Chereads / Supreme Asura / Chapter 233 - Chapter 233

Chapter 233 - Chapter 233

Isa pa sa ipinagtataka niya ay ang makitang napunta ito sa loob ng Scroll artifact na siyang nagkaroon ng mga koleksyon ng mga iba't-ibang mga soul fragments maging ng mga Soul Remnants. That is not a simple matter. Hindi ito magagawa ng simpleng mga nislalng lamang at mas lalong walang makakagawa nito. This proves that this scroll artifact can collect memories from a dead martial artists in this world. Kung sino man o anuman ang gumawa nito ay siguradong hindi basta-basta lamang.

Mabilis namang naalarma ang batang lalaking si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila may paparating na nilalang sa kaniyang gawi. Masyadong mabilis ang pagpunta ng nasabing nilalang na ito papunta sa kaniya. He really don't know what it is pero alam niyang hindi naman naka-lock sa kaniya ang isang paparating na nilalang.

Agad namang isinuot ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga damit niya lalo na ang robang nagpoprotekta sa kaniyang pagkakakilanlan. Hindi niya maaaring ipakita ang totoong anyo niya bilang isang batang martial artists. Alam ni Li Xiaolong na ang mga nangyayari sa kaniya sa oras na malaman ng sinuman rito na isa siyang batang musmos.

Mabilis ring nilagyan ng batang lalaking si Li Xiaolong ng kapirasong pure ore na Blood Gem Crystal ang kaniyang sariling kanang kamay.

Napakabilis ng pangyayari at nakita na lamang ni Li Xiaolong na paparating na sa kaniyag sariling direksyon ang nasabing halimaw.

Nakita na lamang ni Li Xiaolong na may isang bughaw na bagay ang paparating sa kaniyang sariling direksyon. Parang isang bagay na hindi dapat siya tamaan.

BANG!

Mabilis na napatalon palabas ng pinagtataguan niya si Li Xiaolong. Kapwa hindi siya makapaniwala na mayroong nagbabalak na paslangin siya sa mga oras na ito.

Hindi nga siya nagkakamali, pinuntirya siya isang kulay asul na magical beast mula sa hindi kalayuan mula sa pwesto niya. Hindi niya mabilang ang binti nito dahil sobrang bilis nito pero sigurado siyang natukoy niya ang nasabing halimaw na ito. Isa lang naman itong Water Yabby. Isang water type na magical beast. It's power can be deadly lalo na at kaya nitong dumura ng nasabing water balls na gawa sa laway nito. Isang pambihirang abilidad ng nasabing halimaw na ito ang magtaglay ng kakayahang ito. It's attack can be considered having a water acids that could burn things and bring a massive impacts sa mga bibiktimahin pa lamang nito.

Napangiwi na lamang si Li Xiaolong nang mapansin nito ang parteng parang tabla na kinauupuan nito kani-kanina lamang. The water ball condensed and reveal it's water like appearance but he clearly see na ang batong inuupuan nito ay tila nagkaroon ng butas pailalim which means na ang Water Yabby na ito ay hindi basta-basta lamang.

Kung tutuusin ay masasabing isang parasite o peste ang mga Water Yabby. They are know to be a salt water drinker. Grabe ang mga itong uminom ng tubig-dagat at kaya nitong pababain ang level ng karagatan in just a span of time.

"Mukhang alam ko na ang isang dahilan kung bakit naubos ang tubig dagat dito sa lugar na ito. Ang Water Yabby pala ang may kagagawan nito ngunit mukhang hindi nag-iisa ang Water Yabby na ito! Kailangan ko ng umalis!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis itong nilisan ang lugar na ito. He really feel an utter danger lalo na at tanga lang ang makakaisip na nag-iisa lamang ang parasitikong nilalang na katulad ng Water Yabby. They are not work in just a group but a whole colonies of it. Kung inaakala ng iba na langgam lamang ang mayroong colony ibahin mo ang mga Water Yabby dahil mismong nagpapalipat-lipat ang mga ito ng lugar para maghanap ng mga tubig.

Mabilis namang nakaalis ng lugar si Li Xiaolong. Kung tutuusin ay masuwerte pa rin siya though ang isang Water Yabby na iyon ay hindi naman ganon kalakas pero ang kinakatakutan lang ni Li Xiaolong ay hindi niya malalabanan ang napakaraming bilang ng mga ito. This is not worth it lalo na kung lalabanan o papatulan niya ang mga ito.

Hindi lingid sa kaalaman niya na napakarami ng mga ito. Ang mga Water Yabby ay mayroong designated na kulay at bawat isa sa mga ito ay may iba't-ibang functions sa colony nila. They are viscious to the point that it kills everything that it stimble upon. Ang isang water yabby na nakita at nasagupa ni Li Xiaolong ay isa lamang ito sa naghahanap ng mga reservoir ng tubig. It will attack anyone that could see that emits energy.

Eeeeeerrrcccckkkk!

Isang malakas na tunog ang narinig ni Li Xiaolong sa kinaroroonan niya. Masasabi niyang ito ay nanggaling sa Water Yabby na na-encounter niya. It so much to say that it will lead the whole colony to his direction.

Napatawa na lamang si Li Xiaolong. Masasabi niyang hindi talaga mapipigilan ang mga Water Yabby na ito sa paghahanap ng bagong lilipatang lugar. Malamang ay mahihirapan itong makahanap. Napakalayo pa ng sea floor na mayroong tubig dito at kailangang maghukay para mayroong tubig na maiinom ang mga ito. Agad namang lumihis ng direksyon si Li Xiaolong lalo na at malaki ang tsansang magkasalubong sila ng mga halimaw na Water Yabby kapag dire-diretso lamang ang kaniyang direksyong pupuntahan.

Ilang minuto rin ang mabilis na paglalakbay ni Li Xiaolong kung saan ay naramdaman niyang wala ng presensya ng mga Water Yabby ang lugar na pinuntahan niya.

Napansin ni Li Xiaolong na papunta siya ngayon sa isang lugar na may tumutubong mga ligaw na mga halaman. It's like a mini-forest here ngunit hindi naman ganoon kasukal ang lugar na ito. Kung tutuusin ay mukhang munting paraiso ito. Ni hindi na alam ng batang si Xiaolong kung nasaan na ba talaga siya pero alam niyang nasa tamang direksyon pa rin siya patungong timogang parte ng baybayin ng Red Cloud Sea. Yun lang ay walang bakas na malapit na siya sa outer part ng Red Cloud Sea.

Napangiti na lamang ang si Li Xiaolong sa mga oras na ito habang mabilis na nagwika.

"Kung tumutubo ang mga halamang ligaw rito. Malamang sa malamang ay mayroong reservoir ng tubig rito." Sambit ng batang si Li Xiaolong. Isa sa natural na factors kung bakit tumutubo ang anumang klaseng vegetations kagaya ng mga halaman ay dahil na rin sa presensya ng tubig o katubigan. Pero dito lang talaga siya nagtaka lalo pa at imposible ring tumubo ang mga ligaw na halaman rito ng basta-basta na lamang noh.

Maingat na naglakad si Li Xiaolong papasok sa lugar na ito. Ramdam niyang nagkakamali siya ng inaakala dahil habang papasok siya sa lugar na ito ay pasukal na pasukal ang munting kagubatang lugar na ito. Even a large trees ay natatanaw niya na.