Chereads / Supreme Asura / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Agad namang nakapameywang si Li Jianxin habang tinitingnan si Night Spider. Tutal ay teritoryo naman ito ng Li Clan ay wala itong pakialam sa estado ni Night Spider. Tiningnan niya rin ang binatang si Night Spider na animo'y tinatatanong kung bakit narito siya na tingin.

"Ah... Eh... Wala akong masamang intensyon Miss Jianxin. Pumunta lamang ako rito sapagkat mayroon lamang akong makumpirma at wala akong balak na gumawa ng kaguluhan sa teritoryo ng Li Clan." Kalmadong sambit ni Night Spider habang makikita ang sinseridad sa mukha nito.

"Wala naman akong sinasabi na ganon ah. Kung tutuusin ay isang karangalan na bumisita kang muli rito sa aming teritoryo ngunit  gumamit ka pa talaga ng mababang uri ng Illusion technique ay malamang sa malamang ay ayaw mong magpakita o makaagaw ng atensyon pati yang Tiger Horses mo na ginawa mong payat na donkey, seriously?!" Nakacross-arm na ngayon habang sinasabi ito ni Li Jianxin. Medyo natawa naman talaga ang dalaga dahil sa ipinakitang ito na side ni Night Spider. Sino ba naman ang mag-aakalang ang isang Night Spider na isang kilalang indibiduwal ng Wind Fury Kingdom ay magiging ganito ang taktika upang pumasok sa maliit na teritoryo ng Li Clan. Natatawa siya rito.

Agad namang namula sa hiya si Night Spider. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na siya na isang binatang talentado ay magpapanggap na commoner tapos gagamit ng mababang uri ng Illusion technique. Talagang nagmukha siysng tanga rito na hindi naiisip na meron palang nagna-Night watch rito na isang magandang dalaga na si Li Jianxin.

"Eh hindi ko naman alam na naririto ka pa pala sa teritoryo ng Li Clan. Ang akala ko ay umalis ka na upang maglakbay muli. Hindi ko aakalaing mayroon pang magmamalasakit sa angkan na ito matapos ang mga nangyari." Sambit ni Night Spider lalo na nang maalala nito ang nakaraang pangyayari kung bakit naging ganito na lamang ang kalagayan ng Li Clan.

Medyo natahimik si Li Jianxin habang makikita ang labis na kalungkutan ngunit maya-maya pa ay nagsalita ito.

"Wag mo ng banggitin ang mga pangyayari noon dahil nangyari na iyon. Pero kung bakit ako narito pa rin ay sinusulit ko lamang ang aking pananatili rito dahil sa susunod na linggo ay aalis na rin ako. Mabuti na lamang at abala ngayon ang mga kaangkan ko dahil tag-ani na ngayon at busy rin ang mga Clan Leader namin at ang iba pang opisyales. Pero bakit ka pala naparito?!" Sambit ni Li Jianxin habang halatang iniiwasan na nitong pag-usapan ang mga nangyari noong nakaraan. Isa pa ay nagtataka siya kung bakit naparito si Night Spider dahil pagabi na rin dito.

"Ahh... Ehhh... Gusto ko lang dalhin si Li Xiaolong sa Wind Fury Kingdom upang malaman kung totoo ang aking hinala." Sambit ni Night Spider habang makikita ang kaseryosohan sa mukha nito.

"Huh?! Mali ba ko ng dinig na gusto mong dalhin ang batang si Little Xiao sa inyong kaharian?! Ire-recruit niyo ba siya?!" Sambit ni Li Jianxin habang may saya sa mukha nito. Hindi niya kasi aakalaing magiging disipulo na rin si Li Xiaolong ng isang makapangyarihang kaharian.

"Dadalhin ko lamang  siya upang may malamang rito at hindi pa ako sigurado kung magiging disipulo siya ng aming kaharian." Sambit ni Night Spider habang makikita ang bagabag sa mukha nito.

"Ah ganon ba?! Pwede ko namang gawin iyon ngunit sasama ako kahit sa labas man lang ng gate ako maghintay kung sakaling mali ang iyong akala. Pero naniniwala akong may potensyal si Little Xiao dahil pursigido itong bata dahil halos araw-araw itong nag-eensayo kapag walang ginagawa hindi parehas ng normal na mga bata rito na mababa man ang martial tales na halos katulad niya ay pinili na lamang maglaro ngunit ito ay sobrang determinado. Sana lang ay makuha niyo siya." Sambit ni Li Jianxin habang makikita ang kakaibang kislap ng pag-asa para sa batang si Li Xiaolong. Nakita niya kung paano ang batsng ito na animo'y waalng kapaguran sa trainig nito na walang nagtuturo man lang at sanay ang batang iyon na mapag-isa. Siya nga ang nagbigay ng mga pinaglumaan niyang libro sa magulang nito dahil alam niyang di tumatanggap ng libre ang bata sa ibang tao kahit na sa kaniya na siya namang ikinalungkot niya ngunit mabuti na lamang at mababait ang mga magulang nito kaya doon niya ito ibinigay. Mabuti na lamang at tinanggap ito ng bata at naniwala naman ito sa rason ng magulang nito na binili lamang sa bayan.

"Pwede naman iyon. Malamang nga ay sa labas ka lamang ng gate nv Wind Fury Kingdom dahil istrikto ito at isang disipulo lamang ako roon na maaaring palayasin anumang oras hahahaha!!!" Sambit ni Night sa pabirong tono.

"Hahahaha siraulo!!!!" Napatawa na lamang na tugon ni Li Jianxin dahil sa birong iyon ni Night Spider. Alam niyang istrikto talaga ito na ultimong bisita ay masusi nilang ini-inspeksyon makapasok lamang ito. Is kasing reserve at misteryoso ang kahariang ito kaysa sa iba kaya nga ito rin ang may pinaka-kaunting bilang ng mga miyembro at konti lamang ang nakatalang disipulo rito.

Naputol lamang ang kanilang tahanan ng biglang sumulpot ang ulo ni Li Xiaolong sa pintuan nila.

"Ate Jianxin, kakain na raw sabi ni Inay tsaka ni Itay. Kakain po ba daw kayo o kakain?!" Sambit ni Li Xiaolong habang natatawa.

"Ay pilosopong bata ito. Tatanggi ba ako sa grasya edi hindi hahahahaha!!!" Sambit ni Li Jianxin habang mabilis nitong inaayos ang kaniyang sarili at inilugay ang kanilang buhok ma siyang mas lumitaw pa ang kagandahan nito.

Napatulala naman si Night Spider rito habang nauna na itong lumakad habang namumula ang pisngi nito.

Nang matapos mag-ayos si Li Jianxin ang kaniyang sarili ay nagulat na lamang siya ng makitang wala na si Night Spider at ang bubuwit na si Li Xiaolong. Nagtataka siya kung bakit ang tahimik ng lugar na ito kung saan siya na lamang ang nasa labas.

Nakita niya kung paano lumagitnit ang pintuan ng maliit na bahay-kubo na tirahan ng batang si Li Xiaolong.

"Aba aba... Mga lalaki nga naman. Iniwan lang ako ng ganon-ganon lang?! Sa ganda kong to?!" Natatawang sambit ni Li Jianxin habang kumembot-kembot pa ito tandang medyo inis rin ito sa ginawa ng dalawang lalaki. Basta pagkain talaga eh noh.