Chereads / Supreme Asura / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Agad na tinipon ni Li  Sandro ang mga mamamayan Li Clan lalo na ang mga magulang na o yung mga may anak sa kasalukuyan upang ibahagi ang anunsiyong natanggap kani-kanina lamang.

Dito ay opisyal na inanunsiyo ni Li Sandro sa mga mamamayan ang ipinarating ng Sky Flame Kingdom at halos masaya ang lahat sa kanilang narinig na impormasyon.

Halos lahat ay sabik na sabik na dahil mamaya lamang ay siguradong nag-uumpisa na ang nasabing pagtukoy ng martial talent ng isang batang gustong maging Martial Artist sa hinaharap.

"WOOOOOOOOHHHHHHH!"

Maririnig ang malakas na tunog ng tradisyunal na horno na siyang hudyat ng pagsisimula ng pagtukoy ng magiging Martial Talent ng isang batang maging Martial Artist. Dito din ibinabase ang magiging kapalaran ng isang bata sa paglakad nito sa larangan ng Cultivation. Mayroon silang tinatawag na Martial Talent Detector na siyang pagdetermine dito ay ang isang boulder na siyang magdedetect  kung anong klaseng grade ang iyong Martial Talents. Sa pamamagitan ng pagsuntok ng indibiduwal sa boulder ay lalabas ang numerong siyang tutukoy kung mayroon ka bang mataas na talento o mababa. Mayroong guhit na siyang tutukoy sa bawat enerhiya na mayroon ang isang batang magsisimula pa lamang sa pagcucultivate.

"Ang boulder na nakikita niyo sa harapan ngayon ay mayroong numero. Mula sa Zero ay makikita ang 1,2, 3, 4 at 5 na numero. Ang bawat numero ay tumutukoy sa grade. Grade 1 o First Grade na siyang pinakamababa at ang Grade 4th Grade na pinakamataas na grado. May apat na kulay ang naririto. Puti, dilaw, Kahel at pula. Ang kulay puti ay siyang pinakamababa sunod ang dilaw maging ang kahel at ang mas malakas na enerhiya ay ang Red.Ngayon ay Opisyal ko ng binubuksan ang Martial Talent Trial." Sambit ni Sandro Li na may kalmado ngunit halatang may galak ito sa puso. Sa lahat ng taong naririto, si Chief Sandro Li ang may mataas na ekspektasyon sa lahat ng ito. Dito nakasalalay ang kanilang kinabukasan, sa mga batang gustong tahakin ang larangan ng Martial Arts upang maging tunay na Martial Artist.

WOOOOOOOOHHHHHHH!!!!!

YAHHHHHHHHHH!!!!!

YOOOOOOOHOOOOOOOO!!!!

Maraming malalakas at masasayang hiyawan ang maririnig sa malaking espasyo ng Li Clan na siyang isang Area para sa mga kompetisiyon o Trial. Masasabing isa na itong maliit na Arena para sa kanila ngunit nagsisilbing lugar kasiyahan ito ng mga martial artists na naririto lalo na nilang mga nabibilang sa angkan ng mga Li.

Umalis si Sandro Li upang umupo sa gilid upang maging tagahatol ng magiging resulta ng Trial. Mayroon siyang mga bagabag lalo pa't hindi basta-bastang Trial ito. Dito nakasalalay kung hanggang saan lamang ang talentong meron ang isang indibiduwal. Kung mababa ay siguradong hindi magkakaroon ng tsansang makaakyat sa mataas na lebel ng Cultivation ang isang Cultivator o Martial Artist. Mayroong batas na sinusunod ang Li Clan kung saan ay mula sa Second Grade Martial Talent lamang ang kanilang pwedeng kuning indibiduwal at turuan ang mga ito na maging malakas na Martial Artists sa hinaharap. Masakit man isipin ngunit ito ang kanilang batas na sinusunod. Ang mga mabababang grado ng Martial Talents ay hindi nila mabibigyan ng maraming Cultivation Resources dahil para lamang sa mga may tsansang maging malakas ang mga Cultivation Resources. Kung mabibigyan man ay konting rasyon lamang hindi katulad ng mga mayroong Third Grade Martial Talent pataas na may regular na supply ng Cultivation Resources at magagabayan nila ang mga ito dahil sila mismong mga lider ang magiging personal na tagaturo ng mga batang may Second Grade Martial Talent. Pinaniniwalaang kapag may mataas kang talento, malayo ang mararating ng isang Cultivator o Martial Artist sa hinaharap na siyang totoo ideolohiya ng Martial Arts World.

Ang mga magulang ng mga Martial Artist ay alam na rin nila ito ngunit hindi nila ito sinasabi sa kanilang mga anak lalo pa't ayaw nilang panghinaan ng loob ang kanilang anak. Naninirahan silang makakayang maging malakas na Cultivator ang kani-kanilang mga anak lalo pa't kapag maraming achievements ang magagawa ng kanilang anak sa hinaharap ay siguradong tataas din ang estado nila sa kanilang Angkan. Ang kanilang buong pamilya ay siguradong magiging isang maharlika o isang malayang pamilya na halos kapantay na ng mga Aristocrat Family ng Li Clan.

Nang maisip ito ng karamihan ay halos manlupasay sila sa tuwa lalo pa't nagagalak ang kanilang puso't-isipan lalo pa't hindi basta-bastang bagay lamang ang nakataya kundi ang kanilang kinabukasan o mas mabuting ang kanilang magiging estado sa hinaharap. Halos lahat ay hindi na makapaghintay sa resulta ng Martial Talents Trial. Mula sa medyo malungkot na atmospera ay mas naging makulay ito nang palakas ng palakas ang mga hiyawan na maririnig sa paligid.

Sa lagay naman ng mga tinaguriang mga mahihirap ang estado sa Li Clan kagaya ng pamilya ni Li Xiaolong ay mayroong komplikadong ekspresyon ang kanilang mukha sa kanilang mga anak lalo pa't hindi na sila umaasa pang maiangat pa ang kanilang estado sa Li Clan. Kung anuman ang magiging resulta ay buong puso pa rin nilang tatanggapin maging ang talentong meron ang kanilang anak lalo na sa pamilya ni Li Xiaolong. Nandito ang kaniyang mga magulang na sina Li Qide kasama ang kanyang ina na si Li Wenren at ang kanyang nakababatang kapatid na si Li Ying na karga-karga pa ng kanyang ina dahil sanggol pa lamang ito.

"Tandaan mo anak, nandito lang kami sa iyo, kahit ano pang Martial Talent ang meron ka. Tanggap ka namin at hinding-hindi magbabago ang aming pananaw tungkol sa iyo." Ito ang isip ng kanyang ina sa oras na ito. Siya at ang kanyang asawang si Li Qide ay nangangamba sa maaaring resulta hindi dahil sa mababa ito kundi kung paano ito makakaapekto sa kanyang anak. Siguradong hindi magandang bagay ito lalo pa't ang labis na masasaktan kung hindi sasang-ayon ang tadhana ay ang kanyang anak ang magdurusa. Sa naiisip pa lamang ni Li Wenren ang mga bagay na ito ay hindi niya namalayang humagulgol na siya ng iyak lalo pa't bilang isang ina o katuwang ng kanyang asawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, hindi niya mapigilang maging emosyunal. Kapag nakikita niyang nasasaktan ang kanyang anak ay halos humikbi na siya.

"Li Wenren mahal, wag mo nang isipin ang mga bagay-bagay, alam kong mahirap ito ngunit alam kong makakayanan ito ng ating anak." Sambit ni Li Qide.