Matiwasay na nakauwi ang batang si Li Xiaolong sa Green Valley nang matapos ang araw. Malala nga talaga ang sigalot ukol sa Sky Flame Kingdom. Naisapubliko na rin ang malubhang kalagayan ng kasalukuyang hari ng Sky Flame Kingdom na siyang ama ng Crowned Prince kasama ang nakatalagang mga prinsipeng tila hindi pa rin sumusuko sa kompetisyon ukol sa susunod na hihiranging hari ng nasabing kaharian.
Halos mararamdaman talaga ang panghihina ng mamamayan ng Sky Flame Kingdom ukol sa masamang balitang ito at ang iba'y nagawa pang mainis o magalit dahil sa tila tinago ng awtoridad ng Sky Flame Kingdom ang mahalagang impormasyong ito sa publiko na isa talagang mabigat na suliranin para sa lahat.
...
Sa loob ng Sky Flame Kingdom Palace ay naroroon ang isang binatang lalaking nakasuot ng ginintuang roba. Napakaamo ng mukha nito ngunit sa kasalukuyan nitong ekspresyon ng mukha ay masasabing tila magkaiba ang pag-uugali nito sa panlabas na anyo lalo na at mukhang galit na galit ito habang nakatingin sa isang sulok ng palasyo.
Sa lawak ng espasyo ng isang kwartong kinaroroonan nito sa loob ng palasyo ay aakalain mong isa na itong bahay dausan ng isang okasyon. Mula sa mamahaling mga muwebles at dekorasyon ay nagsusumigaw sa karangyaan ang malawak na silid na ito na siyang personal na kwarto ng Crowned Prince.
"Yaozu, hindi ko aakalaing pumalpak ka na naman. Siguraduhin mong hindi ang Sky Flame Kingdom ang mananagot sa lahat ng dinalang problema ng Blood Skull Alliance!" Galit na galit na saad ng Crowned Prince habang makikitang hindi ito mapakali pa. Masasabing hindi niya talaga inaasahang pupuntiryahin siya ng tatlong kaharian maging ng Dou City dahil sa sila ang may pinakaapektado ng lahat ng aktibidad ng Blood Skull Alliance.
Hindi pa rin maipagkakailang halos lahat ng mga kalalakihan sa Sky Flame Kingdom lalo na sa bayan ay nawawala at hindi pa nakikita magpasahanggang ngayon. Alam ng Crowned Prince na may kinalaman ang Blood Skull Alliance sa misteryosong pagkawala ng mga ito.
Maging ang mga gangs at mga grupo ng mga martial artists ay parang nawala na lamang na parang bula. Ganon kalala ang epekto ng ginawa ng Blood Skull Alliance lalo na at malaya silang gumagala noong nakaraang mga buwan pa.
"Ngunit kapatid, hindi ko aakalaing ganon na kalala ang ginagawang kilos ng Blood Skull Alliance. Wala ka bang gagawin upang supilin at patahimikin ang pesteng nilalang na puno't dulo ng lahat ng problemang ito? Mga hamak lamang silang eksperto mula sa labas. Alam kong hindi mo hahayaang yurakan ng sinuman ang ating kaharian." Seryosong saad ni Prince Yaozu habang makikitang nagtitimpi lang rin ito ng inis mula sa mga kumakaaway sa kanilang kaharian partikular na rito ang dalawang miyembro ng Blood Skull Alliance maging ang iba pang mga karatig-kaharian nila.
"Matagal ko na sanang pinatahimik ang dalawang miyembro ng Blood Skull Alliance kung hindi lang dahil sa restrictions ko. Isa pa ay hindi pa ako nailuklok sa pwesto bilang hari. Gagamitin ko ang sitwasyong ito upang maisakatuparan ko ang aking minimithing magkaroon ng kapangyarihan sa pwesto bilang isang hari!" Nakangising demonyong sambit ng Crowned Prince habang makikitang parang may tumatakboo namumuo na namang plano sa isipan nito.
"Alam mo namang nasa iyo ako panig, aking kapatid. Mabuti pa nga at ng makaganti tayo sa tatlong kaharian na kumakaaway sa atin. Una pa lamang ay alam kong nangingialam ang tatlong kahariang ito. Sa oras na makaupo ka na bilang hari aking kapatid, sino ang uunahin mong kaharian na buburahin sa mapa? Hehehe...." Nakangising turan ni Prince Yaozu habang makikitang gusto niyang masaksihan ang panahong malulugmok at mabubura unti-unti ang mga kaharian na nagpapahirap sa Sky Flame Kingdom sa kasalukuyan. Gusto niyang mangyari ito sa lalong madaling panahon upang ipakitang sila ang pinakamalakas at hindi ang sinumang kaharian sa lugar na ito.
"Ano pa edi ang Sky Ice Kingdom. Sa tatlong kaharian ay masasabing ito ang pinakamabagal sa lahat ng kaharian sa tinatawag na kaunlaran. Isa pa ay ito rin ang may pinakamaliit na populasyon. Imposibleng makatakas sila sa kamay ko sa oras na umatake ako hehehe...!" Wika ng Crowned Prince habang lumitaw ang nakakatakot nitong ngiti habang nakatingin sa malayo. Naiisip niya pa lamang ay nanggigigil na siyang pumaslang ng mga nilalang na nasa Sky Ice Kingdom. Sila din ang naging dahilan noon kung bakit nahati ang lakas at pwersa ng Sky Kingdom sa dalawa na nagresulta ng pagbabago sa pangalan ng nangungunang pinakamalakas na tatlong kaharian.
Hindi ito lihim sa Crowned Prince, mula sa pagkakatatag ng dating Sky Kingdom at pagkahati nito maging ang salinlahi ng mga hari ng nasabing napakaunlad na kaharian ay alam rin niya. Ang mga sikreto patungkol sa pagiging pinakamalakas na kaharian noon maging ang tinatagong alas ng Sky Kingdom na walang iba kundi ang mga Ancestral Skills ay hindi rin nakaligtas na matuklasan niya. Ganon siya kalakas sa awtoridad ng Sky Flame Kingdom dahil siya ang Crowned Prince, natural lamang na siya ang papalit na uupo bilang bagong hari ng Sky Flame Kingdom dahil alam niyang siya lamang ang karapatdapat at nakatadahang wakasan ang lakas ng tatlo pang kaharian.
"Kahit ako ay inis na inis na rin sa Sky Ice Kingdom. Pabor pa ang sitwasyon ngayon sa kanila dahil sa klima ngayon. Hindi ka ba nag-aalala Crowned Prince sa maaaring gawin ng Sky Ice Kingdom sa oras na tuluyan ng papasok ang taglamig?" Tila nangangambang sambit ni Prince Yaozu habang makikitang hindi din ito mapakali. Hindi siya tanga o mangmang upang hindi malaman ang maaaring gawin ng Sky Ice Kingdom. Sa lahat ng kaharian ay alam nilang malakas ang Sky Ice Kingdom sa natural na klima ng taglamig. Maaari kasing gamitin nila ang pagbabago sa kapaligiran upang ito ang unang umatake.
"Yun ang inaakala nila. Bago pa mag-umpisa ang taglamig ay sisiguraduhin kong mas handa ako sa kanila at matitikman nila ang galit ko. Mauuna sila sa hukay kasama ng iba pang kumakaaway sa ating kaharian hehehe..." Nakangising demonyong turan ng Crowned Prince hanang sinasabi ang mga pangungusap na ito.
"Talagang pinaghandaan mo talaga ito aking kapatid. Sisiguraduhin kong magiging tapat akong kakampi mo." Seryosong saad ni Prince Yaozu. Masasabi niyang hindi siya nagkakamali ng piniling kampihan. Sa lahat ng mga kapatid niya ay masasabi niyang ang Crowned Prince lang ang nakakasundo niya. Ito din ang may potensyal na pabagsakin at paluhurin ang iba pang mga kaharian.
"HAHAHAHAHA!!!!" Umalingawngaw sa buong silid ang parang baliw na paghalakhak ng Crowned Prince habang mabilis ding nakisabay sa paghalakhak si Prince Yaozu.