Chereads / Supreme Asura / Chapter 164 - Chapter 164

Chapter 164 - Chapter 164

Nakita ng dalawang nag-iitimang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong ang gusgusing batang babae na hindi niya ma-recognize dahil sa dungis nito at mga kalmot sa katawan maging ng mga pasang natamo nito mula siguro sa mga matatalim na mga kuko ng mga halimaw.

Napansin ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga piraso ng mga telang may bahid ng dugo ng batang babae na nakakalat lamang sa lapag ng lupa.

Nakaramdam naman ng matinding lungkot at habag ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil nakita nito na wlaang kalaban-laban ang batang babaeng halos kaedaran niya lamang na sugatan. Nakaramdam din siya ng galit sa sinumang nilalang na nagkulong sa batnag babaeng halos maligo na sa dugo nito habang nakayuko lamang ito at panay ang iyak nito sa isang sulok ng kulungan.

Ramdam ng batang lalaking si Li Xiaolong na mayroon pang paparating na mga Magical Beasts at mas malakas pa ito kumpara sa nariritong mga nilalang.

"Kung minamalas ka nga naman o! Hayst, kung hindi lang ako naaawa ay hindi ko tutulungan ito ngunit tingin ko naman ay inosenteng nilalang ito. Bakit ba naman ito napadpad dito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis na lumitaw sa ere ang tatlong Xiantian Needles na siyang pangunahing armas niya bilang isang Xiantian Realm Expert.

BANG; BANG! BANG! BANG! ...!

Mabilis na nangamatay at sumabog ang katawan ng mga Magical Beasts na naririto matapos na tumama sa mga ito ang mapaminsalang mga atake ng Xiantian Needles sa katawan ng mga ito.

Mistulang bumaha ng masaganang dugo ang buong paligid dito at ang ilan sa mga mababangis na Magical Beasts ay nagsimulang tumakas upang lisanin ang lugar dulot ng panganib na nasasagap ng kanilang sariling instinct at kung paano nila nakitang isa-isang nangamatay ang kanilang mga kauri. Halos kasabay ng pagdating nila ay kasabay din nang mabilis na paglisan ng mga ito sa lugar na ito.

Hindi naman natakot ang batang lalaking si Li Xiaolong na ilantad ang kaniyang sarili sa lugar na ito at maingat na lumakad papunta sa batang babaeng halos makigo na rin sa sariling dugo nito habang walang tigil na umiiyak.

Mabilis niyang binuksan ang kulungan na walang kahirap-hirap at mabilis na pumasok sa loob nito.

"Okay ka lang ba bata?!" Malakas na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin sa isang suook kung saan nagsusumiksik ang walang tigil na kakaiyak na bata habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa magkabilaang pares ng tenga nito.

Hindi naman lumingon ang batang babaeng gusgusin sa kaniya at nagulat na lamang siya nang...

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Malakas na sigaw ng gusgusing batang babae nang marinig nito ang isang tinig mula sa hindi kalayuan mula sa kaniyang sariling pwesto.

Nagulat at nagulantang na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong nang mapansin niyang humandusay bigla ang batang babaeng gusgusin na halos naliligo na sa sariling mga dugo nito sa lupa.

Hindi alam ng batang lalaking si Li Xiaolong kung mahahabag ito o maiinis. Nahahabag siya sa kalagayan ng batang babae ngunit may inis siyang nararamdaman, baka akala siguro nito ay isa siyang Magical Beasts kaya nahimatay ito.

Sa huli ay napahinga na lamang siya ng malalim dulot ng frustrations sa sarili niya.

Mabilis niyang kinarga sa likod niya ang sugatang batang babae na halos kaedaran niya lamang. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya pero mabilis na niyang nilisan ang lugar na ito bago pa dumating ang iba pang mga Magical Beasts na naririto.

Napaluwag naman ang damdamin ng batang lalaking si Li Xiaolong at tila nalaman niyang humihinga pa ito ngunit alam niyang hindi pa niya laam kung stable ba ang lagay nito o hindi.

Nakita na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang sarili na napadpad siya sa isang secluded area kung saan ay mayroong maliit na tagong burol at may isang malinis na sapa.

Agad niyang nilinisan ang mga pasa na natamo ng batang babaeng gusgusin upang hindi magkaroon ng impeksyon o anumang further damages ito sa balat maging sa kalusugan nito. Nakita niyang nasa bandang likod nito ang halos lahat ng sugat na natamo nito. At sa mga tuhod nito. Napakalalim ng mga sugat nito ngunit nasisiguro ng batang lalaking si Li Xiaolong na walang anumang lason o kamandag ang mga sugat na natamo nito.

Mabuti na lamang at may dala siyang mga paunang lunas maging ng mga kinakailangang mga gamit sa panggagamot kagaya ng bandages na gawa sa magandang klase ng tela na siyang personal na bnili at ibinigay ng kaniyang butihing ina na si Li Wenren nang magpunta siya rito kung sakaling may hindi inaasahang pangyayaring maganap sa kaniya.

Isa sa rason kung bakit tinulungan niya ang batang babaeng halos kasing edad niya lamang ay dahil na rin sa kaniyang sariling ina na palaging naghahabilin o nagpapaalala sa kaniya na palaging tumulong sa kaniyang kapwa na nangangailangan ng tulong. It sounds odd para sa kaniya pero ang sarap sa pakiramdam na may matulungang kapwa mo na nangangailangan ng tulong.

Ang mga bagay na ito ay pinagpapasalamat niya sa kaniyang sariling ina. Hindi niya maaaring idiretso ang batang babaeng ito sa pagamutan lalo na at alam niyang may nagtangka sa buhay nito base sa kaniyang naobserbahan. Alangan namang pumunta lamang ito sa loob ng kagubatan ng Hidden Forest at kinulong ang sarili doon at umiyak hindi ba? Napakatanga naman ng mag-iisip nun tsaka ayaw niyang masayang ang tulong na ibinigay niya rito at malagay pa ang sarili ng batang babaeng niligtas niya sa ibayong kapahamakan.

Natapos rin ang paglinis niya sa sugat ng batang babaeng ito. Agad niyang nilapag ang isang extra na damit na dala niya upang ito ang magsilbing bagong damit ng batang babaeng kaedaran niya dahil alam niyang hindi magandang suotin pa nito ang punit-punit na robang suot nito.

Pansin ng batang lalaking si Li Xiaolong na gawa sa mataas na uri ng tela ang robang suot ng batang babaeng halos kasing edad niya lamang at masasabi niyang tila may kinalaman ito siguro sa pagkakadakip at pagkakakulong nito sa loob ng kulungang kahoy sa loob ng Kagubatan ng nasabing Hidden Forest. Pero hindi pa siya sigurado rito.

Hindi niya namalayang sa pagbabantay niya sa paggising ng batang babaeng halos kasing edad niya lamang ay unti-unti na palang bumigat ang talukap ng kaniyang sariling pares ng mata at nakatulog sa isang sulok ng secluded area na ito.