Chereads / Supreme Asura / Chapter 429 - Chapter 429

Chapter 429 - Chapter 429

Halatang yamot na yamot na ang isang estrangherong lalaki habang hinihintay ang muling pagbabalik ng estrangherong babae Habang hindi pa rin ito umaalis sa kanina pa nitong pwesto. Halatang parsng pinagpapawisan pa ito dahil sa init na galing sa tirik na tirik na araw.

Papasok pa lamang ang taglamig kaya parang huling mga araw na lamang ito bago tuluyang maging taglamig ang klimang dadapo sa Sky Flame Kingdom.

Ang mga miyembro ng Green Martial Valley Union lalo na ng mga opisyales nito ay masugid na naghihintay sa pagbabalik ng estrangherong babae.

Ngunit ang nakaw-atensyon sa kanilang paningin ay ang dambuhalang halimaw na ibon na sa anyo nito ay hindi mo aakalaing isa itong mabangis na magical beast. Busog kasi sa kariktan at napakaeleganteng tingnan ng nasabing dambuhalang ibon.

Dahil sa labis na pag-oobserba ng mga ito at mumunting bulungan ay tila may ideya na ang mga ito sa kung anong klaseng ibon ito na siyang ikinagimbal at ikinamangha ng karamihan sa nagke-kwentuhan.

Maya-maya pa ay nakita nila ang papalapit na mga pigura ng isang nilalang.

"May paparating. Siya na ba yan?!"

"Mukhang siya eh pero di ako sigurado"

"Diba siya yung babaeng bigla na lamang lumipad papalayo?!"

"Napakaganda ba talaga ng bagong saltang binibini rito?!"

"Tama siya nga yan!"

Malakas na bulung-bulungan ng mga miyembro ng Green Martial Valley Union. Halatang hindi nila alam ang mga nangyayari. Talagang makikitang tila ba curious din ang mga ito sa kung sino ang nasabing nilalang na ito na paparating.

Halos di naman magkamayaw ang mga manonood lalo na ang mga kalalakihan. Halatang gusto nilang makita ang sinasabi ng mga kaibigan o kamag-anak nila. Ang iba nga ay di magkandaugaga na pumunta upang pumuslit lamang para masilayan lamang ang magandang dilag na dumating sa lupain ng kanilang Green Valley.

Ang iba'y talagang nasa kalagitnaan pa ng paggawa sa kabukiran at di pa nakapaghanda sa paparating na bisita. Ganon talaga ang mga mamamayan ng Green Martial Valley Union dahil sa ilang mga buwan na rin ng huling may bumisita sa kanila at ang iba ay hindi pa alam ang mainit na balita patungkol sa Sky Flame Kingdom maging sa mga sigalot na nangyayari sa labas ng teritoryong ito.

Lumipas ang ilang minuto ay nasilayan na ng lahat sa malapitan ang nasabing estrangherong babae na siyang laman ng nasabing balitang nakarating sa kanila. Lumapag ito malapit sa tabi ng nasabing dambuhalang ibon habang doon din nakapwesto mismo ang kasama nitong lalaking estranghero rin na masugid na naghihintay.

Hindi lubos aakalain ng halos lahat ng mga kalalakihan na totoo pala ang balitang nakarating sa kanila. Talagang tama nga sila ng inaakala at marami ang makikitang nakangiti sapagkat di nasayang ang kanilang pagpunta.

Natural lamang ito lalo na at sa hirap ng pamumuhay nila noon at sa maliit na pagbabago ng Green Martial Valley Union ay hindi pa ganon kataas ang hangarin nila kung kaya't medyo napapahalagahan pa nila ang kagandahan ng isang babae kaysa sa lakas na taglay ng mga ito.

"Binibining Shuchun, bakit natagalan ka? Akala ko ba ay napano ka na?!" Nag-aalalang sambit ng nasabing lalaking estranghero na masugid na naghihintay sa magandang dalaga. Siya si Cháng Shan na parehong ipinadala sa importanteng misyong ito

Napahiyaw naman ng may kahinaan ang mga madla lalo na ang kalalakihan dahil bumakas sa mukha ng mga ito ang labis na panghihinayang. Tila ba alam na ng mga ito ang mga nangyayaring ito.

Tinampal naman ng mahina ng dalaga ang kamay ng estrangherong lalaki upang suwayin ang ikinikilos nito.

"Okay lang ako Shan. Hindi ko aakalaing nagkamali ako ng hinabol. Pero sigurado naman akong mahahanap ko din ang taong pinapahanap sa atin." Kalmadong sambit ni Mèng Shuchun habang makikitang nakatingin ito ka

"Tama ka Binibini, mabuti pa ay magpahinga ka muna dahil mukhang napagod ka." Magalang na saad ni Cháng Shan habang makikitang inalalayan niya pa si Mèng Shuchun.

"Sige. Dito muna tayo magpahinga sa lugar na ito dahil mukhang mahihirapan tayong humanap kung sa bayan pa tayo tutuloy." Sambit ni Mèng Shuchun habang makikitang tila inobserbahan nito ang paligid niya lalo na ang direksyon ng araw.

"Pwede naman ang gusto mo Binibini. Kung saan ka komportableng mamalagi ay andun din ako." Simpleng tugon ni Cháng Shan habang di na siya kumontra pa sa kagustuhan ng magandang dalaga.

Maya-maya pa ay nakita nilang may tumikhim bigla sa hindi kalayuan.

"Paumanhin mga hijo at hija ngunit matanong ko lang, ano ba ang layunin niyo sa pagpunta niyo sa lupain namin?!" Sambit ni Ginoong Li San habang nakatunghay sa direksyon ng dalawang estrangherong nilalang.

Agad naman siyang nilingon ng mga ito at nagsalita ang nasabing dalaga.

"Meron lang po kaming misyong gagawin ngunit mukhang nagkamali kami ng direksyon at teritoryong pinuntahan. Pasensya na sa aking inasal kanina. Maaari po ba kaming tumuloy sa lugar niyo pansamantala lalo na at malayo pa ang lugar na pinaglakbayan namin?!" Seryosong saad ng magandang dilag na si Mèng Shuchun habang parang nakikiusap ito.

Agad namang naagbulung-bulungan ang mga opisyales ng Green Martial Valley Union sa likuran lamang ng pwesto ni Ginoong Li San.

"Payagan mo na yan Ginoong Li San, mukhang malapit ng maghapon. Mukhang nagsasabi naman iyan ng totoo."

"Oo nga Pinuno, mukhang nakakaawa naman sila. Kung may mangyari pang masama sa mga iyan ay baka cargo de conscencia pa natin yan."

"Mabuting sa atin sila mamalagi lalo na at laganap ang krimen at kaguluhan sa bayan lalo na sa mga oras na ito maging sa gabi."

Sambit ng mga ilan sa mga opisyales lalo na at mukhang pareho sila ng mga iniisip. Ang babata pa kasi ng mga ito at hindi naman sila masama para di maawa sa mga ito.

"Oo naman hija tsaka isama mo na rin ang kasama mo. Welcome na welcome kayo sa aming munting teritoryo." Masayang sambit ni Ginoong Li San habang nakatingin sa mga bisita nila.

Hindi naman mapigilan ng ina ni Li Xiaolong na magsalita patungkol sa hinaing ng mga bisita nila. Tutal ay siya naman ang nakatoka sa mga panauhin. Buti na lamang at pinauna niya na ang asawa niya maging ang munting sanggol na siyang anak niya.

"Huwag kayong mahihiya mga hijo at lalo ka na hija. Halina't sumunod kayo sa akin ng makapaglinis kayo at makapagpahinga na rin sa aming lupain. Ihahatid ko kayo sa tutuluyan niyong bahay. Pagpasensyahan niyo nalang kung medyo maliit at di gaanong karangya." Saad naman ni Li Wenren at nauna ng umalis.

"Maraming salamat po Ginoo lalo na sa iyo Ginang sa pagpapatuloy niyo sa amin." Sambit ng magandang babaeng si Mèng Shuchun habang nakangiti.

Walang ano-ano pa ay lumapit ito sa dambuhalang ibon at sa isang iglap ay bigla na lamang lumiwanag ang nasabing nilalang. Nawala ito at nakita na lamang nila ang napakaliit na figurine na katulad ng itsura ng nasabing nilalang na ibon.

Napanganga naman ang lahat sa kanilang nakita. Napatango na lamang si Ginoong Li San maging ang iba pang mga opisyales habang tikom ang bibig ng mga saksi sa buong pangyayaring ito.

Habang si Li Wenren ay nagulat man ngunit agad din naman nakabawi sa kaniyang naging reaksyon.

Sumunod naman sina Mèng Shuchun at Cháng Shan sa likuran niya upang tahakin ang daan kung saan naroroon ang bahay na tinutukoy ni Li Wenren na siyang pansamantalang titirhan ng mga di nila inaasahang mga bisita sa kanilang lugar.