I exited the elevator. Hila hila ko ang bagahe ko from my flight sa London. 5 days din ako nawala. From the hallway pa lang I can smell the BBQ that Juro is grilling sa deck ng unit namin. I went in our unit and there I saw him holding a tong on his one hand, a bottle of beer sa kabilang kamay. He was smiling contentedly looking at his cooking. I came closer to greet him. "Oh there she is...this is my girlfriend Tonie.." pakilala nya sa akin. May pala sya sa veranda. I kissed him on the cheek. I turned around and got the shock of my life. "Tonie, this is Kenneth Alvarez. He is our new Architect in our firm.." Nagitla ako. Paanong nangyaring andito sya ngayon sa harapan ko? Inabot nya ang kamay nya para kamayan ako "Please...call me Ken.." Tinitigan ko ang kamay nya. Di ko maintindihan kung kakamayan ko o hindi. "Pasensya ka na sa girlfriend ko Ken, she's tired from her flight." Tumango lang si Ken. "Nice to meet you... Sorry guys, you have to excuse me". Tumalikod ako at umalis.
I took a cold shower instead na warm bath na lagi kong ginagawa pagkagaling sa trabaho. Gusto kong magising ang diwa ko at baka namamalik mata ako o nananaginip ng masama. "What is he doing here?" tanong ko sa sarili ko. Bumalik sa isip ko yung last na pagkikita namin sa Dubai...
Hinatid nya ko sa hotel na tutuluyan ko for 3 days. After ng lunch namin sa airport, di ko malaman kung bloated ako sa flight o nabusog ako ng husto o sadyang may butterflies pa rin ako sa stomach pag kasama sya. Di ko maintindihan. Ilang taon na nakakalipas Anne..stop it. Sabi ko sa sarili ko.
"Until kelan ka dito?" tanong nya pagpasok namin sa hotel lobby. "Hanggang 28 lang ako." Natigilan sya. "Three days lang? Shoot.." sabi nya ng may panghihinayang. "Sana matagal ka pa...Nira rush kasi namin yung trabaho sa airport kaya di ako makakapag off ng biglaan.." "That's ok. maybe next time. Malay mo magka flight uli ako dito...we can catch up then.." sabi ko para putulin ang pagrarason nya. "It's really nice to see you again Kenneth...I have to go.." at tumalikod ako. "Anne..." Nilingon ko sya ng bahagya, ayoko kasing makita nya ang mukha kong naiinis sa nararamdaman ko. "Yes?" "Pwede ba kitang maaya na lumabas bago ka manlang umalis?" napahawak sya sa batok. "Ssure...you know the number dito sa hotel di ba? Just call me.." nginitian ko sya ng pilit. Tumango lang sya. Tumalikod na ako at umakyat sa room ko.
Lumipas ang 2 araw. Wala akong narinig mula sa kanya. "Come and explore the city with us! You can't just stay inside your room the whole day Anne!" sabi ng mga ka co crew ko dahil 2 days na din ayokong umalis ng hotel at baka tumawag sya. "Nakakainis ka na talaga Anne, umaasa ka pa...di na yun tatawag..magmumukha ka na namang tanga.." sabi ko sa sarili ko. Nag ayos ako at lumabas kasama ang mga katrabaho ko. Di naman nakakapag sisi at maganda talaga ang Dubai. Maghapon kaming naggala at kinabukasan na ang balik namin sa NJ. Pagbalik namin dumiretso ako agad sa front desk kung may nag iwan ng message sa kin. "Sorry Ms. Del Rosario..I did not receive any calls for you.." sabi ng concierge.
I have to admit I was disappointed. Wala naman syang kasalanan..ako lang naman tong umaasa.
Kinabukasan, maaga kaming dumating sa airport para hintayin ang briefing ng kapitan. Hindi ko maiwasan na gumala ang mga mata kong parang may hinahanap. "Tonie..are you ok?" tanong ng kapitan sa akin. "Yyes Captain...sorry.." Nag announce na ang supervisor para pumasok kami sa eroplano. Tumayo ako hila hila ang trolley bag ko ng may narinig ako..."Please I just need to talk to my friend before she leaves..." lumingon ako at nakita ko si Ken..piniligilan ng ground staff na pumasok sa departure gate. "Sir you are not allowed to go in if you're not a passenger...If you insist I will call security". Nilapitan ko sila. "It's ok I will go out, I know him.." sabi ko sa ground staff habang papalabas ako. "Ken..are you crazy? Baka mapapulis ka pa dito." "Anne...I just want you to know na..." naputol ang sasabihin nya ng dumating ang supervisor ko."Tonie, we have to go. You can't be out here for long..we will be boarding soon.." Tumango lang ako. "Ken I'm sorry I have to go". at tumalikod na ko. Habang papalakad ako papunta sa gate..naaaninag ko sa salamin sa harapan ko na andun sya, nakatanaw sa akin sa likuran ko. Nag take off ang flight namin...napabuntong hininga lang ako. Some things never change. He always make a fool out of me.
Lumabas ako ng shower. Nagbihis. Inisip ko na paglabas ko wala sya dun. Na hindi sya yun. "Ang tagal mo naman sa shower..kala ko nalunod ka na e!" asar ni Juro sa akin paglabas ko ng kwarto. Andun pa rin sya sa veranda namin nakatanaw sa malayo, kahit nakatalikod kilalang kilala ko. Si Ken nga. "Let's have dinner..." alok ni Juro at pumasok sa loob si Ken. He looked at me. I looked away. Nakaset na ang table kaya umupo na lang kami para kumain. "Alam mo babe, itong si Ken came from a prestigous company in Dubai..Dubai..di ba galing ka dun 3 months ago?" medyo nabilaukan ako sa sinabi nya. "Anyway, maganda ang portfolio nya kaya di nagdalawang isip ang company para i-hire sya from there.." tahimik lang ako. Di ko malasahan ang kinakain ko. "I just got lucky". tipid na sagot ni Ken habang nakatingin sa amin ni Ken. Dinagdagan ni Juro ang plato ko ng pagkain. He was always like that, maasikaso. "I'm full..I am just going to take a nap. Please excuse me.." tumayo na ako. "Hey babe..are you not going to join us celebrate? We got a fellow pinoy sa company finally!" umiling ako. "No you guys enjoy. I'm sorry I'm tired..."
Nahiga ako pero di ako makatulog kahit pagod na pagod ang katawan ko. Ayaw akong patulugin ng isip ko. "Is this just a coincidence? Bakit ganito magbiro ang tadhana?" tanong ko sa isip ko ng paulit ulit. Finally natalo din ng antok ko ang isip ko. Nagising ako and I looked at the clock..it's past 2am. I looked beside me. Wala pa si Juro sa tabi ko. I can see through our bedroom door na bukas pa ang ilaw sa dining at veranda namin. I went out para sana magligpit. I saw Ken sitting. Right across nya ay si Juro, nakatulog na sa pagkalasing. Di talaga sya sanay mag inom ng madami kasi nga ay health conscious. "What are you still doing here?" tanong ko kay Ken. "I can't leave him like that..besides di naman kita gustong gisingin at alam kong pagod ka. Pasensya na naparami ang inom yata.." Nagtry ako gisingin si Juro pero lasing na lasing ito. Inakay ko sya at tumulong si Ken na maipasok namin si Ken sa kwarto namin. He's a big guy kaya ng ilapag namin sa kama ay muntik na kaming madala. Nagkalapit ang mukha namin. Nagkatitigan kami. I had to stop myself so I went outside the room. Sumunod sya. He helped me clean the place. "Anne...I just want you to know na..." Pinutol ko ang sasabihin nya. Ayoko ng marinig. I mean, what's the point di ba. "Ken, I don't want to hear it..I don't know why you are here and I don't want to know..." Tinapos namin ang paglilinis kahit di kami nag uusap the whole time. "Thank you..you can go now.." sabi ko. Lumapit sya sa akin. Tinitigan nya ko na para akong matutunaw. He placed his one hand sa pintuan ng guest room kung saan ako nakatayo. Naramdaman ko na lang na lumapat ang labi nya sa akin. Napabukas ang pintuan ng kwarto sa pag lapat ng katawan nya sa akin. All of a sudden nasa loob na kami ng guest room. Para akong nalulunod sa halik at yakap nya. Ako at sya lang sa loob ng madilim na kwarto habang ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko na parang sasabog. Kung gugustuhin namin ay may mangyayari ng sandaling iyon. "Anong ginagawa mo Anne?" sabi ko sa sarili ko..then I pulled away.
Iniwan ko sya sa kwarto at nagmadali akong pumasok sa kwarto namin ni Juro. Tulog na tulog ito. Sobra akong na guilty. Humiga ako sa tabi nya. I got his arms to wrap around me. This is where I belong sabi ko sa sarili ko. This is the man I love now. He hugged me tighter and burried his face on the hair in my nape.
The next day I woke up to make coffee and maybe prepare some fruits para kay Juro. Tulog na tulog pa din ito. He is usually an early riser pero dahil sa kalasingan ay napaka himbing pa ang tulog. I started to make coffee . Biglang may lumabas mula sa guest room. "What are you still doing here?" sabi ko kay Ken. "Pasensya na...medyo tipsy na din ako last night kaya dito na ko natulog. Aalis na din ako pagka gising ni Juro." I just can't stand seeing him any longer. Una naiinis ako at nagpakita pa ito sa akin, pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari kagabi. "Why don't you leave now..sasabihin ko na lang sa kanya na nakaalis ka na.." sabi ko ng di tumitingin sa kanya. Lumabas sa kwarto ang kakagising lang na si Juro. "Good morning guys...I'm so sorry I had too much to drink last night." Lumapit sya sa akin at hinawakan ang bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. He kissed me on the lips. Nagulat ako. For the first time in our relationship ngayon lang sya nagpakita ng affection sa akin sa harap ng ibang tao. "It's good you stayed here tonight kagaya ng sabi ko sayo. Madami ka din nainom e baka di mo kayang mag drive." sabi nya kay Ken. "Thank you pare..since you're awake now, I'm going.." sabi ni Ken at naghanda ng umalis. "Wait I will cook breakfast for us, I make real mean protein breakfast pare..pantanggal ng hang over" pigil nito kay Ken. "Oh no I'm ok. Inalok na din ako ni Anne pero I said next time na lang. Nagmamadali din kasi ako." Tumawa ng malakas si Juro. "You mean si Tonie? itong si Tonie ni hindi makakapag fry ng itlog e...kaya nga spoiled sa akin to. I do the cooking here. Let's just say cooking is not part of her skill set." Nagulat si Ken. "Really? Well she looks like magaling syang magluto e. I notice her knife skills nung nagka cut sya ng fruits kanina." Napatingin sya sa akin na parang nagtatanong. "You know knife skills pare? Mukhang magaling ka din magluto ah. Magkakasundo tayo nyan." sumagot si Ken. "No not really. Familiar lang ako sa knife skills. I had an ex girlfriend before na gustong maging chef e. In fact magaling syang magluto naturally." Yumakap si Juro sa likuran ko. "Well not this one. Tonie is good in other things..not cooking though." Tiningnan ko sya sa inis ko. "It's funny you called her Anne...well she may look like an "Anne" pero alam mo ba na ang real name nya is actually..." Pinutol ko na ang usapan nila at baka kung san pa mapunta. "Will you stop talking about me like I'm not here?!" at hinawi ko ang braso nya sa pagkakayakap sa akin. "Wow! Talk about bad mood!" biro ni Juro. "Buti pa dun na lang tayo mag breakfast sa coffee shop sa baba Ken. I think my girlfriend needs more sleep. I'm off from work today anyway. I can take you around town. I can show you to places where really nice looking girls hang out..what do you say? Wala ka naman yatang girlfriend na naiwan sa Dubai di ba?" biro nito. "No hindi na pare. I have an appointment in an hour din e. I really need to go. Maybe next time." sabi ni Ken at lumapit na sa pintuan. "Ok then. If you insist. See you at work on Monday then."
As usual, pumunta si Juro sa gym to work out. While ako pumunta ako sa coffee shop ni Gelay. This is how we do our "me time". Gusto ko din makausap si Gelay para makapag vent out sa mga nangyari.
Bukas na ang coffee shop when I parked the car. Madami ng guests. I peaked inside sa glass window like I always do to check if I can go in that way or through the back door. I can't believe who I saw. It's Ken..again! nakaupo sya sa tapat ng counter. Yung spot na lagi kong inuupuan. Gelay was talking to him. Nagpuyos ang galit ko. Why is this guy everywhere where I go? I went in the shop ng padabog. "What are you doing here??" nagulat silang dalawa ni Gelay. Napatingin ako kay Gelay at pabalik kay Ken. "Wait...You two know each other?" "No..I just happen to see this shop. Di pa ko nagbbreakfast kaya nagdecide akong kumain muna dito. Didn't even know na kilala mo sya." Tukoy nito kay Gelay. "Ano ka ba? Di ba ito si Diether? Syempre kilala ko to sa mukha..lagi ko kayong nakikitang magkasama nung college di ba? Yung bago sya umalis.." Ewan ko kung ganun lang talaga di kasanay magsinungaling si Gelay o ganun ko lang talaga sya kakilala na alam ko kung kelan sya di nagsasabi ng totoo. "Yes pero you don't really know him personally di ba?" There is something fishy here, I thought. "I have to go. Thanks for the breakfast Gelay. It's nice to meet you.." He stood up and left.
I looked at Gelay straight in her eyes. Umiwas ito. "Ge...mag uusap tayo ha...not today but soon. You have to tell me what this is all about.." Tumango lang ito. "I'll get your coffee Bes.." at nagmamadali itong umalis.
Ilang beses ko pa nakita si Ken doon sa coffee shop ni Gelay. Di ako tumutuloy ng pasok kasi kailangan kong umiwas. For my own peace of mind. For my relationship with Juro's sake. What ever is the reason why he is here in Jersey, is something that I don't wanna know. Nagdecide ako na ibahin ang routine ng pagpunta ko sa shop ni Gelay para makaiwas. Instead na sa umaga, I started going there ng malapit ng magsara. Habang tumatagal din kasi mas lalong dumarami ang patrons nila. Magaling kasi talagang mag bake si Gelay at masarap ang barako-derived coffee nila, bukod pa sa hands on customer service skills ng mag asawa. Naisip ko na pag closing ako pupunta, makakatulong ako sa buntis kong bestfriend at mas may time na makakausap ko sya ng walang distractions.
"Bes, thank you talaga ha. Ang bigat na din kasi ng tyan ko e nahihirapan na din ako kumilos. Kahit may helpers kami dito e syempre iba yung may malasakit like you.." sabi ni Gelay habang naglalambing na yumakap sa bewang ko. "Hoy, Angela may utang ka sa akin ha." lingon ko sa kanya. "Ito naman, di ko naman kaya ang TF mo sa eroplano noh.." biro nito. "You know what I mean..." sabi ko.
Umupo sya sa isa sa silya ng guest table, nilapag ang freshly brewed coffee ko. "Lika nga dito Antonia. You deserve to know the truth kahit nangako ako na di ko sasabihin sayo..." Lumapit ako sa kanya at umupo. I sipped my coffee while I wait for her to continue.
*****
"Ikaw ba si Angela? Yung friend ni Anne? Ako nga pala si Kenneth.." sabi nito habang inaabot ang kamay. Parang sadyang inabangan sya nito palabas galing sa University nila. "Kilala kita...Ikaw yung ex ni Antonia di ba? Gelay na lang.." Tumango lang si Ken. "Matagal na kitang gustong makausap. I just want to know kung kamusta na sya." Bumuntong hininga si Gelay. "Bakit di sya mismo ang kamustahin mo Ken? Sobrang daming problema ng kaibigan ko ngayon. Pati ang relationship nila ng mommy nya e nasisira." "Nababalitaan ko ang lahat ng nangyayari sa kanya. Kaya nga inalam ko kung sino ka. Alam kong ikaw ang closest sa kanya ngayon. Pwede bang makiusap na alagaan mo sya? May mga tinatapos lang ako. Pag ok na ang lahat, babalikan ko sya. Kasi kung ngayon ko gagawin yun mas lalong madaragdagan yung mga problema nya." Humarap si Gelay sa kanya. "Mahal mo pa ba si Anne?" sumagot agad ito. "Sobra." "Kung ganon e balikan mo na sya. Kailangan ka nya Ken. Konti na lang ang mga taong nakakapitan nya ngayon. Nakaka awa na ang kaibigan ko." yumuko si Ken. "Di ko pa kaya ngayon e..ayokong makadagdag. Di ko pa sya kayang panindigan kasi pag ginawa ko yun baka lalo lang syang mahirapan." Lumapit si Gelay sa harapan nya. "Sana hindi pa huli pag ready ka na...sana ikaw pa rin ang kailangan nya." Hindi nakasagot si Ken. Kahit gaano pa kasi nya kamahal si Anne ay kailangan nya tong tiisin para sa kinabukasan nila...
Pangalawa sa tatlong anak si Ken. Batikan na Lawyer ang tatay nya na naging gobernador at Doktora naman ang nanay nya. Si Chris ang panganay nila ay sinundan ang yapak ng ama at nag aral ng law at naging bar top notcher. Mataas kasi ang pangarap ng mag asawa sa mga anak nitong lalaki. "Ayaw mong maging lawyer..ayaw mong maging doktor..so anong plano mo sa buhay Kenneth?! Puro ka girlfriend! Baka makabuntis ka ng maaga nyan! Tingnan mo ang kuya mo? Bakit di ka gumaya sa kanya?? Seryoso sa buhay! Malayo mararating! E ikaw? Puro ka Anne! Ang babae madami yan! Marami ka pang makikilala pag naging successful ka na! Dapat ang pipiliin mo e yung babaeng successful din na iimpluwensyahan ka para maabot mo ang success. Hindi yung pareho kayong walang direksyon sa buhay! Look at me and your mom...I mean, will you consider being a chef a real career?" nagalit si Ken sa ama. "Dad! Ako na lang po ang insultuhin nyo.Wag na po si Anne. Nagsisikap naman po ako sa pag aaral. Lumipat nga po ako ng school kasi yun ang gusto nyo. Wala lang po talaga akong hilig sa law o sa medicine." lalong nagalit ang ama. "Sinasabi ko sayo Kenneth ha...pag di mo hiniwalayan yang girlfriend mo wag mo na ko ituring na ama! At wag na wag ka na ring makauwi dito sa pamamahay ko!" Nag walk out si Ken sa galit. Paano sya mamimili sa babaeng mahal nya at sa kinabukasan nila. Pero buo ang desisyon nya. Ipaglalaban nya ang relasyon nila kahit anong mangyari. Makikita ng ama nya makukuha nila ang pangarap nila ng magkasama. Pero di naging madali iyon...