Chereads / Supreme Asura / Chapter 163 - Chapter 163

Chapter 163 - Chapter 163

*Rumble *Rumble *Rumble

Tila ramdam ng dalawang martial artist na nagbabantay sa batang babaeng ito na paparating na ang mga mababangis na nilalang papunta sa kanila. Ramdam nila ang ibayong panganib.

Mabilis na nag-usap ang dalawang kriminal na martial artist na kapwa nagbabantay hanggang sa kasalukuyan sa batang babaeng hindi nila kilala.

"Ano'ng gagawin natin dito sa batang babaeng ito?!" Sambit ng may peklat na lalaking martial artist na isa sa nautusang magbantay ng batang babaeng ito. Tila ba nalilito ito sa maaari nialng gawin sa mga oras na ito.

"Ako pa tinanong mo, edi bantayan!" Sambit naman ng isa pang bantay na mainiping martial artist.

"Ang tanga mo, hindi pala, ang tanga-tanga mo at wala kang utak peste ka. Susugod na dito ang mga mababangis na mga halimaw mg kagubatang ito ay wala ka pang maisip kundi bantayan ang batang babaeng ito!" Nanggagalaiting sambit naman ng may peklat na lalaking martial artist. Hindi niya alam kung ano rin ang gagawin jiya ngunit may pag-aalinlangan na namumuo sa utak niya. Kung di siya nagkakamali ay napakaraming mga mababangis na Magical Beasts ang papunta sa mismong lokasyon nila dahil sa pag-iyak ng batang babaeng ikinulong nila sa gawa sa kahoy na kulungan dito mismo sa lugar na kinaroroonan nila.

"Oo nga noh. Sabagay may point ka!" Simpleng sagot lamang ng mainiping martial artist. Wala siyang pakialam noh, naiisip niya lang ay halaga ng salaping ipinangakong ibabayad sa kanila.

Mabilis na binatukan nito ang kasama nitong martial artist na parehas niya ay isa ring kriminal na nandirito nananatili sa kagubatang ito.

"Bakit mo ko binatukan ha? Masakit yun oi!" Reklamo naman ng mainiping martial artist habang tila uminit nag ulo nito sa kasama niyang martial artist. Kubg hindi lamang ito mas hamak na malakas at malaki sa kaniya ay pinektusan niya na ito.

Binatukan niyang muli ang kasama niyang ito.

"Bwiset ka! Mukha bang magiging bayani ako sa batang babaeng yan o tayo? Hindi ka ba nag-iisip, gusto mong sumakabilang-buhay ng maaga ha?!" Malakas na pagkakasambit ng nay peklat sa mukha na martial artist habang may diin sa bawat katagang sinasabi nito mula sa kaniyang sariling bibig.

"Ayoko nga! Gusto ko pang yumaman noh at magpakasasa sa buhay dulot ng mundong ito!" Seryosong sagot naman ng mainiping martial artist habang tila hindi na umiinit ang ulo nito dulot ng kaninang pangyayari. Nasa isip niya ay babayaran siya at ang halagang ibabayad sa kanila.

"Kung gayon ay iwan na natin ang batang babaeng ito at hindi tayo madamay kung sakaling dumating na rito ang mga Magical Beasts! Hindi na importante ang bayad na makukuha natin dahil baka dito na tayo mailibing ng buhay kung tatagal pa tayo rito!" Tila nanghihikayat na sambit ng may peklat sa mukha na martial artist. Sa totoo lang ay wala siyang balak na kunin pa ang salaping maibabayad sa kanila dahil ang sitwasyon nila ay hindi na maganda pa at masyadong mahirap ang sitwasyong dulot na nabulabog ang magical beasts sa paligid nila at papunta na ang mga ito sa kanilang lokasyon maya-maya lamang.

"Mabuti pa nga, a-ayoko pa-pang ma-mamatay huhu!"sang-ayon ng mainiping lalaking martial artist. Tila nagising ito sa kaniyang sariling isipan na nasa delikadong sitwasyong sila. Mas importante pa rin sa kaniya ang kaniyang sariling buhay kumpara sa salaping maibabayad sa kanila. Naiisip niyang maaari niya pa itong makita sa susunod na trabahong tatrabahuin niya.

"Yan naman pala eh. Halika na at lisanin na ang lugar na ito!" Pag-aya ng may peklat sa mukha na lalaking martial artist habang mabilis nitong inobserbahan ang kaniyang paligid lalo na kung saang direksyon sila maaaring pumunta.

Napatango naman ang isang martial artist na ito at saka nagwika. " Sige!"

Walang lingong likod na umalis sa lugar na ito ang dalawang martial artists na dumakip at kinulong sa lugar na ito sa loob ng masukal na parte ng kagubatang ito ang batang babaeng si Yì Liqiu.

"Ano'ng ginagawa niyo? Wag niyo po akong iwan dito. Parang awa niyo na huhuhu !" Sambit ng magandang batang babaeng si Yì Liqiu matapos niyang makitang umalis ang dalawang lalaking dumukot sa kaniya.

Parang nakikipag-usap lamang siya sa hangin dahil ni hindi man lang siya binigyan ng huling tingin ng mga ito bago pabayaan sa lugar na ito.

Iyak lamang ng iyak ang magandang batang babaeng si Yì Liqiu habang nag-iisa sa lugar na hindi niya alam kung saan. Kasabay nito ang papalapit na papalapit na panganib mula sa malayo papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

...

Hindi napansin ng batang lalaking si Li Xiaolong na nasa outer part na pala siya ng Hidden Forest. Aalis na sana siya sa lugar na ito upang umalis na sa kagubatang ito ngunit nakarinig siya ng kakaibang tunog na tila ba may umiiyak.

Noong una ay parang mahina lamang ito na hindi niya madinig ng malinaw ngunit nang sundan niya kung saan nagmumula ang mumunting tinig ng pag-iyak ay tila luminaw ng luminaw ang iyak ng isang nilalang.

Napatigil pa siya nang tila nakiramdam siya sa kaniyang sarili.

"Hmmm... Paanong may umiiyak na bata sa loob ng kagubatang ito. Baka halimaw ito na nangangain ng tao huhu baka kainin pa ako ito. Hay bata pa ko para mamatay huhu!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang.

Napakamot naman siya sa kaniyang sariling kaisipan.

"Paki ko naman kung halimaw ang makikita. Middle Xiantian Realm Expert naman ako noh." Pagpapalakas naman ng loob na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Nagmumukha siyang tangang kinakausap ang kaniyang sarili.

Napagdesisyunan na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong na suyurin ang direksyong pinagmumulan ng mumunting tinig na umiiyak. Siguro ay na-curious lamang siya sa kaniyang sarili lalo na sa tinig ng iyak na parang pamilyar sa kaniya ang tinig na ito. Hindi niya matandaan kung saan ba niya narinig ito o kung nakita niya pa ang mismong nilalang na nagmumula ang tinig ng pag-iyak.

Maya-maya pa ay narating ng batang lalaking si Li Xiaolong ang lugar na pinagmulan ng tinig ng pag-iyak at nakita niya sa malayo ang isang kulungang gawa lamang sa kahoy at napapalibutan ng mga bagong dating lamang na mga Magical Beasts. Ang lugar na ito ay tila dinaanan ng bagyo dahil sa mga natural debris kagaya ng mga putol na mga naglalakihang mga kahoy, mga sangang nangaputol maging ng mga dahong nakakalat sa buong lugar at higit sa lahat ay tila napakagulong pormasyon ng lupa. Ang mga magical beasts ay tila naglalaban-laban pa kung sino ang kakain o papaslang sa isang nilalang na nasa loob ng kahoy na kulungan.