Chereads / Supreme Asura / Chapter 428 - Chapter 428

Chapter 428 - Chapter 428

Bumalik na lamang sa reyalidad ang batang si Li Xiaolong. Halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng pangyayari kanina lalo na habang kaharap ang isang estrangherong babae na mayroong lakas ng Peak Purple Heart Realm.

Tanga lamang ang makakaisip na labanan ang nasabing nilalang na ito lalo na at ang taglay nitong lakas ay maituturing na higit na malakaa kumpara sa katulad niyang isang hamak lamang na Xiantian Realm Expert.

Buti na lamang at masyadong minaliit ng estrangherong babae ang lebel ng cultivation niya kung hindi ay hindi niya magagawang linlangin ang nasabing nilalang at dalhin ang consciousness nito sa loob ng Golden Page at ikulong sa walang hanggang pag-iisa nito sa loob ng lugar na iyon.

Wala siyang paki kung ano ang gagawin ng nilalang na iyon dahil buhay pa naman ang spirit artifact doon yun nga lang ay hindi lang ito nakakagalaw ngunit nababantayan nito ang galaw nito sa loob. Kung buhay lamang sana ang babaeng spirit artifact ay mas nakakagalak iyon at bubungangaan pa nito ang ikinulong niyang nilalang. Tingnan lang niya kung hindi mabaliw ito sa madaldal na spirit artifact na iyon na halos hindi nauubusan ng sasabihin ito.

Magkagayun man ay malaki pa rin ang pasasalamat niya rito dahil kung hindi dahil sa sakripisyong ginawa ng Spirit Artifact ay baka namatay na siya.

Agad niyang dinaluhan ang lugar kung saan nakahimlay ang kapatid niya. Akala niya ay napaslang na ang mortal niyang katawan dahil sa pagkakasakal buti na lamang at nabitawan siya nito matapos niyang dalhin ang consciousness ng pesteng estrangherong babae na iyon sa loob ng Golden Page Artifact.

Mabilis niyang inayos ang lagay ng kapatid niya habang pinahiga niya ito sa isang madamong parte ng lugar na ito.

Maya-maya pa ay agad niyang tiningnan ang ayos at postura ng nasabing mortal na katawan ng nasabing estrangherong babae. Nakita niya kung paano ito hundi gumagalaw at walang buhay ang mga mata nitong nakatingin sa direksyon niya kanina.

Inobserbahan ito ng matagal ng batang si Li Xiaolong habang mabilis siyang nag-isip ng magandang ideya kung paano lulusutan ang kasalukuyang problema nila kasama ang lupain ng Green Valley.

Hinalukay niya ang memorya na galing sa loob ng Soul Fragments na nakuha niya. Sa lakas at husay ng nasabing memorya ng mga treasure hunters ay alam niyang meron at meron siyang mapapala sa mga memorya ng mga ito.

Matagal siyang naghanap at naghalukay sa mga memoryang ito na siyang hindi naman siya nabigo dahil nahanap niya ito sa wakas.

Napangiti na lamang ng matamis ang batang si Li Xiaolong nang mapag-aralan niyang mabuti ang nasabing hinahanap niyang martial arts technique.

Memory Splash of Soul, ito ang pangalan ng martial arts technique kung saan isa itong pambihira at usual na ginagamit ng mga nilalang sa pagkontrol ng katawan maging ng isip ng nasabing nilalang na panggagamitan nito.

Karaniwan itong ginagamit ng mga nilalang na may kinalaman sa puppetry o di kaya ay ang paghahalungkat ng memorya ng mga nilalang mapatao man o martial beast dahil sa natural instincts ng mga ito bumabase. Hindi naman mismong patay na nilalang ang kokontrolin nito kundi ang katawan, natural na pananalita at isip lamang ang gagamiting sangkap para sa nasabing martial arts technique na ito.

It could only last up to two months and not permanently. Mas mapapadali pa ang pagkokontrol ng batang si Li Xiaolong dahil na rin sa walang kaluluwa ang nasabing katawan ng nilalang at walang consciousness.

It may sound evil doings but this kind of martial arts technique is completely unevil and not some forbidden technique to be worried of.

Agad na isinagawa ng batang si Li Xiaolong ang nasabing proseso ng pagkontrol sa isip maging ng buong katawan ng nasabing estrangherong babae. Alam niyang magagamit niya ang lakas maging ang presensya nito upang pansamantalang pigilan ang mga suliraning kinakaharap ng Green Valley lalo na ang mismong problemang kinakaharap ng Sky Flame Kingdom.

Dahil sa paglitaw ng Peak Purple Heart Realm sa Green Valley ay siguradong hindi magtatangka ang sinumang nilalang na pinsalain o puksain sila. Purple Heart Realm could be a mind-blowing level of Cultivation na kinakatakutan ng lahat maging ng buong Dou City.

Magagamit niya ang cultivation level ng babaeng estranghero to ward off Sky Flame Kingdom's enemies and even Green Valley's enemy in the future. Magdadalawang-isip ang mga ito na paslangin sila.

Hindi naman naging sobrang tagal ang proseso ng pagkontrol sa katawan at isip ng nasabing estrangherong babae.

PEW!

Isang malakas na tunog ang narinig ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan tandang nagtagumpay siyang kontrolin ang isip at katawan ng nasabing estrangherong babae. Masasabi niyang sobrang saya niya lalo na at ito pa ang lumapit sa kanilang lupain upang solusyunan pansamantala ang problemang kinakaharap nila.

Makalipas ang ilang oras matapos na matagumpay na naisagawa ang pagkokontrol sa nasabing estrangherong nilalang ay nagawa na ng batang si Li Xiaolong na ayusin ang mga flaws ng estrangherong babae. Kasalukuyan njyang tinatanong ito ng bagay-bagay na may kinalaman sa pagpunta ng mga ito sa maliit na lupain ng Green Valley.

"Sino ka maging ang kasama mong binata at ano'ng ginagawa niyo sa Green Valley? May masama ba kayong intensyon upang gawin iyon?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong sa nasabing estrangherong babae na ngayon ay parang literal na ito pa rin itong nilalang na ito ngunit pansing hi di ito naglalabas ng enerhiya o may galit na ekspresyon habang kaharap kani-kanina lamang siya nito.

"Ako si Mèng Shuchun at ang kasama kong iyon ay si Cháng Shan , kami ang mga estudyanteng nagmula sa Vermilion City dahil sa isang misyong inatas sa amin. Wala kaming masamang balak sa pagpunta namin rito, kailangan lang naming takutin ang mga nilalang sa napakaliit na lupain na iyon upang kunin ang anak ng isang nakatataas na opisyales ng Vermilion City na siyang may pinakamalaking siyudad sa loob ng teritoryong kinabibilangan namin." Kalmadong sambit ng estrangherong babae na nagpakilala bilang si Mèng Shuchun ng Vermilion Island.

Mabilis namang napatango na lamang ang batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing napakalayo pala ng pinagmulan ng nilalang na ito. Tama nga siya ng hinala, nagmula ito sa labas ng Dou City at masasabi niyang hindi ito ordinaryong nilalang lamang.

Nagulat talaga siya sa kaniyang narinig na isa lamang itong estudyante sa nasabing siyudad. Kung gayon ay higit na maunlad ang nasabing siyudad ng Vermilion kumpara sa hamak na lupain ng Dou City at ng apat na kaharian na kinaroroonan nila.

Estudyante lang pala ito eh isang Purple Heart Realm Expert na nga ito at nasa peak na ito ng nasabing boundary ng cultivation level nito.

Napangiti na lamang ng matamis ang batang si Li Xiaolong. Halatang may iniisip itong mas higit na ikagaganda ng mga plano niya.

"Kung gayon ay magagamit ko pala ang nilalang na ito maging ang kasama nitong nilalang. Isang misyon pala ang ginawa nila. Magkaganon man ay kailangan ko pa ring maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras. Ano pa kaya ang panganib na dulot ng mga taga-labas sa hinaharap? Iyon ang dapat kung paghandaan."sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Masasabi niyang hindi siya dapat magpakampante lamang.

Madali ngang nakalusot ang tagalabas papunta rito, malamang ang panganib sa hinaharap ay siguradong darating din lamang ng biglaan.

Marami pang tinanong ang batang si Li Xiaolong sa dalagang mayroon siyang kontrol rito. Halatang gusto niyang malaman ang mga detalye ngunit ang iba ay masyadong malabo ang mga sagot nito kaya hinayaan niya na lamang. Napag-utusan lamang ito na gawin ang nasabing misyon kaya wala siyang dapat iangal o ikayamot rito.

Maya-maya pa ay nagising na lamang ang batang si Li Zhilan. Madami itong katanungang ipinukol sa kinakapatid nitong si Li Xiaolong. Halatang gusto nitong malaman ang buong pangyayari sa likod ng pagkakawala ng malay nito.

Nag-usap din ang batang si Li Zhilan at si Mèng Shuchun patungkol sa mga bagay-bagay. Aliw na aliw nsg dalawa na siyang hinayaan na lamang ng batang si Li Xiaolong dahil wala siyang paki lalo na at ligtas na rin naman sila sa kanina lamang na panganib. Minabuti niyang isawalang-bahala na lamang ang mga pangyayari kanina dahil hindi iyon makakabuti sa nakababatang kapatid niyang si Li Zhilan.