Chereads / Supreme Asura / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

Hindi lamang ang batang si Li Xiaolong ang napapaisip sa bagay na ito dahil maging ang magandang dalagang si Li Jianxin ay napaisip rin sa bagay na ito.

Sa Hollow Earth Kingdom ay kilala ang lugar na ito sa mas madaming populasyon at dinarayo ng mga dayuhan o mga karatig-kaharian. Sa lugar ng kahariang ito ay hindi mahulugang karayom ang  napakaraming mga mamimili sa napakalaking palengke nito maging ang mga negosyante at mga kapitalista ay talaga namang napakarami rin.

Naguluguhan man ito kanina dahil sa totoo lang ay para sa magandang dalagang si Li Jianxin ay tunay na napakarami ng mga tao sa pamilihan ng Hollow Earth Kingdom lalo na tuwing sasapit ang market day ng nasabing lugar. Naninibago nga siya sa kaharian ng Wind Fury Kingdom dahil wala siyang makitang ganoong tao at halos parang walang kabuhay-buhay ang lugar, napakaganda ng lugar at napakaraming magandang spots rito na pwedeng tayuan ng mga stalls o shop pero walang tao dito pero nang makita niya ang nasabing lugar na tinatawag na Wind Fury Market ay tila sumaya ang loob nito. Ramdam niya kasi na napakarami ng tao sa loob ng palengke o nasabing pamilihan.

"Tama ako sa aking assumptions, nandito ang halos lahat ng tao at market day nila ngayon. Tama!" Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang inaasahan nito ang napakaraming tao papasok pa lamang nila sa nasabing pamilihan ng kaharian.

Napangisi na lamang ng makahulugan ang lalaking si Night Spider habang tinitingnan ang dalawang nilalang na kasama niyang papasok sa loob ng nasabing pamilihan. . Nakatago ang kaniyang totoong anyo sa maskarang suot-suot nito at wala na ang epekto ng Illusion Technique.

Nang papasok sila sa nasabing palengke kung saan ay iginiya nila ang kanilang mga paningin  ay doon natuod at nanlaki ang mata ng magandang dalagang si Li Jianxin at ng batang si Li Xiaolong. Tila ba mayroong kung anong bagay o emosyon ang nakapaloob sa kanilang mga isipan na nakumpirma.

"Huh, bakit po parang konti lamang ang gumagalang mga tao rito?" sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang napakakonti lamang ng mga gumagalang mga tao rito. Sa isipan niya ay parang napakaimposible naman atang walang halos na nakatira rito, iyon ang naiisip ng batang si Li Xiaolong na makitang halos walang gumagalang mga tao rito.

"Oo nga Night Spider, ano bang klaseng lugar ang Wind Fury Kingdom na ito at halos bakante ang mga lugar dito. Kulang ba sa mamamayan o mga nakatirang tao rito?!" Nagtatakang sambit rin ng magandang dalagang si Li Jianxin. Hindi siya makapaniwala na halos walang mga taong gumagala rito at napakaganda ng mga lugar rito. Napakalinis tingnan ng kapaligiran rito at masasabing wapa ring polusyon o mga basura sa paligid ng palengke dahil yung tipong masasabing palengke ba ito. Walang kalat at tanging tuyong mga dahon ng mga nangalaglag sa mga sanga ng puno ang nalalaglag at tinatangay ng hangin.

"Hahahaha... Ano bang inaasahan niyo sa kaharian namin. May kaniya-kaniyang batas na sinusunod rito at disiplinado ang lahat ng mamamayan rito kaya ganon lamang kaiba sa ibang mga kaharian." Simpleng sagot lamang ng lalaking si Night Spider habang naglalakad pa rin papasok ng palengke.

"Ah ganon po hehe... Talagang ibang-iba pala ang Wind Fury Kingdom sa ibang mga kaharian kung gayon hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakasunod pa rin sa direksyong tinatahak ng lalaking si Night Spider.

"Oo nga pala hehe... Normal lang talaga ang bagay na iyon dahil nakadepende iyon sa pamunuan ng bawat kaharian. Tunay na nakakamangha ng lugar na ito dahil napakatahimik at walang anumang nakakalat. Pero matanong ko nga Night Spider kung ano ang kabuhayan ng mga tao rito? Kung ganito kadalang ang mga gumagalang tao rito ay malamang na walang kabuhayan ang uunlad dito hehehe..." Awkward na sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin lalo na sa tanong nito sa huli. Napatawa lamang siya ng mahina sa huli sahil hindi niya alam kung ano ang emosyong dapat niya ipakita dahil masyadong personal itong sinasabi o tinatanong niya given na tagalabas siya at isang estranghero sa Wind Fury Kingdom.

"Ah eh... Hindi naman nabubuhay ang mga tao rito sa pangkabuhayan kagaya ng pagtitinda ng mga pagkain o bagay rito. Isipin niyo nalang na mas mahirap ang pamumuhay rito." Patay malisyang sambit ni Night Spider sa tanong at labis na pagtataka ng mga ito.

"Oo nga naman noh. Talagang mahirap sa lugar na ito Hehe..." Ito na lamang ang nasabi ng magandang dalagang si Li Jianxin. Alam niyang iniiwasan ng lalaking si Night Spider ang mga sensitibong mga bagay. Isa pa ay isa lamang siyang estranghero o bisita rito dahil wala rin naman siyang mapapala sa mga tanong niyang ito.

Nakita ng dalagang si Li Jianxin na abala ang batang si Li Xiaolong sa paglilibot ng mata nito sa bawat dinaraanan nila. Tunay ngang napakaganda ng lugar na ito.

Hindi na sumagot pa si Night Spider sa sinabi ng dalagang si Li Jianxin at ipinagpatuloy lamang ang paglakad nito habang nakasunod ang nasabing dalaga maging ang batang si Li Xiaolong na nakasakay sa ibabaw ng kabayo.

Naglakbay sila ng tahimik at walang naging usapan dahil abala rin sa paglibot ng pares ng mata ang magandang dalagang si Li Jianxin at ang kanina pang nag-oobserbang si Li Xiaolong.

Marami pa silang nadaanan na mga lugar at masasabi ng batang si Li Xiaolong na ang lugar na ito ay walang kahit na ano'ng polusyon na makikita sa hangin dahil napakasariwa nito. Ang tanging napansin lang nito ay ang paliit ng paliit ng mga daraanan at napakaeaming pagpipiliang ruta at direksyon sa bawat bangketa at sulok na nadaanan nila.

Ilang oras din ang ginugol nila at nakapagpahinga sila bago pa sila pumasok sa teritoryo ng Wind Fury Kingdom. Isa pa ay isa rin itong physical training para sa batang si Li Xiaolong.

Alam din ng lalaking si Night Spider at ang magandang dalagang si Li Jianxin na nag-eensayo mag-isa ang batang si Li Xiaolong ngunit namangha pa rin sila sa batang ito sapagkat nagawa nitong maglakbay ng malayo ngunit ng maisip nilang nakasakay pala ito sa ibabaw ng kabayo ay natawa na lamang sila sa kanilang sarili. Nauto ata sila ng sarili nilang kalikutan ng pag-iisip.