Chereads / Supreme Asura / Chapter 162 - Chapter 162

Chapter 162 - Chapter 162

Agad namang nakiramdam ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong na siyang tiyuhin ni Yì Hua. Nakita niya na napinsala sila ng pareho at masasabing kayang-kaya silang paslangin ng limang nilalang na naririto.

Base sa kaniyang sariling kaalaman ay dalawang Middle Xiantian Realm Expert ang kalaban nila isang Early Xiantian Realm Expert samantang ang dalawang kasamahan nito ay kapwa Peak Houtian Realm. Isa itong Perfect Squad ng mga mangingikil na martial artists. Hindi niya aakalaing makakasagupa sila ng aberya sa rutang daanan papasok pa lamang sa rutang tinatahak nila sa lugar na tinatawag na Hidden Forest. Alam niyang delikado ang lugar na ito pero hindi naman ganoon kadelikado dahil pareho namang Xiantian Realm Expert sila ng kaniyang sariling pamangkin na si Yì Hua na isang Early Xiantian Realm samantalang siya ay isang Middle Xiantian Realm Expert ngunit tinambangan pala sila ng kalaban nila sa pagbi-bid kani-kanina lamang sa lugar na ito na mukhang planado talaga. Wala silang laban o kalaban-laban man lang dahil in-ambush pa sila at pinalasap ng pambihirang skill ng mga ito.

Sa totoo lang ay medyo pabor sa kaniya ang nasabing pangyayaring ito sapagkat ang batang si Yì Liqiu ay dinakip at dinala sa loob ng Hidden Forest na siyang ikinasiya niya. Matagal niya ng planong iwala ng landas ang nasabing nakababatang kapatid ni Yì Hua na aagabal sa mga plano niya. Ayaw niya namang gawin ng personal ang pagdispatiya sa batang si Yì Liqiu dahil siya rin ang maaapektuhan kung sakaling malaman ng kaniyang sariling kapatid ang kaniyang masamang plano laban sa batang iyon na matagal ng pasakit sa inaasam niyang plano.

Agad na tiningnan ni Elder Yì Huizhong ang pamangkin nitong si Yì Hua at mabilis nitong kibausap ganit ang natutunan nitong mindlink.

"Y-yì H-hua, kai-kailangan na nating makatakas sa lugar na ito dahil kung hindi ay baka mapaslang tayo ng limang pesteng nilalang na ito." Sambit ni Elder Yì Huizhong habang nagdadrama pa ito na tila nanghihina at hingal na hingal. Ginalingan talaga nito ang kaniyang pagpapanggap na ito upang mas kapani-paniwala sa kaniyang nais iparating.

Makikita namang nagulat ang magandang dalagang si Yì Hua sa sinabing ito ng kaniyang sariling tiyuhin habang makikita ang pagguhit ng pag-aalala sa maamong mukha nito.

"Okay lang po ba kayo Uncle? Mukhang napinsala talaga ng malubha ng limang pesteng mga martial artists na ito! Humanda sila kay Ama dahil gagantihan ko sila gaya ng ginawa nila sa atin!" Galit na sambit ng magandang dalagang si Yì Hua gamit lamang ang kanilang mindlink. Masasabing napakalaking pinsala ang dinulot ng limang mga martial artists na ito na pakiwari niya ay mga halang ang kaluluwa ng mga ito.

"Oo aking magandang pamangkin. Hindi ko aakalaing mapipinsala ako ng ganito at makakaharap natin ang dalawang Middle Xiantian Realm Expert at ang mga galamay nito na ang isa ay isang Early Xiantian Realm Expert kagaya mo. Wala tayong laban sa mga ito kaya tumakas na tayo!" Nababahalang sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa kaniyang sariling pamangkin. This time ay mas ginalingan niya pa lalo ang pag-akting. Yung tipong gusto niyang gamitin ang sitwasyong ito upang isagawa ang plano niya as well as ang makaligtas sa sitwasyong ito. Naalala niyang wala siyang dalang mga pambihirang bagay na makakaligtas sa kaniya sa tiyak na kapahamakan. Tiwala o kampante rin siyang walang aberyang mangyayari kaya ganito na lamang ang naging sitwasyon niya.

Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ng maamong mukha ng dalaga nang maaalala niya ang isang importanteng bagay o importanteng tao.

"Hindi tayo makakaalis sa lugar na ito Uncle dahil masusundan at masusundan tayo ng limang pesteng nilalang na naririto at bihag pa nila ang aking sariling kapatid. Siguradong may mangyayaring masama sa kapatid ko kung sakaling tumakas tayo!" Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua. Halata sa boses nito ang labis na pag-aalala lalo pa't alam nito na natatakot na ang kapatid nito sa mga oras na ito.

Hindi naman nagpatinag ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa sinabing ito ng kaniyang pamangkin kaya mabilis itong nagwika.

"Kung mapapaslang tayo rito Hua'er ay siguradong walang pag-asang makaligtas pa ang kapatid mong is Liqiu'er. Gusto mo bang mangyari iyon?!" Sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa kanilang mindlink lamang. Halata sa kaniya ang labis na mithiing matupad ang plano niya sa mga oras na ito.

Tila natigilan naman sa kaniyang sarili ang magandang dalagang si Yì Hua dahil alam niyang may punto rin ang kaniyang sariling tiyuhin. Hindi nga mareresolba ang problema na ito kung pati sila ay nasa kontrol mismo ng kalaban at magigjng bihag ng mga ito.

"Tama ka Uncle. Kung sakaling makaalis tayo sa lugar na ito ay malaki ang chance nating maligtas ang kapatid kong si Liqiu." Sang-ayon naman ng magandang dalagang si Yì Hua gamit pa rin ang kanilang mindlink. She had left no choice pero ang makaligtas sa lugar na ito. Plano niyang iligtas muna ang mga sarili nila at humingi ng tulong mula sa kinauukulan maging sa ama nito.

Walang inaksayang oras ang magandang dalagang si Yì Hua at mabilis na tumayo.

"Ito na, Tingnan niyo ng maigi!" Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua sabay kuha ng bagay sa loob ng kaniyang maliit na bulsa ng bilog na bagay.

Akala naman ng limang nilalang na ito ay ito ang nasabing pambihirang pill item na Blue Crystal Pill at mabilis nga nilang tiningnan ito.

Mabilis namang pumikit ng kanilang mga mata ang dalawang nilalang na sina Elder Yì Huizhong at ang dalagang si Yì Hua bago pa man nabalot ng nakakasilaw na liwanag mula sa ere papunta sa kalupaan.

Nabalot nga ng hindi maipaliwanag na liwanag mula sa ere na siyang nasaksihan ng limang nilalang.

Nang matapos ang nakakasilaw na liwanag ay siyang mabilis na paglipad sa ere ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong kasama ang magandang dalagang pamangkin nitong si Yì Hua upang tumakas o lisanin ang lugar na ito.

"Bwiset, ano'ng klaseng penomena ito. Bakit wala akong makita?!"

"Oo nga. Humanda ka saking pesteng babae ka, sinusubukan mo talaga ang pasensya ko!"

"Wala rin akong makita. Patay na ba tayo?!"

"Ano'ng patay ka diyan. Nabulag tayo dulot ng pesteng liwanag na yun."

"Gusto ko ng bumalik ang paningin grrrr kailan ba ito matatapos?!"

Napangiti na lamang ang magandang dalagang si Yì Hua sa narinig niyang mga negatibong pahayag ng mga nang-ambush sa kanila. Alam niyang hindi maaaring baliwalain ang mga nagawa ng mga ito sa kaniya. Pasalamat pa rin siya sa bagay na ito dahil nakaligtas sila sa matinding panganib. Ilang minuto lamang ay babalik na rin sa dati ang paningin ng mga ito sa dati.

Sa oras na ito ay nakaalis na nga sa lugar na ito sina Elder Yì Huizhong at ang nag-aalala pa ring si Yì Hua sa nabihag nitong nakababatang kapatid na si Yì Liqiu.

...

"Ano'ng ginagawa niyo, pakawalan niyo ko. Ang bad niyo!" Nagpupumiglas na sambit ng isang musmos na batang babae sa nakabantay na dalawang lalaking may Cultivation Level na Bone Forging Stage habang nakakulong ito sa kulungang gawa lamang sa matibay na kahoy.

"Ano ka ngayon bata? Huwag matigas ang ulo at tumigil sa kakangawa mo kundi ay makakatikim ka sa akin?!" Banta ng isang lalaking martial artist na mukhang di gagawa ng mabuti sa kapwa. Masasabing basi sa mukha nito ay talagang mahina lamang ang pisi ng pasensya nito.

"Oo nga bata. Kanina pa ko naiirita sa boses mo. Kung di ba naman kasi matigas ang ulo ng kasama mo ay hindi ka sana madadamay rito." Sambit naman ng isa pang lalaking nakabantay sa kulungan ng batang babaeng si Yì Liqiu. May peklat ito sa mukha at sa mukha palang nito ay mukhang hindi na gagawa ng mabuti sa kapwa nito. May malaking hikaw pa ito sa kaniyang ilong at pares ng kaniyang tenga. Kahit sinong bata ang makakakita rito ay talaga namang kakatakutan ng mga ito.

"Wahhhh! Ayoko huhuhu... Gusto ko ng umuwi at makita ang ate ko! Mama...! Papa...! *Murmur " Tila malakas na sambit ng batang babaeng si Yì Liqiu habang mas lumakas pa ang iyak nito nasiyang tila bumulabog sa lugar na ito.

Napatakip naman sa tenga ang dalawang bantay na martial artists sa kulungang kahoy na ito. Tila namumula na ang mga ito sa labis na inis at iritasyon sa batang babaeng ito.

"Kanina pa ko nagtitiis sayong bata ka. Gusto mo bang ipalapa kita sa mga halimaw rito na nasa paligid?!" Pagbabanta ng malaking bulto ng lalaking martial artist na ito. Halatnag hindi ito nakakaramdam ng awa sa batang babae bagkus ay habang tumatagal ay naiirita pa ito ng naiirita.

*Cries sounds

"Ipalapa na natin yan mamaya. Pabayaan na natin siguro iyan kung sakaling ang mga magical beasts rito ay magsidatingan rito. Hindi sapat ang makukuha nating salapi kung mapapaslang tayo sa lugar na ito!"

"Kaya nga eh. Nakakainis naman talaga ang bantayan ang pesteng batang ito. Ngawa ng ngawa!" Naiiritang sambit ng malaking bulto ng lalaking martial artist na nagbabantay sa kulungan ng batang babaeng ito.

*Cries sounds...!

Habang tumatagal ay mas papalakas ng papalakas ang iyak nito na kung saan ag ang dalawang nilalang na nagbabantay sa batang babaeng si Yì Liqiu ay nakakaramdam na ng pagkabahala sa sitwasyong ito. Kahit busalan pa nito ang bibig ng batang ito ay malakas pa rin talaga ngunit kabilin-bilinan sa kanila na wag gawin ito sapagkat baka magalit ang mismkng bina-blackmail ng mga ito at hindi pa ng mga ito makuha ang gusto nila which means ay wala rin silang mapapala o makukuha na anumnag salapi.

Tila hindi alam ng dalawang nilalang na ito kung ano ang gagawin nila.

Dahil sa pag-iyak ng malakas at patuloy na lumalakas na tinig ng batang babaeng nagngangalang Yì Liqiu ay naka-attract ito ng mga halimaw na nasa paligid lamang na nakarinig ng pag-iyak ng batang babaeng ito. Rmadam ng mga ito ang takot at hinagpis nang nasabing batang babae kung saan ay siyang paboritong-paborito naman ng mga mababangis na Magical Beasts.