When it rains it pours. Nagmamadali akong pumasok sa bahay kasi inabot ako ng ulan pauwi galing sa University na pinapasukan ko. Di kasi sinasagot ni Mommy yung tawag ko para magpasundo. Naisip ko baka nakatulog.
I took a quick hot bath at nag robe ako. Tinanong ko kay Manang kung nasan si Mom at aayain kong mag dinner. "Di pa lumalabas ng kwarto kanina pa si Mommy mo. Tumawag Daddy mo kanina e..baka nag away..."
Kumatok ako sa kwarto nya. Di sya sumasagot kaya binuksan ko na lang at pumasok. I saw her sitting sa tabi ng bintana, may hawak na wine glass. Tumutulo lang ang luha silently. "Mom..." sabi ko kinuha ko at nilapag ang baso nya. "Your dad wants an annulment.." sabi nya. Nagulat ako sa narinig ko. Si Daddy na sobrang mahal kami..na kami daw ni Mom ang buhay nya..si Dad na inispoiled kami for as long as I can recall...I wanted to ask her kung tinutukoy nya is the same person. "Wait...what? Sigurado ka po ba? Baka naman.." Di ko na naituloy. Umiyak na sya ng umiyak. "Gusto nya daw pakasalan yung girlfriend nya sa US. Gusto nya daw malinis..yung wala syang poproblemahin dito..." Huminto ang mundo ko. Di ako makapaniwala. Nangako sya sa amin na huling contract na nya yun sa US tapos nun e mag nenegosyo na lang sya dito sa Pinas para makasama kami. "Wag daw ako mag alala at di nya pa rin tayo papabayaan. Sya pa rin daw ang bahala sa finances natin lalo na sa pag aaral mo..." Niyakap ko ng mahigpit si Mommy. Alam ko kasi baka di nya kayanin. She loved Dad so much na baka kung mapano sya.
I had to be strong for both of us. Sinikap kong divert ang atensyon ko sa pag aaral. Lahat ng pwedeng pagka busyhan ginawa ko. Pati pagtulong sa mga raket ni Gelay. Gusto kong patunayan na kaya ko, namin mag ina kahit kami lang. Si mom kabaligtaran ang nangyari. Araw at gabi lagi syang nag iinom ng alak. Nagkukulong sa kwarto. Sinubukan kong alalayan sya. Hanggang sa kinailangan na nya ng medical help dahil sa pagiging alcoholic. Pati relasyon namin nagbago. "Stop cooking for me Anne..di naman yan maibabalik ang Daddy mo sa atin e...Tigilan mo na yang kakaluto ng kung ano ano. You'll never be as good as your Dad! In fact, stop taking care of me..kaya ko sarili ko! " lagi nyang sigaw sa akin. I stopped cooking eversince. Tinabangan ako pati sa buhay. Di ko makaya na pati relationship namin ni Mom e nasisira.
I wanted to call him one night. Kilala naman dib kasi nya parents ko eversince naging kami nung high school. I called his number sumagot sya.."Hello? hello? Who's this?" Di nya alam ang number ko. Nagpalit kasi ako ng number nung magkahiwalay kami. I just wanted to hear his voice again. Di ako nagsalita. Basta na lang tumulo ang luha sa mata ko. "Hello? Anne?...Anne please say it's you..." I curled up in bed with the phone on my ear. "I'm just here...it's going to be ok..." sabi nya. I had to hang up bago nya marinig ang hagulgol ko.
Lumipas ang isang taon. Lumala ang relationship namin ni Mommy. Kahit pilit kong nilalapit ang sarili ko sa kanya she keeps pushing me away. Dumating ang graduation day ko. Ako lang yata ang walang parent na kasama, okay lang sabi ko sa sarili ko. I had Gelay naman and yung family nya. I celebrated with them sa bahay nila, since adopted child daw ako ng parents nya. Kahit na lima na ang anak nila at panganay si Gelay, ako daw yung bunso. I really felt like part ako ng maingay at magulo nilang pamilya. Something na di ko nakasanayan kasi only child nga ako.
I spent the night sa bahay ni Gelay since ayaw na nila ako pauwiin kasi late na at baka mapano pa ko daan. Grabe kasi ang celebration nila at naka graduate ang panganay nilang anak. Papunta na ko sa kwarto ko ng makasalubong ko ang isang lalaki na palabas ng room ni Mommy. Inaayos nya ang polo nyang gusot. "Tito Ben?" sabi ko. Nagitla ako at mukhang dun sa natulog sa kwarto ng nanay ko. "Oh..hhi Anne...I'm sorry I have to go.." Nagmamadali syang umalis pagkatapos nyang icheck ang wrist watch nya. Kumatok ako sa kwarto ni Mom. "A..Anne, ikaw ba yan anak? Wait I'm.." Di ko na naintay at di ko na mapigilan ang galit sa loob ko kaya pumasok ako. I saw her barely dressed. "Mommy! Oh my gosh...si Tito Ben??! Kaibigan nyo ni Dad yun...ninong ko pa! May pamilya sya Ma!" nasabi ko sa pagkabigla. "Maghihiwalay na daw sila Anne..." lalo akong nagalit sa sinabi nya. "Mom, naisip mo ba si tita Helen? Sila kuya Andrew at Blessie? Oh my gosh...naisip mo ba na ginawa yun sa atin ni Daddy tapos gagawin mo sa iba?" Tinulak nya ko palabas ng kwarto nya "Wag mo syang maikumpara sa tatay mong walang hiya! Iba sya! Get out of my room..now!" Sigaw nya.
Lumayo ako sa kwarto nya kasabay ng tuluyang paglayong loob ko sa kanya.
Pinilit ko pa ding maging normal ang lahat. As a christian, nagdasal ako lalo ng maigi at nagsimba gaya ng kinalakihan ko sa mga parents ko noon. One Sunday nakita ko sa simbahan ang pamilya ni Tito Ben. Nasa isa pew sila Tita Helen, kuya Andrew at Blessie...wala si Tito Ben. Di kagaya noon na pag nagsisimba kami ng family ko lagi namin sila nakikita na buo at masaya. Eto sila ngayon walang padre de pamilya. Sobrang naguilty ako kasi alam ko ang dahilan noon kaya di ko napigilan lumapit sa kanila pagkatapos ng mass. "Tita..." yun lang ang nasabi ko bago sya mistulang nasilaban. "Get away from us! O baka naman kasing kapal na din ng mukha ng nanay mo ang mukha mo?!" halos tabigin nya ako sa galit. "Tita I'm so sorry po..ako na po ang humihingi ng dispensa.." hinarang ako ni Blessie "Bingi ka ba?! Go away!" sigaw nito.
Si Blessie na di makabasag pinggan. Si Blessie na tahimik at nerdy eto sya ngayon at palaban. "I'm sorry Bless...kuya Andrew..." humarap ako sa kapatid nito na naging parang kuya ko na din for as long as I can remember. "Just stay away Anne...kulang pa ba yung kahihiyan na dinulot ng family mo?Tingnan mo o..pinagtitinginan na tayo ng mga tao..." Tumingin ako sa nasa paligid sa mga taong nagbubulungan. Nanliit ako. Tumalikod na sila at umalis.
I considered them as my extended family. Si Blessie na kasing age ko na lagi kong inaayusan noon kasi laging nabubully sa looks nya. Si kuya Andrew na ako daw ang tunay nyang kapatid kasi magkasundo kami ng husto at kabaligtaran sya ni Blessie na timid. We practically grew up together. Yung parents namin ay sobrang close na halos every weekend nag didinner kami ng sama sama. Lahat ng yun nasayang. Lahat ng yun napalitan ng galit.
Mabilis din kumalat ang tsismis about Tito Ben at ni Mom. Marami kasi silang common friends at kasamahan sa clubs na magkakakilala. Dun ko din naranasan na itago at ikahiya ng isang anak ng common friend ng parents ko na si Jeff nung pinagbigyan ko sya na lumabas kami. "Anne, dun na lang tayo sa South mag dinner ha?" Baka kasi may makakita sa atin sabihin pa sa parents ko..ayoko lang ng tsismis..kasi alam mo na..yung mom mo.." nagpanting ang tenga ko. " E gago ka pala e! Mag hang out ka mag isa mo!" sabay bagsak ko pasara ng pintuan ng kotse nya. After that sinabi ko na sa sarili ko na never na ko mag try mag date uli.
Lumipas ang ilang months, nag work na ako sa isang international airlines Manila office. While si Gelay naman walang tigil na naghahanap ng work abroad. Hanggang isang araw, "Bes, dumating na yung job offer ko sa US.." nalungkot ako ng sobra. Imagine yung kaisa isang tao na kinakapitan ko e aalis pa. "Gelay naman e...pati ba naman ikaw..iiwan mo pa ako?" lambing ko. "Bes, sensya na ha. Ayaw naman din kita iwan e..kaya lang lamo na..may 4 pa ko na kapatid na nag aaral..kailangan ko ding tulungan sila Mama.." Naintindihan ko naman, sobrang nalungkot lang ako kasi parang lahat na lang ng tao iniiwan ako..ganun ang pakiramdam. "E kung sumama ka na lang sa akin sa US? Andun naman tatay mo..baka matulungan ka.." Di ako kumibo. Iniiwasan ko kasi sa lahat ay yung lumapit pa sa kanya. He is the reason kung bakit miserable ako ngayon after all.
Habang papalapit ang pag alis ni Gelay, lalo akong nalulungkot. Feeling ko sunod sunod naman na kamalasan ang inaabot ko. One day I decided na lunukin ang pride ko at tawagan sya. "Anne anak! Salamat at tumawag ka. Matagal na din kitang sinusubukang tawagan e kaso sabi ni Manang busy ka sa trabaho. How are you? How's my baby girl? Pasensya ka na at sobrang natutuwa talaga ko na narinig ko uli ang boses mo anak.." Ewan ko pero wala akong maramdaman na kahit ano sa kanya. Naparalyze na yata ng galit ang puso ko. "Dad di ako tumawag para mangamusta. I just called kasi desperate na ko...I need to get a job in the US...ayoko na magstay dito sa Pilipinas". sumagot sya agad. "Ikaw lang naman ang hinihintay ko anak e..matagal na kitang gustong kunin dito sa California. Gusto na kitang makasama anak..alam kong nahihirapan ka na sa mommy mo...nabalitaan ko.." Pinutol ko agad sya sa mga sinasabi nya at di ko na nagugustuhan. "Di po ako pupunta dyan para makasama kayo...and I want to stay sa Jersey. I just want to start a new life. Tell me if you can help me coz if not I will find a way myself.." sagot ko sa kanya. Di ko pa nasagot ng ganun si Dad kahit kelan pero nagawa ko dahil sa matagal kong kinimkim na galit. "Of course anak. Pasensya ka na, lamo kasi iniisip ko na baby pa din kita..nakalimutan kong adult ka na nga pala. Oo naman tutulungan kita. May naging business partner ako sa Jersey city, I'm sure matutulungan ka nya. Aayusin ko yung papers mo dito para magka green card ka..."
Nauna si Gelay ng umalis sa akin ng ilang buwan. It was the longest months of my life. Itinuon ko sarili ko sa pag aayos ng papers ko para mabilis na makaalis. Pagdating ko sa US may apartment ng nakuha si Gelay para sa amin. Nag work sya sa isang 5 star hotel as a Pastry chef kung saan nya nakilala si Bruno nung maging guest ito doon. Binalik balikan sya ni Bruno para ligawan pero ayaw sya pansinin ni Gelay. May iniwan kasi itong bf sa Pinas ilang buwan bago kami umalis. Ayun, after 2 months na LDR (long distance relationship) sila, di na nagparamdam at pinalitan na sya. Di daw kaya ng malayo sya ng damuho. Nagtyaga si Bruno na alamin kung paano manligaw ang pinoy. Niligawan nya lahat ng mahal sa buhay ni Gelay to the point na bumisita ito sa Pinas para hingin ang kamay ni Gelay kaya naman isang taon pa lang sila ay nagpakasal na. Naisip ko na napaka swerte talaga ng kaibigan ko. She is really blessed for being an angel sa mga mahal nya sa buhay even sa akin.
Nagtrabaho naman ako sa business ng kaibigan ni Dad ng isang taon until makapasok ako sa isang International Airlines bilang Flight Attendant. Nadiscover ko kasi na may fascination ako sa pag travel. Bawat flights iba iba ang nakakasama ko halos sa trabaho, iba ibang lugar napupuntahan ko. I also find liberating ang paglipad, after ng flight kasi tapos na, ibang destinasyon naman sa susunod, ibang mga tao, walang permanent..walang commitment. Perfect for the set up na gusto ko. Pag walang commitment kasi walang expectations. Walang masasaktan. Just like everything else life.
And then I met Juro. It was instant attraction for both of us. I mean who wouldn't fall for his very manly features - yung chistled jaw, brooding eyes, tall and fit physique. He is a manly man though, di sya sweet sa harap ng ibang tao. Kunwari di patay na patay sayo. Yung tipong di ka daw miss at napadaan lang daw sa place of work mo kasi may dinaanan kahit na 2 hours driving yun mula sa work at apartment nya. Yung tipong biglang nagcrave daw ng filipino food kaya nagluto pero di nya kinakain at nagkataon na paborito mo. Yung tipong pag nag aaway kayo at gusto mo ng hiwalayan e ayaw nya kasi pano na daw ako sino mag aalaga sa akin at sya pa tong umiiyak. Yung tipong yayakapin ka magdamag hanggang makatulog ka kasi baka daw ginawin ka...that's Juro.
Sabi nya mas reasonable naman daw na magsama kami sa isang apartment since lagi naman kami magkasama. At first ayoko kasi I was enjoying having a place of my own since nag move out si Gelay nung mag asawa. EventuaIly kakakulit nya sa akin I gave in. Sabi nya I can move out whenever I want naman kung mahirapan ako sa set up. Naisip ko na ok naman din since palagi naman akong may flight kaya I will still have my independence in a sense. We got a bigger condo unit with 2 bedrooms unlike dun sa studio type na tinirahan namin ni Gelay. We both have decent jobs kaya we were able to afford na tumira sa upper class neighborhood sa Jersey.
It was a sweet year and a half of hot romance, laughter and kilig moments. I discovered a lot of my intimate side because of him. There came a time when I thought I was pregnant and it scared me. So I decided to do birth control. Di ko pinaalam kay Juro..magffreak out na naman yun. I just was not ready.
And like all honeymoons the time came that we both woke up to reality. I found out na temperamental sya, na little things could tic him off. Isa yun sa mga reasons na I did not agree when he suggested we should get married. He hated the fact na lagi ko namang iniiwasan ang ganung topic. I felt na its too soon, na maybe we should try to get along well muna and accept each other's flaws. That we could be together but have our freedom in a sense. And marriage will not give us that.