Chereads / Supreme Asura / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Napapikit na lamang ng mata si Li Xiaolong habang hinihintay ang para sa kanya ay isang mapait ng kamatayan. Ngunit iba ang sensasyon na dulot ng pagkakakagat sa kaniya ng halimaw na isda.

Ang kamay ni Li Xiaolong ay sinusubukang kagating ng halimaw ngunit nagmistulang kumakain ng goma ang nasabing halimaw dahil man lang nito masugatan ang bahagi ng kamay maging ang braso ng bata.

"Tama na, nakikiliti ako. Huwag na... Hehehe... Uy!" Sambit ni Li Xiaolong na animo'y nakikipag-usap siya sa halimaw na nilalang.

"Grrrrr! Shackkkk! Shackkkk! Shackkkk" Tanging sambit ng halimaw habang patuloy pa rin nitong sinusubukang kagatin ang mga laman o parte ng balat ni Li Xiaolong. Ngunit sa kasamaang palad ay wala man lang itong naging epekto.

Patuloy pa rin ang pagmamakaawa ni Li Xiaolong na tigilan siya ng halimaw dahil sa nakikiliti siya.

Ngunit kabaliktaran ang ginawa ng halimaw. Masyadong matalino ito at agad na iniba ang taktika nito upang kainin ang biktima. Unti-unting pinulupot nito ang malalubid at mahabang mga palikpik nito sa mga braso ni Li Xiaolong. Halos nahirapang gumalaw ang batang si Li Xiaolong dahil sa taktikang ito ng halimaw na isda. Dito ay nakaramdam si Li Xiaolong ng ibayong takot. Hindi man siya makain ng halimaw ay sigurado siyang isang kahindik-hindik na gawain ang gagawin  sa kanya ng halimaw. Walang iba kundi ang lunurin siya ng buhay at walang kalaban-laban.

Bago pa man makapag-isip ng kung ano-ano pa si Li Xiaolong ay mabilis siyang hinila ng halimaw na isda pailalim. Sinubukang magpupumiglas ni Li Xiaolong at marahas na nilalabanan ang mahigpit na pagkakagapso sa kanya ng nasabing halimaw ngunit nagmistulang walang epekto ito sa halimaw na isda.

Unti-unting kinakapos ng hininga si Li Xiaolong maging ang kanyang paningin ay unti-unting lumalabo dulot ng kawalan ng hangin sa paligid idagdag pa ang mahigpit na pagkakagapos sa kanya ng mga mahahabang palikpik na animo'y lubid ng halimaw.

Ngunit sa mga oras na ito biglang ipinikit ni Li Xiaolong ang kanyang mga mata at biglang lumita ang alaala niya noong nagtagpo ang kanyang landas sa matandang lalaki sa malawak na pamilihan.

Biglang napalitan ang senaryo kung saan ay nakikita niya ang kanyang sarili habang hinahabol ang mga paro-paro. Ang kulay puting paro-parong pagmamay-ari daw niya. Gusto niyang makita ito.

Lingid sa kaalaman ni Li Xiaolong ay may nangyayaring kakaiba sa katawan nito maging ang halimaw na isda ay nakaramdam ng ibayong takot lalo na sa kaloob-looban nito. Hindi nito alam ang nangyayari sa sarili nito. Kahit na ganon ay mas hinigpitan nito ang hawak sa batang si Li Xiaolong ngunit labis na nagulat ang halimaw sa susunod na pangyayari.

Ang katawan ng binata ay unti-unting nababalutan ng liwanag. Ang enerhiyang mula sa ilog ay animo'y tumitipon sa paligid ng batang si Li Xiaolong maging ang isdang halimaw ay mas naguguluhan sa pangyayaring ito. Maya-maya pa ay pumasok ang mga enerhiyang nakakalat at mabilis na pumapasok sa katawan ng batang si Li Xiaolong.

Mayroong namumuong pigura sa kanyang kaliwang dibdib na kulay puti hanggang sa mas tumingkad at luminaw ang pigura. Unti-unting nagkaroon ito ng buhay at unti-unting umalis sa dibdib ni Li Xiaolong ang nasabing pigura. Nang lumipad ito ay nakita nito ang kulay puting paro-parong minsa'y nakita niya noong tatlong taong gulang pa lamang siya ngayon ay nasa delikadong sitwasyon siya.

Biglang pumalibot sa katawan ni Li Xiaolong ang paro-paro kasabay nito ay ang pagpalahaw ng isdang halimaw.

"Shhrrriiiieeeerrrcccckkkkkk!!!! Tunog ng pagpalahaw ng isdang halimaw na hindi kilala ni Li Xiaolong.

Nang ibaling ni Li Xiaolong ang kaniyang paningin sa halimaw na isda ay nakikita nito ang maraming sugat nito sa katawan. Lumalabas ang napakapulang likido sa katawan nito. Sunod na napansin ni Li Xiaolong ay ang paro-parong patuloy na pumapalibot sa kaniyang katawan na may kung anong nalalaglag na parang polbura sa katawan nito.

Aalis pa sana ang nasabing halimaw ng isda ng mapansin ito ni Li Xiaolong.

"Oras na para gumanti hahaha!"sambit ni Li Xiaolong sa kaniyang isipan habang mabilis na lumangoy papunta sa paalis na isdang halimaw.

Nahintatakutan ang halimaw at mabilis na lumangoy papalayo ngunit dahil sa mga sugat nito sa katawan ay medyo naging mabagal ang paglangoy nito na siyang dahilan kung bakit agad na nahabol ito ni Li Xiaolong nang hindi namamalayan ng halimaw.

"Huli ka!" Sambit ni Li Xiaolong nang bigla nitong sinuntok ng napakalakas ang halimaw paitaas na siyang dahilan ng pagtilapon nito papunta sa kalupaan. Sa pambihirang lakas ni Li Xiaolong ay nagawa niyang patalsikin ang isdang halimaw gamit ang purong lakas.

Agad na lumangoy paitaas si Li Xiaolong ng maramdaman niyang nauubusan na siya ng hangin.

Mabilis niyang nilisan ang katubigan at umakyat sa pampang. Agad niyang hinanap ang medyo may kalakihang isdang halimaw na sinusubukang abutin ang katubigan.

Ngunit hindi ito hinayaan ng batang si Li Xiaolong sa halip ay pinuntahan niya ang isang halimaw na masasabi niyang napakapangit na nilalang ito na animo'y pambihirang lubid ang mga palikpik nito. Agad niyang tinapakan ang mga palikpik nito. Isa ito sa malakas na armas ng isdang halimaw sa katubigan ngunit napakahina nito sa kalupaan.

Agad na sinipa ni Li Xiaolong ang katawan ng halimaw sa purong lupa na may mga bato-bato malayo sa tubig. Agad na humanap siya ng mahaba at matibay na ugat ng halaman na siyang ginawa niyang pantali paradalhin sa bahay nila.

...

"ROAR!" Isang tunog ang bumulabog sa mga nilalang na nakatira sa katubigan ng Bloody Gem River. Isang nakakatakot na anyo ng halimaw ang biglang lumitaw sa malalim na parte ng ilog. Halos lahat ng mga nilalang sa tubig ay nagsitago sa mga malalaking batuhan na siyang nagsisilbing tirahan ng mga ito.

Ang nilalang na ito ay kawangis ng halimaw na isda na natalo ni Li Xiaolong ngunit ang kaibahan lamang nito ay ilang beses na malaki ito at mas nakakatakot ito  kumpara sa bitbit-bitbit nitong halimaw.

Bigla na lamang naging pula ang tubig ng Bloody Gem River sa hindi inaasahang pangyayari at nagsilabasan ang mga nakakatakot na mga nilalang.

Grooooooaaaarrrrllll!!!!

Shhrrriiilllllllll!!!!!

Rooooarrrrrr!!!!

Maraming tunog ang maririnig sa lugar na ito lalo na sa kailalimang bahagi ng Bloody Gem River. Tandang may nangyayaring sagupaan sa pagitan ng mga mababangis na mga halimaw na hindi batid ng mga nilalang kung kailan ito matatapos. Maging ang mga malapit na mga nilalang sa parte ng kalupaan ay nabulabog rin patunay ang mga mababangis na hayop ay biglang tumakbo at lumayo sa lugar malapit sa ilog at nagsitago. Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at paghuni tandang may ipinapahiwatig at maraming pang iba.