Chereads / Supreme Asura / Chapter 234 - Chapter 234

Chapter 234 - Chapter 234

Whoooshh...!

Habang papasok siya sa masukal na parte ng lugar na ito ay rinig na rinig niya ang mahinang pag-agos ng tubig.

Napatawa na lamang ang batang si Li Xiaolong. Hijdi niya inaasahan na may nakatagong reservoir dito ng tubig. Gusto nga niyang maligo sa lugar na ito lalo na at ilang araw na din siyang di naliligo noh. Kahit isang balde nga ng tubig ay wala siyang makita rito. Idagdag pang ilang mga oras din siyang parang nile-lechon ng buhay dahil sa pambihirang herb na kinain niya kani-kanina lamang. Nanlalagkit na ang balat niya dahil sa nangyari kanina at kailangan niya ring maligo.

Hindi rin nagtagal ay narating na ng batang si Li Xiaolong ang malawak na katubigan. Isang lawa ito sa gitna ng karagatan. Ang naririnig niyang huni ng tubig ay galing pala ito sa mga mahahabang baging na nakalaylay sa katubigan. It creat sound while swaying back and forth through the wind.

Hindi alam ng batang si Li Xiaolong ng tunay na lalim ng malawak na lawang ito. Nagulat siya ng mapansin niya ang isang kakaibang halamang nakatanim sa gitna ng lawa. Isa itong premium kung hindi siya nagkakamali lalo na sa enerhiyang ini-emit nito. Isa itong pinakamailap na herb kung tutuusin lalo na at tumutubo lamang ito sa gitna ng katubigan. Isa itong White Lily na kilala sa hanay ng premium herbs lalo na sa kakayahan nitong magpagaling ng anumang klaseng lason sa katawan o maging ng pagpapaunald ng iyong sariling cultivation. Mabilis namang naglakad sa ibabaw ng tubig ang batang lalaking si Li Xiaolong. Mahihinog na rin ang nasabing herb na ito lalo na ang mismong bulaklak nito. He's really sad lalo na at hindi niya maaaring pitasin ang mismong herb dahil ilang oras lamang ay malalanta ito kung sakali mang hindi maitanim kaagad. Isa pa ay imposibleng matanim niya ito lalo na at tuyot ns tuyot ang karagatang ito. Isa itong kasayangan.

WOO! WOO! WOO!

Tunog ng pagtapak ng batang si Li Xiaolong sa ibabaw ng tubig. His step is even lighter than his weight. Isa ito sa kakayahan ng isang Houtian Realm Expert kaya hindi malabong hindi niya magawa ito. Isa pay gustong-gusto na ng batang si Li Xiaolong na makuha ang nasabing Bulaklak ng White Lily na ito. This will aid his cultivation at maaari siyang makapagbreakthrough na sa pamamagitan nito.

Papalapit na ang batang si Xiaolong sa nasabing premium herb na White Lily nang mapansin niyang tila may abnormalidad na nangyayari sa mapayapang katubigan.

WOOOOOHHHHHH!

Tila ramdam ng batang si Xiaolong na mistulang nag-vibrate ang tubig at tila nagkakaroon ng pag-alon ang katubigan na hindi niya naman inaasahan.

Nakaramdam naman ng ibayong panganib si Li Xiaolong lalo na at mukhang hindi naaayon sa plano niya ang nangyayari sa kasalukuyan.

Tiningnan naman ng batang si Xiaolong ang inaapakan niyang katubigan at napansin niyang parang may enerhiya ng nilalang na nasa kailaliman nito.

BANNNGGGGG!

Mabilis na sumabog ang katubigan na siyang kinaroroonan ni Li Xiaolong. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakatalon papaalis sa lugar na ito dahil kung hindi ay naging pagkain na sana siya ng isang malaking nilalang na siyang umalpas mula sa kailaliman ng malawak na lawang ito.

Hindi naman makapaniwala si Li Xiaolong sa pangyayaring ito. Abot-kamay na sana niya ang nasabing bulaklak ng premium herb na White Lily ngunit mabilis na lumitaw ang halimaw na ito sa mismong kinaroroonan niya kani-kanina. Ilang metro na lamang sana at nakuha na sana niya ito ngunit mabilis siyang napigilan ng nilalang na ito.

Isang magical beast ito na tinatawag na Water Snake. Masasabing kayang-kaya nitong tapatan ang lakas ng isang Houtian Realm Expert. Kulay asul ito na katulad ng katubigan ng dagat sa malayo.

Ngunit nagulat pa ang batang si Xiaolong nang umalpas pa ang isang water snake sa ilalim ng katubigan nguni kakaiba ang kulay ng isang ito.

"Isang Two-headed Water Snake. Isa ay mukhang kulay asul habang ang isa naman ay kulay berde ang ahas na ito. Kaya pala it can survive in two different water basin." Mapaklang sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya talaga ito inaasahan to begin with. Akala niya talaga ay normal na reservoir ito ng tubig ngunit alam niyang fresh water ang tubig na ito na kaibahan sa tubig alat na matatagpuan sa karagatan. Ang isa pa sa ikinamamangha niya ay magkaiba ang functions ng dalawang water snake na ito na alam niyang iisa lamang ang katawan ng mga halimaw ito. Ang kulay asul na Water Snake ay nakatira ito sa karagatan habang ang kulay berdeng water snake ay nakatira ito sa matabang na parte ng mga katubigan. Hindi rin imposibleng magbreed ng ganitong klaseng hybrid na magical beast lalo na at malapit at magkatabi lamang ang mga katubigang ito at nagtatagpo ito. Yun lang ay ang magkaibang tubig a hindi kailanman mag-iisa.

Hindi aakalain ng batang si Li Xiaolong na nakakasagupa siya ng ganitong klaseng halimaw ngunit confident naman siya na matalo ito. Mahina pa rin kung tutuusin ang halimaw na ito lalo na at tantiya niya nasa pagitan lamang ito ng Houtian Realm hanggang Xiantian Realm Expert ang kabuuang lakas nito. Hindi pa ito nagkakaroon ng mutation kaya malamang ay hindi siya matatakot sa ganitong klaseng nilalang na alam niyang kaya niyang labanan ito. Magkagayunpaman ay hindi niya rin basta-basta lamang baliwalain ang advantages ng halimaw na ito lalo pa at tahanan o natural na teritoryo nito ang lugar na ito. Isa pa ay napaka-flexible ng mga ito at napakadulas ng katawan nito. Ang pinakainaalala niya ay kahit isang katawan lamang ang halimaw na nilalang na ito ay dalawa pa rin ang mismong ulo nito. That is the overall observation niya considering that he is just a trespasser.

Mabilis na bumalik ang batang lalaking si Li Xiaolong sa lupa at temporaryong lumayo sa katubigan. Narinig niyang mukhang may papalapit na nilalang sa lugar na ito.

Mabilis siyang nagtago sa isang malaking batuhan na medyo malayo sa kinaroroonan niya kanina. Hindi naman siya maaaring magpakampante lamang though nakita niyang bumalik sa ilalim ng katubigan ang nasabing Two-headed Water Snake nang wala na itong makitang banta pa pero alam niyang nagmamasid lamang ang halimaw na ito sa ilalim ng katubigan.