Experts lamang at Houtian Realm Experts lamang ang mga ito kaya alam niyang hindi manganganib ang buhay niya sa mga ito.

Mabilis na nagmaterialize ang sword needle sa ere na siyang pangunahing sandata niya. Gamit nag sword needle ay mabilis na nahati ito sa siyam na bahagi na siyang naging mga sword knife.

POO! POO! POO!

Tila parang galak na galak ang mga sword knife sa muling pag-alpas nila sa loob ng katawan ng batang si Li Xiaolong.

Sumusugod na papunta sa kaniya ang halos isang daang bilang ng mga grupo ng kalalakihang walang habas na pumapatay ng mga inosenteng mga nilalang.

Mabilis na kinontrol ng batang si Li Xiaolong ang mga sword knives patungo sa kaniyang mga kalaban at walang habas niyang pinagtataga ang mga ito gamit ang mga maliliit na sandatang nasa kontrol niya.

SHING! SHING! SHING!

Bawat galaw ng mga sword knives ay hindi maipagkakailang sobrang bilis ng mga galaw ng mga ito at pinagtataga ang mga bilang ng mga kalalakihang walang habas na pumapatay kanina.

Hanggang sa tuluyan niya ng napaslang ang bawat isang mga halang na kaluluwang mga nilalang na pumapatay ng mga inosenteng mamamayan ng Sky Flame Kingdom.

Ang masasabi lang ng batang si Li Xiaolong sa mga oras na ito ay tadhana na siguro ang gumawa ng paraan upang magamit niya ang mga natutunan niya magimg ang kakayahang bunga ng matinding pag-eensayo niya.

"Maraming salamat ginoo!"

"Maraming salamat po!"

Iyan lamang ang naririnig ng batang si Li Xiaolong habang naglalakad palayo habang mabilis niyang pinawala ang mga siyam na sword knives sa kawalan.

Li Xiaolong didn't mind it. As if gusto niyang maging bayani. Ginawa niya lamang iyon sapagkat hinihingi iyon ng tadhana lalo na at gusto niyang mas lumakas pa ang mismong Sword Needle na pangunahing sandata niya. Isang kasayangan naman kung hindi niya kukunin ang nasabing oportunidad para lumakas pa lalo.